Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2022
Itsura
Nobyembre 2022
[baguhin ang wikitext]- ... na ang Esmeraldang Buddha, ang paladyo ng Taylandiya, ay nagpalipat-lipat ng kinaroroonan gaya ng Wat Chedi Luang sa Chiang Mai at Wat Arun sa Thonburi bago sa kasalukuyang tahanan nito sa Wat Phra Kaew sa loob ng Dakilang Palasyo ng Bangkok?
Oktubre 2022
[baguhin ang wikitext]- ... na ang mga bahay-tindahan sa Barrio Tsino, Singapur ay kakikitaan ng mga haluang arkitekturang Baroko at Victoriana?
- ... na sa magkakasunod na taong 2021 at 2022, ang Pandaigdigang Paliparang Hamad sa Doha, Qatar ay ginawaran bilang pinakamahusay na paliparan sa buong daigdig?
- ... na ang estasyong Amsterdam Centraal ng Amsterdam ay ang ikalawang pinakaabalang estasyong daambakal sa buong Olanda matapos ng Utrecht Centraal?
- ... na ang arkitekturang Sino-Portuges ay laganap sa mga makasaysayang pamayamanan ng mga nandarayuhang Tsino gaya ng Lumang Phuket, Singapur, at George Town?
Setyembre 2022
[baguhin ang wikitext]- ... na matatagpuan sa lungsod ng Wuppertal, Hilagang Renania-Westfalia, Alemanya ang Wuppertal Schwebebahn, isang halimbawa ng suspendidong daambakal na itinatag noong 1901?
Agosto 2022
[baguhin ang wikitext]- ... na, sa mga komuna (comune o munisipalidad) ng Italya, ang Atrani ang pinakamaliit sa lawak na 0.12 km2 (0.05 milya kuwadrado) habang ang Morterone ang may pinakamaliit na populasyon na may 31 naninirahan?
- ... na ang Potsdam, kabesera ngayon ng estado ng Brandeburgo, ay naging tirahan ng mga Prusong hari at Emperador ng Alemanya at kinakikitaan ng mga palasyo gaya ng Sanssouci?
Mayo 2022
[baguhin ang wikitext]- ... na pinanatili ni Ferdinand Marcos ang buong kapangyarihan bilang diktador kahit pa pormal na natanggal ang batas militar noong Enero 17, 1981?
- ... na nagbibigay ang akdang Sinaunang Panahon ng mga Hudyo ni Josefo kasama ang isa pang pangunahing akda, ang Digmaang Hudyo (De Bello Iudaico), ng mahalagang materyal para sa mga dalubhasa sa kasaysayan na nais maunawaan ang Hudaismo noong unang siglo CE at panahon ng sinaunang Kristiyanismo?
Pebrero 2022
[baguhin ang wikitext]- ... na para kay Mao Zedong, "ang mamatay para sa bayan ay mas matimbang kaysa Bundok Tai, ngunit ang magtrabaho para sa mga pasista at mamatay para sa mga mapagsamantala at mapang-api ay mas magaan kaysa isang balahibo"?
Enero 2022
[baguhin ang wikitext]- ... na ang Foiano della Chiana ay nagkaroon ng mga pader na hugis-puso noong 1480 matapos itong mapasailalim sa kapangyarihan ng Florencia?
- ...na muling tumaas ang bilang ng populasyon sa Pulo ng Babuyan simula noong bumaba ito noong Panahon ng Kastila?
- ...na maaari kang lumakbay sa taong 2046 gamit ang Wayback Machine?