Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Pagsasalinwika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wikipedia:Pagsasalinwika (pook))
For non-Tagalog speakers: you may leave messages and seek assistance at our Wikipedia:Help for Non-Tagalog Speakers (See also: WP:Embassy). If preferred, you can also leave article requests at Wikipedia:Article requests (kindly post topics alphabetically on that page).

Ito ang gabay sa pagsasalinwika ng mga pangalan ng mga pook at iba pang paksa mula sa Ingles, Kastila, ibang Wikipediang Pilipino, at mula sa mga dayuhang wika ng Wikipedia.

Sa kasalukuyan, marami nang gawi sa Pananagalog ngayon katulad ng maaari nating sabihing puristang pananagalog, malalim na pananagalog, mababaw na pananagalog, at karaniwang pananagalog. Gayon din, mayroorong makabagong pananagalog at makalumang pananagalog. Subalit mahalaga talaga na magkaunawaan o maintindihan ang mga talata, talataan, tuludtod, taludturan, pangungusap, at mga katulad, na itinagalog, kaya mahalaga ring maikawing ang lathalain o artikulo at mga salitang ginagamit sa mga artikulo patungo sa mga pahina ng mga tunay at tamang katawagan sa wikang Tagalog. Sa gawing ganito, nilalayong maituro sa mambabasa at sa ibang mga Wikipedista (kapiling ang sumulat ng artikulo) sa tama at dapat na gamiting mga salita, pananalita, pamagat at iba pa. At para din maiwasan ang mga artikulong may Pananagalog na bagaman naisalin ay hindi naman maunawaan ng mga mambabasa. Kaya madiin ding iminimungkahi ng Wikipediang to ang paggamit nang tama at hustong Tagalog (tama at tanggap nating bersiyon sa Tagalog sa Wikipediang ito) at pagbatay sa palabaybayan at panuntunan ng Komisyon ng Wikang Filipino (1987, 2009 at 2013), bagaman may bahagyang pagkakaiba ayon sa aktuwal na paggamit sa Tagalog Wikipedia (Wikipedia:Patungkol). Dahil sa mga nabanggit na ito, masasabing nilalayon ang pagkakaroon ng Makabagong Pamantayang Wikang Tagalog (o matatawag ding ensiklopedikong Tagalog na pang-Wikipedia), at makatutulong ito sa pagpapaunlad - tuwiran man o hindi - ng pagpapaunlad ng iba pang mga Wikang Pilipino at sa pagkakaroon ng tunay at matatag na Wikang Filipino (o isang Pamantayang Wikang Filipino).

Isinasagawa rin ang pagsasalinwika sapagkat may kakayahan ang Wikang Tagalog bigyan ng mga katumbas ang mga salitang banyaga o nagmula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas, lalo na kung pagtutuonan ng sapat na pansin at pag-uukulan ng nararapat na pagtitiyaga.

Narito ang mga gabay na patakaran, pamantayan, at panuntunan:

  1. Sa pangkalahatan, gamitin ang katumbas na salita, katawagan, o pangalan sa wikang Tagalog para sa pamagat ng pahina at pangalan ng artikulo (partikular na sa pambungad). Piliting huwag manghiram kung may katumbas sa Tagalog. Tahasang gamitin ang alam mo o sa tingin mong tawag nito sa Tagalog.
  2. Manghiram lamang kung wala talagang mahanap na katumbas sa Tagalog o kung hindi alam ang katumbas sa Tagalog. Partikular ang mga teknikal na salita na kahit maaring mayroon literal na salin ay hindi naangkop na isalin. Iwasan din ang mga salitang inimbento o neolohismo na hindi laganap na ginamit (tulad ng sipnayan). Maaring hindi na kailangan manghiram kung laganap na itong ginagamit sa panitikan o sa pang-araw-araw na gamit kahit pa na mula pa ito sa naimbentong salita (tulad ng salitang agham). Siguraduhin din na kung hindi manghihiram, maiintindihan dapat ang Tinagalog na salita. Kung hindi maintindihan sa unang basa ang di-hiniram na mga pananalita, manghiram na lamang. Halimbawa, ang pisikang katawagan na dark matter, kapag isinalin ito bilang "bagay na madilim", hindi ito maiintindihan sa unang basa, kaya, manghiram na lamang.
  3. Kadalasan sa paghihiram, mas angkop ang hinango mula sa wikang Kastila kaysa sa wikang Ingles. Halimbawa, mas magandang mabasa ang hinangong salitang Kastila na "pilosopiya" kaysa sa hinangong salitang Ingles na "pilosopi". Bagaman, may mga pagkakataon na mas angkop na manghiram mula sa Ingles kung ito ang mas popular na gamit sa pang-araw-araw na komunikasyon tulad ng salitang "boksing".
  4. Maaring gumamit ng diksiyonaryong nasa Tagalog, Pilipino, at Filipino subalit mas mainam kung makita pa ang hindi gaanong ginagamit na salita sa mga lathalain o panitikan.
  5. Kung walang mahanap na katumbas sa Tagalog, maaaring hanapan ng katumbas sa ibang wikang Pilipino (Bikolano, Cebuano, Ilokano, Kapampangan, Pangasinense, Waray-Waray, Zamboangueño, at iba pa). Tagalugin ang nasa ibang wikang Pilipino kung magagawa.
  6. Hinggil sa pagsasa-Tagalog, gamitin ang ortograpiya sang-ayon sa Manwal sa Masinop na Pagsulat o Ortograpiya ng Wikang Pambansa ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 1987, 2009 at 2013. Tagalugin pa ito kung maisasa-Tagalog pa.
  7. Ibigay ang sanggunian ng katumbas na salitang nasa Tagalog na. Maaaring banggiting sanggunian ang mga talahuluganan, ensiklopedya, websayt, o anumang babasahing gumamit na ng salita, kabilang ang mga nobela, Bibliya, maikling kuwento, sanaysay, at iba pa pang katulad na mga lathalain, elektroniko man o hindi.
  8. Maaaring humingi ng tulong at mungkahi sa Wikipedia:Kapihan at Wikipedia:Konsultasyon. Maaari ka ring magtala ng mga tanong at komento sa pahina ng usapan ng artikulo o lathalain.
  9. Maaari ding basahin ang Wikipedia:Tulong, Wikipedia:Kodigo ng Kaalaman, Wikipedia:Mga kumbensiyon sa pagsusulat ng mga artikulo, Wikipedia:Paano magsimula ng pahina, Wikipedia:Pagpapangalan, at Wikipedia:Paano baguhin ang isang pahina.
  10. Para sa mga pangalan ng bansa at mga kabansaan, tingnan ang talaan ng mga bansa at talaan ng mga kabansaan.
  11. Sa teksto, ibigay ang lahat ng katumbas pang mga salita at katawagang nasa Tagalog sa pambungad o katawan ng teksto. Maaari ring gumawa ng seksiyon para sa mga kasingkahulugan o sinonimo.
  12. Lagyan ng interwiki ang artikulo, partikular ang pinagmulang dayuhang bersyon (kadalasan sa Wikipediang Ingles) ng artikulo para mas madaling masuri at maitama kung may kamalian man. Nakalagay ang interwiki sa Wikidata. Para malaman kung paano maglagay ng interwiki, tingnan ang pahinang tulong na ito na nasa Wikipediang Ingles: en:Help:Interlanguage links

Basahin din ang mga sumusunod na natatanging gabay na nakapaksa:

Pangalan ng mga tao

  • Gamitin ang karaniwang pagkakakilanlang pangalan ng isang tao (unang pangalan at apelyido) ayon sa orihinal na baybay. Kung mayroon katumbas sa Tagalog o naka-Tagalog, ibigay muna ang nasa Tagalog o naka-Tagalog. Pagkaraan, ilahad ang orihinal na bersyon ng pangalan sa teksto o nakapaloob sa mga parentesis. Basahin din ang nasa Wikipedia:Mga kumbensiyon sa pagsusulat ng mga artikulo.

Pangalan ng mga bansa at kabansaan

Sundin ang pangalan ng bansa ayon sa napagkasunduang katawagan para dito. Tingnan ang talaan ng mga bansa at talaan ng mga kabansaan. Basahin din ang nasa Wikipedia:Mga kumbensiyon sa pagsusulat ng mga artikulo.

Ang alinman sa mga tuntunin sa itaas ay napapawalang-bisa ng anumang kasalungat na direktiba at/o consistent, sustained practice mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Pangalan ng mga pook

Tagalugin ang mga pangalan ng pook ayon sa baybay, balarila, at iba pang panuntunang pangpananagalog. Ibigay ang iba pang bersiyong gámit sa Tagalog. Ilahad din ang orihinal o mas pamilyar nitong mga pangalan pagkaraan ng Tinagalog na katawagan.

Ang alinman sa mga tuntunin sa itaas ay napapawalang-bisa ng anumang kasalungat na direktiba at/o consistent, sustained practice mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Pangalan ng mga wika

Alinsunod sa kasalukuyang palabaybayan ng wikang pambansa, hanguin mula sa Kastila ang mga pangalan ng mga wika. Baybayin ito sa Filipino alinsunod sa kasalukuyang palabaybayan nito. Hindi naaayong manlikha.

Ang itaas ay pangkalahatang tuntunin: napapawalang-bisa ito kapag mayroon nang tanggap na anyo ng pangalan ng wika sa Filipino na hindi hango sa Kastila. Halimbawa, gamitin ang Amerikano sa halip na Estadounidense, Biyetnames sa halip na Biyetnamita, Waray sa halip na Samarenyo, Malay sa halip na Malayo, at Indones sa halip na Indonesyo.

Ang alinman sa mga tuntunin sa itaas ay napapawalang-bisa ng anumang kasalungat na direktiba at/o consistent, sustained practice mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Katawagan sa mga hayop at halaman

Para sa mga pangalan ng hayop at halaman, gamitin ang pangalang pang-agham kung walang mahanap na katumbas sa Tagalog. Maaaring tumbasan ng pinaniniwalaang katumbas sa Tagalog subalit ilagay din ang pangalang pang-agham. Tingnan ang Wikipedia:Gabay sa Istilo (Taksonomiya).

Termonolohiyang pangkompyuter

Sa pangkalahatan, ibigay ang orihinal na katawagan. Pagkaraan, kung maaring Tagalugin batay sa pangkalahatang pasasalin, Tagalugin itong sinusundan ng kahulugan, paliwanag at iba pang bahagi ng teksto.

Ang alinman sa mga tuntunin sa itaas ay napapawalang-bisa ng anumang kasalungat na direktiba at/o consistent, sustained practice mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Opisyal na mga pangalan o salin

  • Kung may opisyal na pangalan o salin sa Tagalog, gamitin ito. Kung wala naman, isalin ayon sa mga panuntunang nabanggit at gumamit ng talahuluganan o diksiyonaryo at mga katulad. Gamitin ang pinakamalápit o pinakakatumbas ng nasa pinagmulang wika o kung ano ang napagkasunduan sa WP:Kape o ibang pahinang pangusapan. Subalit, ituro papunta sa pahina o lathalain ang lahat ng maaaring maging ibang kayarian ng salin (kabilang ang mga iba at kaibang gawi sa pagkakasulat at pagkakabaybay).
  • Kung sa ibang wika lámang may opisyal na pangalan ang paksa (partikular na ang mga pangalan ng kompanya o negosyo), ito ang gamitin bílang pamagat ng pahina o lathalain. Ilagay din ito sa pambungad ng teksto na sinusundan ng katumbas sa Tagalog o salin sa Tagalog. Kung kapwa may opisyal na pangalan sa Tagalog at dayuhang wika, ibigay ding pareho upang madaling makilala ng mambabasa. Gamitin ang Tagalog o tinagalog na pamagat - batay sa opisyal na saling may sanggunian - bílang pangalan ng pahina.
  • Kadalasang namamayani ang karaniwang tawag sa Tagalog na laganap na ginagamit kaysa opisyal na pangalan.

Mga kaugnay na artikulo at kategorya

Basahin din ang mga sumusunod na kaugnay na mga lathalain:

Ito ang mga pangkasalukuyang mga Wikipedia na nasa iba pang mga wikang Pilipino:

Mga talahuganang magagamit

Wiksiyonaryong Tagalog

Maaari kang maghanap ng salita at kahulugan ng mga ito mula sa Wiksiyonaryong Tagalog (o Wikitalasalitaan).

Wiksiyonaryo
Wiksiyonaryo
Hanapin ang Pagsasalinwika sa
Wiksiyonaryo, ang malayang diksiyunaryo.

Iba pang mga talahuluganan

Nakalimbag na mga aklat

  • English, James. English-Tagalog Dictionary (1965) at Tagalog-English Dictionary (1986).
  • Sagalongos, Felicidad T.E. Diksiyunaryong Ingles-Pilipino Pilipino-Ingles. (1968).
  • Calderon, Sofronio G. Diccionario Ingles-Español-Tagalog / English-Spanish-Tagalog Dictionary.
  • De Dios, Reynaldo [Tagalog], at Afenir, Juan [Ilokano]. English-Tagalog-Ilokano Vocabulary. (2005).
  • Panganiban, Jose Villa. Concise English-Tagalog Dictionary. (1969).
  • UP Diksiyonaryong Filipino. (2001).
  • Santos, Vito C. New Vicassan's English-Pilipino (Tagalog) Dictionary (1995), Anvil Publishing, 1,603 pahina, ISBN 9712703495, ISBN 978-9712703492
  • Santos, Vito C. Vicassan's Pilipino-English Dictionary / Diksyunaryong Pilipino-Ingles (1988), Lungsod ng Maynila, National Book Store.
  • Odulio de Guzman, Maria. The New Filipino-English English-Filipino Dictionary (1968/2005).
  • English - Tagalog / Tagalog - English Dictionary (Ingles/Tagalog - Tagalog-Ingles) ni Charles Nigg, Imprenta de Fajardo y compañeros: 1904, wikang Tagalog, orihinal mula sa Pamantasan ng California, isinaelektroniko ang kopya noong 10 Setyembre 2007, may 360 pahina, nakuha noong 13 Marso 2008
  • Diksyunaryong Ingles Tagalog / English Tagalog Dictionary nina Garapal at Anak ni Filemon (Tagalog for Beginners / Tagalog para sa mga Baguhan), Geocities.com, 1999
  • Ramos, Teresita V., Tagalog Dictionary, University of Hawaii Press (1971), 330 pahina, ISBN 0870226762, ISBN 9780870226762
  • Komisyon sa Wikang Filipino. Filipino-English Dictionary / Diksyunaryong Pilipino-Ingles (1993), Pasig, Lungsod ng Maynila
  • JVP English-Filipino Thesaurus-Dictionary / JVP Diksyunaryo at Tesorong Ingles-Pilipino (1988), Lungsod ng Maynila, Mhelle L. Publications (Palimbagang Mhelle L.)
  • Zorc, R. David Paul, Tagalog Slang Dictionary / Diksyunaryo ng mga Islang (Salitang Balbal) sa Tagalog (1993), Maynila, Palimbagan ng Pamantasan ng De la Salle
  • Enclaire Foundation, Inc. The New Philippines Comprehensive Dictionary (8 Major Dialects [Tagalog, Bikolano, Ilonggo, Ilokano, Hiligaynon, Cebuano, Pampanggo, at Pangasinanse], 2001-2003), Kimball Educational Company, 962 pahina, ISBN 9710328026
  • Rubino, Carl. 2002. Talahulugang Tagalog-Inggles/Inggles-Tagalog. Hippocrene Books: Lungsod ng New York. ISBN-10: 0781809606. ISBN-13: 978-0781809603.
  • Oficina de Educación Iberoamericana. Hispanismos en el tagalo (1972), Madrid: IMNASA, 628 pahina.

Mula sa internet

Mga talahuluganan
Elektronikong tulong para sa pagsasalinwika
Iba pang mga diksyunaryong nasa ibang mga wikang Pilipino
Mga tuwirang kawing:

Tingnan din