Pumunta sa nilalaman

Ang Manglalabas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Ang Manglalabas ay isang kwentong-bayang mula Katagalugang bahagi ng Pilipinas. Ito ay isa sa mga koleksiyon ng mga kwento na kasama sa "Filipino Popular Tales" ni Dean Fansler. Makikita ang kwento sa unang tatlong grupo ng mga kwento na nakaimprenta sa aklat na ito. Ito ay nabibilang sa grupong "Mga Kwento ng Bayani at Mga Droll". Ang kwentong ito at ang buong koleksyon ay bahagi ng The Project Gutenberg Ebook ng Filipino Popular Tales, na inilabas noong Disyembre 9, 2008 at libreng i-download online. Ang kwento ay nakasulat sa Ingles at naka-encode sa karakter na ISO-8859-1 at isinalaysay ni Arsenio Bonifacio. Ito rin ay isang klasikong kwentong-bayan na ipinamana sa mga susunod na henerasyon.[1]. Sa unang pagkakalimbag ng naturang aklat, ang kwento ay namarakhan bilang Kwentong #6E.

Ang salitang manglalabas ay nangangahulugang "aparisyon" o "pagpapakita" o siyang 'lumalabas." [1] Sa kulturang Pilipinas ito ay madalas na "white lady." Isang White Lady (o babaeng naka-puti) ay isang uri ng babae na multo. Karaniwan siyang nakasuot ng puting damit o katulad na kasuotan, at sinasabing nakikita sa mga rural na lugar at kaugnay sa mga lokal na alamat ng trahedya. Maraming bansa sa buong mundo ang may mga alamat tungkol sa White Lady. Karaniwan sa mga alamat na ito ay isang aksidenteng kamatayan, pagpatay, o pagpapakamatay, at ang tema ng pagkawala, pagkabigo dahil sa isang asawa o kasintahan, at hindi nagkakatugma ang pag-ibig.

Napagpasyahan ni Dean Fansler na ilimbag ang limang bersyon ng kwento sa kanilang kabuuan. Ayon kay Fansler ang "Ang Apat na Bulag na Magkakapatid," "Si Juan Bulag," "Si Teofilong Kuba at ang Higante," "Si Juan at ang Buringcantada," at "Ang Manglalabas" ay bahagi ng pamilya ng mga kwentong bayan kung saan naisahan ng mga matatapang na bayani ang mga higante, multo, magnanakaw o ogre. Ang mga kwento ay mas limitado at may espesyal na uri ng panloloko. Hindi nagkikita ang bida at ang nililinlang at hindi sila naglalaban. Sa halip, nagpapakita lang ang bida ng mga bagay na nagpapakita ng kanyang lakas na magpapatakot sa magnanakaw, higante o multo. Sa ganitong paraan, napapalayas niya sila mula sa mayamang tahanan at naiuwi niya ang mga kayamanan ng nililinlang. Ang mga trolls, ogres, higante, magnanakaw, at mga dragon ay kilalang tanga, at ang isang matalinong bida na mas maraming talino kaysa sa lakas ay walang anumang kahirapan sa ganap na pagpapatakot sa kanila.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Fansler, Dean. "Filipino Popular Tales". www.gutenberg.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang Manglalabas
Nagmula saPilipinas
LumikomDean Fansler
NagsalaysayArsenio Bonifacio
PagkakalimbagEstados Unidos (1921)
Sa wikangIngles
Patungkol
UriKuwentong-bayan
Ibang TawagThe Manglalabas
Kawi[{{{Kawi}}}]
Bahagi ng Seryeng Filipino Popular Tales

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.