Pumunta sa nilalaman

Antas-Mohs ng katigasan ng mineral

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Open wooden box with ten compartments, each containing a numbered mineral specimen.
Isang Mohs hardness kit na naglalaman ng tig-isang muwestra ng bawat mineral sa sampung puntong antas ng katigasan

Ang antas-Mohs ng katigasan ng mineral ( /mz/) ay isang uriing panunurang talaantasan na nagtatalaga ng sagwil sa gasgas ng iba't ibang mga mineral ayon sa kakayahang gasgasin ng mas matigas na materyal ang mas malambot na materyal. Nilikha noong 1812 ni Friedrich Mohs, isang heolohiyang at mineralohistang Aleman, ito ay isa sa ilang mga kahulugan ng katigasan sa agham-materyales, kung saan mas uriin ang mga ibang paraan.[1] Mula unang panahon ang pamamaraan ng paghahambing ng katigasan sa pamamagitan ng pag-obserba kung aling mga mineral ang maaaring gumasgas sa iba. Binanggit ni Teoprasto sa kanyang tratado On Stones, s. 300 BK, na sinundan ni Plinio ang Matanda sa kanyang Naturalis Historia, s. PK 77.[2][3][4] Habang nakatulong sa pagkakakilanlan ng mga mineral sa larangan, hindi ipinapakita ng antas-Mohs kung gaano kahusay ang mga materyales sa konteksto ng industriya.[5]

Sa kabila ng kawalan nito ng katumpakan, may silbi ang antas-Mohs para sa mga heolohiyang panlarangan na gumagamit nitong talaantasan upang kilalanin ang mga mineral sa pamamagitan ng kagamitang panggasgas. Karaniwang matatagpuan ang antas-Mohs ng katigasan ng mga mineral sa mga sanggunian.

Kapaki-pakinabang ang tigas-Mohs sa paggiling. Pinapahintulot nito ang pagtatasa kung aling uri ng kiskisan ang pinakaangkop sa pagbabawas ng isang produkto na kung may kaalaman sa katigasan nito.[6] Ginagamit ang talaantasan ng mga tagagawa ng elektronika para sa pagsusuri ng kabanatan ng mga bahagi ng flat panel display (tulad ng takip-salamin para sa mga LCD o encapsulation para sa mga OLED).

Nakabatay ang antas-Mohs ng katigasan ng mineral sa kakayahang gasgasin ng isang muwestra ng mineral mula sa kalikasan ang isa pang mineral na kita-kita. Iba't-iba ang lahat ng mga muwestra na ginagamit ng Mohs. Ang mga mineral ay mga solidong lantay sa aspetong kemikal na matatagpuan sa kalikasan. Binubuo ang mga bato ng isa o higit pang mga mineral. Bilang pinakamatigas na kilalang sangkap na mahahanap sa kalikasan noong dinisenyo ang talaantasan, nasa tuktok ng talaantasan ang mga diamante. Sinusukat ang katigasan ng isang materyal laban sa talaantasan sa pamamagitan ng paghahanap ng pinakamatigas na materyal na magagasgasin ng ibinigay na materyal, o ang pinakamalambot na materyal na makagagasgas sa ibinigay na materyal. Halimbawa, kung nagasgas ang isang materyal ng apatito ngunit hindi nagasgas ng pluorita, maiuuri ang katigasan nito sa antas-Mohs sa gitna ng 4 at 5.[7] Ang "paggasgas" ng isang materyal sa konteksto ng antas-Mohs ay nangangahulugang paglilikha ng mga di-nababanat na dislokasyon na nakikita ng mata lamang. Kadalasan, maaaring lumikha ang mga materyales na mas mababa sa antas-Mohs ng mikroskopikong, di-nababanat na dislokasyon sa mga materyales na may mas mataas na ranggo sa Mohs. Habang permanente ang mga mikroskopikong dislokasyong ito at kung minsan ay nakapipinsala sa integridad ng istruktura ng mas matibay na materyal, hindi sila itinuturing na "gasgas" para sa pagpapasiya ng bilang sa antas-Mohs.[8]

Isang panunurang talaantasan lamang ang antas-Mohs. Halimbawa, mas matigas ang korundo (9) nang dalawang beses kaysa sa topasiyo (8), ngunit mas matigas ang brilyante (10) nang apat na beses kaysa sa korundo. Ipinapakita sa sumusunod na talahanayan ang paghahambing sa wagas na katigasan na sinusukat ng isang isklerometro na may mga kasamang nakalarawang halimbawa.[9][10]

Katigasan-Mohs Mineral Pormulang kemikal Tiyak na katigasan[11] Larawan
1 Talko Mg3Si4O10(OH)2 1
2 Dyipsum CaSO4·2H2O 2
3 Kalsita CaCO3 14
4 Pluorita CaF2 21
5 Apatito Ca5(PO4)3(OH-,Cl-,F-) 48
6 Feldespato De-ortoklasa KAlSi3O8 72
7 Kuwarso SiO2 100
8 Topasiyo Al2SiO4(OH-,F-)2 200
9 Korundo Al2O3 400
10 Diyamante C 1500

Panggitnang katigasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakasama sa sumusunod na talahanayan ang mga karagdagang sangkap na maaaring maiuri sa kalagitaan ng mga antas:[12]

Katigasan Sangkap o mineral
0.2–0.3 sesyo, rubidyo
0.5–0.6 lityo, sodyo, potasyo
1 talko
1.5 galyo, estronsiyo, indiyo, lata, baryo, talyo, tingga, grapayt, yelo[13]
2 nimsihang nitruro de-boro,[14] kalsiyo, selenyo, kadmiyo, asupre, teluryo, bismuto, dyipsum
2–2.5 halito (asing bato), kuko[15]
2.5–3 ginto, pilak, aluminyo, sink, lantano, seryo, asabatse
3 kalsita, tanso, arseniko, antimonyo, toryo, dentin
3.5 platino
4 pluorita, bakal, nickel
4–4.5 asero
5 apatito (esmalte), sirkonyo, paladiyo, obsidiyano (mala-bulkang kristal)
5.5 berilyo, molibdeno, hapniyo, salamin, kobalto
6 ortoklasa, titanyo, mangganeso, hermanyo, niobyo, rodyo, uranyo
6–7 pinagsamang kuwarso, pirita de-bakal, silikon, rutenyo, iridyo, tantalo, opalo, peridoto, tanzanita, batong Tsino
7 osmiyo, kuwarso, renyo, banadyo
7.5–8 esmeralda, pinatigas na bakal, wolpramyo, espinela
8 topasyo, kubikong sirkonya
8.5 krisoberilo, kromyo, nitrido de-silikona, karbida de-tantalyo
9 korundo (kasama ang sapiro at rubi), karbida de-tungsteno, nitruro de-titanyo
9–9.5 karbida de-silisyo (karborundo); karbida de-tungsteno, karbida de-tantalyo, karbida de-sirkonyo, alumina, karbida de-berilyo, karbida de-titanyo, boruro de-aluminyo, karbida de-boro [note 1][16][17]
9.5–10 boro, nitruro de-boro, diboruro de-renyo (aksis a),[18] stisyobita, diboruro de-titanyo
10 brilyante, karbonado

Paghahambing sa antas-Vickers

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Paghahambing ng katigasang Mohs at katigasang Vickers:[19]

Pangalan ng Mineral Katigasan (Mohs) Katigasan (Vickers)
(kg/mm2)
Grapayt 1–2 VHN10 = 7–11
Lata 1.5 VHN10 = 7–9
Bismuto 2–2.5 VHN100 = 16-18
Ginto 2.5 VHN10 = 30–34
Pilak 2.5 VHN100 = 61–65
Kalkosita 2.5–3 VHN100 = 84–87
Tanso 2.5–3 VHN100 = 77–99
Galena 2.5 VHN100 = 79–104
Espalerita 3.5–4 VHN100 = 208–224
Heyaselwudita 4 VHN100 = 230–255
Karolyita 4.5-5.5 VHN100 = 507–586
Goetita 5-5.5 VHN100 = 667
Hematita 5–6 VHN100 = 1,000–1,100
Kromita 5.5 VHN100 = 1,278–1,456
Anatasa 5.5-6 VHN100 = 616-6698
Rutilo 6–6.5 VHN100 = 894–974
Pirita 6–6.5 VHN100 = 1,505–1,520
Bowieyte 7 VHN100 = 858–1,288
Euklase 7.5 VHN100 = 1,310
Kromyo 8.5 VHN100 = 1,875–2,000
  1. Nahuhulog ang antas ng katigasan ng mga karbida ng sumusunod na elemento sa gitna ng 9 at 10:[16][17] W, Ta, Zr, Be, Ti, Si, B.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Mohs hardness" in Encyclopædia Britannica Online
  2. Theophrastus on Stones. Farlang.com. Retrieved on 2011-12-10.
  3. Pliny the Elder. Naturalis Historia. Book 37. Chap. 15. ADamas: six varieties of it. Two remedies.
  4. Pliny the Elder. Naturalis Historia. Book 37. Chap. 76. The methods of testing precious stones.
  5. Hardness Naka-arkibo 2014-02-14 sa Wayback Machine.. Non-Destructive Testing Resource Center
  6. "Size reduction, comminution - grinding and milling". PowderProcess.net. Nakuha noong 27 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. American Federation of Mineralogical Societies. "Mohs Scale of Mineral Hardness" Naka-arkibo 2023-03-11 sa Wayback Machine.. amfed.org
  8. Geels, Kay. "The True Microstructure of Materials", pp. 5–13 in Materialographic Preparation from Sorby to the Present. Struers A/S, Copenhagen, Denmark
  9. Amethyst Galleries' Mineral Gallery What is important about hardness?. galleries.com
  10. Mineral Hardness and Hardness Scales Naka-arkibo 2008-10-17 sa Wayback Machine.. Inland Lapidary
  11. Mukherjee, Swapna (2012). Applied Mineralogy: Applications in Industry and Environment. Springer Science & Business Media. pp. 373–. ISBN 978-94-007-1162-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Samsonov, G.V., pat. (1968). "Mechanical Properties of the Elements". Handbook of the Physicochemical Properties of the Elements. New York: IFI-Plenum. p. 432. doi:10.1007/978-1-4684-6066-7. ISBN 978-1-4684-6068-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Ice is a mineral" Naka-arkibo 2015-10-30 sa Wayback Machine. in Exploring Ice in the Solar System. messenger-education.org
  14. Berger, Lev I. (1996). Semiconductor Materials (ika-First (na) edisyon). Boca Raton, FL: CRC Press. p. 126. ISBN 978-0849389122.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Mohs Hardness Scale: Testing the Resistance to Being Scratched". geology.com.
  16. 16.0 16.1 "Material Hardness Tables, Ted Pella, Inc". www.tedpella.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-12. Nakuha noong 2019-05-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 "Hardness table" (PDF). Nakuha noong 2019-05-09. {{cite web}}: Cite has empty unknown parameter: |dead-url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Levine, Jonathan B.; Tolbert, Sarah H.; Kaner, Richard B. (2009). "Advancements in the Search for Superhard Ultra-Incompressible Metal Borides". Advanced Functional Materials. pp. 3526–3527. doi:10.1002/adfm.200901257. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-12-26. Nakuha noong 2019-08-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Ralph, Jolyon. "Welcome to mindat.org". mindat.org. Hudson Institute of Mineralogy. Nakuha noong Abril 16, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Karagdagang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]