Bagyong Emong (2009)
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 2 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | 1 Mayo 2009 |
Nalusaw | 13 Mayo 2009 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 120 km/h (75 mph) Sa loob ng 1 minuto: 155 km/h (100 mph) |
Pinakamababang presyur | 975 hPa (mbar); 28.79 inHg |
Namatay | 55 direct, 5 indirect, 13 missing |
Napinsala | At least $26.1 milyon (2009 USD) |
Apektado | Vietnam, Philippines |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2009 |
Si Bagyong Emong (Typhoon Chan-hom) ay ang pang-anim na tropical depression, pangalawang tropical storm na nabuo sa Panahon ng bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2009. Si Bagyong Emong ay nabuo mula sa sama ng panahon na sinamahan pa ng labi ni Bagyong Crising sa timog-silangan ng Nha Trang, Vietman noong ika-2 ng Mayo. Habang kumikilos pahilagang-kanluran, ito ay mabagal ng nabuo ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC) na naglabas ng Tropical Cyclone Formation Alert (TCFA), at ito ay tinawag na Chan-hom na isa pa lamang mahinang bagyo (tropical depression) ng Japan Meteorological Agency (JMA) kinahapunan ng araw na iyon. Sumunod na araw, ang JTWC at JMA ay itinaas ang antas nito mula sa tropical depression patungo sa tropical storm at tinawag itong Chan-hom. Ika-6 ng Mayo, ito ay lumakas ang nasa unang kategorya bilang bagyo (Typhoon),at noong ika-7 ng Mayo, si Bagyong Emong (Chan-hom) ay nasa ikalawang kategorya bilang bagyo. Ngunit, si Emong ay humina bilang isang severe tropical storm pagkatapos nitong tawirin ang hilagang Luzon. Ika-14 ng Mayo, si Emong ay lumakas bilang isang tropical depression at naglaho noong kinahapunan ng ika-15 ng Mayo. Ang pangalan na Chan-hom ay mula sa Laos na ang ibig sabihin ay isang uri ng puno.
Pangmeteorolohiyang kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ika-1 ng Mayo, isang mahinang sama ng panahon ang nabuo sa timog-silangan ng Nha Trang, Vietnam sa Timog Karagatang Tsina, kasama ang labi ni Bagyong Crising.[1] Umaga ng sumunod na araw, ang Joint Typhoon Warning Center (JTWC) na ang pahaba nitong low level circulation center ay nakalabas.[2] Ang malalim na convection ay nakita sa hilagang-kanluran at nag-uumpisa nang umikot sa silangan nito. Ang circulation nito ay nasa lugar kung saan may mahinang windshear at ang upper level anticyclone ay nasa silangan ng low level circulation center.[2] Kinahapunan ng araw na iyon, ayon sa JMA, ito na ang pang-apat na tropical depression.[3] kinagabihan, ang JTWC ay naglabas ng Tropical Cyclone Formation Alert (TCFA) na ayon dito na ang na ang low level circulation center nito ay kapansin-pansin na habang ito ay lumalaki at nagiging mas-organize.[4]
Noong hapon ng ika-3 ng Mayo, ayon sa JMA, ang depression ay isa nang tropical storm at binigyan ng pangalan na Chan-hom. Habang ang JTWC ay pinangalanan si Chan-hom bilang Tropical Depression 02W.[5][6] Ayon sa JTWC nang mga oras na ito, ang depression ay nabuo mula sa monsoon trough at halos hindi umaalis sa lugar nito mula sa huling TCFA na inilabas na ngayon ay nasa lugar na may katamtamang windshear at nasa ilalim ng impluwensa ng ridge of high pressure na matatagpuan sa timog-silangan nito.[6] Pagkalipas ng anim na oras, ang JTWC ay itinaas ang antas ni Chan-hom bilang isang tropical storm na nang mga oras na iyon ay nasa Pilipinas na at pinangalanan ng PAGASA na Emong. Ito ay kumilos pa-silangan, ang bagong eyewall ay nabuo at ito ay naging category 2 typhoon. Ang sentro ng bagyo ay lumaki at mga bagong convective band ang nabuo ngunit ay hangin sa paligid nito ay nag-umpisa nang matuyo. Si Emong (Chan-hom) ay direktang tumama sa hilagang bahagi ng probinsiya ng Pangasinan at pagkatapos ay tumama naman sa lugar ng La Union at Benguet at tinawid ang hilagang Luzon. Ika-8 ng Mayo, ang JMA ay ibinaba ang antas nito bilang isang severe tropical storm habang ang JTWC at PAGASA ibinaba ang antas ni Emong (Chan-hom) bilang isang tropical storm. Nang maabot nito ay lugar na may malakas ng wind shear, si Emong (Chan-hom) ay humina at isa na lamang tropical depression. Ika-9 ng Mayo, ang JTWC na sinundan naman ng PAGASA ay naglabas ng kanilang huling babala kay Emong. Subalit noong ika-10 ng Mayo, si Chan-hom ay lumakas at naging isang tropical depression, ang JTWC ay muling naglabas ng babala kay Chan-hom habang ang JMA ay kinukonsidera na ito ay isa na lamang remnant depression. Bago magtanghali, ang remnant low ni Chan-hom ay humina, ang low level circulation ay pahaba at nakalabas at ang convection nito ay nakakalat sa hilagang-silangang nito. Ang upper level jet stream ay mag-iba ng direksiyon papunta ng hilagang-silangang patungo ng hilaga. Si Chan-hom ay nabuo ulit, habang ang low level circulation ay mas naging organized ngunit ay humina dahil sa windshear. Kinahapunan, ang low level circulation ang naglaho ngunit ang remnant low pressure ay buhay pa. Gabi ng ika-15 ng Mayo, ang low ay hinigop ng dating frontal system.
Paghahanda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Vietnam
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nang si Chan-hom ay nabuo sa Timog Dagat Tsina, ang mga Vietnamese officials ay nagbabala sa 17,793 na barko, ang may sakay na aabot sa 83,032 na mangingisda na iwasan ang mga lugar malapit sa bagyo. Labing-apat na probinsiya malapit sa baybay-dagat ang binalaan ng coast guard noong ika-5 ng Mayo. Ang lahat ng barko na nakadaong sa pantalan ay pinabawalan na umalis dahil sa malalaking alon na aabot sa pitong metro.[7]
Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang PAGASA ay nagbabala sa mga nakatira sa mabababang lugar at malapit sa mga bundok ng mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa. Si Presidente Arroyo ay nag-utos sa National Disaster Coordinating Council (NDCC) na mag-bigay ng mga updates tungkot kay Bagyong Emong oras-oras. Ang Pangasinan Disaster Coordinating Coucil ay naglabas ng babala sa probinsiya ng Pangasinan na maghanda sapagkat si Bagyong Emong ay patungo sa kanilang probinsiya. Ang PAGASA ay nagbabala sa mga lugar na nasa babala ng bagyo bilang dalawa at tatlo na maging alerto sa posibleng pagguho ng lupa, pagbaha at malalakas na hangin. Ang mga babala ng bagyo nanatiling nakataas sa Hilaga at Gitnang Luzon, kung saan sinabi ng PAGASA na si Bagyong Emong ay direktang tatama.
Epekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Vietnam
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ika-7 ng Mayo, walang pinsalang naidulot si Chan-hom sa Vietnam.[8] Isang fishing boat mula sa Ly Son Island, Quang Ngai ang tumaob malapit sa Paracel Island, lahat ng 11 mangingisda ay nasagip ng Chinese Navy.[9]
Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Apat na pu't walong oras na walang tigil sa pag-uulan mula ika-6 hanggang ika-8 ng Mayo sa Luzon. Ang hangin na may lakas na aabot sa 85-140 kph na sinamahan pa ng malakas na pag-uulan ang sumira sa mga probinsiya ng Abra, Quirino, Cagayan, Apayao, Ilocos Norte, Aurora (na nakapagtala ng ulan na aabot sa 200 mm sa loob ng 24 oras) at Zambales (na nakapagtala ng ulan na aabot sa 135 mm sa loob ng 24 oras). Malaks na pag-uulan ang naranasan din sa Pampanga (na nakapagtala naman ng ulan na aabot sa 145 mm), Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, Bataan, Kalahang Maynila at ilang lugar sa katimugang Luzon. Katamtamang lakas ng ulan ang naranasan sa Probinsiya ng Quezon at Rehiyon ng Bikol. (Cagayan at Isabela na hindi naman kasama ngunit binaha ay nangangahulugan na ang mga lugar na ito ay nakaranas ng ulan na aabot sa 50 mm. Sa karagdagan, ang Ilog ng Cagayan ay umapaw.) Ika-10 ng Mayo, nasa 65,000 katao ang nawalan ng bahay sa Rehiyon ng Ilocos at Cordillera.
Sa Bataan, abot hanggang baywang ang pagbaha. Karamihan sa mga residente ay nagsilikas na. Ika-8 ng Mayo, umabot sa 25 na katao ang nakumpirmang namatay dahil sa pagbaha at pagragasa ng putik dahil kay Emong.[10] Umabot pa sa 4,000 na katao ang naapektuhan, nagdulot ng 11 pagguho ng lupa, mga nasira na aabot sa Php 863,528 na pananim na may lawak na 55 hektarya sa Zambales at Php 4.4 milyon na transmission lines sa Pangasinan dahil kay Chan-hom (Emong).[11]
Ika-9 ng Mayo, ang mga namatay ay umabot na sa 26. Ang kanlurang Pangasinan ay isinailalim sa State of Calamity, kung saan ang buong probinsiya ang nagtala ng 16 na namatay. Kasama sa mga namatay ang mga nalunod, nalibing sa pagguho ng lupa kani-kanilang bahay at mga nabagsakan ng mga bato. Sa bayan ng Anda sa Pangasinan, 90 porsyento nang mga bubong ng bahay ay nilipad, mga puno ng mangga na nabuwal at mga alagang isda na natangay patungong dagat. Sa Ifugao, 10 ang namatay dahil sa pagguho ng lupa, habang ang tulay na nagdudugtong sa bayan ng Lamut at Babang, Nueva Ecija ang gumuho. Sa Isabela, ang mga alagang hayop ay nalunod sa San Mateo dahil sa pag-apaw ng ilog.[12]
Inulat ng National Disaster Coordinating Center noong ika-19 ng Mayo 6:00 PM PST na umabot sa 60 ang namatay, 53 ang nasugatan at 13 ang nawawala na may kabuuang pinsala na aabot sa Php 1,280,897,383 kung saan ang Php 750,403,562 ay sa agrikultura at ang nalalabi ay sa inprastraktura. Naapektuhan din ng bagyong ang 385,833 na katao na nakatira sa 615 na baranggay sa 59 na munisipalidad at 7 lungsod sa 12 probinsiya sa Region I (La Union at Pangasinan), Region II (Nueva Vizcaya, Isabela, Quirino at Cagayan), Region III (Zambales at Pampanga) at Cordillera Administrative Region (Ifugao, Kalinga, Mountain Province at Benguet). Umabot sa 56,160 na kabahayan ang naapektuhan kung saan ang 23,444 ay nawasak habang ang natitira ay nasira[13], at nagdulot ng 11 landslide sa Zambales at Ifugao.[14]
Si Emong ay direktang dumaan sa mga probinsiya ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Benguet, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province, Kalinga at Isabela.
Typhoon Storm Warning Signal
[baguhin | baguhin ang wikitext]PSWS | LUZON |
---|---|
PSWS #3 | Bataan, Ifugao, Isabela, Mountain Province, La Union, Pampanga, Pangasinan, Tarlac, Zambales |
PSWS #2 | Aurora, Benguet, Cagayan, Bulacan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Rizal |
PSWS #1 | Apayao, Abra, Batangas, Cavite, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Kalakhang Maynila, Laguna, Quezon |
Resulta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ika-10 ng Mayo, tinatayang aabot sa Php 2.3 milyon na tulong para sa mga nasalanta ang nagamit. Ang National Disaster Coordinating Center (NDCC) ay namahagi ng 1,250 na sako ng bigas sa mga apektadong lugar. Iniulat ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad na Php 2.7 milyon na halaga ng tulong ang nakahanda nang ipamigay. Nilabas ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) ang isang pangkat para tumulong sa pagpupunyagi sa pag-ahon at pagtanggal ng mga labi. Ika-8 ng Mayo, kumilos ang dalawang UH-1 Iroquois na helikoptero para magsiyasat sa himpapawid sa mga napinsalang lugar sa Isabela, Ifugao at mga probinsiya ng Aurora.[15]
- Landfall ni #EmongPH
- Alaminos, Pangasinan - Kategorya 1
Sinundan: Dante |
Pacific typhoon season names Chan-hom |
Susunod: Fabian |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Tropical Storm Chan-hom". Joint Typhoon Warning Center. United States Naval Research Laboratory. 2009-05-01. Nakuha noong 2009-05-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 2.0 2.1 "Significant Tropical Weather Advisory for the Western and Southern Pacific Oceans 02-05-09 06z". Joint Typhoon Warning Center. 2009-05-02. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-05-03. Nakuha noong 2009-05-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "JMA WWJP25 02-05-09 18z". Japan Meteorological Agency. 2009-05-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-02. Nakuha noong 2009-05-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tropical Cyclone Formation Alert 02-05-09 23z". Joint Typhoon Warning Center. 2009-05-02. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-05-14. Nakuha noong 2009-05-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tropical Storm Chan-hom advisory 03-05-09 12z". Japan Meteorological Agency. 2009-05-03. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-07-17. Nakuha noong 2009-05-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "Prognostic reasoning for Tropical Depression 02W". Joint Typhoon Warning Center. 2009-05-03. Nakuha noong 2009-05-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Quang Duan - Mai Vong (6 Mayo 2009). "Chan Hom strengthens, ships take evasive action". Thanhnien News. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 9 Hulyo 2009. Nakuha noong 8 Mayo 2009.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Staff Writer (7 Mayo 2009). "Storm heads towards the Philipines, Vietnam safe". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-09. Nakuha noong 7 Mayo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Padron:Vn icon V. Hủng (10 Mayo 2009). "11 ngư dân gặp nạn ở Hoàng Sa về đất liền an toàn". Tuổi Trẻ. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 13 Mayo 2009. Nakuha noong 10 Mayo 2009.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Staff Writer (8 Mayo 2009). "25 dead as typhoon hits Philippines: officials". Associated Press. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 23 Oktubre 2012. Nakuha noong 8 Mayo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Staff Writer (8 Mayo 2009). "Emong's death toll rises to 27; several missing". GMA News. Nakuha noong 8 Mayo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Inquirer Northern Luzon (9 Mayo 2009). "'Emong' leaves 26 fatalities in north Luzon". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 15 Mayo 2009. Nakuha noong 9 Mayo 2009.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2011-05-30. Nakuha noong 2011-05-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Emong' lashes Pangasinan; fells power lines". Philippine Daily Inquirer. 8 Mayo 2009. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-05-10. Nakuha noong 2009-05-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ National Disaster Coordinating Council (10 Mayo 2009). "NDCC Situation Report: Typhoon 'Emong' Number 16" (PDF). National Disaster Management Center. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 30 Mayo 2011. Nakuha noong 10 Mayo 2009.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)