Pumunta sa nilalaman

Chișinău

Mga koordinado: 47°01′22″N 28°50′07″E / 47.0228°N 28.8353°E / 47.0228; 28.8353
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Chişinău)
Chişinău

Chișinău
Watawat ng Chişinău
Watawat
Eskudo de armas ng Chişinău
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 47°01′22″N 28°50′07″E / 47.0228°N 28.8353°E / 47.0228; 28.8353
Bansa Moldova
LokasyonMunisipalidad ng Chișinău, Moldova
Itinatag1436
Lawak
 • Kabuuan123 km2 (47 milya kuwadrado)
Populasyon
 (8 Abril 2024, Senso)
 • Kabuuan567,038
 • Kapal4,600/km2 (12,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+02:00
WikaMoldabo
Websaythttp://www.chisinau.md

Ang Chișinău ( /ˌkɪʃˈn/ KISH-in-OW, /USalsoˌkʃˈn/ KEE-shee-NOW, Rumano: [kiʃiˈnəw] ; dating kilala bilang Kishinev)[a] ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Moldabya.[1][2] Ito ang pangunahing industriyal at pangkalakal na sentro ng bansa at matatagpuan sa gitna ng Moldbya, sa pampang ng Ilog Bîc, isang sanga ng Ilog Dniester. Ayon sa senso noong 2014, may populasyong 532,513 ang mismong lungsod, samantalang ang Munisipalidad ng Chișinău (na kinabibilangan ng lungsod at mga karatig-pamayanan) ay may tinatayang 700,000 katao. Pinakamaunlad na lokalidad sa ekonomiya ang Chișinău at pinakamahalagang sentro ng transportasyon ng bansa. Halos ikatlong bahagi ng populasyon ng Moldova ang naninirahan sa kalakhang pook nito.

May mahabang kasaysayan ng paggawa ng alak ang Moldobya na umaabot pa sa hindi bababa sa 3000 BK. Bilang kabisera, taunang ginaganap sa Chișinău tuwing Oktubre ang pambansang pista ng alak.[3][4] Bagaman matindi ang pinsalang tinamo ng mga gusali ng lungsod noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at mga lindol, nananatili pa rin ang mayamang pamanang arkitektural. Makikita rin dito ang maraming gusaling itinayo sa estilong Socialist realism (realismong sosyalista) at Brutalist (brutalista) matapos ang digmaan.

Ang sentrong istasyon ng tren ng lungsod ay nagpapakita ng arkitekturang Ruso-Imperyal at may tuwirang ugnayan ng riles patungong Romania. Marami sa mga gusali ng lungsod, kabilang ang Kapitolyo ng Lungsodd ng Chișinău, Simbahan ni San Teodoro at Simbahan ni San Panteleimon, ay dinisenyo ng Suwis-Italyano-Rusong arkitektong Alexander Bernardazzi. Matatagpuan din dito ang Pambansang Museo ng Pinong Sining, Pamantasang Estado ng Moldobya, Galeriya ng Brancusi, at Pambansang Museo ng Kasaysayan ng Moldobya na may mahigit 236,000 na eksibit.

Sa hilagang bahagi ng lungsod ay masisiglang pamilihan, kabilang ang bahay na tinirhan minsan ni Alexander Pushkin habang ipinatapon mula kay Alehandro I ng Rusya, na ngayo’y ginawang museo. Nasa pinakasentro naman ang Katedral ng Natibidad, itinayo noong dekada 1830, na inilarawan bilang isang “obra-maestra” ng arkitekturang Neoklasiko.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Moldova Pitorească" [The picturesque Moldova] (PDF). natura2000oltenita-chiciu.ro (sa wikang Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 18 Mayo 2019. Nakuha noong 10 Oktubre 2022.
  2. Davis, Pat Rischar (Agosto 2001). Geographic Literacy: Maps for Memorization (sa wikang Ingles). Walch. ISBN 978-0-8251-4272-7.
  3. "Moldova Pitorească" [The picturesque Moldova] (PDF). natura2000oltenita-chiciu.ro (sa wikang Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 18 Mayo 2019. Nakuha noong 10 Oktubre 2022.
  4. Davis, Pat Rischar (Agosto 2001). Geographic Literacy: Maps for Memorization (sa wikang Ingles). Walch. ISBN 978-0-8251-4272-7.
  5. Martus, Vladlena (2019-06-12). "The Nativity Cathedral in Chisinau, a masterpiece of Neoclassicism". itinari (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-05.