Pumunta sa nilalaman

Distritong pambatas ng Iligan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang solong Distritong Pambatas ng Lungsod ng Iligan ang kinatawan ng mataas na urbanisadong lungsod ng Iligan sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Ang kasalukuyang nasasakupan ng Lungsod ng Iligan ay dating kinakatawan ng Departamento ng Mindanao at Sulu (1917–1935), dating lalawigan ng Lanao (1935–1961), Rehiyon XII (1978–1984) at Lanao del Norte (1961–1972; 1987–2010).

Ginawang mataas na urbanisadong lungsod ang Iligan noong 1983. Dahil dito, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lungsod sa Regular Batasang Pambansa mula 1984 hanggang 1986.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, muling ipinangkat ang lungsod sa unang distrito ng Lanao del Norte noong 1987.

Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 9724 na naipasa noong Oktubre 20, 2009, hiniwalay ang lungsod mula sa unang distrito ng Lanao del Norte upang buuin ang sariling distrito nito na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 2010.

Solong Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Populasyon (2015): 342,618
Panahon Kinatawan
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Vicente F. Belmonte Jr.
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Frederick W. Siao
Ika-18 na Kongreso
2019–2022

At-Large (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Regular Batasang Pambansa
1984–1986
Camilo P. Cabili
  • Philippine House of Representatives Congressional Library