Pumunta sa nilalaman

Distritong pambatas ng Davao del Norte

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Davao del Norte, Una at Ikalawa ang mga kinatawan ng lalawigan ng Davao del Norte sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Ang kasalukuyang nasasakupan ng Davao del Norte ay dating kinakatawan ng Departamento ng Mindanao at Sulu (1917–1935) at ng dating lalawigan ng Davao (1935–1967).

Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 4867 na naipasa noong Mayo 8, 1967, hinati ang noo'y lalawigan ng Davao sa tatlo, Davao del Norte, Davao del Sur at Davao Oriental. Ayon sa Seksiyon 4 ng batas, ang noo'y nanunungkulang kinatawan ay papipiliin kung anong distrito ang patuloy niyang kakatawanin. Pinili ni Lorenzo Sarmiento ang Davao del Norte na siyang nag-iwan ng bakanteng mga pwesto sa dalawang natitirang lalawigan. Nagkaroon ng espesyal na eleksyong ginanap noong Nobyembre 14, 1967 upang ihalal ang mga kinatawan ng mga distrito ng Davao del Sur (kasama ang Lungsod ng Davao) at Davao Oriental.

Pinalitan ang pangalan ng lalawigan sa "Davao" noong 1972. Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon XI sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng tatlong assemblymen at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, nahati sa tatlong distritong pambatas ang lalawigan noong 1987.

Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 8470 na niratipikahan noong Marso 7, 1998, ibinalik ang pangalan ng lalawigan sa Davao del Norte at hiniwalay ang 11 silangang munisipalidad ng lalawigan upang buuin ang lalawigan ng Compostela Valley (ngayon Davao de Oro). Mula tatlo, nabawasan sa dalawa ang mga distrito ng lalawigan na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 1998.

Unang Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Pantaleon D. Alvarez[a]
bakante
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Arrel R. Olaño
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Antonio Rafael G. Del Rosario
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Pantaleon D. Alvarez
Ika-18 na Kongreso
2019–2022

Notes

  1. Tinalagang Kalihim ng Transportasyon at Komunikasyon noong Enero 24, 2001. Nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang ika-11 na Kongreso.
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Lorenzo S. Sarmiento
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Rogelio M. Sarmiento
Ikasampung Kongreso
1995–1998

Ikalawang Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Antonio R. Floirendo Jr.
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Antonio F. Lagdameo Jr.
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Antonio R. Floirendo Jr.
Ika-18 na Kongreso
2019–2022
Alan R. Dujali
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Baltazar A. Sator
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Ikasampung Kongreso
1995–1998

Ikatlong Distrito (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Rodolfo P. Del Rosario
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Ikasampung Kongreso
1995–1998

Solong Distrito (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Ikaanim na Kongreso
1965–1969
Lorenzo S. Sarmiento
Ikapitong Kongreso
1969–1972

At-Large (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Kasama ang kasalukuyang lalawigan ng Davao de Oro (Compostela Valley)
Panahon Kinatawan
Regular Batasang Pambansa
1984–1986
Rodolfo P. Del Rosario
Rolando C. Marcial
Rogelio M. Sarmiento
  • Philippine House of Representatives Congressional Library