Pumunta sa nilalaman

Distritong pambatas ng Mountain Province

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang solong Distritong Pambatas ng Lalawigang Bulubundukin ang kinatawan ng Lalawigang Bulubundukin sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Bilang di-hinating Mountain Province (1908–1966)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula 1907 hanggang 1917, ang mga hindi Kristiyanong lugar ng Pilipinas (kasama ang Mountain Province) ay hindi nabigyan ng representasyon sa mababang kapulungan ng Lehislatura ng Pilipinas. Ngunit, sa bisa ng Philippine Autonomy Act ng 1916 na naipasa ng Kongreso ng Estados Unidos, at ng Kautusan Blg. 2711 (Revised Administrative Code) na naaprubahan noong Marso 10, 1917, nabigyan ng karapatang marepresentahan ang Mountain Province sa mababang kapulungan. Tatlong kinatawan ang itinalaga ng Gobernador-Heneral na kakatawan sa Mountain Province, kasama ang nakakartang lungsod ng Baguio sa mababang kapulungan bilang solong at-large na distrito. Hindi kinakailangang residente ng lalawigang kanilang nirerepresentahan ang mga kinatawang itinalaga. Halimbawa, sina Pedro Aunario (taga-Maynila) at Lope K. Santos (taga-Rizal) ay ilan sa mga kinatawan ng Mountain Province.

Kahit maraming munisipalidad at munisipal na distrito ng Mountain Province ang dinugtong sa mga kalapit na lalawigan ng Ilocos Sur (noong 1920), La Union (noong 1920) at Cagayan (noong 1922 at 1928), ang mga botante ng mga lugar na ito ay patuloy na nirepresentahan ng tatlong kinatawan ng Mountain Province hanggang 1935. Taong 1935 nang nabigyan ng karapatang maghalal ng kinatawan ang Mountain Province, sa bisa ng Kautusan Blg. 4203.

Sa pamamagitan ng parehong kautusan, hinati ang lalawigan sa tatlong distritong pambatas. Ang nag-iisang sub-province na nabibilang sa higit isang distrito ay ang Bontoc: ang silangang bahagi nito ay bahagi ng unang distrito habang ang kanlurang bahagi ay bahagi ng ikatlong distrito.

Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Kapulungang Pambansa. Bilang nakakartang lungsod, ang Baguio ay may sariling kinatawan. Nang manumbalik ang Komonwelt, muling hinati ang lalawigan sa tatlong distritong pambatas noong 1945.

Bilang kasalukuyang Mountain Province (1966–kasalukuyan)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 4695 na naaprubahan noong Hunyo 18, 1966, ginawang ganap na lalawigan ang mga sub-province ng Mountain Province: Benguet, Kalinga–Apayao, Ifugao at Mountain Province (Bontoc). Ayon sa Seksiyon 10 ng batas, ang noo'y nanunungkulang mga kinatawan ay patuloy na nirepresentahan ang kanilang mga distrito hanggang matapos ang Ikaanim na Kongreso. Nagsimulang maghalal ng kinatawan ang bagong Mountain Province noong eleksyon 1969.

Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon I sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, napanatili ng lalawigan ang solong distrito nito noong 1987.

Solong Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Ikapitong Kongreso
1969–1972
Alfredo G. Lamen
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Victor S. Dominguez
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Josephine D. Dominguez
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Roy S. Pilando
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Victor S. Dominguez[a]
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
bakante
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Maximo B. Dalog[b]
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
bakante
Ika-18 na Kongreso
2019–2022
Maximo Y. Dalog Jr.

Notes

  1. Pumanaw noong Pebrero 8, 2008; nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ika-14 na Kongreso.[1]
  2. Pumanaw noong Hunyo 3, 2017; nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ika-17 na Kongreso.[2]

Unang Distrito (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Unang Pambansang Kapulungan
1935–1938
Saturnino Moldero
Ikalawang Pambansang Kapulungan
1938–1941
Unang Kongreso ng Komonwelt
1945
George K. Tait
Unang Kongreso
1946–1949
Ikalawang Kongreso
1949–1953
Antonio Canao
Ikatlong Kongreso
1953–1957
Juan Bondad
Ikaapat na Kongreso
1957–1961
Juan M. Duyan
Ikalimang Kongreso
1961–1965
Alfredo G. Lamen[a]
Juan M. Duyan[b]
Ikaanim na Kongreso
1965–1969
bakante

Notes

  1. Inalis sa posisyon noong Enero 1964 pagkatapos matalo sa protestang inihain ni Juan M. Duyan.
  2. Pinalitan si Alfredo G. Lamen pagkatapos manalo sa protestang inihain; nanumpa sa tungkulin noong Enero 27, 1964 at tinapos ang Ikalimang Kongreso. Nanalo noong eleksyon 1965 ngunit umalis sa pwesto pagkatapos manalong gobernador ng Kalinga–Apayao noong Nobyembre 14, 1967; nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ikaanim na Kongreso.

Ikalawang Distrito (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Unang Pambansang Kapulungan
1935–1938
Felipe E. Jose
Ikalawang Pambansang Kapulungan
1938–1941
Ramon P. Mitra
Unang Kongreso ng Komonwelt
1945
Unang Kongreso
1946–1949
Jose Mencio
Ikalawang Kongreso
1949–1953
Dennis Molintas[b]
Ramon P. Mitra[c]
Ikatlong Kongreso
1953–1957
Ikaapat na Kongreso
1957–1961
Ikalimang Kongreso
1961–1965
Ikaanim na Kongreso
1965–1969
Andres A. Cosalan

Notes

  1. Administratibong malaya mula sa lalawigan at hindi bumoboto sa mga panlalawigang posisyon mula 1909 sa bisa ng Kautusan Blg. 1964. Bumoboto lamang kasama ng Mountain Province para sa kinatawan sa mababang kapulungan.
  2. Inalis sa pwesto pagkatapos matalo sa protestang inihain ni Ramon P. Mitra.
  3. Pinalitan si Dennis Molintas pagkatapos manalo sa protestang inihain niya noong Oktubre 12, 1951; nanumpa sa tungkulin noong Enero 28, 1952 at tinapos ang Ikalawang Kongreso.

Ikatlong Distrito (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Unang Pambansang Kapulungan
1935–1938
George K. Tait
Ikalawang Pambansang Kapulungan
1938–1941
Miguel Gumangan
Unang Kongreso ng Komonwelt
1945
Gregorio Marrero[a]
Unang Kongreso
1946–1949
Gabriel Dunuan
Ikalawang Kongreso
1949–1953
Ikatlong Kongreso
1953–1957
Luis Hora
Ikaapat na Kongreso
1957–1961
Ikalimang Kongreso
1961–1965
Ikaanim na Kongreso
1965–1969

Notes

  1. Nanumpa sa tungkulin noong Hunyo 11, 1945.

At-Large (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Mga Kinatawan[4]
Ikaapat na Lehislatura ng Pilipinas
1916–1919[b]
Rafael Bulayungan Juan Cariño Valentin Manglapus
Ikalimang Lehislatura ng Pilipinas
1919–1922
Pedro Aunario
Ikaanim na Lehislatura ng Pilipinas
1922–1925
Joaquin Codamon Miguel Cornejo[c] Henry A. Kamora
Juan Cailles[d]
Ikapitong Lehislatura ng Pilipinas
1925–1928
Saturnino Moldero
Ikawalong Lehislatura ng Pilipinas
1928–1931
Clemente Irving
Ikasiyam na Lehislatura ng Pilipinas
1931–1934
Hilary P. Clapp Juan Gaerlan Henry A. Kamora
Ikasampung Lehislatura ng Pilipinas
1934–1935
Emiliano P. Aguirre Felix P. Diaz Rodolfo Hidalgo

Notes

  1. Administratibong malaya mula sa lalawigan at hindi bumoboto sa mga panlalawigang posisyon mula 1909 sa bisa ng Kautusan Blg. 1964. Bumoboto lamang kasama ng Mountain Province para sa kinatawan sa mababang kapulungan.
  2. Nagsimulang manungkulan noon lamang 1917 pagkatapos italaga ng Gobernador-Heneral, ayon sa mga probisyon ng Kautusan Blg. 2711.
  3. Tinanggal sa tungkulin ng Gobernador-Heneral noong Oktubre 6, 1925 pagkatapos mahatulan at masentensiyahan ng pagkabilanggo dahil sa pag-atake sa isang Amerikano.[5]
  4. Itinalaga ng Gobernador-Heneral noong Oktubre 1925 upang punan ang posisyong binakante ni Miguel Cornejo.[4]
Panahon Kinatawan
Kapulungang Pambansa
1943–1944
Florencio Bagwan
Hilary P. Clapp (ex officio)
Panahon Kinatawan
Regular Batasang Pambansa
1984–1986
Victor S. Dominguez
  1. "Mt. Province Rep. Victor Dominguez dies of heart attack". GMANews.TV. 2008-02-09. Nakuha noong 2008-04-20.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cabreza, Vincent (3 Hunyo 2017). "Mt. Province lawmaker dies of kidney failure". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Hunyo 21, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Congress of the Philippines (Mayo 11, 1955). "Republic Act No. 1222 - An Act Creating the Municipal District of Potia in the Mountain Province". The Corpus Juris. Nakuha noong Abril 11, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Congressional Library Bureau. "Roster of Philippine Legislators". Republic of the Philippines, House of Representatives. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 16, 2017. Nakuha noong Pebrero 7, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "News of the World". Philippine Education Magazine. Bol. 22. Manila: Philippine Education Co. 1925. p. 321.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Philippine House of Representatives Congressional Library