Pumunta sa nilalaman

Distritong pambatas ng Misamis Oriental

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Misamis Oriental, Una at Ikalawa ang mga kinatawan ng lalawigan ng Misamis Oriental sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Malaking bahagi ng kasalukuyang nasasakupan ng Misamis Oriental ay bahagi ng kinakatawan ng dating lalawigan ng Misamis (1907–1931). Hindi kabilang dito ang mga teritoryo na dinugtong noong 1921 mula sa Bukidnon (na kinakatawan ng Departamento ng Mindanao at Sulu): Napaliran (dinugtong sa Balingasag noong 1921), Claveria (naging munisipalidad noong 1950), Lourdez (ipinamahagi sa pagitan ng Alubijid, El Salvador, Initao, Manticao at Opol noong 1955) at Lumbia (ipinamahagi sa pagitan ng Cagayan de Oro at Opol noong 1954).

Sa bisa ng Batas Blg. 3537 na naaprubahan noong Nobyembre 2, 1929, hinati ang noo'y lalawigan ng Misamis sa dalawa, Misamis Occidental at Misamis Oriental, at binigyan ng tig-iisang distrito. Nagsimulang maghalal ng kinatawan ang solong distrito ng Misamis Oriental noong eleksyon 1931.

Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Kapulungang Pambansa. Nang manumbalik ang Komonwelt, napanatili ang solong distrito ng lalawigan.

Kahit naging lungsod na ang Cagayan de Oro at Gingoog, nanatili silang kinakatawan ng lalawigan sa pamamagitan ng mga Batas Pambansa Blg. 521 (1950) at 2688 (1960).

Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 4669 na naipasa noong Hunyo 18, 1966, hiniwalay ang sub-province ng Camiguin upang maging ganap na lalawigan. Patuloy na nirepresentahan ng lalawigan ang Camiguin hanggang 1969.

Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon X sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa. Ang Lungsod ng Cagayan de Oro ay nabigyan ng sariling distrito sa parehong taon.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, nahati ang lalawigan sa dalawang distritong pambatas noong 1987.

Unang Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Isacio A. Pelaez
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Homobono T. Cesar
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Oscar S. Moreno
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Danilo P. Lagbas[a]
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
bakante
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Peter M. Unabia
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Ika-18 na Kongreso
2019–2022
Christian S. Unabia

Notes

  1. Pumanaw noong Hunyo 8, 2008; nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ika-14 na Kongreso.

Ikalawang Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Victorico L. Chaves
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Augusto H. Baculio
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Yevgeny Vincente B. Emano
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Juliette T. Uy
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Ika-18 na Kongreso
2019–2022

Solong Distrito (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Ikasiyam na Lehislatura ng Pilipinas
1931–1934
Isidro Vamenta
Ikasampung Lehislatura ng Pilipinas
1934–1935
Segundo Gaston
Unang Pambansang Kapulungan
1935–1938
Leon Borromeo
Ikalawang Pambansang Kapulungan
1938–1941
Isidro Vamenta
Unang Kongreso ng Komonwelt
1945
Jose Artadi
Unang Kongreso
1946–1949
Pedro S. Baculio
Ikalawang Kongreso
1949–1953
Emmanuel N. Pelaez
Ikatlong Kongreso
1953–1957
Ignacio S. Cruz
Ikaapat na Kongreso
1957–1961
Fausto Dugenio
Ikalimang Kongreso
1961–1965
Vicente B. De Lara
Ikaanim na Kongreso
1965–1969
Emmanuel N. Pelaez[a]
bakante

Notes

  1. Nahalal sa Senado noong eleksyon 1967; nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ikaanim na Kongreso.
Panahon Kinatawan
Ikapitong Kongreso
1969–1972
Pedro M. Roa

At-Large (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Kapulungang Pambansa
1943–1944
Isidro Vamenta
Jose Artadi (ex-officio)
Panahon Kinatawan
Regular Batasang Pambansa
1984–1986
Homobono A. Adaza
Concordio C. Diel
  • Philippine House of Representatives Congressional Library