Pumunta sa nilalaman

Distritong pambatas ng Davao Oriental

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Davao Oriental, Una at Ikalawa ang mga kinatawan ng lalawigan ng Davao Oriental sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Ang kasalukuyang nasasakupan ng Davao Oriental ay dating kinakatawan ng Departamento ng Mindanao at Sulu (1917–1935) at ng dating lalawigan ng Davao (1935–1967).

Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 4867 na naipasa noong Mayo 8, 1967, hinati ang noo'y lalawigan ng Davao sa tatlo, Davao del Norte, Davao del Sur at Davao Oriental. Ayon sa Seksiyon 4 ng batas, ang noo'y nanunungkulang kinatawan ay papipiliin kung anong distrito ang patuloy niyang kakatawanin. Pinili ni Lorenzo Sarmiento ang Davao del Norte na siyang nag-iwan ng bakanteng mga pwesto sa dalawang natitirang lalawigan. Nagkaroon ng espesyal na eleksyong ginanap noong Nobyembre 14, 1967 upang ihalal ang mga kinatawan ng mga distrito ng Davao del Sur (kasama ang Lungsod ng Davao) at Davao Oriental.

Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon XI sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, nahati ang lalawigan sa dalawang distritong pambatas noong 1987.

Unang Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Enrico G. Dayanghirang
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Ma. Elena T. Palma-Gil
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Corazon N. Malanyaon
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Nelson L. Dayanghirang
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Corazon N. Malanyaon
Ika-18 na Kongreso
2019–2022

Ikalawang Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Thelma Z. Almario
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Joel Mayo Z. Almario
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Ika-13 na Kongreso
2004–2010
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Thelma Z. Almario
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Joel Mayo Z. Almario
Ika-18 na Kongreso
2019–2022

Solong Distrito (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Ikaanim na Kongreso
1965–1969
Constancio P. Maglana
Ikapitong Kongreso
1969–1972

At-Large (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Regular Batasang Pambansa
1984–1986
Merced Edith N. Rabat
  • Philippine House of Representatives Congressional Library