Distritong pambatas ng Mountain Province
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Ang solong Distritong Pambatas ng Lalawigang Bulubundukin ang kinatawan ng Lalawigang Bulubundukin sa mababang kapulungan ng Pilipinas.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang di-hinating Mountain Province (1908–1966)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula 1907 hanggang 1917, ang mga hindi Kristiyanong lugar ng Pilipinas (kasama ang Mountain Province) ay hindi nabigyan ng representasyon sa mababang kapulungan ng Lehislatura ng Pilipinas. Ngunit, sa bisa ng Philippine Autonomy Act ng 1916 na naipasa ng Kongreso ng Estados Unidos, at ng Kautusan Blg. 2711 (Revised Administrative Code) na naaprubahan noong Marso 10, 1917, nabigyan ng karapatang marepresentahan ang Mountain Province sa mababang kapulungan. Tatlong kinatawan ang itinalaga ng Gobernador-Heneral na kakatawan sa Mountain Province, kasama ang nakakartang lungsod ng Baguio sa mababang kapulungan bilang solong at-large na distrito. Hindi kinakailangang residente ng lalawigang kanilang nirerepresentahan ang mga kinatawang itinalaga. Halimbawa, sina Pedro Aunario (taga-Maynila) at Lope K. Santos (taga-Rizal) ay ilan sa mga kinatawan ng Mountain Province.
Kahit maraming munisipalidad at munisipal na distrito ng Mountain Province ang dinugtong sa mga kalapit na lalawigan ng Ilocos Sur (noong 1920), La Union (noong 1920) at Cagayan (noong 1922 at 1928), ang mga botante ng mga lugar na ito ay patuloy na nirepresentahan ng tatlong kinatawan ng Mountain Province hanggang 1935. Taong 1935 nang nabigyan ng karapatang maghalal ng kinatawan ang Mountain Province, sa bisa ng Kautusan Blg. 4203.
Sa pamamagitan ng parehong kautusan, hinati ang lalawigan sa tatlong distritong pambatas. Ang nag-iisang sub-province na nabibilang sa higit isang distrito ay ang Bontoc: ang silangang bahagi nito ay bahagi ng unang distrito habang ang kanlurang bahagi ay bahagi ng ikatlong distrito.
Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Kapulungang Pambansa. Bilang nakakartang lungsod, ang Baguio ay may sariling kinatawan. Nang manumbalik ang Komonwelt, muling hinati ang lalawigan sa tatlong distritong pambatas noong 1945.
Bilang kasalukuyang Mountain Province (1966–kasalukuyan)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 4695 na naaprubahan noong Hunyo 18, 1966, ginawang ganap na lalawigan ang mga sub-province ng Mountain Province: Benguet, Kalinga–Apayao, Ifugao at Mountain Province (Bontoc). Ayon sa Seksiyon 10 ng batas, ang noo'y nanunungkulang mga kinatawan ay patuloy na nirepresentahan ang kanilang mga distrito hanggang matapos ang Ikaanim na Kongreso. Nagsimulang maghalal ng kinatawan ang bagong Mountain Province noong eleksyon 1969.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon I sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, napanatili ng lalawigan ang solong distrito nito noong 1987.
Solong Distrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Munisipalidad: Barlig, Bauko, Besao, Bontoc, Natonin, Paracelis, Sabangan, Sadanga, Sagada, Tadian
- Populasyon (2015): 154,590
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1969–1972 |
|
1987–1992 |
|
1992–1995 | |
1995–1998 | |
1998–2001 |
|
2001–2004 |
|
2004–2007 |
|
2007–2010 | |
2010–2013 |
|
2013–2016 | |
2016–2019 | |
2019–2022 |
Notes
Unang Distrito (defunct)
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sub-province ng Apayao: Calanasan (Bayag), Conner, Kabugao, Luna, Namaltugan (dinugtong sa Calanasan 1936), Tauit (dinugtong sa Luna 1936), Pudtol (tinatag 1959), Flora (tinatag 1963), Santa Marcela (tinatag 1967)
- Sub-province ng Bontoc: Barlig, Bontoc, Natonin, Sabangan, Sadanga, Sagada, Paracales (Paracelis) (tinatag 1962)
- Sub-province ng Kalinga: Balbalan, Lubuagan, Pinukpuk, Tabuk, Tanudan, Tinglayan (nilipat mula sa Bontoc sub-province 1922), Liwan (tinatag 1965), Pasil (tinatag 1966)
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1935–1938 |
|
1938–1941 | |
1945 |
|
1946–1949 | |
1949–1953 |
|
1953–1957 |
|
1957–1961 |
|
1961–1965 |
|
1965–1969 | |
Notes
- ↑ Inalis sa posisyon noong Enero 1964 pagkatapos matalo sa protestang inihain ni Juan M. Duyan.
- ↑ Pinalitan si Alfredo G. Lamen pagkatapos manalo sa protestang inihain; nanumpa sa tungkulin noong Enero 27, 1964 at tinapos ang Ikalimang Kongreso. Nanalo noong eleksyon 1965 ngunit umalis sa pwesto pagkatapos manalong gobernador ng Kalinga–Apayao noong Nobyembre 14, 1967; nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ikaanim na Kongreso.
Ikalawang Distrito (defunct)
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lungsod: Baguio[a]
- Sub-province ng Benguet: Ampusungan (dinugtong sa Bakun 1936), Atok, Bakun, Bokod, Buguias, Itogon, Kabayan, Kapangan, Kibungan, La Trinidad, Mankayan, Sablan, Tuba, Tublay
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1935–1938 |
|
1938–1941 |
|
1945 | |
1946–1949 |
|
1949–1953 |
|
1953–1957 | |
1957–1961 | |
1961–1965 | |
1965–1969 |
Notes
- ↑ Administratibong malaya mula sa lalawigan at hindi bumoboto sa mga panlalawigang posisyon mula 1909 sa bisa ng Kautusan Blg. 1964. Bumoboto lamang kasama ng Mountain Province para sa kinatawan sa mababang kapulungan.
- ↑ Inalis sa pwesto pagkatapos matalo sa protestang inihain ni Ramon P. Mitra.
- ↑ Pinalitan si Dennis Molintas pagkatapos manalo sa protestang inihain niya noong Oktubre 12, 1951; nanumpa sa tungkulin noong Enero 28, 1952 at tinapos ang Ikalawang Kongreso.
Ikatlong Distrito (defunct)
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sub-province ng Ifugao: Banaue, Lagawe (Burnay), Hungduan, Kiangan, Mayoyao, Potia (tinatag bilang munisipal na distrito 1955[3]), Lamut (tinatag bilang munisipal na distrito 1959)
- Sub-province ng Bontoc (dinugtong mula sa Lepanto sub-province 1920): Banaao (dinugtong sa Kayan 1935), Bauko, Besao, Tadian (Kayan)
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1935–1938 |
|
1938–1941 |
|
1945 |
|
1946–1949 |
|
1949–1953 | |
1953–1957 |
|
1957–1961 | |
1961–1965 | |
1965–1969 |
Notes
- ↑ Nanumpa sa tungkulin noong Hunyo 11, 1945.
At-Large (defunct)
[baguhin | baguhin ang wikitext]1917–1935
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kasama ang malayang lungsod ng Baguio,[a] at mga sub-province ng Amburayan (binuwag 1920), Apayao, Benguet, Bontoc, Ifugao, Kalinga at Lepanto (binuwag 1920)
- Kasama rin ang mga munisipalidad at munisipal na distrito na inilipat sa ibang mga lalawigan:
- Cagayan: Allacapan (1928), Langangan (1922)
- Ilocos Sur: Alilem (1920), Angaki (1920), Cervantes (1920), Concepcion (1920), San Emilio (1920), Sigay (1920), Sugpon (1920), Suyo (1920), Tagudin (1920)
- La Union: Bagulin (1920), Disdis (1920), Pugo (1920), Santol (1920), San Gabriel (1920), Sudipen (1920)
Panahon | Mga Kinatawan[4] | ||
---|---|---|---|
Ikaapat na Lehislatura ng Pilipinas 1916–1919[b] |
Rafael Bulayungan | Juan Cariño | Valentin Manglapus |
Ikalimang Lehislatura ng Pilipinas 1919–1922 |
Pedro Aunario | ||
Ikaanim na Lehislatura ng Pilipinas 1922–1925 |
Joaquin Codamon | Miguel Cornejo[c] | Henry A. Kamora |
Juan Cailles[d] | |||
Ikapitong Lehislatura ng Pilipinas 1925–1928 |
Saturnino Moldero | ||
Ikawalong Lehislatura ng Pilipinas 1928–1931 |
Clemente Irving | ||
Ikasiyam na Lehislatura ng Pilipinas 1931–1934 |
Hilary P. Clapp | Juan Gaerlan | Henry A. Kamora |
Ikasampung Lehislatura ng Pilipinas 1934–1935 |
Emiliano P. Aguirre | Felix P. Diaz | Rodolfo Hidalgo |
Notes
- ↑ Administratibong malaya mula sa lalawigan at hindi bumoboto sa mga panlalawigang posisyon mula 1909 sa bisa ng Kautusan Blg. 1964. Bumoboto lamang kasama ng Mountain Province para sa kinatawan sa mababang kapulungan.
- ↑ Nagsimulang manungkulan noon lamang 1917 pagkatapos italaga ng Gobernador-Heneral, ayon sa mga probisyon ng Kautusan Blg. 2711.
- ↑ Tinanggal sa tungkulin ng Gobernador-Heneral noong Oktubre 6, 1925 pagkatapos mahatulan at masentensiyahan ng pagkabilanggo dahil sa pag-atake sa isang Amerikano.[5]
- ↑ Itinalaga ng Gobernador-Heneral noong Oktubre 1925 upang punan ang posisyong binakante ni Miguel Cornejo.[4]
1943–1944
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kasama ang mga sub-province ng Apayao, Benguet, Bontoc, Ifugao and Kalinga ngunit hindi kasama ang Lungsod ng Baguio
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1943–1944 |
|
1984–1986
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panahon | Kinatawan |
---|---|
1984–1986 |
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Distritong pambatas ng Baguio
- Distritong pambatas ng Benguet
- Distritong pambatas ng Ifugao
- Distritong pambatas ng Kalinga–Apayao
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Mt. Province Rep. Victor Dominguez dies of heart attack". GMANews.TV. 2008-02-09. Nakuha noong 2008-04-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cabreza, Vincent (3 Hunyo 2017). "Mt. Province lawmaker dies of kidney failure". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Hunyo 21, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Congress of the Philippines (Mayo 11, 1955). "Republic Act No. 1222 - An Act Creating the Municipal District of Potia in the Mountain Province". The Corpus Juris. Nakuha noong Abril 11, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Congressional Library Bureau. "Roster of Philippine Legislators". Republic of the Philippines, House of Representatives. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 16, 2017. Nakuha noong Pebrero 7, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "News of the World". Philippine Education Magazine. Bol. 22. Manila: Philippine Education Co. 1925. p. 321.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Philippine House of Representatives Congressional Library