Pumunta sa nilalaman

Distritong pambatas ng Lungsod ng Iloilo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang solong Distritong Pambatas ng Lungsod ng Iloilo ang kinatawan ng mataas na urbanisadong lungsod ng Iloilo sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Ang kasalukuyang nasasakupan ng Lungsod ng Iloilo ay dating kinakatawan ng ikalawang distrito ng lalawigan ng Iloilo. Noong 1907, ang noo'y munisipalidad ng Iloilo ay binubuo ng mga dating pueblo ng Iloilo, Jaro, La Paz, Mandurriao at Molo. Ang Arevalo ay hiwalay na munisipalidad ng panahong iyon. Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 64 na inilabas noong Disyembre 24, 1907, muling ginawang munisipalidad ang Jaro. Sa pamamagitan naman ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 70 na nilagdaan noong Oktubre 11, 1919, muling ginawang munisipalidad ang La Paz.

Noong 1936, pinagsama ang mga munisipalidad ng Arevalo, Iloilo at La Paz upang buuin ang Lungsod ng Iloilo. Nanatili itong kinakatawan ng ikalawang distrito ng Iloilo. Noong 1940, dinugtong muli ang munisipalidad ng Jaro sa lungsod.

Bilang isang nakakartang lungsod, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lungsod sa Kapulungang Pambansa ng Ikalawang Republika. Nang manumbalik ang Komonwelt noong 1945, ibinalik ang lungsod sa ikalawang distrito ng Iloilo hanggang 1972.

Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon VI sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Ang lungsod ay muling ipinangkat kasama ang lalawigan ng Iloilo sa Regular Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, nabigyan ng sariling distrito ang lungsod na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 1987.

Solong Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Populasyon (2015): 447,992
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Rafael J. Lopez-Vito
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Raul M. Gonzalez
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Raul T. Gonzalez Jr.
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Jerry P. Treñas
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Ika-18 na Kongreso
2019–2022
Julienne L. Baronda

At-Large (defunct)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Kinatawan
Kapulungang Pambansa
1943–1944
Fortunato R. Ybiernas[1]
Vicente R. Ybiernas (ex officio)[1]
  • Philippine House of Representatives Congressional Library


  1. 1.0 1.1 Official program of the inauguration of the Republic of the Philippines and the induction into office of His Excellency Jose P. Laurel. Bureau of Printing. 1943.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)