Pumunta sa nilalaman

Kapuluang Falkland

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa ISO 3166-1:FK)
Ang Katedral ng Christchurch ("Simbahan ni Kristo"), Stanley.

Ang Kapuluan ng Falkland o Kapuluan ng Malvinas ay isang pangkat ng mga pulo na nasa loob ng karagatan ng Timog Atlantiko, papalayo sa dalampasigan ng Timog Amerika. Ang mga ito ay isang teritoryong nasa ibayong dagat ng Nagkakaisang Kaharian, subalit inaangkin ang mga ito ng Arhentina magmula pa noong 1833. Isang digmaang nakikilala bilang Digmaang Falklands ang pinag-awayan hinggil sa pagmamay-ari ng mga ito noong kapanahunan ni Margaret Thatcher bilang Punong Ministro ng Britanya. Maraming mga pulo sa loob ng pangkat subalit ang dalawang pinaka malalaki ay ang Silangang Falkland at ang Kanlurang Falkland. Tinatayang 3,000 katao ang naninirahan sa mga ito. Ang mga tao ng kapuluan ay Britaniko at nagsasalita ng Ingles. Ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga tao ay pangingisda at pag-aalaga ng mga tupa.

Ang Kapuluang Falkland ay tinatayang nasa 300 mga milya (480 km) sa silangan ng Arhentina. Nagkaroon ang Arhentina at Nagkakaisang Kaharian ng maiksing digmaan noong 1982 dahil nagpahayag ng pag-aangkin ang Arhentina sa mga pulo. Nagtagal ang digmaan ng 6 na mga linggo at tinatayang 1,000 mga sundalo ang namatay. Nagapi ng Nagkakaisang Kaharian ang Arhentina at pagkaraan nito ang mga pamahalaan ng dalawang bansa ay hindi nakikipag-usap sa isa't isa. Noong 1990, nagsimula ulit silang magkaroon ng mga talakayan, subalit sa paglaon ang Arhentina ay tumangging magpatuloy sa pakikipag-usap. Natagpuan ang langis at gaas sa ilalim ng dagat na nasa paligid ng kapuluan. Nagkasundo ang Arhentina at Nagkakaisang Kaharian na pagsaluhan ang langis at gaas. Mayroon ding langis at gaas sa labas ng pook ng dagat na pag-aari ng Nagkakaisang Kaharian. Ito ay pag-aari ng Arhentina.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang bukid sa loob ng Kampo.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]