Cabo Verde

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kabo Berdes)
Jump to navigation Jump to search
Republika ng Cabo Verde
República de Cabo Verde
Pambansang Awit: Cântico da Liberdade (Portuges)
"Awit ng Kalayaan"

Pununglunsod
(at pinakamalaking lungsod)
Praia
14°55′N 23°31′W / 14.917°N 23.517°W / 14.917; -23.517
Opisyal na wika Portuges (opisyal)
at siyam na mga wikang Crioulo ng Cabo Verde
Pamahalaan Republika
 -  Pangulo
 -  Punong Ministro
Kalayaan mula Portugal 
 -  Kinilala Hulyo 5, 1975 
Lawak
 -  Kabuuan 4,033 km2 (ika-172)
1,557 sq mi 
 -  Katubigan (%) -
Santauhan
 -  Pagtataya ng Hulyo 2006 420,979 (ika-165)
 -  Lahatambilang ng 2005 507,000 
 -  Kakapalan 126/km2 (ika-79)
326/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $3.055 bilyon (ika-158)
 -  Bawat ulo $6,418 (ika-92)
TKT (2004) Increase 0.722 (medium) (ika-106)
Pananalapi eskudo ng Cabo Verde (CVE)
Pook ng oras Oras ng Cabo Verde (CVT) (TPO-1)
 -  Tag-araw (DST) wala (TPO-1)
Internet TLD .cv
Kodigong pantawag 238

Ang Republika ng Cabo Verde (Ingles: Cape Verde) ay isang republika na matatagpuan sa kapuluan ng ekorehiyon ng Makronesya ng Hilagang Dagat Atlantiko, sa labas ng kanlurang pampang ng Aprika. Natuklasan at ginawang kolonya ang dating walang-nakatirang mga pulo ng mga Portuges noong ika-15 daang taon; naging sentro ito ng kalakalan ng mga aliping Aprikano sa kalaunan.

Ang pangalang "Cape Verde" ay nakagisnang ginagamit sa wikang Ingles para sa kapuluan, at para sa bansa mula nang nakamit nito ang kalayaan noong 1975. Noong 2013, napagpasiyahán ng pamahalaan ng Cabo Verde na ang katawagang Portuges na Cabo Verde ang siyang gagamitin para sa mga layuning opisyal, tulad sa Mga Nagkakaisang Bansa, pati na sa mga kontekstong Ingles. Isang kasapi ng Unyong Aprikano ang Cabo Verde.

Pagpapangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pangalang Cabo Verde ay nagmula sa Cap Vert (wikang Pranses na nangangahulugang "Lunting Kapa") sa Senegal, ang pinakakanluraning pook sa kontinente ng Aprika.

Noong ika-24 ng Oktubre 2013, ipinahayag ng delegasyon ng bansa sa Mga Nagkakaisang Bansa (UN) na ang kinikilalang pangalan ay hindi na dapat isalin sa ibang mga wika. Sa halip ng "Cape Verde" sa wikang Ingles, gagamitin ang katawagang "Republic of Cabo Verde" (sa wikang Filipino o Tagalog, "Republika ng Cabo Verde").[1][2]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Kasaysayan ng Cabo Verde

Walang naninirahan sa Cabo Verde nang magsidating ang mga Portuges noong 1460 at gawing bahagi ng imperyong Portuges ang mga kapuluan. Dahil sa lokasyon nito sa may dalampasigan ng Aprika ang Cabo Verde ay naging isang mahalagang tubigang himpilan, na noon ay isang lugar na taniman ng mga tubo, at naging pangunahing pinagkukunan ng mga alipin para sa kalakalang transatlantiko, na nang kalaunan ay humubog ng Diyasporang Aprikano, o sapilitang pagkalat ng bilang ng mga Aprikano sa ibang mga lupain.

Noong 1975, nakamit ng Cabo Verde ang kasarinlan mula sa Portugal matapos ang isang mahabang pakikibakang sandatahan sa mga kagubatan ng Guinea-Bissau. Ang Partidong Aprikano para sa Kasarinlan ng Guinea-Bissau at Cabo Verde (PAIGC) ay ang nagiisang kinatawan na nagdulot ng kalayaan para sa Cabo Verde. Bilang karagdagan, may ginanapan ding papel ang rebolusyanoryang popular ng armadong hukbo ng Cuba sa pagsasarili ng Cabo Verde. Pagkatapos ng kasarinlan, sinubok ng PAIGC na pag-isahin ang Cabo Verde at Guinea-Bissau para maging isang bansa, na hinahawakan ng PAIGC ang dalawang pamahalaan, ngunit naunsiyami ang plano dahil sa pag-aalsa (kudeta) ng Guinea-Bissau noong 1980. Bilang resulta, ang titik na G - na panandang titik para sa Guinea-Bissau, ay tinanggal mula sa daglat na PAIGC. Mula sa paglaglag na ito, nabuo ang PAICV o Partidong Aprikano para sa Kasarinlan ng Cabo Verde. Sa Cabo Verde, namuno ang PAICV hanggang sa ganapin ang halalang makademokrasya ng 1991, na nagdulot ng pagpapalit ng pamahalaan. Nagwagi sa eleksiyong ito ang Mobimyento para sa Demokrasya (MPD, Mga Galaw para sa Demokrasya). Muling nahalal ang MPD noong 1996. Muling nagbalik sa kapangyarihan ang PAICV noong 2001, at muling nanalo noong 2006.

Klima[baguhin | baguhin ang batayan]

Malak ng kapanahunan sa Cabo Verde: Sal at Praia
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taunan
Sukdulang taas °S (°P) 33.0
(91.4)
36.7
(98.1)
35.2
(95.4)
36.0
(96.8)
36.4
(97.5)
40.0
(104)
40.0
(104)
34.9
(94.8)
35.0
(95)
37.0
(98.6)
36.9
(98.4)
33.2
(91.8)
40.0
(104)
Balasaking taas °S (°P) 26.1
(79)
26.2
(79.2)
27.4
(81.3)
27.7
(81.9)
28.9
(84)
29.4
(84.9)
29.7
(85.5)
30.6
(87.1)
30.5
(86.9)
30.7
(87.3)
29.4
(84.9)
27.6
(81.7)
28.68
(83.64)
Arawang tamtaman °S (°P) 22
(72)
22
(72)
22
(72)
23
(73)
24
(75)
24
(75)
25
(77)
26
(79)
26
(79)
26
(79)
25
(77)
23
(73)
24
(75)
Balasaking baba °S (°P) 19.7
(67.5)
19.2
(66.6)
19.4
(66.9)
20.2
(68.4)
21.1
(70)
21.9
(71.4)
23.3
(73.9)
24.3
(75.7)
24.4
(75.9)
24.1
(75.4)
22.8
(73)
21.4
(70.5)
21.82
(71.27)
Sukdulang baba °S (°P) 10.0
(50)
10.2
(50.4)
10.0
(50)
14.0
(57.2)
10.7
(51.3)
14.1
(57.4)
11.0
(51.8)
16.0
(60.8)
18.0
(64.4)
19.4
(66.9)
16.4
(61.5)
16.0
(60.8)
10.0
(50)
Balasaking kadanligan mm (dali) 3
(0.12)
7
(0.28)
5
(0.2)
5
(0.2)
0
(0)
3
(0.12)
5
(0.2)
15
(0.59)
14
(0.55)
16
(0.63)
7
(0.28)
10
(0.39)
90
(3.56)
Balasaking halumigmig na matungay (%) 61 58 57 56 57 61 67 50 47 67 64 63 59
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 310.0 214.5 280.0 330.0 341.0 300.0 279.0 250.0 295.0 279.0 300.0 279.0 3,457.5
Sanggunian #1: Weatherbase.com (humidity, sun and mean temperature),[3] Met Office for precipitation[4]
Sanggunian #2: Voodoo Skies for the rest [5]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang NameNatGeo); $2
  2. "Cabo Verde põe fim à tradução da sua designação oficial" [Cabo Verde puts an end to translation of its official designation] (sa Portuguese). Panapress. 31 Oktubre 2013. Sininop mula sa orihinal noong 17 Disyembre 2013. Hinango noong 17 Disyembre 2013.
  3. "Praia, Cape Verde Travel Weather Averages". Weatherbase. Sininop mula sa orihinal noong 15 Enero 2014. Hinango noong 14 Enero 2014.
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang metoffice.gov.uk); $2
  5. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang VoodooSkies.com); $2