Pumunta sa nilalaman

Apostol Pablo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Saulo ng Tarso)
Nakakarga ang Pablo dito. Para sa ibang gamit, tingnan ang Pablo (paglilinaw).
Pablo ang Apostol
Ananias of Damascus restores
Saint Paul's sight.
A 1631 painting by Pietro Cortona.
Apostle to the Gentiles
Ipinanganakca. 5 CE[1]
in Tarso in Cilicia[2]
(south-central Turkey)
Namatayc. 67 CE[3][4]
probably in Rome[3]
Benerasyon saKaramihan ng kasalukyang mga denonominasyon ng Kristiyanismo
Pangunahing dambanaBasilica of Saint Paul Outside the Walls
KapistahanEnero 25 (The Conversion of Paul)
Pebrero 10 (Feast of Saint Paul's Shipwreck in Malta)
Hunyo 29 (Feast of Saints Peter and Paul)
Nobyembre 18 (Feast of the dedication of the basilicas of Saints Peter and Paul)
KatangianSword
PatronMga misyon; Mga teologo; Mga hentil

Si Apostol Pablo o Pablo ng Tarso (Ebreo: פאולוס מתרסוס, Pa’ulus miTarsus) (5 CE67 CE) ayon sa ilang aklat ng Bagong Tipan ay isang apostol ni Hesus. Ang mga sulat na tradisyonal na itinuturo sa kanya ng mga Kristiyano na tinatawag na mga sulat ni Pablo ay bumubuo ng malaking bahagi ng Bagong Tipan. Gayunpaman, ang marami sa mga sulat ni Pablo ay pinaniniwalaan ng mga modernong skolar na hindi autentiko o peke na ipinangalan lang kay Pablo. Ang mga sulat ni Pablo na nakapasok sa kanon na Katoliko ay tinatanggap ng maraming mga Kristiyano ngayon ngunit hindi lahat ng mga Kristiyano. Ang mga ebionita ay tumakwil sa mga sulat ni Pablo at tumuring kay Pablo na isang impostor na apostol.

Ang Kristiyanismong Paulino ay isang terminong ginagamit ng mga skolar mula pa noong ika-20 siglo upang tukuyin ang isang anyo ng Kristiyanismo na nauugnay sa mga paniniwala at doktrinang itinaguyod ni Pablo sa kanyang mga sinasabing sulat. Ang mga skolar ay nagmungkahi ng iba't ibang mga hibla ng pananaw sa loob ng Sinaunang Kristiyanismo sa mga simulang siglo nito. Ang mga katuruan ni Pablo ay nakita ng marami na iba at sumasalungat sa mga katuruan ni Hesus na nakatala sa mga kanonikal na ebanghelyo gayundin sa Mga Gawa ng mga Apostol at iba pang mga epistula ng Bagong Tipan gaya ng Sulat ni Santiago. Ang mga tagapagtaguyod ng anyong Paulino ng Kristiyanismo ay kinabiblangan ni Marcion ng Sinope na nag-angking si Pablo ang tanging apostol na tamang nakaunawa ng mensahe ng kaligtasan ni Hesus. Salungat dito ang mga pangkat ng Kristiyanismo na tumakwil kay Pablo at sa kanyang mga sulat at katuruan na kinabibilangan ng mga Hudyong-Kristiyano gaya ng mga Ebionita at Nazareno dahil sa kanyang paglihis sa Hudaismo at mga katuruan ng ibang mga apostol. Kanilang itinuring si Pablo na isang natalikod at impostor na apostol. Ayon sa mga skolar gaya nina Hyam Maccoby (1987), Robert Eisenman, James Tabor, Hugh Schonfield (1961) at marami pang iba, ang mga Ebionita ay mas matapat sa mga autentikong mga katuruan ni Hesus at bumubuo ng mga nananaig na mananampalataya ng Herusalem sa mga simulang siglo ng Kristiyanismo bago ang kanilang unti-unting marhinalisasyon ng mga tagasunod ni Pablo.[5][6][7][8][9][10]

Tāłámbühåÿ

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Komposito ng mukha ni Pablo na ginawa ng mga eksperto ng kapulisan ng estado ng NRW, Alemanya.
Isang dibuho hinggil sa pagbabagong-loob ni San Pablo noong patungo siya sa Damasco. Ipininta ng tagapintang si Michelangelo Merisi da Caravaggio (1573–1610) - mas kilala bilang Caravaggio lamang - ang obrang ito. Sumiklab lamang ang liwanag na mula sa kalangitan sa loob ng isip ni Saul - na naging Pablo. Sa larawang ito na walang panlikod na palamuti o tanawin sapagkat nasa loob lamang ng isang silid o pook sa isang bahay. Tila naghihintay lamang ang kasamang katulong at ang kabayo na muling balikan ng ulirat at bumangong muli si Pablo, para makapagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.[11]

Ang mga sanggunian sa buhay ni Pablo ang Mga Gawa ng mga Apostol at mga sulat ni Pablo. Ang Mga Gawa ay nagsasalaysay ng kuwento ng panahong apostoliko ng sinaunang simbahang Kristiyano na may partikular na pagbibigay diin sa pangangaral ng 12 apostol at ni Pablo. Ang mga kalaunang kabanata ay nagsasalaysay ng pagkaakay ni Pablo sa Kristiyanismo, kanyang pangangaral at sa huli ay ang pagdakip at pagkakabilanggo at paglalakbay sa Roma. Ayon sa mga skolar, ang may akda ng Mga Gawa ng mga Apostol ay hindi maituturing na isang napaka-maasahang historyan. Ayon sa mga skolar, ang Mga Gawa ng mga Apostol ay naglalarawan kay Pablo nang iba sa paglalarawan ni Pablo sa kanyang mga epistula na parehong sa paktuwal at teolohikal.[12] Ang Mga Gawa ay iba sa mga sulat ni Pablo sa mga mahahalagang isyu gaya ng kautusan ni Moises, pagka-apostol ni Pablo at kanyang relasyon sa simbahan sa Herusalem.[13] Ang isa pang isyu na sumisira sa kredibilidad ng may akda ng Mga Gawa ang plagiarismo nito ng iba't ibang mga sanggunian.

Talambuhay ayon sa Bagong Tipan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Mga Gawa* at Mga Gawa*, si Pablo ay isang mamamayang Romano sa kapanganakan gaya ng kanyang ama. Siya ay nagmula sa isang taos pusong pamilyang Hudyo sa siyudad ng Tarso.[14] Ang kanyang pamilya ay may kasaysayan ng kabanalang pang-relihiyon (2 Timoteo 1:3. Maliwanag na ang kanyang pamilya ay nauugnay sa mga tradisyon ng fariseo (Filipos 3:5–6). Ang kanyang ama ay isang fariseo (Mga Gawa*). Ayon sa Filipos 3:5, siya ay mula sa lipi ni Benjamin, isang Hebreo ng mga Hebreo at isang fariseo. Sa kanyang kabataan, ipinadala si Pablo sa Herusalem upang tumanggap ng edukasyon sa eskwela ni Gamaliel (Mga Gawa*). Gayunpaman, ang mga pagtatangka ni Pablo na mangatwiran sa istilong rabbiniko halimbawa sa Roma 7:1–6 ay naghahayag ng kanyang kawalang kaalaman sa lohikang rabbiniko. Ang ilan sa kanyang mga kamag-anak ay tumira sa Herusalem dahil kalaunan, ang isa sa mga anak ng kanyang kapatid na babae ay nagligtas ng kanyang buhay doon (Mga Gawa*). Wala nang iba pa pang alam sa kanyang buhay hanggang sa sumali siya sa pagkamartir ni Esteban (Mga Gawa*). Si Saul ay natutong gumawa ng mga tolda (Mga Gawa*) na kalaunan ang naging paraan ng pagsuporta sa kanyang sarili habang nangangaral.

Mga posibleng impluwensiyang pagano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Siya ay nagmula sa isang taos pusong pamilyang Hudyo sa siyudad ng Tarso.[14] Ayon sa mga skolar, ang Tarso ang pinakamaimpluwensiyang siyudad sa Asya menor sa panahon ni Dakilang Alejandro.[15] Ang Stoisismo ang nananaig na pilosopiya doon. Mabigat na sumasalim sa pilosopiyang Stoiko ang mga sulat ni Pablo upang tulungan ang mga bagong akay na hentil na maunawaan ang salita ng diyos.[16] Ang mga liham ni Pablo na ayon sa mga skolar ay orihinal na isinulat sa wikang Griyego ay may pagkakatulad at posibleng hinango o kinopya mula sa mga pilosopiyang Griyego na Stoiko (halimbawa sa Filipos 4:2-9, Col 3:1-17, 1 Thes 4:1-12, Gawa 17:24-29), Socrates (halimbawa sa 1 Corinto 8:2, 12:4,14-17,25, 13:12), Aristoteles (Gal 5:23), Platonismo (halimbawa sa Roma 7:22-23,8:6, Filipos 1:21,3:19, Colosas 1:18, Efeso 1:22, 1 Corinto 12:14, 1 Cor 9:24, 13:12, 2 Corinto 4:16–5:10)[17] at Cyniko (halimbawa sa Roma 6:16-18,7:14)[18] gayundin sa mga misteryong relihiyon. Ang mga sulat ni Pablo ay nagpapakita ng kanyang kahusayan sa isang edukadong istilong Griyego gayundin sa kanyang pagbanggit ng ilang mga manunulat na Helenestiko. Halimbawa nito ang pagsipi ni Pablo sa isang taga-Creta sa Tito 1:12–13, "Isa sa kanila, ito ay sarili nilang propeta, ang nagsabi: Ang mga taga-Creta ay laging sinungaling, asal masamang hayop at matatakaw na batugan. Isinaad ni Pablo na ang sinabing ito patungkol sa kanila ay totoo (Tito 1:13) na humahantong sa isang kontradiksiyon.

Paggamit ni Pablo ng bersiyong Septuagint

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mabigat na sumipi si Pablo ng mga talata ng Lumang Tipan sa saling Griyego ng Lumang Tipan na Septuagint. Ang Septuagint ay itinatakwil ng mga Hudyo dahil sa mga korupsiyon nito ng Hebreo.

Talambuhay ayon sa mga Ebionita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Kristiyanong si Epiphanius, isinaad ng mga Hudyong-Kristiyanong Ebionita (na tumakwil kay Pablo at tumuring sa kanyang isang natalikod na apostol) na "kanilang inihayag na siya (Pablo) ay Griyego...Siya ay tumungo sa Heruslaem, kanilang sinasabi, at gumugol ng ilang panahon doon, siya ay sinunggaban ng kasigasigan na pakasalan ang anak na babae ng Saserdote. Sa kadahilanang ito ay naging isa siyang akay (sa Hudaismo) at nagpatuli. Pagkatapos ay nang mabigo niyang makuha ang babae ay napoot at sumulat nang laban sa pagtutuli at laban sa Sabbath at Batas (ng Hudyo)"[19]

Pangitain ni Pablo ni Hesus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago ang kanyang pagkaakay sa Kristiyanismo, kanyang inamin na kanyang inusig ang "iglesia ng Diyos" (Galacia 1:13–14, Filipos 3:6, Mga Gawa*). Ayon sa Mga Gawa*,

Siya ay pumunta sa pinakapunong-saserdote at humingi siya ng mga sulat para sa mga sinagoga ng Damasco. Sa ganoon, ang sinumang masumpungang niyang nasa Daan, maging mga lalaki o mga babae ay madala niyang nakagapos patungo sa Jerusalem. Sa kaniyang paglalakbay, nang malapit na siya sa Damasco, biglang nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit na tulad sa kidlat. sa kaniyang paglalakbay, nang malapit na siya sa Damasco, biglang nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit na tulad sa kidlat. Siya ay nadapa sa lupa at nakarinig siya ng isang tinig na nagsasabi sa kaniya: Saulo, Saulo, bakit mo ako pinag-uusig? Sinabi niya: Sino ka ba Panginoon? Sinabi ng Panginoon: Ako si Hesus na iyong pinag-uusig. Mahirap sa iyo ang sumikad sa mga pantaboy na patpat. Nanginginig at nagtatakang sinabi niya: Panginoon, ano ang ibig mong gawin ko? Sinabi ng Panginoon sa kaniya: Tumindig ka at pumunta sa lungsod at sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin. Ang mga taong kasama niya sa paglalakbay ay nakatayo na hindi makapagsalita. Narinig nila ang tinig ngunit wala silang nakikitang sinuman. Tumayo si Saulo at ng siya ay dumilat, wala siyang nakitang sinuman.

Ang pangitaing ito ay kinopya sa Ang Bacchae na tinatayang 500 taong mas nauna sa Mga Gawa. Sa Bacchae, si Dionysus na isang inusig na diyos ay nagsabi sa kanyang taga-usig na si Pentheus: "Iyong binalewala ang aking mga salita ng pagbababala...at sumikad sa mga pantaboy na patpat. Sa Mga Gawa, pinanatili ang plural na anyo ng Griyegong kentra sa Bacchae samantalang pinanatili ang metro ng Bacchae na wala sa lugar sa Mga Gawa. Ang isa pang problema ay pagkatapos ng pagbato kay Esteban, sinalaysay ng may akda ng Mga Gawa na natanggap ni Pablo mula sa Dakilang Saserdote ang mga liham ng mga sinagoga sa Damasco na nagbibigay kapangyarihan sa kanyang dakpin ang sinumang matagpuan na kabilang sa Daan at dadalhin sila sa Herusalem. Ayon kay Helms, ang Dakilang Saserdote sa Herusalem ay walang kapangyarihan na magpadakip ng mga Hudyo sa mga estadong dayuhan at ibalik ang mga ito sa Palestina. Ayon kay Wells, "naging palaisipan sa sa mga komentador sa suhestiyong ito na ang dakilang saserdote ay may kapangyarihang magpadakip sa isang siyudad na Romano mga 200 milya ang layo kung ang hurisdiksiyon ng kahit sanhedrin ay hindi lumagpas sa Judea". Ang ikalawang paghahayag ng pagkaakay ni Pablo ay sa isang talumpati na kanyang binigay nang siya ay dakpin sa Herusalem. Ang deskripsiyon ng kanyang pagkaakay ay may mga pagkakaiba sa Mga Gawa 9. Halimbawa, ayon sa Mga Gawa*, hindi nakita ng mga kasama ni Pablo kung sino ang kanyang kinakausap ngunit narinig ang tinig. Sa Mga Gawa*, nakita ng mga kasama ni Pablo ang liwanag ngunit hindi narinig ang tinig. Ang ikatlong pagtalakay ng pagkaakay ni Pablo ay nangyari sa harap ni haring Agrippa sa pagtatanggol sa kanyang sarili laban sa mga akusasyon ng antinomianismo. Ito ay mas maikli sa Gawa 9 at 22 at hindi naglalaman ng salaysay tungkol kay Ananias. Sa Mga Gawa*, sa daan tungo sa Damasco nang sabihin mismo ni Hesus ang papel ng pangangaral na gagawin ni Pablo sa mga hentil. Ayon naman sa Gawa 22, si Ananias sa Damasco at hindi si Hesus ang nagsabi ng lahat ng mga bagay na iuutos ni Hesus na gagawin ni Pablo. Ayon sa Gawa 22:17-21, si Pablo ay tumungo sa Damasco at pagkatapos ay bumalik sa Herusalem kung saan ay sinabi sa kanya ni Hesus ang kanyang pangangaral sa mga hentil.

May ilang iminungkahing mga paliwanag sa "pangitain" ni Pablo ni Hesus. Ayon kay D. Landborough sa kanyang papel na inilimbag sa Journal of Neurology, Neurosurgery, and Psychiatry,[20] ang karanasan ni Pablo na may maningning na liwanag, kawalan ng postura (si Pablo ay nasubasob), isang mensahe ng malakas na nilalamang panrelihiyon, at kalaunang pagkabulag ay nagmumungkahi ng isang pag-atke ng epilepsiya ng temporal lobe ng utak...Ang pagkabulag na sumunod ay maaaring isang post-ictal."[20] Maraming mga halimbawa sa kasaysayan ng mga indibidwal na nagkaroon ng masidhing mga mistikal na karanasan na kinikilala ngayon bilang mga sintomas ng sakit sa pag-iisip.[21] Ang isang karaniwang ulat mula sa mga indibidwal na may schizophrenia ay pagkakaroon ng isang uri ng delusyong relihiyoso na kinabibilangan ng paniniwalang sila ay mga diyos o mesiyas, ang diyos ay nakikipag-usap sa kanila, sila ay nasasapian ng demonyo at iba pa.[22][23][24] Ang delusyong relihiyoso ay natagpuan na malakas na nauugnay sa pagiging hindi matatag ng temporolimbic ng utak.[25] Sa isang 2012 papel na inilimbag sa Journal of Neuropsychiatry and Clinical Neurosciences, iminungkahi na ang karanasan ni Pablo ay maaaring maunawaan bilang isang pagkabulag na sikoheniko. Ito ay nangyari sa kabuuang konteksto ng ibang mga karanasang pandinig at pang-paningin na maaaring sanhi ng disorder ng mood na nauugnay sa mga sintomas na sikotikong spektrum.[26]

Ayon sa Galacia 1:17, pagkatapos ng kanyang pagkaakay sa Kristiyanismo, siya ay unang tumungo sa Arabia at hindi sa Herusalem at pagkatapos ay bumalik sa Damascus.[27] Ang kanyang pagtungo sa Arabia ay hindi binanggit sa iba pang aklat ng Bagong Tipan. Ayon sa Galacia 1:13–24, pagkatapos lamang ng 3 taon mula sa kanyang pagkaakay sa Kristiyanismo nang siya ay tumungo sa Herusalem. Sa Herusalem ay kanyang nakatagpo sina Santiago at nanatili kay Pedro sa loob ng 15 araw. Ayon naman sa Mga Gawa*, agad siyang tumungo sa Herusalem pagkatapos ng kanyang pagkaakay sa Kristiyanismo. Sa Mga Gawa*, ang hindi pa naaakay sa Kristiyanismong si Saul (Pablo) ay aktibong sumali sa pagpatay kay Esteban. Ayon as Galacia 1:22, hindi pa siya kilala ng mga iglesiya sa Judea pagkatapos niyang tumungo rito. Kanyang inangkin sa Galacia 4:24–25 na ang Bundok Sinai ay nasa Arabia.

Inangkin niyang kanyang natanggap ang ebanghelyo hindi mula sa apostol ngunit sa direktang pahayag ni Hesus (Galacia 1:11–12). Ayon sa Galacia 2:1–10, pagkatapos ng 14 taon ng kanyang pagkaakay ay tumungo siyang muli sa Herusalem. Ayon sa Mga Gawa*, si Bernabe ay pumunta sa Tarso upang hanapin si Saulo at nang siya ay matagpuan niya ay dinala siya ni Bernabe sa Antioquia. Nang magkagutom sa Hudea, sina Pablo at Bernabe ay naglakbay sa Herusalem upang ihatid ang suportang pang salapi mula sa pamayanang Kristiyano ng Antioquia.

Unang paglalakbay ng pangangaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang may akda ng Mga Gawa ng mga Apostol ay nagsalaysay ng mga paglalakbay ni Pablo sa tatlong magkakahiwalay na mga paglalakbay. Ang Mga Gawa* ay simulang pinangunahan ni Bernabe at dinala si Pablo mula sa Antioquia tungo sa Cyprus at pagkatapos ay sa katimugang Asya menor (Anatolia) at pabalik sa Antioquia. Sa Cyprus ay sinuway at binulag ni Pablo si Elymas na mahikero (Mga Gawa* na tumuligsa sa kanyang mga katuturan. Mula sa puntong ito, si Pablo ay inilarawan bilang pinuno ng pangkat. Sila ay naglayag tungo sa Perga sa Pamphylia. Sila ay iniwanan ni Juan Marcos at bumalik sa Herusalem. Sina Pablo at Bernabe ay tumungo sa Pisidian Antioquia. Sa tuwing Sabbath ay pumupunta sila sa sinagoga ng mga Hudyo. Siya ay inanyayahan ng mga pinunong Hudyo upang magsalita sa kanila. Isinalaysay ni pablo ang kasaysayan ng mga Israelita mula sa Ehipto tungo kay David. Kanyang ipinakilala si Hesus bilang inapo ni David na dinala sa Israel ng Diyos. Kanyang isinaad na ang kanyang pangkat ay dumating sa bayan upang dalhin ang mensahe ng kaligtasan. Kanyang isinalaysay ang kuwento ng kamatayan ni Hesus at resureksiyon. Kanyang sinipi ang saling Griyego ng Tanakh na Septuagint upang ihayag na si Hesus ang ipinangakong Kristo na nagdala sa kanila ng kapatawan ng kanilang mga kasalanan. Sina pablo ay inanyayahan ng mga Hudyo at mga natatakot sa diyos na mga hentil ay karagdagan pang magsalita sa susunod na Sabbath. Sa panahong ito, ang halos buong siyudad ay nagtipon. Ito ay sumiphayo sa mga maimpluwensiya (influential) na Hudyo na nagsalita laban sa kanila. Ginamit ni Pablo ang okasyong ito upang ihayag ang pagbabago sa kanyang pangangaral na mula nito ay tungo sa mga hentil (Mga Gawa*. Ang Antioquia ay nagsilbing isang pangunahing sentrong Kristiyano sa pangangaral ni Pablo ng ebanghelyo.

Ikalawang paglalakbay ng pangangaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Pablo ay lumisan para sa kanyang ikalawang paglalakbay ng pangangaral mula sa Herusalem pagkatapos ng pagpupulong ng Konseho ng Herusalem kung saan pinagdebatihan ang tungkol sa kautusan ni Moises. Sa kanilang paglalakbay sa saklaw ng dagat Mediteraneo, sina Pablo ay huminto sa Antioquia kung saan ay nagkaroon ng isang alitan tungkol sa pagkuha kay Juan Marcos sa kanilang mga paglalakbay. Ayon sa Mga Gawa, iniwan sila ni Juan Marcos sa nakaraang paglalakbay at umuwi sa Herusalem. Sa hindi pagkalutas ng alitan sa pagitan ni Pablo at Bernabe, nagpasya silang maghiwalay. Kinuha ni Bernabe si Juan Marcos bilang kasama samantalang si Silas ay sumama kay Pablo. Sa simula ay dinalaw nina Pablo at Silas ang Tarso, Derbe at Listra. Sa Listra, kanilang nakatagpo si Timoteo at nagpasyang kunin siya kasama nila. Ang Salita ng Diyos ay patuloy na lumago. Sa Filipos, ang ilang mga tao ay hindi naging masaya sa ginawang pagpapalaya ni Pablo sa babae na inaalihan ng masamang espiritu na nagbigay sa babae ng kapangyarihan makapanghula. Sinabi ng babae na ang pangkat ni Pablo ay mga alipin ng Diyos. |Mga|Gawa|16:16-24. Nang makita ng mga panginoon ng babae na wala na silang mapagkakikitaan dahil sa ginawa ni Pablo, hinuli nila sina Pablo at ipinakulong sila sa bilangguan. Pagkatapos ng isang malakas na lindol,nauga ang mga patibayan ng bilangguan at kaagad ay nabuksan ang lahat ng mga pinto at nakalas ang mga gapos ng bawat isa. Ang salaysay ng milagrosong pagtakas mula sa bilangguan ay matatagpuan rin sa maraming sinaunang panitikang Griyego na mas naunang isinulat sa Mga Gawa kabilang Ang Bacchae.[28] Ayon sa Bacchae, natagpuan ng mga inusig na tagasunod ng Diyos na si Dionysus na "ang gapos ng kanilang mga hita ay nakalas...na hindi nahipo ng kamay ng tao, ang mga pinto ay umuga ng maluwang na nagbukas sa kanilang sarili". Sina Pablo at Silas ay patuloy na naglakbay na tumungo sa Berea at pagkatapos ay sa Athens kung saan ay nangaral siya sa mga Judio at sa mga may takot sa diyos na mga Griyego sa sinagoga at sa mga intelektuwal sa Areopagus. Sa Corinto, kanyang nakatagpo sina Aquila at Priscilla na naging mga mananamapalataya at tumulong kay Pablo sa kanyang mga pangangaral. Ang mag-asawang ito ay sumunod kay Pablo at kanyang mga kasama sa Efeso at nanatili roon upang magpasimula pangangaral ng mga Salita ng Diyos. Sila ay naglayag sa Cesarea upang batiin ang mga kapatid sa pananampalataya na naroon at naglakbay pahilaga sa Antioquia kung saan sila nanatili ng isang taon bago muling lumisan para sa kanilang ikatlong paglalakbay ng pangangaral.

Ikatlong paglalakbay ng pangangaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinimulan ni Pablo ang kanyang ikatlong paglalakbay ng pangangaral sa pamamagitan ng paglalakabay sa buong rehiyon ng Galacia at Phrygia upang palaksin, turuan at sawayin ang mga mananamplataya. Pagkatapos ay tumungo siya sa Efeso at nanatili roon sa halos tatlong taon. Siya ay isinalaysay na nagsagawa ng mga milagro, nagpagaling ng mga tao at nagpalayas ng mga demonyo.[29] Nilisan niya ang Efeso pagkatapos ng isang pag-atake mula sa isang platero na humantong sa isang kaguluhang pabor kay Artemis na kinasasangkutan ng buong siyudad.[30] Sa kanyang pananatili sa Efeso, siya ay sumulat ng apat na mga liham sa Corinto[31] na ang dalawa ay nawawala. Ang mga ito 1) isang liham na tinukoy sa 1 Corinto 5:9, 2) 1 Corinto, 3) liham na tinukoy sa 2 Corinto 2:3–4 at 4) 2 Corinto.

Si Pablo ay dumaan sa Macedonia tungo sa Achaea at nagpatuloy sa Syria ngunit binago ang kanyang mga plano at naglakbay pabalik sa Macedonia dahil ang mga Hudyo ay nagbalak ng masama sa kanya. Sa panahong ito, pinagpapalagay na malamang dumalaw si Pablo sa Corinto sa loob ng tatlong buwan.[30] Kanya ring dinalaw ang Illyricum. Dinalaw ni Pablo at kanyang mga kasama ang ibang mga siyudad sa kanilang paglalakbay pabalik sa Herusalem gaya ng Philippi, Troas, Miletus, Rhodes, at Tyre. Tinapos ni Pablo ang kanyang paglalakbay sa isang paghinto sa Caesarea kung saan siya at kanyang mga kasama ay nanatili kay Felipe ang Ebanghelista bago dumating sa Herusalem.[32] Pagkatapos niyang dumating sa Herusalem sa wakas ng kanyang ikatlong paglalakbay ng pangangaral, siya ay nasangkot sa isang malalang pakikipag-alitan sa ilang mga Hudyong Asyano (malamang na Romanong Asya). Ang alitang ito ay kalaunang humantong sa kanyang pagkadakip at pagkabilanggo sa Caesarea sa loob ng tinatayang isang taon at kalahati. Sa huli, sina Pablo at ang kanyang mga kasama ay naglayag sa Roma kung saan si Pablo ay nilitis para sa kanyang inaakusang mga krimen. Ayon sa Mga Gawa, si Pablo ay nangaral sa Roma sa loob ng dalawang taon mula sa kanyang inuupahang tahanan habang hinihintay ang kanyang paglilitis. Hindi isinaad sa Bagong Tipan kung anong nangyari pagkatapos ng panahong ito ngunit ang ilang mga kalaunang sanggunian ay nag-aangkin na si Pablo ay pinalaya ni Emperador Nero at nagpatuloy na mangaral sa Roma. Posible ring naglakbay si Pablo sa ibang mga bansa gaya ng Espanya (batay sa Roma 15:23–28) at Britanya. Ayon kina Crisostomo,[33] Cirilo[34] at Pragmentong Muratorian, si Pablo ay naglakbay sa Espanya. Ang kapitulo 29 ng Mga Gawa ng Sonnini Manuscript ngunit hindi kasama sa kanon ng Bagong Tipan ay nagdedetalye ng paglalakbay ni Pablo sa Britanya kung saan ay nangaral siya sa isang lipi ng mga Israelita sa Bundok Ludgate sa lugar ngayon ng Katedral ni San Pablo.

Konseho ng Herusalem

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Mga Gawa*, nagkaroon ng mahalagang pagpupulong sa pagitan ni Pablo at ng mga Pinuno ng Simbahan ng Herusalem. Ang pagpupulong na ito ay pinaniniwalaan ng mga skolar na ang parehong pangyayaring binanggit sa Galacia 2:1.[30] Ang mahalagang tanong na tinalakay sa pagpupulong na ito ay kung ang mga akay na hentil ay kailangang magpatuli. Ayon sa mga skolar, ang salaysay ng pagpupulong sa Sulat sa mga taga-Galacia ay sumasalungat sa salaysay ng Mga Gawa. Ayon sa Galacia 2:2, si Pablo ay tumungong muli sa Herusalem pagkatapos ng 14 taon dahil sa isang pahayag na kanyang natanggap samantalang ayon sa Mga Gawa*, sina Pablo at kanyang mga kasama ay isinugo sa Herusalem ng mga kalalakihan. Ayon sa Galacia 2:2, itinanghal ni Pablo ang ebanghelyo na kanyang ipinangaral sa mga hentil sa isang pribadong pakikipagpulong sa mga pinuno ng Simbahan ng Herusalem samantalang ayon sa Mga Gawa* ay kanyang iniulat ang lahat sa mga Simbahan, sa mga apostol at mga nakakatanda. Ayon sa Galacia 2:3–5, sa Herusalem, si Tito na kasama ni Pablo ay hindi napilit ng mga Hudyong-Kristiyano (Mga Gawa*) sa Simbahan ng Herusalem na magpatuli nang malaman ng mga ito na si Tito ay hindi tuli. Inakusahan ni Pablo ang mga nasa Simbahan ng Herusalem na mga espiya na "hindi tunay" na kapatid na pumasok ng palihim at inangking siya ay hindi nagpailalim sa kanilang kagustuhan na magpatuli si Tito kahit sa isang sandali. Salungat dito, ayon sa Mga Gawa*, si Santiago ang Makatarungan na pinuno ng Simbahan ng Herusalem at hindi si Pablo ang nagpasya na huwag magpatuli ang mga hentil. Gayunpaman, pinagpasyahan ni Santiago na ang mga hentil ay kailangan pa ring sumunod sa ilang mga kautusan ni Moises gaya ng pag-iwas sa idolatriya (diyos-diyosan), pangangalunya, dugo at mga binigting hayop (Mga Gawa*). Ang pagsunod sa mga kautusang ito ni Moises ay hindi binanggit sa Galacia at sa halip ay isinaad na ang tanging hiniling ng Simbahan ng Herusalem kay Pablo ay alalahanin ang mga mahihirap. Inangkin ni Pablo sa Galacia 2:7 na nakilala ng mga Pinuno ng Simbahan ng Herusalem na ang pangangaral sa mga hentil ay ipinagkaloob sa kanya at ang pangangaral sa mga Hudyo ay sa mga pinuno ng Herusalem. Walang binanggit sa Mga Gawa ng pagkilala ng pangangaral ni Pablo sa mga hentil ngunit sa halip ay inangkin sa Mga Gawa* na si Pedro ang pinili ng diyos upang mangaral sa mga hentil. Ayon sa Mga Gawa*, tinuli ni Pablo ang kanyang kasamang si Timoteo alang-alang sa mga Hudyo sapagkat nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama ay isang Griyego. Sa pagtahak nina Pablo at Timoteo sa mga lungsod, kanilang ibinigay sa mga ito ang mga batas na pinagpasiyahan ng mga apostol at ng mga matanda sa Herusalem na kanilang dapat sundin. Gayunpaman, ayon sa Mga Gawa*, tinuturuan ni Pablo ang lahat ng mga Hudyo, na nasa mga hentil ng pagtalikod kay Moises na sinabi ni Pablo na huwag tuliin ang kanilang mga anak, ni mamuhay ng ayon sa mga kaugalian ng mga Hudyo. Ang pasya ni Santiago ng pagbabawal sa mga hentil ng dugo, binigting hayop at sa diyos-diyosan ay sinalungat ni Pablo sa 1 Corinto 10:25 at 1 Corinto 8:4–8.

Insidente sa Antioquia

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kabila ng kasunduang nakamit sa Konseho ng Herusalem, isinalaysay sa Galacia kung paanong kalaunang kinompronta at kinondena ni Pablo si Pedro sa harap ng mga tao sa isang alitang tinatawag ng mga skolar na "Insidente sa Antioquia". Ito ay dahil sa pagtanggi ni Pedro na makisalo sa hapagkainan sa mga Kristiyanong hentil sa Antioch dahil ang mga ito ay hindi striktong sumusunod sa mga kautusang Hudyo. Ayon sa Galacia 2:14, "Subalit nakita kong hindi sila lumalakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng ebanghelyo. Dahil dito, sinabi ko kay Pedro sa harap ng lahat: Ikaw na isang Judio ay namumuhay nang tulad ng mga Gentil at hindi tulad ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na sumunod sa mga kautusan ng Hudyo?"[35]. Ang huling kinalabasan ng insidenteng ito ay nanatiling hindi matiyak ayon sa mga skolar.

Tinik sa laman ni Pablo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong bagay na tinuturing na "tinik sa laman" si Pablo na isinugo ni Satanas at nauukol sa "tukso sa kanyang laman". Ayon sa 2 Corinto 12:7-9, "7 At nang ako'y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang tinik sa laman, ng isang sugo ni Satanas, upang ako'y tampalin, nang ako'y huwag magpalalo ng labis. Tungkol dito'y makaitlo akong nanalangin sa Panginoon, upang ilayo ito sa akin. At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo." Ayon sa Sulat sa mga taga-Galacia 4:13-14,"Datapuwa't nalalaman ninyo na dahil sa sakit ng laman, ay ipinangaral ko sa inyo ang evangelio nang pasimula:At yaong sa inyo'y isang tukso sa aking laman ay hindi ninyo inalipusta, ni itinakuwil man; kundi ako'y tinanggap ninyong tulad sa isang anghel ng Dios, tulad kay Kristo Hesus." Ayon sa Sulat sa mga taga-Roma 7:14-20," Sapagka't nalalaman natin na ang kautusa'y sa espiritu: nguni't ako'y sa laman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan.Sapagka't ang ginagawa ko'y hindi ko nalalaman: sapagka't ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko; datapuwa't ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko. Nguni't kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan.Kaya ngayo'y hindi ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.Sapagka't nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka't ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa't ang paggawa ng mabuti ay wala. Sapagka't ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni't ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa. Datapuwa't kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin. Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin." Ito ay tila nauukol sa mga sangkap ayon sa Roma 7:23,"Datapuwa't nakikita ko ang ibang kautusan sa mga miyembro(melesin) ko na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan sa mga miyembro(melesin) ko." Iminungkahi ng Amerikanong Obispong si John Shelby Spong na ang ito ay ang pagiging homoseksuwal ni Pablo.[36] Ayon kay Obispo Spong, ito ay batay sa pagiging walang asawa ni Pablo at galit sa mga babae.

Mga sulat ni Pablo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sulat ni Pablo ay naglalaman ng mga katuruan at kautusan ni Pablo sa mga iglesiang Kristiyano sa mga iba't ibang lugar gayundin ng mga payo sa mga ilang indibidwal. Ang mga ito ang naging isang pangunahing sanggunian ng mga kaalaman hinggil sa sinaunang Simbahang Kristiyano at kalaunang isinama sa kanon ng Bagong Tipan ng Bibliya. Ang ilan sa mga sulat ni Pablo ay pinaniniwalaan ng mga skolar ng Bagong Tipan na peke na ipinangalan lamang kay Pablo dahil sa mga salungatan sa mga pananaw sa mga sulat na ito. Sa 14 sulat ni Pablo sa kanon ng Bagong Tipan na ipinangalan ay Pablo, ang pito sa mga sulat ay pinaniniwalang ng karamihan ng mga iskolar ng Bibliya na isinulat ni Pablo:

Ang iba pa ay peke at ipinangalan lang kay Pablo.

Hinggil sa pagsunod sa batas na Hudyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming beses na binanggit na pinagtibay at sinunod ni Apostol Pablo ang "kautusan" ni Moises gaya ng Roma 2:12–16, Roma 3:31, Roma 7:12, Roma 8:7–8,Galacia 5:3. Isinaad sa Mga Gawa*, Mga Gawa* na si Pablo ay sumasampalataya at sumusunod sa batas ng Hudyo. Gayunpaman, ilang beses ring binanggit sa mga sulat ni Pablo ang kanyang pagpapawalang bisa sa kautusan ni Moises (Roma 10:4, Roma 6:14,7:1–7, Galacia 3:1–5,23–25,4:21–25, 2 Corinto 3:6–17 at iba pa) at pagkokondena sa mga nagmamasid at nagtuturo ng pagmamasid ng kautusan ni Moises (hal. Galacia 2:1–4,11–14). Ang isyu ng tunay na pananaw ni Pablo hinggil sa batas ng Hudyo ay patuloy na pinagdedebatihan pa rin ng mga skolar hanggang sa kasalukuyan. Ayon sa Galacia 2:11-14, sinuway ni Pablo si Pedro ng harapan sa mukha dahil sa pamimilit ni Pedro sa mga Hentil na sumunod sa mga batas ng Hudyo. Ayon naman sa 1 Corinto 9:20-22,"At sa mga Hudyo ako'y nagaring tulad sa Hudyo, upang mahikayat ko ang mga Hudyo; sa mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng kautusan, bagaman wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng kautusan;Sa mga walang kautusan, ay tulad sa walang kautusan, bagama't hindi ako walang kautusan sa Dios, kundi nasa ilalim ng kautusan ni Kristo, upang mahikayat ko ang mga walang kautusan. Sa mga mahihina ako'y nagaring mahina, upang mahikayat ko ang mahihina: sa lahat ng mga bagay ay nakibagay ako sa lahat ng mga tao, upang sa lahat ng mga paraan ay mailigtas ko ang ilan."

Tungkol sa pagtutuli

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Galacia 5:2-4,"Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo. Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan. Kayo'y hiwalay kay Cristo, kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula sa biyaya."Ayon sa Galacia 2:3, "Datapuwa't maging si Tito man na kasama ko, bagama't Griego, ay hindi napilit na patuli." Ayon naman sa Galacia 6:15," Sapagka't ang pagtutuli ay walang anoman, kahit man ang di-pagtutuli, kundi ang bagong nilalang." Ayon sa Aklat ng mga Gawa 16:3, tinuli ni Pablo si Timoteo.

Sa Bagong Tipan, pinahintulan ni Pablo ang pagsasanay ng pang-aalipin. Inutos ni Pablo sa mga Kristiyanong alipin na maging matapat sa kanilang mga panginoon na Kristiyano. (Efeso 6:5-9, I Timoteo 6:1-3). Sa halip na kondenahin ang pang-aalipin kay Onesimus na nakilala ni Apostol Pablo ay ibinalik ito ni Pablo sa panginoon nitong isa ring Kristiyano na si Filemon.

Inutos ni Pablo na dapat manahimik ang mga babae sa loob ng Iglesia at hindi dapat magturo sa mga lalake (I Cor 14:34-45, 1 Tim 2:11-12). Sa kabilang dako, pinuri ni Pablo ang mga babaeng manggagawa sa iglesia (Fil. 4:3, Rom 16:1-3). Inutos ni Pablo na ang mga asawang babae ay dapat buong magpapasakop sa kanilang mga asawa (Efeso 5:22-24, Col 3:18-19). Inutos rin ni Pablo sa mga babae na huwag magsuot ng mga alahas na ginto o perlas, huwag magtrintas ng buhok o huwag magsuot ng mamahaling damit (1 Tim 2:9). Inutos rin niya na mabuti sa lalake na huwag humipo sa babae(Roma 7:2).

Tungkol sa pag-aasawa, isinaad ni Pablo sa Roma 7:1-2:"At tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin: Mabuti sa lalake ay huwag humipo sa babae.Datapuwa't, dahil sa mga pakikiapid, ang bawa't lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa, at bawa't babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa." Ayon sa Roma 7:7-9,"7 Kaya't ibig ko sana, na ang lahat ng tao ay maging gaya ko. Nguni't ang bawa't tao'y mayroong kanikaniyang kaloob na mula sa Dios, ang isa'y ayon sa paraang ito, at ang iba'y ayon sa paraan yaon.Datapuwa't sinasabi ko sa mga walang asawa, at sa mga babaing bao, Mabuti sa kanila kung sila'y magsipanatiling gayon sa makatuwid baga'y gaya ko. Nguni't kung sila'y hindi makapagpigil, ay magsipagasawa: sapagka't magaling ang magasawa kay sa mangagningas ang pita."

Paghatol sa mga homosekswal ng kulturang Griyego at Romano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Apostol Pablo ay isang taong may masidhing galit sa kultura ng mga homosekswal sa Roma at Gresya ayon sa: Roma 1:26–27, 1 Corinthians 6:9–10, at sa 1 Timothy 1:9–10 at kanyang isinaad na ang mga taong ito gumagawa nito ay dapat mamatay(Roma 1:32)Si Apostol Pablo ay maaaring isang nagpipigil na homosexual dahil ayon sa isang pag-aaral, ang mga taong homophobiko ay mga taong homosexual. [37]

Ayon kay Pablo sa Roma 2:1," Dahil dito'y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na humahatol: sapagka't sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo; sapagka't ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay.". Ayon sa Roma 14:13-14,"Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa't isa: kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa.Nalalaman ko, at naniniwala akong lubos kay Hesus na Panginoon, na walang anomang bagay na marumi sa kaniyang sarili: maliban na doon sa nagaakala na ang anomang bagay ay marumi, sa kaniya'y marumi ito."

Pagbabalik ni Hesus sa kanyang kabuhayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naniniwala si Pablo na si Hesus ay darating sa kanyang kapanahunan ayon sa 1 Tesalonica 4:15, " Pagkatapos nito, tayo na nanatiling buháy ay titipunin sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Pagkatapos noon ay makakapiling na natin ang Panginoon magpakailanman." Nang namatay si Pablo nang hindi dumating ang Panginoon, lumitaw ang 2 Tesalonica na nagsasabing Kapitulo 2 :1 kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap kami sa inyo 2 na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o isinulat namin. 3 Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail[a] na itinakda sa kapahamakan.[b] 4 Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos."

Kaya ito ay pinagduduhan ng maraming mga iskolar ng Bibliya na isinulat ni Pablo at maaaring peke na ipinangalan lang kay Pablo dahil pumalpak si Pablo sa kanyang naging hula.

Ang 2 Tesalonica ay isinulat bago mawasak ang Ikalawang Templo sa Herusalem noong 70 CE.

Pagka-apostol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Pablo ay nag-angking isang apostol ng mga hentil (Roma 11:13) ngunit hindi lahat ng mga Kristiyano ay tumanggap sa kanyang pagka-apostol halimbawa sa Efeso (Mga Gawa*, Efeso 1:1, Pahayag 2:1–2,1:4,11, 2 Timoteo 1:15). Sa karagdagan, ayon mismo sa 2 Corinto 11:13, maraming mga nagpapanggap na apostol noong kanyang panahon. Ayon sa Mateo 19:28, Pahayag 21:14, ang bilang ng mga mga apostol na kinikilala sa siyudad na Herusalem na bumabang mula sa langit ay 12 lamang. Sa Mateo 10:1–4 at Marcos 3:13–19, hindi kasama si Pablo sa 12 apostol. Ayon sa Mga Gawa*, si Mattias ay piniling kapalit ni Hudas bilang ika-12 apostol dahil ang batayan ng pagkaapostol ay nakasama siya ng 11 apostol sa buong panahon na ang Panginoong Jesus ay pumaparoon at pumaparitong kasama natin. Kailangang nakasama natin siya mula sa pagbabawtismo ni Juan hanggang sa araw na siya ay dinala paitaas mula sa atin.

Kapistahan at pagdiriwang

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang kapistahan ni San Pablo tuwing Hunyo 29. Inaalala rin ng Simbahang Katoliko ang kaarawan ng kaniyang paninibagong-loob - ang Araw ni San Pablo tuwing Enero 25. Kaugnay ng Araw ni San Pablo, may isang matandang paniniwala na mahuhulaan sa araw na ito kung ano ang magiging kalagayan ng panahon para sa buong isang taon. Ganito ang sinasabi sa isang lathalaing pinamagatang The Shepherd's Almanack (Ang Almanak[38] ng Pastol, isang uri ng aklat na nagbibigay sa bumabasa ng maraming talaan at kabatiran) noong 1676: na kapag may araw sa Araw ni San Pablo, mangangahulugang magiging mabuti ang taon; kung umulan, magkakaroon ng hindi nakikisama, may katabangan, o pangit na taya ng panahon; kapag maambon o mamasamasa ang paligid, magkakaroon ng mga pangangailangan ang tao; sasapitin naman ang labindalawang buwan ng paghangin at kamatayan ang pagkulog.[39]

Ipinagdiwang din ang Taong Paulino (Pauline Year sa Ingles) o Ang Taon ni San Pablo mula 28 Hunyo 2008 hanggang 29 Hunyo 2009. Ipinahayag at itinakda ito ni Papa Benedicto XVI sa Basilica ni San Pablo sa Labas ng mga Pader (Basilica of St. Paul Outside the Walls) sa Roma noong 28 Hunyo 2007, sa gabi bago sumapit ang araw ng kapistahan nina San Pedro at San Pablo, na kapwa mga patron ng Roma.[40]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Peter and Paul . In the Footsteps of Paul . Tarsus . 1. PBS. Retrieved 2010-11-19.
  2. Acts 22:3
  3. 3.0 3.1 Harris, p. 411
  4. Acts 9:11 "Saul ng Tarso"
  5. Hyam Maccoby (1987). The Mythmaker: Paul and the Invention of Christianity. HarperCollins. pp. 172–183. ISBN 0-06-250585-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link), an abridgement
  6. Hans-Joachim Schoeps (1969). Jewish Christianity: Factional Disputes in the Early Church. Translation Douglas R. A. Hare. Fortress Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. James Tabor (2006). The Jesus Dynasty: A New Historical Investigation of Jesus, His Royal Family, and the Birth of Christianity. Simon & Schuster. ISBN 0-7432-8723-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Tabor (2006), p. 286, 289-291.
  9. Robert Eisenman (1997). James the Brother of Jesus: The Key to Unlocking the Secrets of Early Christianity and the Dead Sea Scrolls. Viking. pp. 5–6. ISBN 1-84293-026-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Howard Bream's review of H. J. Schoeps, Theologie und Geschichte des Judenchristentums (1949), in: The Journal of Religion (1952), p. 58: "In the development of Christianity itself, he [Schoeps] believes that they [the Ebionites] were in many respects closer to the teachings of Jesus than were the Gentiles. This is true particularly where the Ebionites differed from normative Judaism, as in rejecting animal sacrifice and in deleting certain passages from Scripture with the claim that they were interpolations."
  11. Reader's Digest (1995). "(a) Paul, apostle to the Gentiles, The Acts of the Apostles, pahina 786; at (b) The Conversion of St. Paul, Great Paintings Inspired by the New Testament, pahina 860". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Acts presents a picture of Paul that differs from his own description of himself in many of his letters, both factually and theologically." biblical literature (2010). In Encyclopædia Britannica, Inc. Retrieved 25 Nobyembre 2010, from Encyclopædia Britannica Online
  13. "That an actual companion of Paul writing about his mission journeys could be in so much disagreement with Paul (whose theology is evidenced in his letters) about fundamental issues such as the Law, his apostleship, and his relationship to the Jerusalem church is hardly conceivable." biblical literature (2010). In Encyclopædia Britannica, Inc. Retrieved 25 Nobyembre 2010, from Encyclopædia Britannica Online
  14. 14.0 14.1 Montague, George T. The Living Thought Of St. Paul. Milwaukee: Bruce Publishing Co. 1966. AISN: B0006CRKIC
  15. Wright, G. Ernest , Great People Of The Bible And How They Lived, (Pleasantville, New York: The Reader’s Digest Association, Inc., 1974. ASIN: B000OEOKL2
  16. Kee, Howard and Franklin W. Young, Understanding The New Testament, Englewood Cliffs, New Jersey, Prentice Hall, Inc. 1958, pg 208. ISBN 978-0139365911
  17. Ayon kay Plato:"Una at pagkatapos ay mga diyos na gumagaya sa sperikal na hugis ng uniberso na nakasara sa dalawang mga makadiyos na kurso sa isang sperikal na katawan na, ating ngayong teterminuhang ulo na pinakamakadiyos na bahagi natin at ang panginoon ng lahat na nasa atin; dito, ang mga diyos kapag kanilang pinagsama ang katawan ay nagbigay sa ibang mga kasapi na maging mga lingkod."
  18. Ayon kay Heraclitus: Ang kasamaan lamang ang umaalipin, ang birtud ay nagpapalaya
  19. Epiphanius, Panarion, 30.16.6-9
  20. 20.0 20.1 D. Landsborough, "St. Paul and Temporal Lobe Epilepsy," J Neurol Neurosurg Psychiatry 1987; 50; 659–64: [1]
  21. http://news.bbc.co.uk/2/hi/science/nature/2865009.stm
  22. Siddle, Ronald; Haddock; Gillian; Tarrier; Nicholas; Faragher; E.Brian (1 Marso 2002). "Religious delusions in patients admitted to hospital with schizophrenia". Social Psychiatry and Psychiatric Epidemiology. 37 (3): 130–138. doi:10.1007/s001270200005. PMID 11990010.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Mohr, Sylvia; Borras; Laurence; Betrisey; Carine; Pierre-Yves; Brandt; Gilliéron; Christiane; Huguelet; Philippe (1 Hunyo 2010). "Delusions with Religious Content in Patients with Psychosis: How They Interact with Spiritual Coping". Psychiatry: Interpersonal and Biological Processes. 73 (2): 158–172. doi:10.1521/psyc.2010.73.2.158.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Suhail, Kausar; Ghauri, Shabnam (1 Abril 2010). "Phenomenology of delusions and hallucinations in schizophrenia by religious convictions". Mental Health, Religion & Culture. 13 (3): 245–259. doi:10.1080/13674670903313722.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Ng, Felicity; Mammen, Oommen K; Wilting, Ingeborg; Sachs, Gary S; Ferrier, I Nicol; Cassidy, Frederick; Beaulieu, Serge; Yatham, Lakshmi N; Berk, Michael (2009). "The International Society for Bipolar Disorders (ISBD) consensus guidelines for the safety monitoring of bipolar disorder treatments". Bipolar Disorders. 11 (6): 559–95. doi:10.1111/j.1399-5618.2009.00737.x. PMID 19689501.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Murray, ED.; Cunningham MG, Price BH. (1). "The role of psychotic disorders in religious history considered". J Neuropsychiatry Clin Neuroscience 24 (4): 410–26. doi:10.1176/appi.neuropsych.11090214. PMID 23224447
  27. Kirsopp Lake, The earlier Epistles of St. Paul, their motive and origin (London 1911), pp. 320–323.
  28. The Acts of the Apostles, Luke Timothy Johnson, Daniel J. Harrington, p. 217
  29. "Paul, St." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
  30. 30.0 30.1 30.2 "Paul, St" Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
  31. McRay, John (2007). Paul His Life and Teaching. Grand Rapids, MI: Baker Academic. p. 54. ISBN 0-8010-3239-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Biblestudy.org
  33. Chrysostom on 2 Tim.4:20 (Nicene and Post-Nicene Fathers, Series I Volume XIII)
  34. Cyril on Paul and gifts of the Holy Ghost (Nicene and Post-Nicene Fathers, Series II Volume VII, Lecture 17, para.26)
  35. http://www.biblestudytools.com/lexicons/greek/nas/ioudaizo.html
  36. Rescuing the Bible from Fundamentalism, John Shelby Spong
  37. https://www.scientificamerican.com/article/homophobes-might-be-hidden-homosexuals/
  38. Gaboy, Luciano L. Almanac - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  39. "(a) Saint Paul, pahina 99; Holidays, Saint Paul's Day, Enero 25, pahina 159". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Thavis, John. Pope announces special year dedicated to St. Paul Naka-arkibo 2008-12-02 sa Wayback Machine., Catholic News Service (CNS), CatholicNews.com, Hunyo 2007