Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mga pista sa Pilipinas ang sumasagisag sa mga pinahahalagahan ng mga Pilipino katulad ng pagkakaibigan, kabanalan sa relihiyon at pagsasaya.[ 1]
Pista
Kailan idinaraos
Lugar kung saan idinaraos
Tema ng pagdiriwang
Paraw Regatta [ 3]
Ikatlong Linggo ng Pebrero
Kipot sa pagitan ng Lungsod ng Iloilo at isla ng Guimaras
Pista ng Taytay Hamaka [ 3]
Pebrero 10 - 16
Taytay, Rizal
Ipinapakita ang pagkamasining, pagkamalikhain at iba't ibang talento ng mga taga-Taytay
Pista ng International Bamboo Organ [ 3]
Pebrero 20 - 27
Las Piñas
Kaganapang pangkultura na nakatuon sa natatanging organo na gawa sa kawayan
Pista ng mga Bulaklak ng Baguio [ 3]
Pebrero
Lungsod ng Baguio
Itinampok ang parada ng mga float na yari sa mga sariwang bulaklak
Pista ng Ollalion [ 3]
Pebrero 14
Tabuk, Kalinga
Ipinagdiriwang ang kultura ng mga Kalinga
Pista ng Babaylanes [ 3]
Pebrero 19
Lungsod ng Bago, Negros Occidental
Itinatampok ang kultura ng mga unang nanirahan sa Bago City bago dumating ang mga mananakop na Kastila
Pista ng Kalilangan [ 3]
Pebrero 20 - 27
Lungsod ng Heneral Santos, South Cotabato
Pista ng Mahaguyog [ 3]
Pebrero 27 - Marso 7
Sto. Tomas, Batangas
Ipinagdiriwang bilang pasasalamat ng mga magsasaka kay Santo Tomas ng Aquinas para sa masaganang ani
Pista ng mga Pagkaing dagat [ 3]
Pebrero
Taguilon, Lungsod ng Dapitan
Ipinagdiriwang upang buhayin muli ang interes at mapanatili ang tradisyonal na mga pagkain na ang pangunahing sangkap ay ang kagang
National Arts Month: Bikol Arts Festival (NAM:BAF) [ 3]
Pebrero 1 - 28
Lungsod ng Legazpi
Ipinapakita ang kultura at sining ng rehiyon at ang mga likhang sining at agro-industrial na produkto ng iba't ibang lalawigan at lungsod ng rehiyon
Pista ng Cagsawa [ 3]
Pebrero 1 - 28
Daraga, Albay
Bilang paggunita sa pagsabog ng Bulkang Mayon noong 1814 na nagbaon sa simbahan ng Cagsawa at daan-daang tao
Pista ng Patunob [ 3]
Pebrero 9
Binuangan, Misamis Oriental
Pagdiriwang na pangrelihiyon kung saan ay dinadagsa ng mga deboto ang dambana ng Birhen sa Lourdes upang magsindi ng kandila, magpanibagong panata, at humingi ng mga petisyon at pagpapala
Pista ng Tinagba [ 3]
Pebrero 11
Lungsod ng Iriga, Camarines Sur
Tradisyon ng pag-aalay ng unang ani na kasabay ng kapistahan ng Our Lady of Lourdes
Karanowan Fish-Tival [ 3]
Pebrero 15
Bato, Camarines Sur
Ipinagdiriwang ang kagandahan at kasaganahan ng Bato
Pista ng Sibug-Sibug at Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Probinsiya ng Zamboanga Sibugay [ 3]
Pebrero 18 - 25
Zamboanga Sibugay
Bilang paggunita sa araw ng pagkakatatag ng Zamboanga Sibugay bilang isang Lalawigan
Sunggod Ta KaManga [ 3]
Pebrero 18 - 19
Doña Ressing Park, Quezon, Bukidnon
Ipinagdiriwang ang kultura ng mga Manobo
Pista ng Nangkaan [ 3]
Pebrero 27
Maigo , Lanao del Norte
Ipinagdiriwang ang kasaganaan ng Lanao sa Munisipyo ng Maigo
Festival of Lights Tangub City Charter Day [ 3]
Pebrero 29
Lungsod ng Tangub
Pista
Kailan idinaraos
Lugar kung saan idinaraos
Tema ng pagdiriwang
UNESCO-ITI World Theater Week [ 4]
Marso 21 - 27
Okasyon upang ipagdiwang ang kakayahan ng teatro na pagsama-samahin ang mga tao at oportunidad upang maibahagi sa mga manonood ang kultura at yaman ng bawat bansa
Pista ng Island Garden City of Samal [ 4]
Unang linggo ng Marso
Ipinagdiriwang ang pagkakatatag ng Samal
Pista ng Anibina Bulawanun [ 4]
Marso 8
Compostela Valley
Ipinagdiriwang ang masaganag ani ng agrikultura, masaganang yamang mineral, mga tagumpay ng pamamahala, turismo, at pagpapakita ng kultura at tradisyon ng mga tao tulad ng Al-law Ng Kalomonan (Inggles: Tribal Day ) tuwing ika-7 araw ng Anibina
Mahal na Araw [ 4]
Marso - Abril
Isang pagdiriwang na nagpaparangal sa pagkamatay ni Hesus
Moriones [ 4]
Mahal na Araw
Marinduque
Sa Biyernes Santo ay isinagawa ang kuwento ni Longinus na isang senturion na nagbagong loob dahil muli itong nakakita nang bumagsak sa bulag nitong mata ang dugo ni Hesus noong ito'y kanyang sinibat sa tagiliran
Pagdiriwang ng Centurion [ 4]
Mahal na Araw
Heneral Luna, Quezon
Pinaniniwalaang pinagmulan ng Moriones na ipinagdiriwang sa Marinduque
Ang Pagtaltal [ 4]
Biyernes Santo
Jordan, Guimaras
Prusisyon ng mga deboto at nagpepenitensiya na nagtatapos sa dambana ng Balaan Bukid
Ritwal ng Pangalap [ 4]
Biyernes Santo
Nueva Valencia
Ritwal ng paggapang ng mga mananampalataya sa kweba ng Catilaran habang umaawit ng mga panalangin sa pag-asang sila'y magkakaroon ng supernatural na kapangyarihan na magtatakwil ng mga masasamanag espiritu
Witches Festival [ 4]
Mahal na Araw
Siquijor
Kapag kabilugan ng buwan ay may ginagawang ritwal ang mga mangbabarang sa isang liblib na kuweba sa madaling araw
Pista ng Alimango [ 4]
Marso 22
Lala, Lanao del Norte
Ipinagdiriwang ang kasaganahan ng mga alimango sa Lala
Pista ng Kaamulan [ 4]
Marso 23 - Abril 13
Malaybalay, Bukidnon
Ipinagdiriwang ang pitong tribu ng Bukidnon na kinabibilangan ng Higaonon, Umayamnon, Bukidnon, Talaandig, Manobo, Matigsalog, at Tigwahanon
Pista ng Sunflower ng Ligao [ 4]
Marso 24
Lungsod ng Ligao
Ipinagdiriwang ang pagiging lungsod ng ng Ligao
Pista
Kailan idinaraos
Lugar kung saan idinaraos
Tema ng pagdiriwang
Turumba [ 5]
Abril
Pakil, Laguna
Ipinagdiriwang bilang parangal sa Our Lady of Sorrows
Pista ng Lami-Lamihan [ 5]
Abril 14 - 16
Basilan
Ipinagdiriwang ang mayamang tradisyon ng mga Yakan
Kadaugan sa Mactan [ 5]
Abril 27
Cebu
Pagsasadula ng Paglalaban sa Mactan
Pista ng Bantayog [ 5]
Abril 2 - Mayo 6
Camarines Norte
Ipinagdiriwang kasabay ng anibersaryo ng pagkakakatatag ng lalawigan, ang pistang ito ay tungkol sa unang bantayog ni Jose Rizal
Panaad [ 5]
Abril 7 - 10
Camiguin
Sa panahon ng Mahal na Araw, naglalakbay ang mga deboto at naglalakad sa 64 kilometrong daan sa Camiguin bilang sakripisyo
Pista ng Rodeo [ 5]
Abril 9 - 13
Masbate
Rodeo sa Masbate
Pista ng Mananap [ 5]
Abril 23 - 29
San Vicente, Camarines Norte
Pagpapalaganap ng kultura at turismo ng San Vicente
Hugyaw Sa Kadagatan [ 5]
Abril 24
Kauswagan, Lanao del Norte
Kasabay ng pagkakatatag ng munisipalidad at pista ay ipinagdiriwang ang masaganang ani
Pista ng Sakayan [ 5]
Abril 25
Lungsod ng Isabela, Basilan
Ipinagdiriwang nang may sayawan at musika mula sa mga kulintang
Pista ng Alinao [ 5]
Abril 27 - Mayo 8
Malinao, Albay
Ipinagdiriwang ang kultura at tradisyon ng mga Malinaonons
Pista ng Isla Carahan [ 5]
Abril 30 - Mayo 8
Caramoan, Camarines Sur
Ipinaggiriwang ang kagandahan at kasaganahan ng Caramoan
Capiztahan [ 5]
Abril 11 - Mayo 1
Capiz
Ipinagdiriwang ang pagkakatatag ng sibil na pamahalaan ng Capiz
Pista
Kailan idinaraos
Lugar kung saan idinaraos
Tema ng pagdiriwang
Flores de Mayo [ 6]
Buong buwan ng Mayo
Isang Katolikong pagdiriwang na pinararangalan ang Birheng Maria
Pista y Dayat [ 6]
Mayo 1
Pangasinan
Araw ng pasasalamat ng mga mangingisda
Boa-Boahan [ 6]
Mayo 2
Nabua, Camarines Sur
Pagsasadula ng pag-aalay ng boa sa mga diyos
Carabao-Carozza Race [ 6]
Mayo 3
Pavia, Iloilo
Paligsahan ng mga kalabaw sa paghila ng kariton na gawa sa kawayan
Ritwal ng Lanahan [ 6]
Mayo 1 - 3
Balabag, Digos, Davao del Sur
Ritwal na ginagawa ng mga Bagobo
Pista ng Balanghai [ 6]
Butuan
Paggunita sa pagdating ng mga naunang migrante mula sa Borneo at Celebes na nakasakay sa balanghai
Pista ng Tapusan [ 6]
Buong buwan ng Mayo
Alitagtag, Batangas
Pagdiriwang bilang pagpaparangal sa Banal na Krus
Barangay Boat Festival [ 6]
Mayo 11
Aparri, Cagayan
Pagdiriwang bilang parangal kay Saint Peter Thelmo na patron ng bayan
Pista ng Kalabaw [ 6]
Mayo 15
Pulilan, Bulacan
Ipinagdiriwang bilang parangal kay San Isidro Labrador
Pista ng Magayon [ 6]
Buong buwan ng Mayo
Albay
Pasasalamat sa masagang ani
Pista ng Alinsangan “Bowa-bowahan” [ 6]
Mayo 1 - 2
Nabua, Camarines Sur
Pagdiriwang ng pasasalamat na may paganong pinagmulan
Pista ng Palong [ 6]
Mayo 11 - 13
Capalonga, Camarines Norte
Pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno at pasasalamat sa pagkakaroon ng maraming tandang sa bayan
Pista ng Isla Rancho [ 6]
Mayo 12-17
San Pascual, Masbate
Naglalarawan ng pamana ng mga mamamayan ng San Pascual
Pista ng P’gsalabuk [ 6]
Ikatlong linggo ng Abril - Ikaapat na Sabado ng Mayo
Rehiyon IX
Pagsasalarawan at pagdiriwang ng pagkakaisa at ugnayan ng mga kultura ng mga Kristiyano, Muslim, at lumad
Pista ng Butanding [ 6]
Mayo 17 - 24
Donsol, Sorsogon
Pagdiriwang ng pasasalamat sa mga biyayang hatid ng mga butanding at pagsisimula ng kasagsagan ng mga ito
Pista ng Pasa Pasa [ 6]
Mayo 18 - 26
Monreal, Masbate
Nakasentro ang pagdiriwang sa proteksiyon at pangangalaga ng likas na kayamanan
Pista ng Sarung Banggi [ 6]
Mayo 19 - 27
Sto. Domingo, Albay
Paggunita sa kapanganakan ni Potenciano V. Gregorio na kompositor ng awit ng pag-ibig na Sarung Banggi
Pista ng Kaogma [ 6]
Mayo 21-27
Camarines Sur
Anibersaryo ng pagkakatatag ng Camarines Sur
Pista ng Lubi-Lubi [ 6]
Mayo 22
Lungsod ng Gingoog
Pagbibigay pugay kay Sta. Rita de Cascia na lokal na patron
Pista ng Layag [ 6]
Mayo 22 - 27
Rapu-Rapu, Albay
Nagpapakita ng pananampalataya ng mga tao
Pista ng Abaca [ 6]
Mayo 27 - 31
Catanduanes
Ipinagdiriwang ang industriya at produkto ng abaka
Pista
Kailan idinaraos
Lugar kung saan idinaraos
Tema ng pagdiriwang
Pista ng Naliyagan [ 7]
Ikalawang linggo ng Hunyo
Agusan del Sur
Naglalarawan ng cultura at pamana ng mga Agusanon at pagkilala sa katapatan ng mga Manobo sa kanilang pinuno na si Datu Lipus Makapandong
Pista ng Pagdayao [ 7]
Hunyo 11 -12
Tacloban, Leyte at Masbate
Pistang pasasalamat sa Panginoon
Araw ng Cotabato [ 7]
Hunyo 12 - 20
Lungsod ng Kotabato
Pagdiriwang ng pagkakatatag ng lungsod
Parada ng mga Lechon [ 7]
Hunyo 24
Balayan, Batangas
Parada ng mga lechon
Pista ng Hibok-Hibok [ 7]
Hunyo 24
Camiguin
Ipinagdiriwang bilang parangal kay San Juan
Pista ng Tacloban [ 7]
Huling linggo ng Hunyo
Tacloban, Leyte
Kinabibilangan ng Subiran Regatta , Balyuan, at Pista ng Pintados
Pista ng Piat Sambali [ 7]
Huling linggo ng Hunyo
Piat, Cagayan
Ginugunita ang pagiging Kristiyano ng mga Ytawes sa Cagayan
Pista ng Pinya ng Lungsod ng Ormoc [ 7]
Hunyo 23
Lungsod ng Ormoc
Pagpupugay sa mga santong patron ng lungsod at pinya na inaani sa lungsod
Pista ng Saulog [ 7]
Hunyo 1 - 6
Zamboanga Del Norte
Pagdiriwang ng pagkakatatag ng lalawigan
Pista ng Kamalig [ 7]
Hunyo 5 - 13
Camaligan, Camarines Sur
Ipinagdiriwang ang pagkakatatag ng bayan at pista ng bayan
Lechonan sa Baroy [ 7]
Hunyo 10
Baroy, Lanao del Norte
Pagdiriwang ng masagang produktong pang-agrikultura
Pista ng Pinangat [ 7]
Hunyo 10 - 24
Camalig, Albay
Kasabay ng pistang bayan ay ipinagdiriwang ang kultura at pamana ng bayan
Pista ng Ginubat [ 7]
Hunyo 11 - 12
Gubat, Sorsogon
Pista ng Pinyasan [ 7]
Hunyo 15 - 24
Daet, Camarines Norte
Ipinapakita ang pinya bilang pangunahing produktong pang-agrikultura
Pista ng Tabak [ 7]
Hunyo 15 - 24
Lungsod ng Tabaco
Ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Juan na santong patron ng lungsod at ang anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod
Pista ng Pulang-Angui [ 7]
Hunyo 15 - 30
Polangui, Albay
Ipinagdiriwang ang kultura ng bayan
Pista ng Naro [ 7]
Hunyo 17 - 19
Dimasalang, Masbate
Ipinagdiriwang ang pagkakatatag ng bayan
Pista ng Pili [ 7]
Huling linggo ng Hunyo
Lungsod ng Sorsogon
Itinatampok sa pagdiriwang ang pili na katutubong pananim sa rehiyon ng Bikol
Pista ng Sagayan [ 7]
Hunyo 28 - Hulyo 2
Tubod, Lanao del Norte
Pagdiriwang ng mga Maranao na naglalarawan kay Prinsipe Bantugan
Pista
Kailan idinaraos
Lugar kung saan idinaraos
Tema ng pagdiriwang
Pista ng Pagoda [ 8]
Hulyo 4 - 7
Bocaue, Bulacan
Ipinagdiriwang ang pista bilang parangal sa Banal na Krus na natagpuan sa ilog ng Bocaue
Sublian sa Batangas [ 8]
Hulyo 23
Lungsod ng Batangas
Ibinabalik ang tradisyon ng pagsasayaw ng subli kasabay ng pagdiriwang ng pagkakatatag sa lungsod
Pista ng Sinulog ng Tanjay [ 8]
Huling linggo ng Hulyo
Tanjay, Negros Oriental
Itinatampok ang pinagmulan ng kultura ng sinulog
Pista ng Kahimoan Abayan [ 8]
Huling linggo ng Hulyo
Lungsod ng Butuan, Agusan del Norte
Pagpaparangal kay Santa Ana na kilala na nagpoprotekta sa mga nakatira sa tabi ng Agusan River mula sa mga buwaya
Pista ng Sandugo [ 8]
Huling linggo ng Hulyo
Bohol
Ginugunita ang kasunduang ginamitan ng dugo sa pagitan nina Legaspi at Sikatuna
Pista ng Tagsibol [ 8]
Hulyo 1
Maramag, Bukidnon
Pagdiriwang ng kasaganahan ng tagsibol
Pista ng Magalleones [ 8]
Hulyo 9 - 16
Magallanes, Sorsogon
Ipinagdiriwang ang reputasyon ng bayan bilang pangunahing gumagawa ng mga barko sa Bikol noong panahon ng mga Kastila
Pista ng Lubid [ 8]
Hulyo 9 - 16
Malilipot, Albay
Ipinagdiriwang ang tradisyon at kultura ng Malilipot
Pista ng Subayan Keg Subanen [ 8]
Hulyo 16
Lungsod ng Ozamiz
Ipinagdiriwang ang pamumuhay ng mga Subanon
Pista ng Libon Paroy [ 8]
Hulyo 22 - 25
Libon, Albay
Isinasalarawan ang paroy o bigas na pangunahing pinagkakakitaan ng mga tao
Pista ng Kinabayo [ 8]
Hulyo 23 - 27
Lungsod ng Dapitan, Zamboanga del Norte
Pista ng Lungsod ng Dapitan na pinararangalan si Saint James
Grand Kaliga Festival [ 8]
Hulyo 23
Lungsod ng Gingoog
Ipinagdiriwang ang kultura at tradisyon ng mga Manobo at Higaonon
Pista
Kailan idinaraos
Lugar kung saan idinaraos
Tema ng pagdiriwang
Pista ng Pangapog [ 9]
Agosto 1 – 7
Isla ng Samal
Pagdiriwang ng masaganang ani at parangal sa kultura ng mga Sama
Pista ng Palu-Palo [ 9]
Agosto 4 - 5
Basco, Batanes
Ipinapakita ang kultura ng mga Ivatan
Pista ng Marang [ 9]
Agosto 5
Basco, Batanes
Ipinagdiriwang ang masagang ani ng marang
Mercedes FISHtival [ 9]
Agosto 6 - 11
Mercedes, Camarines Norte
Pasasalamat ng mga mangingisda sa masaganang pangingisda
Pista ng Kawayan ng Pangasinan [ 9]
Agosto 14
Calasiao at Sta. Barbara, Pangasinan
Ipinapakita ang mga produktong gawa sa kawaya
Pista ng Pasaka [ 9]
Agosto 14
Tanuan, Leyte
Parangal sa Our Lady of Assumption
Pista ng Kalivungan [ 9]
Agosto 17 - 18
Kidapawan, Cotabato
Pagsasama-sama ng mga Bagobo at Manobo
Pista ng Kadayawan sa Dabaw [ 9]
Ikatlong linggo ng Agosto
Lungsod ng Davao
Pista ng pasasalamat at parangal sa mga katutubo
Gigantes [ 9]
Agosto 19
Lucban, Quezon
Ang mga higanteng pigura na gawa sa papel ay pinapasan ng mga namamanata para sa kahilingan na natupad
Pista ng Buyogan [ 9]
Agosto 19
Abuyog, Leyte
Nakasentro sa mga bubuyog kung saan ang bayan ay ipinangalan
Pista ng Higalaay [ 9]
Buong buwan ng Agosto
Lungsod ng Cagayan de Oro
Pista ng pasasalamat at pista ng santong patron ng lungsod na si San Agustin
Pista ng Mercedes Kadagatan [ 9]
Agosto 1 - 8
Mercedes, Camarines Norte
Pasasalamat ng mga mangingisda sa masaganang pangingisda
Pista ng Coron [ 9]
Agosto 5 - 13
Tiwi, Albay
Parangal sa santong patron ng Albay na si Nuestra Seiiora de Salvacion
Pista ng Tig-Aw [ 9]
Agosto 5 - 12
Tigaon, Camarines Sur
Pasasalamat sa santong patron na si Santa Clara ng Assisi
Pista ng Longganisa ng Guinobatan [ 9]
Agosto 5 - 15
Guinobatan, Albay
Ipinapakita ang kultura at likas na pamana ng bayan kasama na ang mga produktong gawa sa longganisa
Pista ng Ibalong [ 9]
Agosto 12 - 30
Lungsod ng Legazpi
Isinasalarawan ang simula ng Bikol na nasasaad sa epikong Ibalong
KUMBIRA Culinary Show and Live Competitions [ 9]
Agosto 19 - 21
Limketkai Atrium, Lungsod ng Cagayan de Oro
Itinuturing na pinakamatagal na kaganapan sa pagluluto sa Pilipinas
Pista
Kailan idinaraos
Lugar kung saan idinaraos
Tema ng pagdiriwang
Pista ng Aurora [ 10]
Huling Linggo ng Agosto hanggang unang linggo ng Setyembre
Tanjay, Negros Oriental
Tampok sa pista ang nobena na ginaganap sa gabi na nilalahukan ng mahigit sa 40 na mga angkan at nagtatapos sa isang prusisyon sa gabi sa ilog ng Tanjay
Pista ng Hin-ay [ 10]
Setyembre 1 - 29
Irosin, Sorsogon
Kasama sa pagdiriwang ang street dance na naglalarawan ng pagkapanalo ng arkanghel laban sa mga Black Angels
Pista ng mga Pagkain sa Bikol [ 10]
Setyembre 1 - 30
Lungsod ng Naga
Ipinagdiriwang ang mga pagkain ng Bikol katulad ng pinangat, laing, Bicol Express , inolokan o tilmak, pecadillo at cocido.
Pista ng Sarakiki [ 10]
Setyembre 1 - 8
Lungsod ng Calbayog
Tampok sa pagdiriwang ang mga sumasayaw sa lansangan na nakasuot na parang manok at sumasayaw sa tugtog ng mga katutubong instrumento ng mga taga-Samar
Pista ng Tribu ng mga T’boli [ 10]
Ikatlong linggo ng Setyembre
Timog Cotabato
Pagsasama-sama ito ng mga etnolingguistikong pangkat sa lalawigan
Pista ng Djanggo [ 10]
Setyembre 28 - 29
Nassiping, Gattaran, Cagayan
Ipinagdiriwang ang kultural at relihiyosong tradition batay kay San Miguel
Pista ng Banigan-Kawayan [ 10]
Setyembre 29
Basey, Samar
Ipinagdiriwang ang industriya ng paggawa ng banig at ng mga produktong yari sa kawayan ng Basey
Pista ng Pagsasalo-salo ng Pagkain sa Linapit [ 10]
Setyembre 30
Gueday, Besno
Ipinagdiriwang ang pista bago ang pagtatanim kung saan ang mga katutubo ay ibinabahagi ang kanilang mga pagkain sa kaninuman
Pista ng Busig-On [ 10]
Setyembre 7 - 9
Labo, Camarines Norte
Batay sa epikong Busig-on na ipinapakita ang kabayanihan at mga pinahahalagahan ng mga Bikolano
Traslacion (Pista ng Penafrancia) [ 10]
Setyembre 13
Lungsod ng Naga
Nagsisimula ang pista at ang siyam na araw na Misa para sa Our Lady of Penafrancia ng rehiyon ng Bikol sa pamamagitan ng traslacion kung saan inililipat ang imahe ng INA sa papamagitan ng pagbuhat ng mga deboto mula sa Basilika papunta sa Katedral ng Naga
Pista ng Peñafrancia [ 10]
Ikatlong Linggo ng Setyembre (Setyembre 21)
Lungsod ng Naga, Camarines Sur
Relihiyosong pagdiriwang na nagpaparangal sa araw ng kapistahan ng Our Lady of Penafrancia , ang Santong patron ng rehiyon ng Bikol
Pista ng Dalit [ 10]
Setyembre 21
Lungsod ng Tangub
Pasasalamat sa masaganang ani
Dahunog sa Dipolog [ 10]
Setyembre 26 - Oktubre 7
Lungsod ng Dipolog
Ang "Dahunog" ay pagdiriwang sa Dipolog kung saan nagsasama-sama ang mga banda para sa isang parada at kompetisyon ng mga talento sa paggawa ng pinakamadagundong, masigla at nakakaaliw na musikal na pagsasaya.
Pista ng Megayon [ 10]
Setyembre 27 - 30
Dao, Lungsod ng Pagadian
Pagdiriwang ng pagkakaisa ng iba't ibang grupo na pang-kultural
Pista ng Diyandi sa Iligan [ 10]
Setyembre 27
Lungsod ng Iligan
Parangal kay San Miguel Arkanghel
Pista ng Sayaw ng Lapay ng Bantigue [ 10]
Setyembre 28
Lungsod ng Masbate
Ipinagdiriwang ang sining ng pagsayaw na nagmula sa matikas na galaw ng mga lapay na matatagpuan sa Barangay Bantigue sa Masbate.
Pista
Kailan idinaraos
Lugar kung saan idinaraos
Tema ng pagdiriwang
Halaran [ 11]
Unang linggo ng Oktubre
Lungsod ng Roxas
Ipinapakita ang kasaysayan at kultura ng mga taga-Capiz noong bago dumating ang mga Kastila
Universal Children’s Festival [ 11]
Unang linggo ng Oktubre
Lungsod ng Dapitan
Parada sa paligid ng lungsod ng mga bata na nakasuot ng mga kasuotan ng mga bansang kasama sa Nagkakaisang Bansa
Pista ng Masskara [ 11]
Lungsod ng Bacolod
Pagdiriwang na may karnabal, perya at pagsasayaw sa lansangan ng mga mananayaw sa nakamaskara
Pista ng La Naval ng Maynila [ 11]
Oktubre 11
Lungsod ng Quezon
Ipinaparada sa lungsod ang imahe ng Birhen na nasa isang makulay na karuwahe na parang barko. Pinaniniwalang milagroso ang imahe at tinitiyak ang kaligtasan sa paglalakbay ng mga taong nagdarasal dito.
Marangyang Karakol ng Calbayog [ 11]
Oktubre 16
Lungsod ng Calbayog
Pagdiriwang ng pasasalamat ng mga deboto ni San Rafael.
Pista ng Kasanggayahan [ 11]
Buong buwan ng Oktubre
Sorsogon, Sorsogon
Pagdiriwang na nagpapakita ng mga lokal na produktong agrikultural kabilang ang mga produkto mula sa puno ng pili.
Pista ng Unod [ 11]
Oktubre 1 - 7
Castilla, Sorsogon
Pagdiriwang ng pasasalamat ng mga taga-Castilla sa masaganang ani at pagpapahalaga sa kasipagan ng mga mamamayan.
Pista ng Parau [ 11]
Oktubre 1 - 12
Pilar, Sorsogon
Pagdiriwang na nagpapakita ng kultura ng bayan kasabay ang pista ng Our Lady of the Pillar
Pista ng Cimarrones [ 11]
Oktubre 1 - 26
Pagdiriwang na nagtatampok ng kultura ng bayan
Pista ng Mambulawan [ 11]
Oktubre 6 - 7
Jose Panganiban, Camarines Norte
Pagdiriwang na idinaraos kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Kabanal-banalang Rosaryo
Pista ng Inug-og [ 11]
Oktubre 14
Lungsod ng Òroquieta
Etnikong pagdiriwang ng kultura ng Suban-on
Pista ng Kamgbegu [ 11]
Oktubre 15-16
Lapuyan, Zamboanga del Sur
Pistang ipinagdiriwang ng mga taga-Lapuyan