Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2012
Itsura
(Idinirekta mula sa Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 8)
Mula Enero 2012 hanggang Disyembre 2012
[baguhin ang wikitext]Alam ba ninyo...
Disyembre 2012
[baguhin ang wikitext]- ... na ang Ikalabindalawang Gabi ay isang kapistahan sa ilang mga sangay ng Kristiyanismo na tanda ng pagtatapos ng Labindalawang mga Araw ng Pasko?
- ... na si Jordan Anderson ay isang Aprikanong Amerikano na dating alipin na kinikilala dahil sa isang liham na isinulat niya para sa kaniyang dating panginoon?
- ... na ang salitang Rzeczpospolita ay ang tradisyunal na pantukoy para sa bansang Polonya?
- ... na si Takelot II ay ang paraon ng ikadalawampu't tatlong dinastiya ng Ehipto?
- ... na ang nasa dulo ng dila ay ang kababalaghan ng pagkabigo na kaagad na maibalik ang isang salita magmula sa alaala?
- ... na ang "The Tallow Candle" ay isang kuwentong-bibit na isinulat ni Hans Christian Andersen noong 1820 na natuklasan lamang noong 2012?
- ... na ang Banal na Tatlong Araw ay napakaloob sa pagsisimula ng liturhiya sa gabi ng Huwebes Santo, sa bisperas ng Biyernes Santo, at nagtatapos sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay?
Nobyembre 2012
[baguhin ang wikitext]- ... na ang Atenismo ay ang mga pagbabagong panrelihiyon sa Ehipto noong nasa pamumuno ni Paraon Amenhotep IV?
- ... na sa mitolohiyang Griyego, ang kaguluhan ay ang walong katayuan ng pagiging walang laman bago nalikha ang uniberso?
- ... na ang Pentateukong Samaritano ay ang bersiyong Samaritano ng Torah ng Hudaismo?
- ... na ang ekonomiyang pampamamahala ay nakatuon sa paglalapat ng mga diwa at pagsusuring pang-ekonomiya ukol sa mga suliranin ng paglikha ng makatwirang mga kapasyahang pampamamahala?
- ... na ang Zionismong Kristiyano ay ang paniniwala ng ilang mga Kristiyano na ang pagkakatatag ng Estado ng Israel noong 1948 ay ayon sa propesiya ng Bibliya?
- ... na ang Ugarit ay isang sinaunang puertong siyudad sa silanganing Mediteraneo sa lungos ng Ras Shamra?
- ... na ang sinaunang Malapit na Silangan ay ang tahanan ng mga sinaunang kabihasnan sa rehiyong ito na tumutugon sa modernong Gitnang Silangan?
- ... na mayroong siyam na mga uri ng pang-abay?
- ... na ang sensei ay isang salitang Hapones na may kahulugang tao na ipinanganak bago ang isa pang tao?
- ... na ang araling pangkasarian ay isang larangan na nakalaan sa pagkakakilanlan at representasyong pangkasarian bilang pangunahing mga kategorya ng pagsusuri?
- ... na ang humanismong sekular ay nagsasaad na ang mga tao ay may kakayahang maging etikal at moral kahit na walang relihiyon?
- ... na ang pisikang pangplasma ay naglalayong maunawaan ang masalimuot na ugali ng nakakulong na plasma?
- ... na ang ekwasyon ng pagkakaiba ay isang pagpapantay na pangmatematika na kinasasangkutan ng mga nagbabago?
- ... na ang inhinyeriyang pang-agrikultura ay isang disiplinang gumagamit ng agham ng inhinyeriya at teknolohiya sa prosesong pang-agrikultura?
- ... na mayroong pagkakaiba ang kasaysayang pangsining at ang kasaysayan ng sining?
- ... na ang Kapuluan ng Falkland ay isang pangkat ng mga pulo na nasa loob ng karagatan ng Timog Atlantiko?
- ... na ang kasaysayang pangmilitar ay isang disiplina ng mga araling pantao na nasa loob ng saklaw ng pangkalahatang pangkasaysayan ng pagtatala ng hidwaang may sandata sa kasaysayang pantao?
- ... na ang agham na panghayop ay ang pag-aaral ng biyolohiya ng mga hayop na nasa ilalim ng pagtaban ng mga tao?
- ... na ang mga salin ng Bibliya ay ang pagsasalinwika ng Tanakh at ng Bagong Tipan papunta sa iba't ibang mga wika?
Oktubre 2012
[baguhin ang wikitext]- ... na ang kalkulus na integral ay isang sangay ng kalkulus na nag-aaral ng integrasyon at mga paggamit nito?
Setyembre 2012
[baguhin ang wikitext]- ... na ang purong matematika ay isang matematika na nag-aaral ng buong mga konseptong abstrakto?
Agosto 2012
[baguhin ang wikitext]- ... na ang teoriya ng taban ay isang interdisiplinaryong sangay ng inhinyerya at matematika ukol sa pag-aasal ng mga sistemang dinamikal na may mga pagpapasok?
- ... na ang kombinatorika ay isang ng sangay ng matematika na umuukol sa may hangganan na diskretong mga istraktura?
Hulyo 2012
[baguhin ang wikitext]- ... na ang krup ay isang impeksiyon ng birus na nagsasangkot ng tatlong mga bahagi ng katawan na ginagamit sa paghinga?
- ... na ang Shinryaku! Ika Musume ay tungkol sa isang pusit na gustong ipaghiganti ang karagatan mula sa pagkakaroon ng polusyon?
Hunyo 2012
[baguhin ang wikitext]- ... na ang trutsa ay mga espesye ng mga isdang pangtubig-tabang na nasa saring Oncorhynchus, Salmo at Salvelinus, at subpamilyang Salmoninae?
- ... na ang kabinian ay pamantayang kasama sa mga aspeto ng kultura na nagiging sukatan ng paghatol sa isang indibiduwal ng isang lipunan sa loob ng isang kapanahunan?
- ... na si José Sánchez del Río ay isang Kristiyanong martir mula sa Mehiko?
Abril 2012
[baguhin ang wikitext]- ... na ang Enûma Eliš ay ang mito ng paglikha ng kabihasnang Babilonya?
- ... na ang nobelang Of Mice and Men ay may kaugnayan sa Matinding Panlulumo na naganap sa Kaliporniya, Estados Unidos?
- ... na marami palang mga uri ng pagtatanong?
- ... na ang pagtalungko ay maaari ring maging isang uri ng ehersisyo?
- ... na ang larawan ng sarili ay ang iniisip ng isang tao na paniniwala sa kanila ng iba pang mga tao?
- ... na ang mga proporsiyon ng katawan ay madalas na ginagamit upang pag-ugnayin ang dalawa o marami pang mga sukat batay sa katawan ng tao?
- ... na ang simbiyosis ay ang pamumuhay na magkasama ng magkakaibang mga espesye?
- ... na si Henrietta Szold ay isang Hudyong mamamayan ng Estados Unidos na Zionistang pinuno at tagapagtatag ng samahang Hadassah na pangkababaihan?
Enero 2012
[baguhin ang wikitext]- ... na ang diperensiyang panghenetika ay isang sakit na sanhi ng mga abnormalidad sa kagyos o kromosoma?
- ... na ang Australian Open ay isa sa apat na torneong pang-Grand Slam sa larong tenis?
- ... na ang mikroorganismo ay maaaring may isang selula o kaya walang selula?
- ... na ang kasaysayan ng matematika ay ang pagsisiyasat sa pinagmulan ng mga natuklasan sa larangan ng matematika?
- ... na ang kreasyonismo ay isang paniniwala na ang buhay sa daigdig at sansinukob ay nilikha ng isang nilalang na sobrenatural?
- ... na sina Romulus at Remus ay ang mga tagapagtatag ng Roma?
- ... na mayroong pitong mga katangian na ginagamit upang malaman kung ang bagay ay may buhay o walang buhay?
- ... na ang mahubog na paglalayag sa yelo ay isang uri ng pagpapadulas sa yelo?
- ... na ang mga suliranin nina Edipo at Elektra ay mga ideya at damdaming nasa likod ng isipan ng tao?
- ... na ang sauna ay isang maliit na silid na dinisenyo bilang isang lugar kung saan makakaranas ang tao ng mainit na singaw ng tubig?
- ... na ang Sa mga Kuko ng Liwanag ay isang nobelang isinulat ni Edgardo M. Reyes?
- ... na ang paglalathalang pangmesa ay ang paglikha ng mga dokumento sa pamamagitan ng isang sopwer at pansariling kompyuter?
- ... na may dalawang pamahalaan, noong 1972-1983 at noong 2005-2011, ang Timog Sudan bago ito naging ganap na bansa?
- ... na ang sahod, gantimbayad, at kitambayan ay mga uri ng pagkita ng salapi?
- ... na si Aphroditos ay isang lalaking Aphrodite?