Olongapo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Olongapo)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tungkol ito sa lungsod sa Pilipinas. Para sa nobela, pumunta sa ‘GAPÔ.

Coordinates: 14°50′ N 120°17′ E

City of Olongapo
Lungsod ng Olongapo
—  Lungsod  —
Opisyal na sagisag ng City of OlongapoLungsod ng Olongapo
Sagisag
Map of Zambales showing the location of Olongapo.
Bansa Pilipinas
Rehiyon Central Luzon (Region III)
Lalawigan Zambales
Distrito First District of Zambales
Mga barangay 17
Pagkatatag 1750
Ganap na Lungsod 1 Hunyo 1966[1]
Pamahalaan
 • Punong Lungsod James J. Gordon, Jr. (Lakas-CMD)
Laki
 • Kabuuan 170.30 km2 (65.75 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 221,178
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kaurian ng kita 1st class city; highly urbanized

Ang Lungsod ng Olongapo ay isang lungsod sa lalawigan ng Zambales, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 221,178 katao sa 50,300 kabahayan.

Etimolohiya[baguhin]

Sabi sa isang alamat, may isang dating tribu ng mga katutubo na naninirahan sa ngayon ay modernong siyudad. Mayroon isang matanda na tinatawag na "Apo". Siya ay kinalulugdan ng lahat ng tao sa baryo na pinanggalingan niya, nais niyang pag-isahin ang naturang tribu. Ngunit, ang mga karatig-bayan nila ay naiinggit sa Apo kaya noong isang araw, ay biglang nawala ang matanda.

Matapos ang mahabang paghahanap, ay natagpuan ang katawan ng Apo, subalit ang ulo ng naturang matanda (Apo) ay nawawala. Ayon sa Sambal ang pagpugot ng ulo nito ay isinagawa upang matigil ang balakin ng "Apo".

Natagpuan ang ulo ng matanda na nakatusok sa ituktok ng isang kawayan. Ipinagsigawan ng nakakita ang "Olo nin apo!" (Ang ulo ng Apo). Simula noon ay tinawag nilang "Ulo ng Apo" ang lugar na ito na sa katagalan ay naging Olongapo.

Kasaysayan[baguhin]

Mga Barangay[baguhin]

Ang Lungsod ng Olongapo ay nahahati sa 17 mga barangay.

  • Asinan
  • Banicain
  • Barreto
  • East Bajac-bajac
  • East Tapinac
  • Gordon Heights
  • Kalaklan
  • Mabayuan
  • New Cabalan
  • New Ilalim
  • New Kababae
  • New Kalalake
  • Old Cabalan
  • Pag-asa
  • Santa Rita
  • West Bajac-bajac
  • West Tapinac

Mga Alkalde ng Olongapo[baguhin]

  • Ruben Dela Cruz Geronimo (Nob. 1959 - Mayo 1964 bilang Alkaldeng Munisipal)
  • James Leonard T. Gordon (Nob. 1964 - Hun. 1, 1966 bilang Alkaldeng Munisipal)
  • James Leonard T. Gordon (Hun. 1, 1966 - Peb. 20, 1967 bilang Alkaldeng Panglungsod)
  • Amelia Juico Gordon (Hun. 1967 - Hun. 30, 1972)
  • Geronimo "Momoy" Lipumano (Hul. 1972 - Mayo 1980)
  • Richard "Dick" Gordon - (Hun. 30, 1980 - Abr. 23, 1986) (unang termino)
  • Katherine "Kate" Gordon (Abr. 26, 1986 - Hun. 30, 1998)
  • Richard "Dick" Gordon - (Hun. 30, 1998 - Hun. 22, 2001) (pangalawang termino)
  • James Gordon, Jr. (Hun. 30, 2001 - Hun. 20, 2013)
  • Rolen Calixto Paulino, Sr. (Hun. , 20 - Present)

Mga Kandidatong Panglokal sa Olongapo, Eleksiyon 2010[baguhin]

  • Partido ng Kandidato: Bagumbayan Party

Alkalde: James "Bong" Gordon Bise-Alkalde: Cynthia Cajudo Kinatawan ng Unang Distrito ng Zambales at ng lungsod sa Kongreso: Anne Gordon

  • Partido ng Kandidato: Lakas-Kampi CMD

Sanggunian[baguhin]

Downtown Olongapo

Kawing panlabas[baguhin]