Anatomiya ng tao
Ang dalubkatawan[1] ng tao o anatomiya ng tao ay ang maka-agham na pag-aaral ng morpolohiya ng may-gulang na katawan ng tao.[2] Hinati-hati ito sa mga bahaging magaspang na anatomiya (gross anatomy) at mikroskopikong anatomiya (microscopic anatomy).[2] Ang magaspang na anatomiya (na tinatawag ding topograpikong anatomiya, anatomiyang rehiyonal, o antropotomiya) ay ang pag-aaral ng mga istrukturang pang-anatomiya na makikita ng mga mata na hindi tinutulungang ng mga kagamitang katulad ng salamin o mikroskopo.[2] Ang mikroskopikong anatomiya ay ang pag-aaral ng mga maliliit na istrukturang anatomikal sa tulong ng mga mikroskopo, na kinabibilangan ng histolohiya (ang pag-aaral ng organisasyon ng mga tisyu),[2] at ng sitolohiya (ang pag-aaral ng mga selula).
Sa ilan sa mga aspeto ng anatomiya ng tao, may kaugnayan ito sa embriyolohiya, pinaghahambing na anatomiya at pilohenetika (o pinaghahambing na embriyolohiya),[2] dahil sa magkakaparehong ugat sa ebolusyon; halimbawa, namamalagi pa sa katawan ng tao ang mga isinaunang segmento ng mga parisan na nakatanghal sa lahat ng mga bertebrado na may inuulit na mga payak na pangkat, na natatanging magigisnan sa gulugod at sa kulungang-tadyang, at maaaring bakasin mula sa mga isinaunang mga embriyo.
Binubuo ng mga sistema ang katawan ng tao, na binubuo ng mga organo na binubuo naman ng tisyu, na siya namang binubuo ng selula at tisyung pandugtong.
Sinasabing ang kasaysayan ng anatomiya, sa loob ng matagal na panahon, sa patuloy na pag-unawa sa mga tungkulin ng mga organo at istruktura sa loob ng katawan. Malaki ang ipinagbuti ng mga pamamaraan, na tumalon mula sa mga eksaminasyon ng mga hayop na lumalagos sa paghiwa (diseksiyon) ng mga inimbak o preserbadong patay na mga katawan ng tao hanggang sa masalimuot na mga pamamaraang pangteknolohiya na sumulong at napabuti sa loob ng ika-20 siglo.
Mga pag-aaral
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pangkalahatan, ang mga mag-aaral sa larangan ng pagiging manggagamot, pisyoterapista, nars, radyograper, mangguguhit, at ng ilang mga agham pang-biyolohiya, ay natututuhan ang magaspang o panlabas na anatomiya at mikroskopikong anatomiya mula sa kanilang mga modelo, mga iskeleton, mga aklat, mga ginuhit na larawan, mga litrato, mga panayam at mga sariling-pagaaral. Maaaring tulungan ang pag-aaral ng mikroskopikong anatomiya o histolohiya sa pamamagitan ng mga maparaang karanasan sa pagtingin sa mga preparasyong histolohikal (slides o mga halimbawang tisyu na nakapaloob sa maliit na salamin at tinitingnan sa ilalim ng mga tubong pansilip ng isang mikroskopo); at bilang karagdagan, ang mga estudyante ng panggagamot ay karaniwan natututunan ang magaspang na anatomiya sa pamamagitan ng mga mapamaraang karanasan sa paghihiwa (diseksiyon) at pagsusuri ng mga walang-buhay na katawan ng tao. Kailangan ang tahasang pagkadalubhasa ng anatomiya ng mga duktor na mediko, lalo na ang mga siruhano, at ang mga duktor na nagtatrabaho sa mga espesyalidad na pang-diagnostiko o pag-alam ng mga sanhi ng mga karamdaman, katulad ng histopatolohiya at radyolohiya.
Mga nakatutulong na panimulang karagdagang agham ang anatomiya ng tao, pisyolohiya at biokemistriya, na karaniwang itinuturo sa mga estudyante ng medisina sa kanilang unang taon sa paaralan ng medisina. Maituturo ang anatomiya ng tao sa pamamaraang rehiyonal o sistematiko;[2]. Ang rehiyonal na pagtuturo ay ang pag-aaral ng mga rehiyon ng katawan katulad ng ulo at dibdib, at ang sistematikong pag-aaral naman ay ang tiyakang pag-aaral ng mga sistema ng katawan katulad ng sistemang nerbyos o ng sistemang pangrespirasyon (o panghinga). Muling isinaayoas ang pinakamahalagang aklat pang-anatomiya, ang Gray's Anatomy (Anatomiyang isinulat ni Gray), mula sa presentasyong maka-sistemang pag-aaral hanggang sa pormat na maka-rehiyong pag-aaral[3] bilang tugon sa makabagong mga pamamaraan ng paglilinang.
Kalupunan batay sa kinalalagyan sa katawan (grupong rehiyonal)
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ulo at leeg — kabilang ang lahat ng nasa itaas ng pasukan sa toraks
- Pang-itaas na mga sanga — kasama ang mga kamay, mga pupulsuhan, mga bisig, mga siko, mga braso, at mga balikat.
- Toraks — ang rehiyon sa dibdib mula sa pasukan sa toraks hanggang sa dayapram ng toraks.
- Puson — ang lahat ng bahagi mula sa dayapram na pangtorako hanggang sa tagiliran ng pelbis o pasukan sa pelbis.
- Ang likod — ang gulugod at lahat ng mga kabahagi nito, ang bertebra, sakrum, kosiks, at diskong interbertebral.
- Balakang at perineum — binubuo ang balakang ng lahat ng mga bahagi mula sa pasukan sa pelvis hanggang sa dayapram ng pelbis. Ang perineum ang siyang rehiyong nasa gitna ng mga kasangkapang pangkasarian at ng butas ng puwit.
- Pang-ibabang mga sanga — kabilang ang lahat ng mga bahagi mula sa ilalim ng ligamentong inguinal, kasama ang mga balakang, ang mga hita, ang mga tuhod, ang mga binti, ang mga sakong, at mga paa.
Mga pangunahing sistemang kasangkapan (organong sistema) ng katawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sistemang sirkulatoryo: para sa pagbomba ,pagpapadaloy at paghahatid ng dugo patungo at pabalik sa mga bahagi ng katawan at mga baga sa tulong ng puso, dugo, at mga ugat-daluyan ng dugo.
- Sistemang panunaw: para sa pagtunaw ng pagkain sa tulong ng mga glandulang pang-laway, esopago, sikmura, atay, abdo, lapay, mga bituka, tumbong, at butas ng puwit.
- Sistemang endokrina: para sa pakikipag-ugnayang panloob sa katawan sa pamamagitan ng mga hormon na nilikha ng mga glandulang endokrin katulad ng hipotalamus, putwitaryo, pineal, thyroid, parathyroid, at adrenal.
- Sistemang integumentaryo: na kinabibilangan ng balat, mga buhok at mga kuko
- Sistemang limpatiko: mga kayariang kasangkot sa paglilipat ng tubig-tubig o tubig-buko sa pagitan ng mga tisyu at agusan ng dugo, ang mga tubig-buko at mga buko at sisidlan ng tubig-buko na nagdadala nito, kabilang ang sistemang pangliway o sistemang pang-iwas-karamdaman na nagsasanggalang laban sa mga ahente o sugo ng kapaligiran na nakapagdudulot ng mga sakit (sa pamamagitan ng mga leukocyte), mga tonsil, mga adenoid, thymus, at pali.
- Sistemang muskular: para sa pagkilos at paggalaw sa pamamagitan ng mga laman.
- Sistemang nerbiyos: para sa pagtitipon, paglilipat at pagsusuri ng mga impormasyon sa pamamagitan ng utak, kurdong panggulugod, litid na periperal, at mga litid ng sistemang nerbyos.
- Sistemang reproduktibo: ang mga kasangkapang pangkasarian, katulad ng mga obaryo, mga tubong Fallopian, matris, puki, mga glandulang mamarya, bayag, vas deferens, besikulong seminal, prostata, at titi.
- Sistemang respiratoryo: mga kasangkapang ginagamit para sa paghinga, tulad ng pharynx, larynx, trachea, bronchi, mga baga, at dayapram ng toraks.
- Sistemang pangsangkabutuhan: para sa suportang pangkayarian at proteksiyon sa pamamagitan ng mga buto, kartilahiyo, mga ligamento at mga tendon.
- Sistemang yurinaryo: mga bato, mga ureter, pantog at urethra na kasangkot sa pagtatama sa timbang ng mga pluido, electrolyte, at pagpapalalabas ng ihi. Sa mas malawakang pag-uuri ang sistemang ito ay kabilang sa sistemang ekskretoryo.
- Sistemang ekskretoryo - sistemang panglinis ng katawan.
- Sistemang imyuno - sistemang panlaban sa mga karamdaman.
Banghay ng anatomiya ng tao
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Banghay ng anatomiya ng tao
10. Hita 15. Bisig
|
Pang-ibabaw na anatomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mahalaga ang pang-ibabaw na anatomiya ng tao para sa pag-aaral ng mga palantaandang pangkatawan na madaling makilala mula sa mga hubog o iba pang palatandaan ng pagkakakilanlan sa ibabaw ng katawan.[2] Dahil sa pagkakaroon ng mga kaalaman hinggil sa pang-ibabaw na mga bahagi ng katawan, masusukat at matatagpuan ng mga manggagamot ang mga kinaroroonan at kinalalagyan ng mga kaugnay na mga kayariang nakapailalim sa mga ito.
Mga pangkaraniwang katawagan ng mga pinakakilalang mga bahagi ng katawan ng tao, mula itaas hanggang ibaba:
- Ulo — Noo — Panga — Mukha — Pisngi — Baba
- Leeg — Mga balikat
- Bisig — Siko — Kasukasuan sa puno ng kamay — Kamay — Daliri ng kamay — Hinlalaki
- Gulugod — Dibdib — Kulungang-tadyang
- Puson — Singit
- Balakang — Pigi — Hita — Binti — Tuhod — Alakalakan — Sakong — Bukung-bukong — Paa — Mga hinlalaki ng paa
- Nakikita rin ang mga mata, mga tainga, ilong, bibig, mga ngipin, dila, lalamunan, lalagukan, suso, titi, bayag, tinggil, bulba, at pusod.
Mga laman-loob
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga karaniwang pangalan ng mga kasangkapang panloob ng katawan (magkakasunod ayon sa pamamaraang pang-abakada):
Apdo — Apendiks — Glandulang adrenal — Atay — Baga — Bayag — Bato — Bena — Mga bituka — Esopago — Mga glandulang paratiroid — Mga glandulang pituitaryo — Lapay — Mga mata — Obaryo — Pali — Pantog — Prostata — Puso — Sikmura — Timus — Tiroid — Utak — Matris
Utak
[baguhin | baguhin ang wikitext]Amygdala — Serebelyum — Serebral korteks — Gitnang-utak — Sistemang limbiko — Medulla oblongata — Pons — Tangkay ng utak
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino, 1969.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 "Dahon ng pagpapakilala, "Anatomy of the Human Body" (Anatomiya ng Katawan ng Tao). Henry Gray. Pang-20 edisyon. 1918". Nakuha noong 27 Marso 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pahina ng tagapaglathala ng Gray's Anatomy. Pang-39 edisyon (Estados Unidos). 2004. ISBN 0-443-07168-3". Nakuha noong 27 Marso 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Estrada, Horacio R. Ang Mga Bahagi ng Katawan ng Tao, isang masusuing paglalarawan ng anatomiya ng katawan ng taong nasusulat sa wikang Pilipino, NRCP Medical Series 1 Naka-arkibo 2008-10-04 sa Wayback Machine., STII.dost.gov.ph
- Estrada, Horacio R. Ang Mga Selula ng Tao, tinatalakay ng seryeng ito ang histolohiya ng mga selula at iba’t ibang uri ng mga selula, at mga bahagi ng selulang natatagpuan sa katawan ng tao; nilalarawan din nito ang dibisyon o paghahati ng mga selulas, at ang pormasyon o pagbubuo ng selula para maging isang tisyu. NRCP Medical Series 2 Naka-arkibo 2008-10-04 sa Wayback Machine., STII.dost.gov.ph
- Estrada, Horacio R. Ang Gawain ng Mga Organo ng Tao, pinapaliwanang nito ang mga tungkulin ng lahat ng mga organong matatagpuan sa katawan ng tao. NRCP Medical Series 3 Naka-arkibo 2008-10-04 sa Wayback Machine., STII.dost.gov.ph