Arkeolohiyang pambibliya
Ang arkeolohiyang pambibliya, arkeolohiyang biblikal, o arkeolohiyang makabibliya (Ingles: biblical archaeology) ay ang arkeolohiya na nauukol sa Bibliya. Ang nangingibabaw na pananaw ng mga arkeologo na gumagawa sa Gitnang Silangan partikular sa Palestina/Israel sa sinasabing panahong Biblikal ay ang mga kuwento sa Bibliya ay sinasalungat ng mga ebidensiyang arkeolohikal na natagpuan sa mga lugar na ito. Sa katunayan, ang terminong biblikal na arkeolohiya ay isinantabi na at ang mas pinapaborang termino ng mga arkeolohiya ng Gitnang Silangan sa kasalukuyang panahon ang arkeolohiyang Siro-Palestinyano.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga saligan ng biblikal na arkeolohiya ay inilatag noong ika-19 na siglo sa akda ng mga antiquarian gaya ni Johan Jahn na ang manwal ng biblical antiquities na Biblische Archäologie, (1802, na isinalin sa Ingles noong 1839) ay labis na maimpluwensiya (influential) sa gitnang mga panahon ng ika-19 na siglo. Sa sandaling panahong pagkatapos nito, si Edward Robinson na kilala bilang tagapagtatag ng modernong Palestinolohiya ay naglimbag ng mabentang aklat na Biblical Researches in Palestine, the Sinai, Petrae and Adjacent Regions (1841) na nagdulot sa pangkat ng mga tao ng simbahan (clergymen) na magtatag ng Palestine Exploration Fund "upang itaguyod ang pagsasaliksik sa arkeolhiya at kasaysayan, ugali at kagawian at kultura, heolohiy at mga natural na agham sa biblikal na Palestina at Leven" noong 1865. Ito ay sinundan ng Deutscher Palästina-Verein (1877) at ng École Biblique (1890). Ang American School of Oriental Research ay itinatag noong 1900 at ang British School of Archaeology noong 1919. Ang pananaliksik na inisponsoran ng mga institusyong ito sa mga simulang yugto nito ay pangunahing heograpiko at hanggang 1890 nang si Sir Flinders Petrie ay nagpakilala ng mga pundamental na prinsipyo ng siyentipikong na paghuhukay kabilang ang stratigrapiya at seramikong typolohiya sa arkeolohiyang Palestinian. Ang dominanteng pigura sa ika-20 siglong arkeolohiya ng bibliya ay si William F. Albright na isang Amerikanong nag-ugat sa tradisyong kristiyanong ebanghelikal (ang kanyang mga magulang ay ministrong baptist sa Chile). Siya ang direktor ng Director of the American Schools of Oriental Research (ASOR) na ngayon ay tinatawag na W. F. Albright Institute of Archaeological Research mula 1920 hanggang 1930 at editor ng ASOR Bulletin hanggang 1968. Sa mga simulang dekada ng ika-20 siglo, ang debate ay pinangibabawan ng hipotesis na dokumentaryo. Ang hipotesis na ito ay nagpapaliwanag na ang Bibliya ay isang pinagsamang produkto ng mga may-akda na sumulat sa pagitan ng ika-10 hanggang ika-5 siglo BCE at nagtaas ng tanong sa kung ang mga aklat sa Bibliya ay maituturing bang mapagkakatiwalaang impormasyon sa panahon ni Solomon o mas nauna pa rito. Ang mga skolar na Europeo ay nagmungkahing ang mga aklat sa Lumang Tipan ay nakasalig sa tradisyong ipinasa ng bibig na maaaring sumasalamin sa tunay na kasaysayan ngunit ang mga mismong aklat na ito ay hindi naglalaman ng tamang kasaysayan. Nakita ni Albright ang arkeolohiya bilang isang praktikal na paraan upang masubok ang mga ideyang ito. Si Albright at ang kanyang mga tagasnod ay naniniwalang ang arkeolohiya ay maaari at dapat magbigay linaw sa mga salaysay ng Bibliya partikular na sa Lumang Tipan. Ang maimpluwensiya (influential) na mga posisyong akademiko ni Albright at ng kanyang mga tagasunod at ang kanilang mga akda ay gumawa sa mga itong labis na maimpluwensiya (influential) lalo na sa Amerika at lalo na sa mga ordinaryong Kristiyano na nagnanais na maniwalang ang arkeolohiya ay nakapagpatunay ng Bibliya. Ang katunayan, ang mga kasapi ng eskwelang ito ni Albright ay hindi mga literalista (naniniwala sa literal na interpretasyon ng Biliya) at ang kanilang layunin ay ibukod ang mga bahaging totoo sa Bibliya at mga pagpapalamuti (embellishments) dito. Ang mga konklusyon ng eskwelang Albrightian ay pinataob sa ikalawang gitnang bahagi ng ika-20 siglo. Ang pinabuting mga paraang arkeolohikal na ang pinakakilala rito ang mga paghuhukay ng arkeologong Briton na si Kathleen Kenyon sa Jericho ay hindi sumusuporta sa mga konklusyon ni Albright at ng kanyang mga tagasunod. Bukod dito, ang rekonstruksiyon ni Albright kay Abraham bilang isang karabanero (carvaneer) ng asno ay itinakwil ng pamayanang arkeolohikal. Ang hamong ito sa eskwelang Albright ay umabot sa rurok nito sa publikasyon ng dalawang mga mahalagang pag-aaral. Noong 1974, ang aklat ng arkeologong si Thomas L. Thompson na The Historicity of the Patriarchal Narratives ay muling sumiyasat ng mga salaysay sa Aklat ng Genesis at nagbigay ng konklusyon na "hindi lamang na ang arkeolohiya ay hindi nagpatunay ng isang pangyayari sa mga salaysay Patriarkal bilang historikal (totoong kasaysayan), ito ay hindi nagpakitang ang mga tradisyong ito ay malamang". Ang akda ng arkeologong si John Van Seters noong 1975 na Abraham in History and Tradition ay umabot sa parehong konklusyon tulad kay Thompson tungkol sa pagiging magagamit ng kasaysayang tradisyon. Sa parehong panahon, ang mga bagong henerasyon ng mga arkeologo na ang pinakilala ay si William G. Dever ay bumatikos sa arkeolohiyang Biblikal sa pagkabigo nitong pansinin ang rebolusyon sa arkeolohiyang processualismo na nakikita ang displinang ito bilang siyentipikong kapanig ng antropolohiya kesa bilang isang bahagi ng corpus ng humanidades (humanities) na kaugnay ng kasaysayan at teolohiya. Ayon kay Dever, ang arkeolohiyang Biblikal ay nanatiling "sa kabuuan sa labis na makitid ng anggulong pananaw teolohikal at dapat ay lisanin at palitan ng isang pang-rehiyon na arkeolohiyang Syro-Palestinian na gumagana sa loob ng isang balangkas na processual". Si Dever ay malawak na nagtagumpay. Ang karamihan sa mga arkeologong gumagawa sa panahon ng Bibliya ay gumagawa sa kasalukuyan sa loob ng processual o post-processual na balangkas.
Pananaw ng mga arkeologo tungkol sa Bibliya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa mga arkeologo, skolar ng Bibliya at historyan, ang karamihan ng kasaysayang isinasalaysay sa Bibliya tungkol sa bansang Israel (Biblikal na Israel) partikular sa Lumang Tipan gaya ng salaysay na partriarkal (kuwento ni Abraham, Moises), Exodo ng mga Israelita sa Ehipto at pananakop ni Josue sa Canaan sa Aklat ni Josue ay sinasalungat ng mga ebidensiyang arkeolohikal at mitikal (mythical). Ayon sa arkeologong Israeli na si Israel Finkelstein, walang ebidenisyang arkeolohikal na nagpapatunay sa dakilang kaharian nina David at Solomon o templo ni Solomon. Ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakitang ang Herusalem sa sinasabing panahon nina David at Solomon ay isa lamang baranggay (village) na mayroong hindi tataas sa 5,000 katao.
Ang mga modernong skolar ay kumuha ng mga aspeto ng "biblikal na Israel" (Israel na inilalarawan sa Bibliya) at ikinasal ito sa mga datos mula sa arkeolohikal at hindi biblikal na mga pinagkukunan upang lumikha ng kanilang berisyon ng isang nakaraang Israel o "Sinaunang Israel" (Ancient Israel). Ang Sinaunang Israel na ito na binuo ng mga skolar ay walang labis na kaugnayan sa tunay na kahariang winasak ng imperyong Assyrian noong 722 BCE o sa historikal na Israel. Ang tunay na mga paksa ng pagsusulat na kasaysaysan sa modernong panahon ay ang historikal na Israel o ang biblikal na Israel. Ang historikal na Israel ay isang realidad na historikal samantalang ang biblikal na Israel ay isang likhang intelektuwal ng mga may akda ng Bibliya. [4][5]
Ang sinaunang mga ugat ng Hudaismo na nakasalig sa Panahong Tansong politeistikong mga Semitikong relihiyon (na spesipiko ang relihiyong Cananeo) ay isang sinkretisisasyon ng mga elemento ng Zoroastrianismo at ng pagsamba kay Yahweh na makikita sa sinaunang mga aklat ng Tanakh. Maraming mga skolar ang naniniwala na ang mga konseptong nabuo pagkakatapos ng pagkakatapon sa Babiblonia ng mga Israelita gaya ng eskatolohiya, mga anghel at mga demonyo ay naimpluwensiyahan ng relihiyong Zoroastrianismo.[6][7] Noong panahon ng pagkakatapon sa Babilonia ng mga Israelita noong 587 BCE, ang ilang mga pangkat ng mga pinatapong mga taga-Judah ay muling naglarawan ng mas naunang mga ideya tungkol sa monoteismo, pagkakahirang ng Israel, batas ng diyos at tipan sa isang teolohiya na nanaig sa Judah sa sumunod na mga siglo.[8]
Ang arkeolohikal na ebidensiya sa panahon ng sinasabing Kaharian ng Israel ay nagdodokumento ng mga tensiyon sa pagitan ng mga pangkat na komportable sa pagsamba kay Yahweh kasama ng mga lokal na diyos gaya nina Asherah at Baal (mga politeista) at sa mga nagpipilit ng pagsamba lamang kay Yahweh (mga monoteista).[9][9] Noong ika-8 siglo BCE, ang pagsamba kay Yahweh sa Israel ay nakipagtunggali sa maraming iba pang mga kulto na tinukoy ng paksiyong Yahwist bilang mga baal. Ang paksiyong monoteistang ito ay tila nagkamit ng malaking impluwensiya noong ika-8 siglo BCE at noong mga ika-7 siglo BCE batay sa pinagkunang Deuteronomistiko, ang monoteistikong pagsamba kay Yahweh ay tila naging opisyal at ito ay makikita sa pag-aalis ng larawan ni Asherah sa templo sa Herusalem sa sinasabing pamumuno ni Haring Hezekiah kaya ang pagsambang monoteistiko sa diyos ng Israel ay maikakatwirang nagmula sa pamumunong ito.[8] Ang Deuteronomio gayundin ang ibang mga aklat na itinuro sa Deuteronomista ay isinulat noong sinasabing panahon ni Haring Josiah. Kaya ang huling mga dekada ng panahon ng kaharian ng Israel hanggang sa pagkakatapon sa Babiblonia ay nagmamarka sa opisyal na monolatriya ng diyos ng Israel. Ito ay may mahalagang mga konsekwensiya sa pagsamba kay Yahweh gaya ng pagsasanay sa mga ipinatapon na Israelita sa Babilonia at kalaunan ay para sa teolohiya ng Ikalawang templong Hudaismo.
Mga panahon sa arkeolohiyang Syro-Palestinian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sumusunod ang mga yugto ng panahon sa arkeolohiyang Syro-Palestinian:[10]
- Panahong Tanso (Bronze age): 3,200-1,200 BCE
- Simulang Tanso (EB) Age = 3200–2200 BCE
- Gitnang Tanso (Middle Bronze o MB) Age = 2200–1550 BCE
- MB I (formerly MB IIA) = 2200–2000
- MB II (formerly MB IIA) = 2,000-1,750
- MB III (formerly MB IIC) = 1750–1550
- Huling Tanso (Late Bronze o LB) Age = 1550–1200 BCE
- LB I = 1550–1400
- LB II = 1400–1200
- Panahong Bakal (Iron Age): 1200–586 BCE. Ang panahon ng mga sinaunang Israelita ay sinasabing sumasaklaw mula 1200–950 BCE.
- Iron I = 1200–1000. Ayon kay Mcnutt, sa panahong ito ang isang populasyon ay nagsimulang kumilala sa kanilang sarili na mga "Israelita" at bumukod sa kanilang mga sarili mula sa ibang mga Cananeo. Ayon kay Dever, sa panahong ito, ang Israel ay isang etnikong pangkat na nagmula sa sentral na mataas na lugar sa Canaan kesa isang organisadong estado o bansa. Ayon sa mga arkeologo, ang Israel ay hindi nagmula sa Ehipto gaya ng mababasa sa Aklat ng Exodo kundi nagmula mismo sa Canaan. Ayon sa Aklat ni Josue, ang Canaan ay sinakop ng mga Israelita pagkatapos nilang lumisan (exodus) mula sa Ehipto ngunit ayon sa ebidensiyang arkeolohikal, ang Canaan ay hindi tinitirhan ng mga tao sa panahong sinasabing sinakop at isinagawa ng mga Israelita ang henosidyo ng mga mamamayan ng Canaan. Bukod dito, walang ebidensiya ng digmaan o pananakop na nangyari sa Canaan sa panahong ito.
- Iron IIA = 1000–930
- Iron IIB = 930–721
- Iron IIC = 721–586
- Panahong Babilonio (Babylonian period): 586–539 BCE
- Panahong Persa: 539–332 BCE
- Panahong Hellenistiko (Greek o Hellenistic period) = 332–63 BCE
- Simulang Hellenistiko = 332–198
- Huling Hellenistiko = 198–63
- Panahong Romano (Roman period): 63 BCE-324 CE
Mga resulta ng paghuhukay ng mga arkeologo sa Israel
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa arkeologong Israeli na si Ze'ev Herzog:[11]
Ito ang nalaman ng mga arkeologo sa kanilang paghuhukay sa bansang Israel: Ang mga Israelita ay hindi kailanman tumuntong sa Ehipto, hindi naglakbay sa ilang, hindi sinakop ang lupain (ng Canaan), at hindi ito ibinigay sa 12 lipi ng Israel. Marahil, ang isa sa napakahirap lunukin ay ang pinagkaisang kaharian ni David at Solomon na sinasabi sa Biblia na makapangyarihan sa buong rehiyon (ng Canaan), ay isang maliit na tribong kaharian lamang. At ikagugulat ng marami na ang diyos ng Israel na si Yahweh ay may asawang babae at ang mga sinaunang Israelita ay tinanggap lamang ang monoteismo sa panahong humina na ang kaharian at hindi sa Bundok Sinai.
Ito ay tinatanggap ng halos lahat ng mga arkeologo at iskolar ng Lumang Tipan kabilang sina William G. Dever, Israel Finkelstein, Francesca Stavrakopoulou, Zahi Hawass at marami pang iba.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Wagemakers 2014, pp. 122ff.
- ↑ Dever 2006, pp. 45–46.
- ↑ Bruins & van der Plicht 1995, p. 213.
- ↑ Moore & Kelle 2011, p. 36.
- ↑ Lemche, N. P. "The Israelites in History and Tradition" 1998, 165–66
- ↑ Zoroastrianism at net.bible.org Naka-arkibo 2008-05-15 sa Wayback Machine.
- ↑ Jahanian, Daryoush, M.D., "The Zoroastrian-Biblical Connections," at meta-religion.com
- ↑ 8.0 8.1 Steven L. McKenzie, Deuteronomistic History, The Anchor Bible Dictionary Vol. 2, Doubleday (1992), pp. 160-168; Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001) pp. 151-154
- ↑ 9.0 9.1 Othmar Keel, Christoph Uehlinger, Gods, Goddesses, and Images of God in Ancient Israel, Fortress Press (1998); Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001)
- ↑ Mercer Dictionary of the Bible p. 55
- ↑ This is what archaeologists have learned from their excavations in the Land of Israel: the Israelites were never in Egypt, did not wander in the desert, did not conquer the land in a military campaign and did not pass it on to the 12 tribes of Israel. Perhaps even harder to swallow is that united monarchy of David and Solomon, which is described by the Bible as a regional power, was at most a small tribal kingdom. And it will come as an unpleasant shock to many that the God of Israel, YHWH, had a female consort and that the early Israelite religion adopted monotheism only in the waning period of the monarchy and not at Mount Sinai.
Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Thomas W. Davis, “Shifting Sands: The Rise and Fall of Biblical Archaeology”, Oxford 2004
- Israel Finkelstein, “The Bible Unearthed”, Free Press 2001
- A.D. Marcus, “The View from Nebo”, Little, Brown & Co 2000
- M. Sturgis, “It Ain’t Necessarily So”, Headline 2001
- Thomas .L. Thompson, “The Mythic Past”, Basic Books 1999
- Thomas .L. Thompson, “The Historicity of the Patriarchal Narratives”, Trinity 2002
- Hector Avalos, The End of Biblical Studies
- Dever, William G., "Archaeology and the Bible : Understanding their special relationship", in Biblical Archaeology Review 16:3, (Mayo/Hunyo 1990)
- Dever, William G. (2002). What Did the Biblical Writers Know and When Did They Know It?. Wm. B. Eerdmans Publishing Company. ISBN 0-8028-2126-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Dever, William G. (2003). Who Were the Early Israelites and Where Did They Come From?. Wm. B. Eerdmans Publishing Company. ISBN 0-8028-0975-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)