Bagyong Reming
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 4 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Nobyembre 25, 2006 |
Nalusaw | Disyembre 6, 2006 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 195 km/h (120 mph) Sa loob ng 1 minuto: 250 km/h (155 mph) |
Pinakamababang presyur | 915 hPa (mbar); 27.02 inHg |
Namatay | 1, 500 total |
Napinsala | $530 milyon (2006) |
Apektado | Yap State, Pilipinas, Vietnam, Thailand, Malaysia, Isla ng Andaman at India |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2006 |
Ang Bagyong Durian (internasyonal na designasyon: 0621, designasyon ng JTWC: 24W, pangalan ng PAGASA: Reming) ay isang bagyong nagdulot ng malawakang pinsala sa Pilipinas, kung saan natabunan ng putik na galing sa Bulkang Mayon ang mga nakapalibot na barangay. Ayon sa Joint Typhoon Warning Center, si Reming ang ika-24 na tropical depression, ika-23 na tropical storm, ika-14 na typhoon at ika-7 na super typhoon na humagupit sa mga karatig-bansa ng Karagatang Pasipiko noong taong iyon. Ito rin ang pang-dalawampu't isang bagyo at pang-labing-apat na super typhoon na kinilala ng Japan Meteorological Agency. Ang pangalang "Durian" na pandaigdig na pangalan nito ay isinumete ng Thailand na tumutukoy sa prutas na Durio zibethinus.
Umabot sa 720 katao na ang namatay.[1]
Kasaysayan ng bagyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Namuo ang bagyong "Reming" sa timog-silangan ng Chuuk noong Nobyembre 24, 2006. Nagtagal ito hanggang Disyembre 5, 2006. Ito ay naglandfall sa mga bayan ng:Tiwi, Albay, San Narciso, Quezon, Santa Cruz, Marinduque at Calapan.
Preparasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iniutos ng mga opisyal ang paglikas ng mga naninirahan sa mga baybaying dagat. Sa Lungsod ng Naga, 1,500 katao ang lumikas sa mga emergency shelter. 1,000 ang lumikas sa iba pang mga lugar sa rehiyon,[2] kasama na ang 120 sa kabisera ng Maynila at humigit-kumulang na 800 sa Lungsod ng Legazpi. Sinuspinde ang klase sa Kamaynilaan at ang 11 pag-biyaheng himpapawid sa Pandaigdigang Paliparan ng Ninoy Aquino. Ipinagbawal ang pagbiyahe sa dagat, na nagdulot ng pagka-stranded ng 4,000 pasahero sa lalawigan ng Quezon. 25 lalawigan sa kapuluan ang inilagay sa alerto tungkol sa bagyo.[3]
Typhoon Storm Warning Signal
[baguhin | baguhin ang wikitext]PSWS | LUZON | BISAYAS |
---|---|---|
PSWS #4 | Albay, Sorsogon, Camarines Sur | WALA |
PSWS #3 | Camarines Norte, Catanduanes, Marinduque, Masbate at (Burias Isla), Quezon, Romblon | Hilagang Samar, Silangang Samar |
PSWS #2 | Batangas, Cavite, Kalakhang Maynila, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro | Biliran, Leyte, Samar |
PSWS #1 | Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales | Cebu, Timog Leyte |
Pinsala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagdulot ang bagyong Durian ng mga lahar at pagguho ng lupa sa mga lugar na malapit sa Bulkang Mayon sa Albay. Nabaon ang maraming mga barangay na nakapalibot sa bulkan. Naputol ang distribusyon ng kuryente sa Bikol dahil sa mga nagbagsakang mga poste ng kuryente. Naputol din ang distribusyon ng tubig at nawalan ng komunikasyon sa mga apektadong lugar. Nasira ang mga daan papunta dito. Nagkaroon ng sakit ang karamihan sa mga biktima.
Tingnan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://www.reliefweb.int/rw/RWB.NSF/db900SID/EKOI-6WF8T8?OpenDocument&rc=3&emid=TC-2006-000175-PHL
- ↑ Associated Press (2006-12-01). "Powerful Typhoon Durian lashes eastern Philippines". Nakuha noong 2007-02-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Associated Press (2006-11-29). "Powerful Typhoon Durian blows away houses, knocks off power as it slams into Philippines". Nakuha noong 2007-02-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan: Queenie |
Kapalitan Ruby |
Susunod: Seniang |
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.