Distritong pambatas ng Ifugao
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Ang solong Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Ifugao ang kinatawan ng lalawigan ng Ifugao sa mababang kapulungan ng Pilipinas.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang nabigyan ng representasyon ang noo'y sub-province ng Ifugao na bahagi ng dating Mountain Province noong 1917 sa bisa ng Kautusan Blg. 2711 (Revised Administrative Code). Nagtalaga ang Gobernador-Heneral ng tatlong assemblymen at-large na kinatawan ng Mountain Province sa mababang kapulungan.
Nagsimulang maghalal ng kinatawan ang Mountain Province kasama ang Ifugao noon lamang 1935 sa bisa ng Kautusan Blg. 4203. Ang sub-province ay bahagi ng kinakatawan ng ikatlong distrito ng Mountain Province.
Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ang noo'y Mountain Province ng dalawang assemblymen at-large sa Kapulungang Pambansa.
Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 4695 na naaprubahan noong Hunyo 18, 1966, naging ganap na lalawigan ang Ifugao. Nagsimulang maghalal ng kinatawan ang solong distrito ng lalawigan noong eleksyon 1969.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon II sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, napanatili ng lalawigan ang solong distrito nito noong 1987.
Solong Distrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Munisipalidad: Aguinaldo, Alfonso Lista (Potia), Asipulo, Banaue, Hingyon, Hungduan, Kiangan, Lagawe, Lamut, Mayoyao, Tinoc
- Populasyon (2015): 202,802
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1969–1972 |
|
1987–1992 |
|
1992–1995 |
|
1995–1998 | |
1998–2001 | |
2001–2004 |
|
2004–2007 | |
2007–2010 | |
2010–2013 |
|
2013–2016 | |
2016–2019 | |
2019–2022 |
At-Large (defunct)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panahon | Kinatawan |
---|---|
1984–1986 |
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Philippine House of Representatives Congressional Library