Distritong pambatas ng Katimugang Leyte
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Ang solong Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Katimugang Leyte ang kinatawan ng lalawigan ng Katimugang Leyte sa mababang kapulungan ng Pilipinas.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kasalukuyang nasasakupan ng Katimugang Leyte ay dating kinakatawan ng Leyte (ikalawa at ikatlong distrito, 1907-1931; ikatlong distrito, 1931-1961).
Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 2227 na naaprubahan noong Mayo 22, 1959, hiniwalay ang buong ikatlong distrito ng Leyte upang buuin ang lalawigan ng Katimugang Leyte. Ang noo'y nanunungkulang kinatawan ng ikatlong distrito ng Leyte ay patuloy na nirepresentahan ang lalawigan hanggang 1961.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon VIII sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, napanatili ang solong distrito ng lalawigan noong 1987.
Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 11198 na naipasa noong Pebrero 1, 2019, hinati ang lalawigan sa dalawang distritong pambatas. Huli na upang baguhin ng Komisyon sa Halalan (COMELEC) ang datos para sa eleksyon 2019 para sa lalawigan, kaya inilabas ng COMELEC ang Resolusyon Blg. 10524 upang ipagpaliban ang eleksyon ng dalawang distrito sa araw na hindi lalagpas ng anim na buwan mula Mayo 13, 2019. Sa bisa ng resolusyon, itinakda ang eleksyon para sa dalawang distrito ng lalawigan sa Oktubre 26, 2019.
Noong Oktubre 10, 2019, sinuspende ng COMELEC sa Silangang Visayas ang espesyal na eleksyon at ipinagpaliban ito sa Nobyembre 30, pinagbabasehan ang kautusan ng Korte Suprema na sinasabing labag sa batas ang pagtatalaga ng COMELEC ng espesyal na halalan para sa binagong unang distrito ng Timog Cotabato sa halip na sa eleksyon 2022.
Kaya naman walang espesyal na halalang naganap. Pinagbabasehan ang desisyon ng Korte Suprema patungkol sa kaso ng Timog Cotabato, noong Disyembre 11, 2019, ipinabilang ng COMELEC ang mga boto sa eleksyon 2019. Noon namang Disyembre 16, 2019, iprinoklama ng COMELEC si Roger Mercado bilang karapat-dapat na kinatawan ng Katimugang Leyte. Nanumpa siya sa katungkulan nang sumunod na araw.
Magsisimulang maghalal ng kinatawan ang dalawang distrito sa eleksyon 2022.
Solong Distrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lungsod: Maasin (naging lungsod 2000)
- Munisipalidad: Anahawan, Bontoc, Hinunangan, Hinundayan, Libagon, Liloan, Limasawa (tinatag 1978), Macrohon, Malitbog, Padre Burgos, Pintuyan, Saint Bernard, San Francisco, San Juan, San Ricardo (tinatag 1972), Silago, Sogod, Tomas Oppus (tinatag 1969)
- Populasyon (2015): 421,750
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1961–1965 |
|
1965–1969 | |
1969–1972 | |
1987–1992 |
|
1992–1995 |
|
1995–1998 | |
1998–2001 |
|
2001–2004 | |
2004–2007 |
|
2007–2010 | |
2010–2013 | |
2013–2016 |
|
2016–2019 |
|
2019–2022 |
Notes
- ↑ Pinalitan si Mercado ayon sa desisyon ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) noong Oktubre 15, 1991.
At-Large (defunct)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panahon | Kinatawan |
---|---|
1984–1986 |
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Philippine House of Representatives Congressional Library