Pumunta sa nilalaman

Distritong pambatas ng Muntinlupa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang solong Distritong Pambatas ng Lungsod ng Muntinlupa ang kinatawan ng mataas na urbanisadong lungsod ng Muntinlupa sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Mula 1907 hanggang 1972, nirepresentahan ang noo'y munisipalidad ng Muntinlupa bilang bahagi ng unang distrito ng Rizal. Mula 1978 hanggang 1984, ito ay bahagi ng kinakatawan ng Rehiyon IV sa Pansamantalang Batasang Pambansa.

Mula 1984 hanggang 1986, ito ay ipinangkat kasama ang Taguig at Pateros bilang Distritong Pambatas ng Taguig–Pateros–Muntinlupa na kinatawan nila sa Regular Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, ipinangkat ang Las Piñas at Muntinlupa bilang Distritong Pambatas ng Las Piñas–Muntinlupa mula 1987 hanggang 1998.

Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 7926 na niratipikahan noong Mayo 8, 1995, ginawang lungsod ang Muntinlupa. Ayon sa parehong batas, hiniwalay ang Las Piñas at Muntinlupa at binigyan ng tig-iisang distrito.

Solong Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Populasyon (2015): 504,509
Panahon Kinatawan
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Ignacio R. Bunye
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Rozzano Rufino B. Biazon
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Rodolfo G. Biazon
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Rozzano Rufino B. Biazon
Ika-18 na Kongreso
2019–2022
  • Philippine House of Representatives Congressional Library