Andorra
Prinsipalidad ng Andorra Principat d'Andorra (Catalan)
| |
|---|---|
Salawikain: Virtus Unita Fortior "Mas malakas ang nagkakaisang birtud" | |
| Kabisera at pinakamalaking lungsod | Andorra la Vieja 42°30′23″N 1°31′17″E / 42.50639°N 1.52139°E |
| Wikang opisyal | Catalan |
| Katawagan | Andorrano |
| Pamahalaan | Unitaryong parlamentaryong diarkikong ko-prinsipalidad |
• Kapwa-Prinsipe |
|
• Mga Kinatawan |
|
• Punong Ministro | Xavier Espot Zamora |
• Heneral Sindiko | Carles Enseñat Reig |
| Lehislatura | Pangkalahatang Konseho |
| Kalayaan | |
• mula sa Korona ng Aragon | 8 Setyembre 1278 |
• mula sa Imperyong Pranses | 1814 |
• Konstitusyon | 2 Pebrero 1993 |
| Lawak | |
• Kabuuan | 467.63 km2 (180.55 sq mi) (ika-178) |
• Katubigan (%) | 0.26 (121.4 ha |
| Populasyon | |
• Pagtataya sa 2023 | |
• Densidad | 179.8/km2 (465.7/mi kuw) (ika-71) |
| KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | |
• Bawat kapita | |
| KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | |
• Bawat kapita | |
| Gini (2003) | 27.21 mababa |
| TKP (2021) | napakataas · ika-40 |
| Salapi | Euro (€) (EUR) |
| Sona ng oras | UTC+01 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+02 (CEST) |
| Ayos ng petsa | dd/mm/yyyy |
| Kodigong pantelepono | +376 |
| Kodigo sa ISO 3166 | AD |
| Internet TLD | .ad[a] |
Ang Andorra,[b] opisyal na Prinsipalidad ng Andorra,[2][c] ay isang bansang walang baybayin sa Tangway ng Iberya, sa silangang bahagi ng Pirineos sa Timog-kanlurang Europa, na napapaligiran ng Pransya sa hilaga at Espanya sa timog. Pinaniniwalaang itinatag ni Carlomagno, pinamunuan ng konde ng Urgell ang Andorra hanggang 988, nang ito ay ilipat sa Diyosesis ng Urgell. Ang kasalukuyang prinsipado ay nabuo sa pamamagitan ng isang saligang kasalutan noong 1278. Sa kasalukuyan, pinamumunuan ito ng dalawang kasamang-prinsipe: ang Obispo ng Urgell sa Cataluña, Espanya, at ang pangulo ng Pransya. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Andorra la Vieja.
Ang Andorra ang ika-anim na pinakamaliit na estado sa Europa, na may lawak na 468 kilometro kuwadrado (181 mi kuw) at populasyon na humigit-kumulang 87,486.[3] Ang mga Andorrano ay isang pangkat etnikong Romansa na malapit na kaugnay ng mga Catalan.[4] Ang Andorra ang ika-16 na pinakamaliit na bansa sa mundo ayon sa lupain at ika-11 pinakamaliit ayon sa populasyon.[5] Ang kabisera nito, Andorra la Veija, ay ang pinakamataas na kabisera sa Europa, na may altitud na 1,023 metro (3,356 talampakan) mula sa antas ng dagat.[6] Ang opisyal na wika ay Catalan, subalit karaniwang ginagamit din ang Kastila, Portuges, at Pranses.[7][8]
Ang turismo sa Andorra ay nagdadala ng humigit-kumulang 8 milyong bisita taun-taon.[9] Hindi kasapi ang Andorra sa Unyong Europeo. Kasapi ito ng Konseho ng Europa at ng Mga Bansang Nagkakaisa mula pa noong 1993.[10]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi alam ang pinagmulan ng salitang "Andorra," bagaman ilang teorya ang iminungkahi. Ang pinakamatanda ay iminungkahi ng historyador na Griyego na si Polibio (Histories III, 35, 1), na naglalarawan sa mga Andosins, isang Iberyo bago ang mga Romano na tribo, na matatagpuan sa mga lambak ng Andorra at hinarap ang hukbong Kartahinyano sa kanilang pagdaan sa Pirineos noong mga Digmaang Puniko. Ang salitang Andosini o Andosins (Ἀνδοσίνοι) ay maaaring nagmula sa Basko na handia, na nangangahulugang "malaki" o "higante".[11] Ang toponimya ng Andorra ay nagpapakita ng ebidensya ng wikang Basko sa lugar.
Isa pang teorya ay nagsasabing ang salitang Andorra ay maaaring nagmula sa lumang salita na Anorra na naglalaman ng Basko na salitang ur ("tubig").[12]
Mayroon ding teorya na Andorra ay nagmula sa Arabeng ad-dārra (الدَّارَة), na nangangahulugang malawak na lupain na matatagpuan sa gitna ng mga bundok o isang masang lugar na may kakahuyan[13] (kung saan ang ad- ay ang tiyak na artikulo). Nang sakupin ng mga Moro ang Tangway ng Iberya, ang mga lambak ng Mataas na Pirineos ay napalibutan ng malalawak na kagubatan. Ang mga rehiyong ito ay hindi pinamahalaan ng mga Muslim dahil sa hirap ng direktang pamumuno.[14]
Iba pang mga teorya ay nagsasabing ang terminong ito ay nagmula sa Navarro-Aragones na andurrial, na nangangahulugang "lupain na natatakpan ng mga palumpong" o "scrubland".[15]
Ayon sa pambayang etimolohiya, ipinangalan ni Carlomagno ang rehiyon bilang sanggunian sa Biblikal na lambak ng Endor o Andor (kung saan natalo ang mga Midianita), na ipinangalan ng kanyang tagapagmana at anak na si Ludovico Pio matapos talunin ang mga Moro sa "mabangis na mga lambak ng Impiyerno".[16]
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga parokya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Andorra ay binubuo ng pitong pamayanan na tinatawag na mga parokya.
| Nr.* | Parokya | ISO 3166-2 | Lawak km² |
Populasyon | ||
| 1990 | 2000 | 2007 | ||||
| 1 | AD-02 | 121 | 1.290 | 2.706 | 5.422 | |
| 2 | AD-03 | 74 | 7.119 | 10.595 | 14.029 | |
| 3 | AD-05 | 89 | 1.289 | 2.283 | 3.685 | |
| 4 | AD-04 | 65 | 3.868 | 6.276 | 9.357 | |
| 5 | AD-07 | 12 | 19.022 | 21.189 | 24.574 | |
| 6 | AD-06 | 60 | 6.012 | 7.623 | 9.595 | |
| 7 | AD-08 | 47 | 12.235 | 15.299 | 16.475 | |
| AD | 468 | 50.835 | 65.971 | 83.137 | ||
* Kabesera ng Andorra
Pisikal na heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil sa lokasyon nito sa silangang bahagi ng bulubunduking Pirineos, binubuo ang Andorra pangunahin ng magagaspang na kabundukan. Ang pinakamataas dito ay ang Coma Pedrosa, na may taas na 2,946 metro (9,665 talampakan), at ang karaniwang taas ng Andorra ay 1,996 metro (6,549 talampakan).[18] Hinahati ng tatlong makitid na lambak na hugis titik Y ang mga kabundukang ito, na nagsasama sa iisang daluyan ng tubig, ang ilog Gran Valira, na lumalabas ng bansa patungong Espansya (sa pinakamababang punto ng Andorra na 840 metro o 2,756 talampakan). Ang kabuuang lawak ng lupain ng Andorra ay 468 km² (181 mi kuw).
Kapaligiran
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa pitheograpiya, kabilang ang Andorra sa lalawigang Europeong Atlantiko ng Rehiyong Sirkumboreal sa loob ng Kahariang Boreal. Ayon sa World Wide Fund for Nature (WWF, o Pandaigdigang Pondo para sa Kalikasan), kabilang ang teritoryo ng Andorra sa ekorehiyon ng mga kagubatang koniper at halo-halong kagubatan ng Pirineos.[19] Noong 2018, nakakuha ang Andorra ng karaniwang iskor na 4.45/10 sa Forest Landscape Integrity Index (o Indeks ng Integridad ng Tanawin ng Kagubatan), na ika-127 sa buong mundo mula sa 172 bansa.[20]
Sa Andorra, tinatayang 34% ng kabuuang lupain ay natatakpan ng kagubatan, katumbas ng humigit-kumulang 16,000 ektarya (ha) ng kagubatan noong 2020, na hindi nagbago mula noong 1990. Noong 2020, ang kagubatang kusang tumutubo ay may saklaw na 16,000 ektarya (ha), habang 0 ektarya (ha) naman ang itinanim na kagubatan. Sa mga kusang tumutubong kagubatan, tinatayang 0% ang pangunahing kagubatan (binubuo ng mga katutubong punongkahoy na walang malinaw na palatandaan ng aktibidad ng tao), at humigit-kumulang 0% ng kabuuang kagubatan ang matatagpuan sa loob ng mga protektadong lugar.[21][22]
Mahalagang pook ng mga ibon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang buong bansa ay kinilala bilang iisang Mahalagang Pook ng mga Ibon (Important Bird Area o IBA) ng BirdLife International, sapagkat mahalaga ito para sa mga ibong naninirahan sa kagubatan at kabundukan, at sumusuporta sa mga populasyon ng red-billed chough, citril finch, at rock bunting.[23]
Pambansang awit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang "El Gran Carlemany" (Catalan ng "Ang Dakilang Carlomagno") ay ang pambansang awit ng Andorra. Ito ay ginamit sa bansa noong 1921 at isinulat ni Enric Marfany Bons (1871-1942) habang nilapatan naman ng musika ni Joan Benlloch i Vivó (1864-1926).
Liriko
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Liriko sa Catalan | Salin sa Ingles | Salin sa Tagalog |
|---|---|---|
| El gran Carlemany, mon Pare dels àrabs em deslliurà, I del cel vida em donà de Meritxell, la gran Mare, |
The great Charlemagne, my Father, liberated me from the Saracens, And from heaven he gave me life from Meritxell, the great Mother. |
O dakilang Carlomagno, aking ama, na nagpalaya sa akin mula sa mga Saracen, At ako'y kanyang biniyayaan ng buhay mula sa dakilang Inang Meritxell. |
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Roach, Peter (2011). Cambridge English Pronouncing Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-18th (na) labas). Cambridge: Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-15253-2.
- ↑ 2.0 2.1 "Constitution of the Principality of Andorra" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 16 May 2019.
- ↑ "A001. Population estimates; A003. Statistics on the censuses of parishes. February 2025". Department of Statistics (sa wikang Ingles). 2025-03-13. Nakuha noong 2025-04-10.
- ↑ Minahan, James (2000). One Europe, Many Nations: A Historical Dictionary of European National Groups (sa wikang Ingles). Greenwood Publishing Group. p. 47. ISBN 978-0-313-30984-7.
- ↑ Malankar, Nikhil (18 Abril 2017). "Andorra: 10 Unusual Facts About The Tiny European Principality". Tell Me Nothing (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hunyo 2017. Nakuha noong 13 Hunyo 2017.
- ↑ "Maps, Weather, and Airports for Andorra la Vella, Andorra" (sa wikang Ingles). Fallingrain.com. Nakuha noong 26 Agosto 2012.
- ↑ "Andorra". The World Factbook (sa wikang Ingles). Central Intelligence Agency. Nakuha noong 26 Agosto 2012.
- ↑ "Background Note: Andorra" (sa wikang Ingles). State.gov. Nakuha noong 14 Mayo 2015.
- ↑ "Andorra", The World Factbook (sa wikang Ingles), Central Intelligence Agency, 2024-10-04, nakuha noong 2024-10-12
- ↑ "United Nations Member States" (sa wikang Ingles). Un.org. Nakuha noong 28 Oktubre 2022.
- ↑ Diccionari d'Història de Catalunya; ed. 62; Barcelona; 1998; ISBN 84-297-3521-6; p. 42; entrada "Andorra" (sa Ingles)
- ↑ Font Rius, José María (1985). Estudis sobre els drets i institucions locals en la Catalunya medieval [Studies on local rights and institutions in medieval Catalonia] (sa wikang Catalan). Edicions Universitat Barcelona. p. 743. ISBN 978-84-7528-174-2.
- ↑ "تعريف و معنى دارة في معجم المعاني الجامع – معجم عربي عربي". almaany.com (sa wikang Arabe).
- ↑ Gaston, L. L. (1912). Andorra, the Hidden Republic: Its Origin and Institutions, and the Record of a Journey Thither (sa wikang Ingles). New York: McBridge, Nast & Co. p. 9.
- ↑ "Online Etymology Dictionary" (sa wikang Ingles). Etymonline.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 May 2015. Nakuha noong 14 Mayo 2015.
- ↑ Freedman, Paul (1999). Images of the Medieval Peasant (sa wikang Ingles). California: Stanford University Press. p. 189. ISBN 978-0-8047-3373-1.
- ↑ Parroquia de la Massana, Comú de la Massana Naka-arkibo 2013-12-14 sa Wayback Machine.. (sa Catalan)
- ↑ Atlas of Andorra (1991), Andorran Government. OCLC 801960401. (sa Catalan)
- ↑ Dinerstein, Eric; Olson, David; Joshi, Anup; Vynne, Carly; Burgess, Neil D.; Wikramanayake, Eric; Hahn, Nathan; Palminteri, Suzanne; Hedao, Prashant; Noss, Reed; Hansen, Matt; Locke, Harvey; Ellis, Erle C; Jones, Benjamin; Barber, Charles Victor; Hayes, Randy; Kormos, Cyril; Martin, Vance; Crist, Eileen; Sechrest, Wes; Price, Lori; Baillie, Jonathan E. M.; Weeden, Don; Suckling, Kierán; Davis, Crystal; Sizer, Nigel; Moore, Rebecca; Thau, David; Birch, Tanya; Potapov, Peter; Turubanova, Svetlana; Tyukavina, Alexandra; de Souza, Nadia; Pintea, Lilian; Brito, José C.; Llewellyn, Othman A.; Miller, Anthony G.; Patzelt, Annette; Ghazanfar, Shahina A.; Timberlake, Jonathan; Klöser, Heinz; Shennan-Farpón, Yara; Kindt, Roeland; Lillesø, Jens-Peter Barnekow; van Breugel, Paulo; Graudal, Lars; Voge, Maianna; Al-Shammari, Khalaf F.; Saleem, Muhammad (2017). "An Ecoregion-Based Approach to Protecting Half the Terrestrial Realm". BioScience (sa wikang Ingles). 67 (6): 534–545. doi:10.1093/biosci/bix014. ISSN 0006-3568. PMC 5451287. PMID 28608869.
- ↑ Grantham, H. S.; Duncan, A.; Evans, T. D.; Jones, K. R.; Beyer, H. L.; Schuster, R.; Walston, J.; Ray, J. C.; Robinson, J. G.; Callow, M.; Clements, T.; Costa, H. M.; DeGemmis, A.; Elsen, P. R.; Ervin, J.; Franco, P.; Goldman, E.; Goetz, S.; Hansen, A.; Hofsvang, E.; Jantz, P.; Jupiter, S.; Kang, A.; Langhammer, P.; Laurance, W. F.; Lieberman, S.; Linkie, M.; Malhi, Y.; Maxwell, S.; Mendez, M.; Mittermeier, R.; Murray, N. J.; Possingham, H.; Radachowsky, J.; Saatchi, S.; Samper, C.; Silverman, J.; Shapiro, A.; Strassburg, B.; Stevens, T.; Stokes, E.; Taylor, R.; Tear, T.; Tizard, R.; Venter, O.; Visconti, P.; Wang, S.; Watson, J. E. M. (2020). "Anthropogenic modification of forests means only 40% of remaining forests have high ecosystem integrity – Supplementary Material". Nature Communications (sa wikang Ingles). 11 (1): 5978. Bibcode:2020NatCo..11.5978G. doi:10.1038/s41467-020-19493-3. ISSN 2041-1723. PMC 7723057. PMID 33293507.
- ↑ Terms and Definitions FRA 2025 Forest Resources Assessment, Working Paper 194 (sa wikang Ingles). Food and Agriculture Organization of the United Nations. 2023.
- ↑ "Global Forest Resources Assessment 2020, Andorra". Food Agriculture Organization of the United Nations (sa wikang Ingles).
- ↑ "Pirineo de Andorra". BirdLife Data Zone (sa wikang Ingles). BirdLife International. 2021. Nakuha noong 25 Pebrero 2021.

