Globalisasyon
Kasalukuyan pong isinasalin ang artikulong ito. (Enero 2021) Isinasalin po ito mula sa artikulo sa wikang Ingles na Globalization. Depende po sa dalas ng update ng nagsasalin nito, maaari pong mabilis na magbago ang mga impormasyong nakalagay rito. Pakatandaan po na hindi po ito isang pagbabawal sa pag-ambag ng makabuluhang impormasyon tungkol sa artikulo. Sa Nagsasalin: Pakitanggal po nito kapag tapos na po kayo sa pagsasalin. |
Ang globalisasyon (Kastila: globalización; Ingles: globalization; globalisation) ay isang pandaigdigang sistema na naglalarawan sa pakikipag-ugnayan at mga pagbabagong nagbubuklod-buklod sa mga tao, kompanya, gobyerno, at bansa sa buong mundo. Tumutukoy ito sa paraang pagdaloy ng impormasyon, produkto, serbisyo at kapital sa pagitan ng pandaigdigang lipunan. Sa ganitong paraan kumakalat at nagiging global ang mga lokal o pambansang mga gawi. Ang globalisasyon ay maaari ring tumukoy sa mga larangan ng ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at kalinangan o kultura.[1]
Ayon kay George Ritzer, isang akademiko at sosyolohista, ang globalisasyon ay isang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.[2][3] Sa kasalukuyang panahon, mas napapabilis ng teknolohiya at mga ipinapatupad na patakaran ang sistemang ito.
Bagaman maraming mga iskolar ang nagtataya na ang mga pinagmulan ng globalisasyon ay naganap sa modernong panahon, ang iba ay nakabatay sa kasaysayan bago pa man ang Europeong Panahon ng Pagtuklas at paglalakbay sa Bagong Mundo. Ang ilan ay hanggang sa ikatlong milenyo BC.[4] Ang katagang 'globalisasyon' ay unang lumitaw noong unang bahagi ng ika-20 siglo (kasunod na humalili sa naunang terminong Pranses na mondialization). Nabuo ang kasalukuyang kahulugan nito noong ikalawang bahagi ng ika-20 siglo, at naging tanyag na ginamit noong dekada 1990. Ang malakihang epekto ng globalisasyon ay nagsimula noong dekada 1820 hanggang sa huling bahagi ng ika-19 na siglo. Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, mabilis na napalawig ang koneksyon ng ekonomiya at kultura sa mundo.[5] Ang mabilis na pag-kalat ng hangin ay ang pag-gawa ng lupa
Etimolohiya at paggamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang salitang "globalisasyon" ay nagmula sa wikang Kastila na "globalización" na nangangahulugang "isang proseso kung saan ang mga ekonomiya at merkado, na may pag-unlad ng mga teknolohiya sa komunikasyon, ay nakakakuha ng isang pandaigdigang sakop, upang mas lalo silang umasa sa mga panlabas na merkado at mas mababa sa pagkilos ng pagkontrol ng mga pamahalaan".[6] Gayunpaman, ang ilan ay madalas na gumagamit sa Espanyol na "mundialización" na humahalili sa terminong nagmula sa wikang Pranses na "mondialisation" sa halip na Ingles na "globalization".[7] Ang salitang nagmula naman sa Ingles na "globalization" ay unang lumitaw sa diksyonaryong Oxford noong mga 1930 at nakapasok sa Merriam-Webster noong 1951 ngunit hindi tiyak ang kaalaman kung saan ito unang nanggaling o kailan ito unang nabanggit.[8] Wala ring mga kongkretong pagpapakahulugan sa salitang ito nang idinagdag sa diksyonaryo.[9] Nagmula ang mga salita sa wikang Latin na "globŭs", nangangahulugang bola o bilog na anyong katawan na tumutukoy sa daigdig, at idinargdag ang -syon (Tagalog) /-ción (Kastila) na tumutukoy sa proseso ng paglikha o ang pagkakaroon nito. Sa pangkalahatan, ang globalisasyon ay isang "pandaidigang proseso".[10]
Ang salitang "globalisasyon" ay madalas na tumutukoy sa pagbabago ng mundo at sa paglaganap ng mga panlipunang pangyayari. Halimbawa nito ay ang pagbagsak ng pader ng Berlin at ang pagtatapos ng Digmaang Malamig kung saan inihahalintulad ito sa "pagkakaisa ng mundo" o ang pagiging "global" ng daigdig. Pagkaraan ng dekada 1950, naging tanyag ang termino na ginagamit na ng karamihan sa mga pilosopo, ekonomista, siyentipikong panlipunan, at madla.[8] Bagaman maraming indibiduwal ang gumagamit ng salitang ito, marami ring kahulugan ang naging batayan nito at karamihan sa mga eksperto ay may sari-saring mga pagkakaunawa at pagkakaintindi sa totoong aspeto ng globalisasyon.
Ang isa sa mga unang paggamit ng termino na may kahulugan na kahawig sa kasalukuyan, ang karaniwang paggamit ng ekonomikong Pranses na si François Perroux sa kanyang mga sanaysay mula noong unang bahagi ng 1960 (sa kanyang mga akdang Pranses, ginamit niya ang salitang mondialization) .[9] Si Theodore Levitt ay madalas na ikredito sa pagpapatanyag sa kataga at pagpapadala nito sa pampublikong madla tungkol sa mga negosyo kalaunan noong kalagitnaan ng dekada 1980.[9]
Noong 1848, napansin ni Karl Marx ang pagkalala ng antas ng pagdedepende ng mga bansa na dala ng kapitalismo, at nagpalagay tungkol sa unibersal na katangian ng modernong lipunan sa mundo. Sinabi niya na ang sistemang ito ang nakakapagsira sa mga dating gawi ng produksiyon sa kamay ng mga bourgeoisie na hindi na kailangang dumepende sa iba pang mga bansa upang yumabong pa.[11]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hinati ni Thomas Friedman ang kasaysayan ng modernong globalisasyon sa tatlong magkakaibang panahon: Globalisasyon 1.0 (1491–1800)- Ang globalisasyon ng mga bansa, Globalisasyon 2.0 (1800–2000)- Ang globalisasyon ng mga kompanya, at Globalisasyon 3.0- Ang globalisasyon ng mga indibidwal (2000–ngayon).[12][13]
Sinaunang globalisasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon kay, Andre Gunder Frank, ang pinakaunang naitalang halimbawa ng globalisasyon ay ang pakikipagsapalaran ng sibilisasyong Sumeria at Lambak ng Indus noong ika-3 milenyo BC.[14] Ang ganitong paraan ng pakikisalamuha ay kumalat sa ibang rehiyon ng Asya, Europa, Aprika at Amerika. Noong panahong Helenistiko, nagkaroon ng malawakang ugnayan sa ilang bahagi ng Dagat Mediteraneo kung saan nagpapalitan ang mga tao ng metal, kalakal, at mga kaisipang matematika at pang-agham. Kilala rito ang Gresya na mayroong malaking impluwensiya sa rehiyon. Nang sakupin at mapagkaisa ni Alejandrong Dakila ang ilang bahagi ng Asya, Ehipto, at Europa noong 326 BCE, napalaganap niya ang mga kultura at mga ideya mula sa Gresya.[15][16] Dito rin nagkaroon ng pagkakatulad sa paraang pamumuhay ng tao sa iba't ibang rehiyon at arkitekturang matatagpuan sa mga nasasakupan.
Noong Ika-2 dantaon BCE hanggang Ika-18 dantaon, namayagpag ang Silk Road na kumokonekta sa malaking bahagi ng Asya, Aprika, at Europa. Nagpalitan sila ng samut-saring mga gamit at kalakal, pati na rin ang mga makabagong pag-iisip sa medisina, politika, militar, at pilosopiya.[17] Naging matagumpay rin ito sa pagpapalawig ng mga kultura at tradisyon.
Simula ng modernong globalisasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1492, nang unang lumapag ang mga Europeo sa Amerika, nagkaroon ng panibagong impluwensiya sa lugar na pinagkukunan din ng mga mineral at trabahador. Napaigting nito ang kaisipang Bullionismo kung saan ang yaman ng isang bansa ay nakabatay sa dami o halaga ng mga mineral nito, at ang kaisipang Ekspansiyonismo na tumutukoy sa pagpapalawig ng nasasakupan ng mga pamahalaan at estado sa ibang bahagi ng mundo upang lumakas ang kapangyarihan at lumaki ang kayamanan.[18] Dito na nagsimula ang Modernong Panahon ng Pagtuklas. Lumaganap ang kolonyalismo sa ibang bahagi ng mundo at sa gayon, nakaimpluwensiya sa mga rehiyong nasasakupan.
Palitang Kolumbiyano
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagtagal, maraming mga bagay at kagamitan din ang nadala sa Europa kabilang ang mais, kamatis, tsokolate, patatas, at iba pa. Nakipagpalitan din ang dalawang kontinente ng iba't ibang uri ng pananim, teknolohiya, kultura, at . Yumabong ang kalakalan at ekonomiya sa pagitan ng Europa at ng Kaamerikahan at Apro-Eurasya noong ika-15 hanggang sa ika-16 siglo. Ilan sa mga ito ay naging mahalaga para sa pangkabuhayan ng ilang mga bansa at teritoryo gaya na lang sa Irlandya, kung saan naganap ang pinakamalalang kagutuman sa kasaysayan nito matapos magkaroon ng pagkukulang sa mga pananim ng patatas. Sa kabila nito, hindi naiwasan ang epidemya ng bulutong na naganap at kumalat sa kontinente at ang mabilisang pagkalat nito sa katutubong mamamayan na dala noon ng mga banyaga. Nasawi ang tinatayang 80%-95% ng kabuuang populasyon sa Kanlurang Emisperyo sa loob lamang ng 100-150 taon simula noong taong 1492 na mas malala pa sa anumang digmaan o mga nakaraang sakit ayon sa bilang ng mga namatay.
Ang terminong "Palitang Kolumbiyano" o "Columbian Exchange" ay unang binanggit ni Alfred W. Crosby noong 1972.
Pangkaragatan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naging malaking bahagi rin ng globalisasyon ang pagbubukas at pag-unlad ng mga ruta kung saan mapapadali ang pagpapalitan ng mga produkto. Halimbawa nito ang kadalasang ruta papuntang India mula sa Europa. Bago pa man magbukas ang Kanal Suez noong 1869, dumadaan ang mga Europeong barko paikot sa kontinente ng Aprika, kadalasan mula sa mga Isla ng Azores o sa Cabo Verde papuntang Cape of Good Hope, at saka lalayag sa Karagatang Indiyano patungong India. Samantala, ang daanan naman mula sa Europa paikot sa kontinenteng Arabo ay makakatipid sa gastusin at enerhiyang ginagamit para sa pagpapatakbo ng mga barko.
Malaki ang epekto nito para sa ekonomiyang pandaigdig dahil sa laki at dami ng mga barkong dumadaan dito. Kung tutuusin, ang isang karaniwang barko mula sa Portugal ay inaabot lamang ng 14 na araw upang makarating sa India sa pamamagitan ng pagdaan sa Kanal Suez kumpara sa pag-ikot sa kontinente ng Aprika na umaabot ng 24 na araw. Ang ruta paikot sa kontinente ng Aprika ay may kabuuang haba na 20,900 kilometro o 11,300 milyang nautikal. Sa kabilang banda, ang ruta naman sa Kanal Suez ay may habang 12,000 km o 6,400 milyang nautikal na nagbabawas sa dating ruta nang halos 8,000 km/ 4,000 milyang nautikal o higit pa. Halos 43% ang bawas nito sa distansya mula sa tradisyonal na pagbiyahe.[19]
Ngayon, isa na ito sa mga pinaka-importanteng kanal at daanang pangkaragatan na may taunang tala ng 12% ng pagdaloy ng pandaigdigang kalakalan.
Imperyalismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa mga historyador na sina Kevin H. O'Rourke, Leandro Prados de la Escosura, at Guillaume Daudin, may ilang mga kadahilanan kung bakit lumaganap at napabilis ang globalisasyon noong 1815–1870:[20]
- Ang pagtatapos ng Digmaang Napoleoniko ay nagdala ng isang sapat na panahon ng kapayapaan sa Europa.
- Ang mga pagbabago sa teknolohiya ng transportasyon ay nagbawas sa mga malalaking gastusin sa kalakalan.
- Ang mga bagong pang-industriyang teknolohiya ng militar ay nakadagdag sa lakas ng mga estado sa Europa at sa Estados Unidos kaya may kapangyarihan ang mga ito na piliting buksan ang mga merkado sa buong mundo at palawakin ang kanilang mga imperyo.
- Ang unti-unting mga pagbabago patungo sa liberalisasyon sa mga bansang Europa.
Itinuturing ng mga ekonomista ang katapusan ng ika-18 siglo at ang maagang bahagi ng 1900 bilang ang unang globalisasyon (1870-1914).[21] Sa panahong ito, nasakop na ng Gran Britanya ang malawak na bahagi ng daigdig at nakapagsimula ng Rebolusyong Industriyal. Tumaas ang demand para sa iba't ibang mga kagamitan at imbensyon sa maraming rehiyon kaya nagsimulang ipatayo ang mga pabrika at pagawaan upang tugunan ito. Natuklasan sa panahong ito ang makinang pinapatakbo sa pamamagitan ng uling, telegrapiya para sa mabilis na komunikasyon, at mga makabagong paraan ng transportasyon. Kasabay nito ang mga pagababago sa transportasyon na tinatayang naganap mula 1820 at 1850. Niyakap ng maraming bansa ang pandaidigang kalakalan[22] Lumakas ang ekonomiya ng mundo at nagpatuloy ito ng halos 2-3 dekada.[17]
Noong 1914, nang sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig, humantong sa isang krisis ang mundo pati na rin ang pakikisalamuha ng bawat bansa sa isa't isa. Milyon-milyong mga tao ang nasawi at nasira ang karamihan sa mga estruktura at transportasyon ng mga tao. Kahit na ang mga labanan ay kadalasang naganap sa Europa, naapektuhan din ang ekonomiya ng ibang lugar sa Amerika, Aprika, at Asya.
Nang matapos ang digmaan, muling pinaigting ang relasyon sa pamahalaan ng mga bansa. Namayagpag ang merkadong pinansiyal sa pagdikta ng mga presyo ng mga bilihin tulad ng metal at mga mapagkukunang hilaw. Noong 1929, humantong muli sa isang krisis ang mundo dahil sa Matinding Depresyon na nakapinsala sa Estados Unidos. Nagsimulang bumagsak ang ekonomiya ng mga bansa at uminit ang relasyon sa isa't isa.
Sumiklab noong 1939 ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kinabibilangan ito ng halos lahat ng mga bansa at nakapagtala ng malaking sira sa kabuhayan at ekonomiya. Sa panahong ito, naimbento ang iba't ibang mga kagamitan at modernong transportasyon tulad ng mga tangke, barko, at nuklear. Nang matapos ang digmaan, bumaba nang halos 5% ang GDP ng mundo na isang napakalaking bahagdang pagbagsak sa ekonomiya.[17]
Modernong globalisasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakabangon muli ang ekonomiya ng mundo sa ikalawa at ikatlong panahon ng globalisasyon. Sa panahong matapos ang digmaan noong 1945 hanggang taong 2000, nagkaroon ng malawakang inobasyon sa larangan ng komunikasyon at transportasyon. Isa sa mga pinakamahalagang transportasyon ay ang mga barkong panlayag na nagdadala ng mga produkto sa iba't ibang bahagi ng mundo (Shipping Containers sa Ingles) na naimbento noong 1956.[23][24] Noong dekadang 1970, naging abot-kaya para sa mga mamamayan ang paglipad at pagsakay sa mga eroplano. Naipatupad ang mga kasunduan tungkol sa Kalayaan sa Himpapawid kaya nakatulong ito sa kompetisyon ng pandaigdigang merkado. Noong dekadang 1990, malaki ang pinagbago ng mga paraan sa komunikasyon dahil sa pag-imbento ng kompyuter at ng internet. Mas napabilis nito ang pakikipagsapalaran ng mga indibidwal sa isa't isa at nakakapagbigay ng kakayahang matapos ang trabaho kahit saan sa mundo.
Dahil sa mabilis na pagbabago ng mundo at ng pandaigdigang ekonomiya, lumagda ang mga pamahalaan at bansa ng maraming mga kasunduan upang maipatupad at maitaguyod ang mabuting relasyon sa isa't isa. Halimbawa nito ay ang Pagpupulong ng Bretton Woods na nilagdaan ng karamihan ng mga bansa sa UN matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig upang ilatag ang mga pagbabalangkas tungkol sa Pandaigdigang Sistema ng Pananalapi (International monetary system), komersyo, pananalapi, at ang pagtatatag ng maraming mga institusyong pang-internasyonal na inilaan upang mapabilis ang paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapababa ng mga hadlang sa kalakalan. Noong una, ang Pangkalahatang Kasunduan sa Taripa at Kalakalan (Ingles: General Agreement on Tariffs and Trade; GATT) ay yumayagpag sa mga kasunduan upang alisin ang mga hadlang at paghihigpit sa kalakalan. Ang sumunod na humalili sa GATT, ang Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan (Ingles: World Trade Organization; WTO), ay nagbigay ng isang pagbabalangkas para sa pakikipag-usap at pag-pormal sa mga kasunduan sa kalakalan at proseso ng paglutas sa hindi pagkakaunawaan ng dalawa o higit pang mga panig. Dahil dito, ang pagluluwas ng mga kalakal ay halos dumoble mula sa 8.5% ng kabuuang mga produkto ng buong mundo noong 1970 hanggang 16.2% noong 2001.[25]
Sa larangan ng edukasyon, ang programa sa pagpapalitan ng mga mag-aaral ng iba't ibang paaralan (Student Exchange Program) ay naging mahalaga upang makihalubilo at madagdagan ang pag-unawa ng mga estudyante sa ibang kultura at wika. Mula 1963 hanggang 2006, ang bilang ng mga estudyanteng nag-aaral sa banyagang bansa ay tumaas nang 9 na beses.[26]
Hindi lamang sa ekonomiya nakaapekto ang globalisasyon. Mula pa noong 1980, ang modernong globalisasyon ay mabilis na napalawig sa pamamagitan ng mga ideolohiyang politikal tulad ng Kapitalismo at ideolohiyang Neoliberal.[27] Ang pagpapatupad ng mga patakarang neoliberal ay nagbibigay pahintulot para sa pagpapapribado ng ilang mga pampublikong industriya, deregulasyon ng mga batas o mga patakaran na nakagambala sa malayang daloy ng merkado, at pati na rin ang mga pagbawas sa mga serbisyong panlipunan ng pamahalaan.[28] Ang mga patakarang ito ay mabilis na kumalat sa mga pamahalaang estado at bansa na naging batayan para sa Pandaigdigang Bangko at Pandaigdigang Pondong Pananalapi na ipatupad ang structural adjustment program (SAP) bilang tulong sa mga rehiyong umuunlad pa.[27][29] Kinakailangan ng programang ito ang mga bansang tumatanggap ng tulong pinansiyal na magbukas ng mga merkado nito sa kapitalismo, isapribado ang industriyang pampubliko, payagan ang malayang kalakalan, putulin ang mga serbisyong panlipunan tulad ng pangangalaga sa kalusugan at edukasyon, at payagan ang malayang paggalaw ng mga naglalakihang multinasyunal na korporasyon.[30]
Malaki ang naging epekto ng pagbagsak ng pader ng Berlin at ang pagguho ng Unyong Sobyet sa pagtatapos ng ika-20 na siglo. Dito na nagwakas ang halos limang dekada ng Digmaang Malamig at ang pagiging sarado ng kalahating Europa dahil sa Kurtinang Bakal na ipinatupad pa noong 1945. Ang mga rebolusyon noong 1989 at ang kaisipang liberalisasyon ay napalawak sa maraming bahagi ng mundo na nagresulta sa pagpapabuti ng pandaigdigang ugnayan.[31][32] Dahil dito, nanatili ang Estados Unidos bilang ang kaisa-isang tagapagtaguyod ng malayang merkado at nanatili bilang ang pinakamalakas na impluwensiya sa daigdig. Ang paglipat at paggalaw ng mga tao ay maaari ring maitampok bilang isang kilalang proseso sa pagpapabilis ng globalisasyon. Bunga nito ang malawak na pakikibahagi ng mga kultura at tradisyon sa iba't ibang panig ng mundo.
Kasalukuyang globalisasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakatulong nang malaki sa pag-iral ng globalisasyon bilang penomenon ang paglago ng teknolohiya, gaya ng mga makabagong kasangkapang pangkomunikasyon (gaya ng smart phones), pantransportasyon (gaya ng eroplano), computer at internet, at application ng mga ito.[33] Naging laganap ang sakop ng makabagong teknolohiya sa buhay ng karamihan kaya ito ay naging makabuluhan sa pangkalahatang antas ng pag-unlad.
Makabagong pananaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]Magkakaiba ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon: may mga nag-iisip na nakakatulong ito sa lahat ng mga tao, habang may mga nag-iisip na nakapipinsala ito sa karamihan. Ayon kay Roland Robertson na isa sa mga unang nagsagawa ng pag-aaral ukol sa globalisayon, ang globalisasyon ay pinabilis na tila “pagliit” ng daigdig at pagkilala rito bilang isa lamang entidad. Dahil sa globalisasyon, ang ikinatatangi, distinksiyon, at pagkakakilanlan ng ibat’-ibang kultura at tradisyon ay tila naglalaho na dahil sa matuling paglaganap ng mga ideya na lumalaganap at naaangkin ng mga tao sa daigdig.[33]
Ayon sa mga eksperto, mayroong limang perspektibo o pananaw tungkol sa simula at kasaysayan ng globalisasyon:
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pag-aaral ng Globalisasyon
- Hatirang pangmadla
- Imperyo
- Unang Mundo
- Pilipino sa Ibayong Dagat (OFW)
- Ekonomiya
- Pag-aaral sa Ekonomiya
- Mga Bansang umuunlad
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sheila L. Croucher. Globalization and Belonging: The Politics of Identity a Changing World. Rowman & Littlefield. (2004). p.10
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-31. Nakuha noong 2021-01-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2021-04-07. Nakuha noong 2021-04-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Frank, Andre Gunder. (1998). ReOrient: Global economy in the Asian age.Berkeley: University of California Press. ISBN 978-0-520-21474-3
- ↑ Babones, Salvatore (2008). "Studying Globalization: Methodological Issues". In Ritzer, George (ed.). The Blackwell Companion to Globalization. Malden: John Wiley & Sons. p. 146. ISBN 978-0-470-76642-2. OCLC 232611725.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-04-12. Nakuha noong 2021-04-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-04-07. Nakuha noong 2021-04-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-04-07. Nakuha noong 2021-04-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 9.2 James, Paul; Steger, Manfred B. (2014). "A Genealogy of globalization: The career of a concept Naka-arkibo 2021-04-28 sa Wayback Machine.". Globalizations. 11 (4): 417–34. doi:10.1080/14747731.2014.951186. S2CID 18739651 Naka-arkibo 2022-04-24 sa Wayback Machine..
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-04-08. Nakuha noong 2021-04-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Manifesto of the Communist Party Naka-arkibo 2022-04-24 sa Wayback Machine.", The Communist Manifesto, Pluto Press, pp. 47–103, 2017, doi:10.2307/j.ctt1k85dmc.4, ISBN 978-1-78680-025-1, nakuha noong 18 Oktubre 2020
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-12-23. Nakuha noong 2021-01-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-10. Nakuha noong 2021-01-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Andre Gunder Frank, "Reorient: Global economy in the Asian age" U.C. Berkeley Press, 1998. ^
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-04-24. Nakuha noong 2021-01-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-07-05. Nakuha noong 2021-01-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 17.2 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-17. Nakuha noong 2021-01-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-27. Nakuha noong 2021-01-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-05-07. Nakuha noong 2021-04-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-03-03. Nakuha noong 2021-01-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://archive.org/details/isbn_9780674430006
- ↑ O'Rourke, Kevin H.; Williamson, Jeffrey G. (2002). "When Did Globalization Begin?". European Review of Economic History. 6 (1): 23–50. doi:10.1017/S1361491602000023. S2CID 15767303.
- ↑ https://web.archive.org/web/20130122131825/http://press.princeton.edu/chapters/s9383.html
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-11-14. Nakuha noong 2021-01-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://web.archive.org/web/20080712023541/http://www.globalpolicy.org/socecon/trade/tables/exports2.htm
- ↑ Varghese, N.V. 2008, 'Globalization of higher education and cross-border student mobility', International Institute for Educational Planning, UNESCO
- ↑ 27.0 27.1 Lourdes, Benería; Gunseli, Berik; Maria S., Floro (2016). Gender, Development, and Globalization: Economics as if all people mattered. New York: Routledge. p. 95. ISBN 978-0-415-53748-3.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-14. Nakuha noong 2021-01-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rai. "The History of International Development: Concepts and Contexts". Women, Gender and Development Reader: 15.
- ↑ Lourdes, Benería; Deere Diana, Carmen; Kabeer, Naila (8 August 2012). "Gender and International Migration: Globalization, Development and Governance". Feminist Economics. 18 (2): 1–33. doi:10.1080/13545701.2012.688998. S2CID 144565818.
- ↑ Wolf, Martin (2001). "Will the nation-state survive globalization?". Foreign Affairs. 80 (1): 178–190. doi:10.2307/20050051. JSTOR 20050051. Archived from the original on 11 September 2017. Retrieved 12 September 2017.
- ↑ Ritzer, George (2011). Globalization: The Essentials. NY: John Wiley & Sons.
- ↑ 33.0 33.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-13. Nakuha noong 2021-01-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Karagdagang Pagbasa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- https://brainly.ph/question/287825 Naka-arkibo 2022-05-28 sa Wayback Machine.
- https://gabay.ph/ano-ang-globalisasyon-kasysayan-epekto-anyo/
- https://ched.gov.ph/wp-content/uploads/2017/10/Ang-Kasalukuyang-Daigdig.pdf Naka-arkibo 2021-01-27 sa Wayback Machine.
- https://gabay.ph/ano-ang-globalisasyon-kasysayan-epekto-anyo/ Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya, Politika at Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.