Pumunta sa nilalaman

Mitolohiyang Griyego

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Griyegong alamat)
Ang Greek trinity at ang pamamahagi ng tatlong mga kaharian ng Daigdig: Zeus God (Langit), Poseidon (Seas at karagatan) at Hades (Underworld). Ang Theos (menor de edad na diyos) ay mga anak ng Trinidad na ito.
Busto ni Zeus, Otricoli (Sala Rotonda, Museo Pio-Clementino, Vatican).
Mga paksa sa Mitolohiyang Griyego
Mga Diyos
Mga Bayani
Nauugnay

Greek mythology portal

Ang mitolohiyang Griyego ang katawan ng mga mito at katuruan ng mga Sinaunang Griyego na nauukol at nagpapaliwanag ng pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagdedetalye ng mga buhay at pakikipagsapalaran ng kanilang iba't ibang mga Diyos at mga Bayani. Ang mitolohiyang Griyego ay isang bahagi ng relihiyon sa modernong Gresya at sa buong mundo na kilala bilang Hellenismos. Ang mga modernong skolar ay nag-aaral ng mitolohiyang Griyego upang magbigay linaw sa mga institusyong relihiyoso at pampolitika ng Sinaunang Gresya at ng kabihasnan nito. Pinag-aaralan rin ito ng mga skolar upang maunawaan ang kalikasan ng mismong paggawa ng mito. Sa simula, ang mga salaysay na ito ay pinapakalat sa Sinaunang Gresya sa isang tradisyong tulang-pabigkas. Sa kasalukuyan, ang ating mga nanatiling sanggunian ng mga mitolohiyang Griyego ay mga gawang pang-panitikan ng mga tradisyong pagbigkas. Sumasalamin din ang mitolohiyang Griyego sa mga artipakto, ilang mga gawang sining, lalo na iyong mga pintor ng mga plurera. Tinutukoy ng mga Griyego mismo ang mga mitolohiya at mga kaugnay na gawang sining upang magbigay liwanag sa mga kultong pagsasanay at ritwal na mga tradisyon na napakaluma na at, minsan, hindi nauunawang mabuti.

Ang mitolohiyang Griyego ay pangunahing alam ngayon mula sa panitikang Griyego at mga representasyon sa mga biswal na media na mula pa sa panahong Heometriko mula c. 900 hanggang 800 BCE at pasulong.[1] Sa katunayan, ang mga sangguniang pampanitikan at arkeolohikal ay nagsasama at minsang parehong sumusuporta sa bawat isa at minsan magkasalungat. Gayunpaman, sa maraming mga kaso, ang pag-iral ng corpus ng datos ay isang malakas na indikasyon na ang marami sa mga elemento ng mitolohiyang Griyego ay may malakas na pinag-ugatang paktuwal at historikal.[2] Ang kabilang sa pinakamaagang mga sangguniang pampanitikan ang dalawang mga tulang epiko ni Homer na Iliad at Odyssey. Ang ibang mga manunula ay bumuo ng isang siklong epiko ngunit ang mga kalaunan at mas mababang mga tula ay halos buong nawala. Sa kabila ng kanilang pangalang tradisyonal, ang mga imnong Homeriko ay walang direktang kaugnayan kay Homer. May mga pang-korong himno mula sa mas maagang bahagi ng tinatawag na panahong Liriko. Si Hesiod na isang posibleng kontemporaryo ni Homer ay nagbibigay sa kanyang Theogony (Pinagmulan ng mga Diyos) ang pinakabuong salaysay ng ng mga pinakamaagang mitong Griyego na nauukol sa paglikha ng mundo, ang pinagmulan ng mga Diyos, mga Titan, mga Higante gayundin din ang masalimuot na mga henealohiya, mga kuwentong bayan, at mga mitong etiolohikal. Ang Mga Gawa at Araw ni Hesiod ay isang didaktikong tula tungkol sa buhay pagsasaka na kinabibilangan rin ng mga mito ni Prometheus, Pandora at ng Mga Apat na Panahon. Ang manunula ay nagbibigay ng mahusay na paraan upang magtagumpay sa isang mapanganib na mundo na mas ginawa pang mapanganib ng mga Diyos nito.

Ang Romanong makata na si Virgil, na inilalarawan dito sa loob ng isang manuskriptong nagmula sa ika-5 daantaon: ang Vergilius Romanus, na nakapagpreserba ng mga detalye ng mitolohiyang Griyego sa loob ng marami niyang mga sulatin.

Ang pagkakatuklas ng kabihasnang Mycenaean ng arkeologong baguhang Aleman na si Heinrich Schliemann noong ika-19 na siglo at pagkakatuklas ng kabihasnang Minoan sa Creta ng arkeologong Britaniko noong ika-20 siglo ay nakatulong sa pagpapaliwanag ng maraming mga umiiral na katanungan tungkol sa mga epiko ni Homer at nagbigay ng ebidensiyang arkeolohikal para sa maraming mga detalyeng mitolohikal tungkol sa mga Diyos at mga bayaning Griyego. Ang Digmaang Trojan na isa sa pinakamahalagang mga pangyayari sa Mitolohiyang Griyego ay pinaniniwalaan ng karamihan ng mga skolar na tunay na nangyari at ang Troy ay isang tunay na siyudad.[3] Ang mga heometrikong disenyo sa mga palayok ng ika-8 siglo BCE ay nagpapakita ng mga eksena mula sa siklong Trojano gayundin din ang mga pakikipagsapalaran ni Heracles.[4] Ang mitolohiyang Griyego ay nagkaroon ng isang malawak na impluwensiya sa kultura, sining, at panitikan ng sibilisasyong Kanluranin at nananatiling kabahagi ng pamana at wikang Kanluranin. Ang mga makata at mga alagad ng sining mula noong sinaunang mga kapanahunan hanggang sa pangkasalukuyang panahon ay humango ng inspirasyon magmula sa mitolohiyang Griyego at nakatuklas ng kontemporaryong pagpapahalaga at kaugnayan sa mga tema.[5] Ang mga biswal na representasyong ng mito ay mahalaga sa dalawang mga kadahilanan. Marami sa mga mitong Griyego na napatunayan sa mga baseng mas maaga sa mga sangguniang pampanitikan. Sa labindalawang mga paggawa ni Heracles halimbawa, ang pakikipagsapalarang Cerberus ay umiiral sa isang kontemporaryong tekstong pampanitikan.[6] Sa karagdagan, ang mga sangguniang biswal ay minsang kumakatwan sa mga mito o mga eksenang mitikal na hindi pinatutunayan sa anumang umiiral na sangguniang literaryo. Sailang mga kaso, ang unang alam na representasyon ng isang mito sa isang sining na heometriko ay nauuna sa unang alam na representasyon nito sa huling tulang sinauna ng ilang mga siglo.[1] Sa mga Panahong Arkaiko (c. 750–c. 500 BCE), Klasiko (c. 480–323 BCE), at Helenistiko (323–146 BC), ang Homeriko at iba ibang mga ibang eksenang mitolohikal ay lumilitaw na nagdaragdag sa umiiral na ebidensiyang pampanitikan.[4]

Kosmogoniya at kosmolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga "mito ng pinagmulan" o "mito ng paglikha" ay kumakatawan sa pagtatangka ng magpaunawa sa uniberso sa mga terminong pantao at ipaliwanag ang pinagmulan ng mundo.[7] Ang pinakamalawak na tinatanggap na bersiyon sa panahong ito bagaman isang pilosopikal na salaysay ng pinagmulan ng mga bagay ang inuulat ni Hesiod sa kanyang Theogony. Kanyang sinimulan ang isang Kaguluhan na isang nakangangang kawalan. Mula sa kawalan ay lumitaw si Gaia (ang mundo) at iba pang mga pangunahing diyos: Eros (Pag-ibig), Kalaliman (ang Tartarus) at Erebus.[8] Nang walang pagtulong ng isang lalake, si Gaia ay nanganak kay Uranus (ang Kalangitan) na nagpunlay sa kanya. Mula sa unyong ito ay ipinanganak ang mga Titan na mga anim na lalakeng sina Coeus, Crius, Cronus, Hyperion, Iapetus, atOceanus at mga anim na babaeng sina Mnemosyne, Phoebe, Rhea, Theia, Themis, at Tethys. Pagkatapos ipanganak si Cronus, sina Gaia at Uranus ay nag-utos na wala nang mga Titan na ipapanganak. Sila ay sinundan ng may isang matang mga Cyclop at mga Hecatonchires na parehong inihagis sa Tartarus ni Uranus. Ito ay nagpagalit kay Gaia. Si Cronus ay hinikayat ni Gaia na kapunin ang kanyang ama. Kanyang ginawa ito at naging pinuno ng mga Titan kasama ng kanyang asawa-kapatid na si Rhea bilang konsorte. Ang ibang mga Titan ay kanyang naging korte. Ang isang motif ng alitang ama-laban-sa-anak ay inulit nang si komprontahin ng kanyang anak na lalakeng si Zeus. Dahil nagtaksil si Cronus sa kanyang ama, natakot siya na ang parehong bagay ay gagawin ng kanyang anak kaya sa bawat panganganak ni Rhea, kanyang inaagaw ang bata at kinakain ito. Nagalit si Rhea dito at dinaya niya si Cronus sa pamamagitan ng pagtatago kay Zeus at pagbabalot ng isang bato sa balutan ng sanggol na kinain ni Cronus. Nang lumaki si Zeus, pinakain niya si Cronus ng isang may drogang inumin na nagpasuka sa kanya na nagsuka sa ibang mga anak ni Rhe at sa bato na nasa tiyan ni Cronus sa simula pa. Hinamon naman ni Zeus si Cronus sa isang digmaan para sa paghahari ng mga Diyos. Sa wakas, sa tulong ng mga Cyclop na pinalaya ni Zeus mula sa Tartarus, sina Zeus at ang kanyang mga kapatid ay nagwagi samantalang si Cronus at ang mga Titan ay inihagis sa pagkabilanggo sa Tartarus.[9]

Isang Attic na amphora na mayroong mga pigurang kulay itim, na naglalarawan ng "muling pagsilang" ni Athena magmula sa ulo ni Zeus, na lumunok sa ina ni Athena na si Metis, na diyosa ng panganganak. Si Eileithyia, na nasa kanan ay tumutulong sa muling pagpapanganak na ito, circa 550–525 BK (Musée du Louvre, Paris).

Si Zeus ay sinalot ng parehong pagkabahala at pagkatapos isang hula na ang supling ng kanyang unang asawang si Metis ay manganganak sa isang Diyos na mas dakila sa kanya, siya ay nilamon ni Zeus.[10] Gayunpaman, siya ay buntis kay Athena at lumabas mula sa kanyang ulo na isang buong malaki at nagdamit para sa digmaan.[11]

Ang pinakamaagang kaisipang Griyego tungkol sa tula ay tumuturing sa mga theogoniya na mga prototipikal na genreng pangtula na prototipikal na mythos na nagtakda ng halos mga kapangyarihang mahikal dito. Si Orpheus na manunulang arketipal ay isa ring mang-aawit na arketipal ng mga theogoniya na kanyang ginagamit upang pakalmahin ang mga dagat at bago sa Argonautica ni Apollonius at upang ilipat ang mga mabatong puso ng mga diyos ng mundong ilalim sa Hades. Nang imbentuhin ni Hermes ang lira sa Homerikong Himno kay Hermes, ang kanyang unang ginawa ay umawit tungkol sa kapanganakan ng mga Diyos.[12]

Griyegong Panteon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa klasikong panahong mitolohiya, pagkatapos pabagsakin ang mga Titan, ang bagong panteon ng mga Diyos at Diyosa ay kinumpirma. Kabilang sa mga pangunahing Diyos an Griyego ang mga Labindalawang mga Olimpiyano na nananahan sa tuktok ng Bundok Olympus sa ilalim ng mata ni Zeus. Ang limitasyon ng kanilang bilang sa 12 ay tila isang komparatibong modernong ideya.[13] Bukod sa mga Olimpiyano, ang mga Sinaunang Griyego ay sumamba rin sa mga iba't ibang diyos ng nayon, ang diyos-satyr na si Pan, mga Nympha (mga espirito ng mga ilog), mga Naiad (na tumatahan sa mga batis), mga Nereid (na tumatahan sa dagat), mga diyos na ilog, mga Satyr at iba pa. Sa karagdagan, ang mga madidilim na kapangyarihan ng mundong ilalim gaya nina Erinyes (o Furies) ay sinasabing nagpupursigi sa mga nagkasala ng mga krimen laban sa mga dugong-kamag-anak.[14]

Sa mawalak na iba-ibang mga mito at alamat na bumuo sa mitolohiyang Griyego, ang mga diyos na katutubo sa mga taong sinaunang Griyego ay inilarawn bilang likas na korporeal ngunit mga ideal na katawan. Ayon kay Walter Burkert, ang naglalarawang katangian ng antromorpismong Griyego ay "ang mga diyos na Griyego ay mga tao, hindi mga abstraksiyon, mga ideya o mga konsepto".[15] Ang mga Diyos na Sinaunang Griyego ay maraming mga kakaibang kakayahan. Ang mga diyos na ito ay hindi tinatamaan ng mga sakit at masusugatan lamang sa ilalim ng malaking hindi karaniwang mga sirkumstansiya. Itinuring ng mga Sinaunang Griyego ang imortalidad bilang isang natatanging katangian ng kanilang mga Diyos gayundin ang hindi kumukupas na kabataan na siniguro ng patuloy na paggamit ng nectar at ambrosia na sa mga ito ang dugong diyos ay muling nababago sa kanilang mga ugat.[16]

Ang bawat diyos ay nagmumula sa kanyang sariling henealohiya, nagpupursigi ng iba't ibang mga interes at ay isang sakop ng kabihasaan at pinangangasiwaan ng walang katulad na personalidad. Gayunpaman, ang mga paglalarawan ay lumilitaw mula sa pagiging marami ng mga sinaunang anyong lokal na hindi palaging umaayon sa bawat isa. Kapag tinatawag ang mga diyos na ito sa isang tula, awit o kulto, ang mga ito ay tinutukoy sa isang kombinasyon ng kanilang mga pangalan at epithet na kumikilala sa kanila sa mga pagtatanging ito mula sa ibang mga manipestasyon ng kanilang mga sarili. Sa alternatibo, ang epithet ay maaaring tumukoy ng isang partikular at lokalisadong aspeto ng diyos na minsang pinaniniwalaang sinauna na noong klasikong panahon ng Gresya. Ang karamihan ng mga Diyos na ito ay nauugnay sa mga spesipikong aspeto ng buhay. Halimbawa, si Aphrodite ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan, si Ares ang diyos ng digmaan, si Hades ang diyos ng namatay, at si Athena ang diyosa ng karunungan at katapangan.[17] Ang ilang mga Diyos gaya nina Apollo at Dionysus ay naghahayag ng mga masalimuot na personalidad at mga halo ng tungkulin samantalang ang iba gaya nina Hestia at Helios (araw) ay kaunting higit sa mga personipikasyon. Ang pinakakahanga-hangang mga templong Griyego ay inaalay sa isang limitadong bilang ng mga diyos na pinagtutuunan ng malalaknig mga pan-Helenikong kulto. Gayunpaman, karaniwan sa mga indibidwal na rehiyon at nayon na magtalaga ng kanilang mga kulto sa mga maliit na mga diyos. Ang maraming mga siyudad ay nagpaparangal rin sa mas kilalang mga diyos ng mga hindi karaniwang rito at mga nauuganay na kakaibang mito na hindi alam sa iba. Noong panahong bayani, ang mga kulto ng mga bayani (o mga demi-diyos) ay nagdagdag sa mga kulto ng mga diyos.

Panahon ng mga diyos at mga mortal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagtutulay ng panahon nang ang mga diyos ay namuhay nang mag-isa at panahong nang ang panghihimasok ng mga diyos sa mga bagay ng tao ay isang panahong paglipat nang ang mga diyos at mortal na tao ay magkasamang gumagalaw. Ito ang mga maagang panahon ng mundo nang ang mga pangkat ay nakisalamuha nang mas malaya kesa sa kalaunan. Ang karamihan ng mga kuwentong ito ay kalaunang isinalaysay sa Metamorphoses ni Ovid at kadalasang nahahati sa dalawang mga tematikong pangkat: mga kuwento ng pag-ibig at mga kuwento ng kaparusahan.[18]

Dionysus with satyrs. Interior of a cup painted by the Brygos Painter, Cabinet des Médailles.

Ang mga kuwento ng pag-ibig ay kadalasang kinasasangkutan ng insesto o pang-aakit o panghahalay ng isang lalakeng Diyos sa isang mortal na babae na humahantong sa isang bayaning supling. Ang mga kuwentong ito ay pangkalahatang nagmumungkahi na ang mga relasyon sa pagitan ng mga diyos at mortal ay isang bagay na dapat iwasan. Kahit ang mga nagpapahintulot na mga relasyon ay bihirang may masayang mga wakas.[19] Sa ilang mga kaso, ang isang babaeng diyos ay nakikipagsiping sa isang mortal na tao gaya sa Homerikong Himno kay Aphrodite kung saan ang diyosa ay nakipagsiping kay Anchises upang lumikha kay Aeneas.[20]

Ang mga kuwento ng kaparusahan ay kinasasangkutan ng pang-aangkop o imbensiyon ng isang mahalagang artipaktong kultural gaya nang nakawin ni Prometheus ang apoy mula sa mga diyos, nang nakawin ni Tantalus ang nectar at ambrosia mula sa hapagkainan ni Zeus at ibigay sa kanyang mga nasasakupan na naghahayag sa kanila ng mga lihim ng mga diyos, nang imbentuhin ni Prometheus o Lycaon ang paghahandog, nang magturo si Demeter ng agrikultura at mga misteryo kay Triptolemus o nang imbentuhin ni Marsiyas ang aulos at pumasok sa isang paligsahang pang-musika kay Apollo. Itinuturin ni Ian Morris ang mga pakikipagsapalaran ni Prometheus bilang "isang lugar sa pagitan ng kasaysayan ng mga diyos at ng sa tao".[21] Ang isang hindi kilalang pragmentong papyrus na nagmula sa ika-3 siglo ay kumakatawan sa kaparusahan ni Dionysus ng hari ng Thrace, Lycurgus na ang pagkilala ng bagong diyos ay dumating ng napakakalaunan, na humantong sa isang horipikong mga kaparaushan na lumawig sa kabilang buhay.[22] The story of the arrival of Dionysus to establish his cult in Thrace was also the subject of an Aeschylean trilogy.[23] Sa isang trahedya na Ang Bacchae ni Euripides, ang hari ng Thebes, Gresya na si Pentheus ay pinarusahan ni Dionysus dahil sa paglalapastangan at pag-eespiya nito sa mga Maenada na mga mananambang babae ni Dionysus.[24]

Panahong bayani

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang panahon nang ang mga bayani ay nabuhay ay kilala bilang Panahong Grieyong Heroiko.[25] Ang epiko at heneolohikal na tula ay lumikha ng mga siklo ng kuwentong nakakumpol sa partikular na bayani o pangyayari at nagtatag ng mga relasyong pampamilya sa pagitan ng mga bayani ng mga iba't ibang kuwento at kaya ay isinaayos nila ang mga kuwento sa sekwensiya.[26] Pagkatapos ng paglitaw ng kultong bayani, ang mga diyos at mga bayani ay bumubuo ng sakral na spero at sabay na hinihimok sa mga panata at panalangin na hinimok para sa kanila.[27] Salungat sa panahon ng mga diyos, noong panahong heroiko, ang talaan ng mga bayani ay hindi kailanman binigyan ng nakatakda at huling anyo. Ang mga dakilang diyos ay hindi na ipinapanganak ngunit ang mga bagong bayani ay palaging mabubuhay mula sa hukbo ng mga namatay. Ang isa pang pagkakaiba sa pagitan ng kultong bayani at kulto ng mga diyos ay ang bayani ay nagiging sentro ng isang pagkakakilanlan ng lokal na pangkat.[27]

Ang mga monumental na pangyayari ni Heracles ay itinuturing na bukang liwayway ng panahon ng mga bayani. Sa panahong Heroiko ay itinuturo rin ang mga tatlong dakilang pangyayari: Ang ekspedisyong ng mga Argonaut, ang siklong Theban at Digmaang Trojan.[28]

Heracles at Heracleidae

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Heracles at kanyang sanggol na si Telephus (Louvre Museum, Paris).

Ang ilang mga skolar ay naniniwalang sa likod ng masalimuot na mitolohiya ni Heracles ay malamang na isang tunay na indibidwal na tao na marahil ay isang hepeng-basalyo ng kaharian ng Argos.[29] Ang ilan ay nagmungkahing ang kuwenton ni Heracles ay isang alegorya para sa taunang pagdaan ng araw sa mga labindalawang konstelasyon ng zodiac.[30] Ang ilan ay nagturo ng mas maagang mga mito mula sa ibang mga kultura na nagpapakitang ang kuwento ni Heracles ay isang pag-aangkop na lokal ng mga mitong bayani na mahusay nang naitatag. Sa tradisyon, si Heracles ang anak nina Zeus at Alcmene na apo ni Perseus.[31] Siya ay inilalarawan bilang isang tagapaghandog, binanggit bilang tagapagtatag ng mga altar at naisipan na mismong matakaw na mangangain. Sa papel na ito na siya ay lumitaw sa komedya samantalang ang wakas na trahiko ay nagbigay ng karamihang materyal para sa trahedya.[32] Si Heracles ay pumasok rin sa mitolohiya at kultong Romano at Etruskano at ang eksklamasyong "mehercule" ay naging kasing pamilyar sa mga Romano gaya ng "Herakleis" sa mga Griyego.[33] Sa Italya, siya ay sinamba bilang isang diyos ng mga mangangalakal bagaman ang iba ay nananalangin sa kanya dahil sa kanyang mga pagkakaloob ng mga mabuting swerte o pagsagip sa panganib.[31] Nagkamit si Heracles ng pinakamatas na prestihiyong panlipunan sa pamamagitan ng kanyang pagkahirang bilang opisyal na ninuno ng mga haring Dorian. Si Hyllus na eponimosong bayani ng isang phyle na Doriano ay naging anak ni Heracles at isa sa mga Heracleidae o Heraclids (na maraming mga inapo ni Heracles lalo na ang mga inapo ni Hyllus). Ang ibang Heracleidae ay kinabibilangan ng Macaria, Lamos, Manto, Bianor, Tlepolemus, at Telephus. Sinakop ng mga Heraclid na ito ang mga kahariang Peloponnesian ng Mycenae, Sparta at Argos na nag-aangkin ng isang karapatan na mamuno sa kanila sa pamamagitan ng kanilang ninuno. Ang kanilang pag-akyat sa pananaig ay kadalasang tinatawag na Pananakop na Dorian. Ang mga haring Lydia at kalaunang mga haring Macedonian ng parehong ranggo ay naging Heracleidae rin.[34]

Ang ibang mga kasapi ng pinakamaagang henerasyong ito ng mga bayani gaya nina Perseus, Deucalion, Theseus at Bellerophon ay mayroong maraming mga katangian na karaniwan kay Heracles. Tulad niya, ang kanilang mga gawa ay mag-isa, pantastiko at humahangganan sa isang kuwentong bibit dahil kanilang pinaslang ang mga halimaw gaya nina Chimera at si Medusa. Ang mga pakikipagsapalaran ni Bellerophon ay isang karaniwang mga uri katulad ng kina Heracles at Theseus. Ang pagpapadala ng isang bayani sa kanyang ipinagpapalagay na kamatayan ay isa ring umuulit na tema sa maagang tradisyong heroikong ito na ginamit sa mga kaso nina Perseus at Bellerophon.[35]

Ang tanging nakaligtas na epikong Helenistiko na Argonautica ni Apollonius ng Rhodes ay nagsasalaysay ng mito ng paglalakbay ni Jason at mga Argonaut upang mabawi ang Ginintuang Lana mula sa lupaing mitikal ng Colchis. Sa Argonautica, si Jason ay nahimok sa kanyang paghahanap ni Haring Pelias na tumanggap ng isang hula na ang isang tao na may isang sandalya ay kanyang magiging nemesis. Naiwala ni Jason ang isang sandalyas sa ilog, dumating sa korte ni Pelias at ang epiko ay pinasimulan. Ang halos bawat kaspi ng sumunod na henerasyon ng mga bayani gayundin si Heracles ay sumama kay Jason sa barkong Argo upang kunin ang ginintuang lana. Ang henerasyong ito ay kinabibilangan rin nina Theseus na tumungo sa Creta upang paslangin ang Minotauro, Atalanta na babeng bayani, at Meleager na minsang may isang siklong epiko sa kanyang sarili upang makipagtungali sa Iliad at Odyssey. Sina Pindar, Apollonius at Bibliotheca ay nagsikap na magbigay ng isang buong talaan ng mga Argonaut.[36]

Bagaman isinulat ni Apollonius ang kanyang tula noong ika-3 siglo BCE, ang komposisyon ng kuwento ng mga Argonaut ay mas maaga sa Odyssey na nagpapakita ng mga pamilyaridad sa mga gawa ni Jason. Ang paggala ni Odysseus ay maaring parsiyal na itinayo dito.[37] Sa mga sinaunang panahon, ang paglalakbay ay itinuring na katotohanang historikal na isang insidente sa pagbubukas ng Dagat Itim sa komersiyong Griyego at kolonisasyon.[38]

Sambahayan ni Atreus at siklong Theban

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagitan ng Argo at Digmaang Trojan, may isang henerasyong pangunahing kilala sa mga horipikong krimen nito. Ito ay kinabibilangan ng mga gawa nina Atreus at Thyestes sa Argos. Sa likod ng mito ang sambahayan ni Atreus (na isa sa dalawang mga pangunahing dinastiyang heroiko) ay umiiral ang problema ng debolusyon ng kapangyarihan at modo ng pag-akyat sa soberanya. Ang mga kambal na sina Atreus at Thyestes at mga inapo ay gumampan ng nangungunang papel sa trahedya ng debolusyon ng kapangyarihan sa Mycenae.[39]

Ang siklong Theban ay nauukol sa mga pangyayaring nauugnay lalo na kay Cadmus na tagapagtatag ng siyudad at kalaunang mga gawa nina Laius at Oedipus sa Thebes. Ang isang serye ng mga kuwento na humahantong sa kalaunang pananamsam sa siyudad sa mga kamay ng Pito Laban sa Thebes at Epigoni.[40] Tungkol kay Oedipus, ang maagang salaysay na epiko ay tila nagpapatuloy sa kaniya sa pamumuno sa Thebes pagkatapos ng pahayag na si Jocasta ay ang kaniyang ina at kalaunang nagpakasal sa kaniyang ikalawang asawa na naging ina ng kanyang mga anak na iba mula sa kuwentong gaya halimbawa ng Oedipus ang Hari ni Sophocles.[41]

Digmaang Troyano at kinalabasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sa The Rage of Achilles ni Giovanni Battista Tiepolo (1757, Fresco, 300 x 300 cm, Villa Valmarana, Vicenza). Si Achilles ay nagalit na nagbanta si Agamemnon na sunggaban ang kanyang gantimpala ng digmaan na Briseis at kanyang hinugot ang kanyang espada upang patayin si Agamemnon. Ang biglaang paglitaw ng diyosang si Athena na sa frescong ito ay sumunggab kay Achilles sa buhok ay pumigil sa karahasan.

Ang Mitolohiyang Griyego ay nagtatapos sa Digmaang Troyano na nilabanan sa pagitan ng mga Griyego at Troya at ang kinalabasan nito. Ang Digmaang Troyano ay pumukaw ng malaking interes sa kultura ng Sinaunang Roma dahil ang kuwento ni Aeneas na isang bayaning Troyano na ang paglalakbay mula sa Troy ay humantong sa pagkakatatag ng siyudad na naging Roma gaya ng isinasalaysay sa Aenid ni Virgil.[42] Ang siklong Epiko na isang kalipunan ng mga epikong tula ay nagsisimula sa mga pangyayari na humahantong sa digmaan: si Eris at ang ginintuang mansanas ng Kallistik, ang Paghatol ni Paris, ang pagdukot kay Helen, ang paghahandog ng Iphigenia sa Aulis.

Ang digmaan ng Troya ay nagmula sa kasal nina Peleus at ng diyosang-dagat na si Thetis na hindi nag-anyaya sa diyosa ng sigalutan na si Eris na hinarang sa pintuan ni Hermes sa kautusan ng Diyos na si Zeus. Nagalit si Eris at naghagis ng isang ginintuang mansanas na sinulatan ng "para sa pinakamaganda." Ang mga diyosang sina Hera, Athena at Aphrodite ay nagtalo kung sino ang pinakamaganda. Inutos ni Zeus na pangunahan ni Hermes ang tatlong diyosa sa prinsipe ng Troya na si Paris na napiling maging hukom. Hindi magpagpasyahan ni Paris kung sino ang pinakamaganda at kaya ay bumaling sa panunuhol ang tatlong diyosa. Si Paris ay inalukan ni Athena ng karunungan at kasanayan sa labanan at mga kakayahan ng pinakadakilang mga mandirigma , ni Hera ng kapangyarihang pampolitika at kontrol sa lahat ng Asya at ni Aphrodite ng pag-ibig ng pinakamagandang babae sa buong mundo ni Aphrodite. Ang pinakamagandang babae sa buong mundo ay si Helen na isa sa mga anak ng Hari ng Sparta at ang asawa ni Menelaus. Pinili ni Paris si Aphrodite. Sa pagbabalat kayo ng isang diplomatikong misyon, si Paris ay tumungo sa Sparta upang kunin si Helen at dalhin siya pabalik sa Troya. Bago makatingin si Helen na makita siyang pumasok sa palasyo, siya ay tinudlaan ng isang palaso ni Eros (katumbas ni Kupido sa mitolohiyang Romano) at si Helen ay napaibig kay Paris gaya ng ipinangako ni Aphrodite.

Upang mabawi si Helen, ang mga Griyego ay naglunsad ng isang malaking ekspedisyon sa ilalim ng kabuuang pangangasiwa ng kapatid na lalake ni Menelaus na si Agamemnon na hari ng Argos o Mycenae ngunit tumanggi ang mga Troyano na ibalik si Helen. Ang Iliada na inilagay sa ikasampung taon ng digmaan ay nagsasaad ng alitan sa pagitan nina Agamemnon at Achilles na pinakamahusay na mandirigmang Griyego at ang kinalabasang kamatayan ni minamahal na kasama ni Achilles na si Patroclous at pinakamatandang anak na lalake ni Priam na si Hector. Pagkatapos mamatay ni Hector, ang mga Troyano ay sinalihan ng mga dalawang eksotikong kaalyado na si Penthesilea na Reyna ng mga Amazon, at Memnon na hari ng mga Ethiopian at anak na lalake ng diyosang-bukang liwayway na si Eos.[43] Parehong pinatay ni Achilles ang mga ito ngunit nagawa ni Paris na mapatay si Achilles gamit ang isang palaso sa sakong. Ang sakong ni Achilles ang tanging bahagi ng kanyang katwan na marupok sa pinsala ng sandatang pantao. Bago nila makuha ang Troy, kinailangang nakawin ng mga Griyego mula sa citadel ang isang imaheng kahoy ni Pallas Athena (ang Palladium). Sa huli, sa tulong ni Athena, kanilang itinayo ang Kabayong Trojan. Sa kabila ng mga babala ng anak na babae ni Priam na si Cassandra, ang mga Troyano ay nahikayat ni Sinon na isang Griyegong nagpanggap ng pag-aabandona na kunin ang kabayo sa loob ng mga pader ng Troy bilang handog kay Athena. Ang saserdoteng si Laocoon na nagtangkang magpawasak ng kabayo ay pinatay ng mga serpiyente ng dagat. Sa gabi, ang armadang Griyego ay bumalik at binuksan ng mga Griyego mula sa kabayo ang mga bakuran ng Troy. Sa kabuang pananamsam na sumunod, sina Priam at ang kanyang mga natitirang anak na lalake ay pinaslang. Ang mga babaeng Trojano ay inalipin sa iba't ibang mga siyudad ng Gresya.[44] The Ang siklong Troyano ay kinabibilangan rin ng mga pakikipagsapalaran ng mga anak ng henerasyong Troyano (e.g., Orestes at Telemachus).[43]

Ang Digmaang Trojan ay nagbigay ng iba't ibang mga tema at naging pangunahing pinagkunan ng inspirasyon para sa mga magsisining na Griyego (e.g. mga metope sa Parthenon na nagpapakita ng pananamsan sa Troy). Ang preperensiyang artistikong para sa mga temang hinango mula sa siklong Trojan ay nagpapakita ng kahalagahan nito sa kabihasnang Sinaunang Grriyego.[44] Ang parehong siklong mitolohikal ay nagbigay inspirasyon rin sa isang serye ng mga posterior na kasulatang panitikan na Europeo.[45]

Mga konsepsiyong Griyego at Romano ng mito

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mitolohiya ay nasa puso ng araw araw na pamumuhay sa Sinaunang Griyego.[46] Itinuring ng mga sinaunang Griyego ang mitolohiya bilang isang bahagi ng kanilang kasaysayan. Kanilang ginamit ang mga mito upang ipaliwanag ang mga natural na phenomena, mga pagkakaibang kultura, mga tradisyonal na kaaway at kaibigan. Isang pinagkukunan ng pagmamalaki ang mabakas ang ninuno ng isang pinuno mula sa isang mitolohikal na Griyegong Diyos o Bayani. Kaunti ang kailanmang nagduda na may katotohanan sa likod ng salaysay ng Digmaang Trojan sa Iliad at Odyssey. Ayon sa militar na historyan na si Victor Davis Hanson at sa kaugnay na propesor ng Klasiko na si John Heath, ang malalim na kaalaman ng mga epos na Homeriko ay itinuturing ng mga Griyego na saligan ng kanilang akulturasyon. Si Homer ang "edukasyon ng Gresya" (Ἑλλάδος παίδευσις) at ang kanyang tula "ang Aklat"[47]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 F. Graf, Greek Mythology, 200
  2. Anthony Alms. 2007. Theology, Trauerspiel, and the Conceptual Foundations of Early German Opera. City University of New York. 413 pages.
  3. http://news.nationalgeographic.com/news/2004/05/0514_040514_troy.html
  4. 4.0 4.1 "Greek Mythology". Encyclopædia Britannica. 2002.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. J.M. Foley, Homer Simpson's Traditional Art, 43
  6. Homer, Iliad, 8. Isang tulang epiko hinggil sa Labanan sa Troy. 366–369
  7. Klatt-Brazouski, Ancient Greek and Roman Mythology, 10
  8. Hesiod, Theogony, 116–138
  9. Hesiod, Theogony, 713–735
  10. Guirand, Felix (1987) [1959]. "Greek Mythology". Sa Guirand, Felix (pat.). New Larousse Encyclopedia of Mythology. Trans. Richard Aldington and Delano Ames. Hamlyn. p. 98. ISBN 0-600-02350-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Guirand, p. 108
  12. Homeric Hymn to Hermes, 414–435 Naka-arkibo 2008-10-25 sa Wayback Machine.
  13. H.W. Stoll, Religion and Mythology of the Greeks, 8
  14. "Greek Religion". Encyclopædia Britannica. 2002.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. W. Burkert, Greek Religion, 182
  16. H.W. Stoll, Religion and Mythology of the Greeks, 4
  17. H.W. Stoll, Religion and Mythology of the Greeks, 20ff
  18. G. Mile, Classical Mythology in English Literature, 38
  19. G. Mile, Classical Mythology in English Literature, 39
  20. Homeric Hymn to Aphrodite, 75–109 Naka-arkibo 2003-02-02 sa Wayback Machine.
  21. I. Morris, Archaeology As Cultural History, 291
  22. J. Weaver, Plots of Epiphany, 50
  23. R. Bushnell, A Companion to Tragedy, 28
  24. K. Trobe, Invoke the Gods, 195
  25. F.W. Kelsey, An Outline of Greek and Roman Mythology, 30
  26. K. Dowden, The Uses of Greek Mythology, 11
  27. 27.0 27.1 ;Raffan-Burkert, Greek Religion, 206
  28. F.W. Kelsey, An Outline of Greek and Roman Mythology, 30; H. J. Rose, A Handbook of Greek Mythology, 340
  29. H. J. Rose, A Handbook of Greek Mythology, 10
  30. C. F. Dupuis, The Origin of All Religious Worship, 86
  31. 31.0 31.1 "Heracles". Encyclopædia Britannica. 2002.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. W. Burkert, Greek Religion, 211; T. Papadopoulou, Heracles and Euripidean Tragedy, 1
  33. W. Burkert, Greek Religion, 211
  34. Herodotus, The Histories, I, 6–7; W. Burkert, Greek Religion, 211
  35. G.S. Kirk, Myth, 183
  36. Apollodorus, Library and Epitome, 1.9.16; Apollonius, Argonautica, I, 20ff; Pindar, Pythian Odes, Pythian 4.1
  37. "Argonaut". Encyclopædia Britannica. 2002.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link); P. Grimmal, The Dictionary of Classical Mythology, 58
  38. "Argonaut". Encyclopædia Britannica. 2002.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Y. Bonnefoy, Greek and Egyptian Mythologies, 103
  40. R. Hard, The Routledge Handbook of Greek Mythology, 317
  41. R. Hard, The Routledge Handbook of Greek Mythology, 311
  42. "Trojan War". Encyclopaedia The Helios. 1952.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link); "Troy". Encyclopædia Britannica. 2002.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. 43.0 43.1 "Troy". Encyclopædia Britannica. 2002.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. 44.0 44.1 "Trojan War". Encyclopaedia The Helios. 1952.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. D. Kelly, The Conspiracy of Allusion, 121
  46. Albala-Johnson-Johnson, Understanding the Odyssey, 15
  47. Hanson-Heath, Who Killed Homer, 37