Tutankhamun
Tutankhamun | |
---|---|
Tutankhamen, Tutankhaten, Tutankhamon[1] posibleng Nibhurrereya | |
Pharaoh | |
Paghahari | ca. 1332–1323 BCE (Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto) |
Hinalinhan | Smenkhkare o Neferneferuaten |
Kahalili | Ay |
Konsorte | Ankhesenamun |
Anak | Dalawang mga namatay sa kapanganakan na anak na babae |
Ama | Akhenaten[2] |
Ina | "The Younger Lady" |
Ipinanganak | ca. 1341 BCE |
Namatay | ca. 1323 BCE (ca. 19 taong gulang) |
Libingan | KV62 |
Si Tutankhamun (minsa'y Tutenkh-, -amen, -amon), Ehipto twt-ˁnḫ-ı͗mn; tVwa:t-ʕa:nəx-ʔaˡma:n (1341 BCE – 1323 BCE) ay isang paraon ng Ika-18 dinastiya (nanungkulan 1333 BCE – 1324 BCE sa mas tinatanggap na kronolohiya), noong panahon ng Kasaysayan ng Ehipto na kilala bilan Bagong Kaharian. Ang kanyang orihinal na pangalan, Tutankhaten,ay nangangahulugang "Buhay na larawan ni Aten", samantalang ang Tutankhamun ay "Buhay na larawan ni Amun." Sa hyeroglipo ang pangalang Tutankhamun ay kalimitang sinusulat na Amen-tut-ankh, dahil sa nakasanayang na naglalagay ng banal na pangalan sa unahan ng kataga para magpakita ngtamang paggalang.[3] Maaaring siya rin ang Nibhurrereya sa Amarna letters. Malaki rin ang posibilidad na siya rin ang haring 'Rathotis' ng Ika-18 na dinastiya na ayon kay Manetho ay nanungkulan nang siyam na taon — bagay na katulad din ng bersyon ni Flavius Josephus' ng Epitomo ng Manetho.[4]. Noong 2010, ang analysis ng DNA ay naghayag na anak ng paraon na si Akhenaten si Tutankhamun sa isa sa mga biolohikal na kapatid na babae ni Akhenaten na si Ang Mas Batang Babaeng mummy.[5] Ang kanyang libingan ay natuklasan noong 1922 nina Howard Carter at George Herbert na ikalimang Earl ng Carnarvon.
Buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Tutankhamun ang anak ni paraon Akhenaten(dating Amenhotep IV) at isa sa mga biolohikal na kapatid ni Akhenaten.[6] Bilang prinsipe, siya ay kilalal bilang Tutankhaten.[7] Siya ay umakyat sa trono ng Ehipto noong 1333 BCE sa edad na siyam o sampu at kinuha ang pangalang Tutankhamun. Nang siya ay maging hari, kanyang pinakasalan ang kanyang kalahatid kapatid na babaeng si Ankhesenpaaten na kalaunang nagpalit ng pangalan sa Ankhesenamun. Sila ay may dalawang mga anak na babae na parehong namatay sa kapanganakan.[8] Ang X-ray computer tomography ng mga mummy nito ay naghahayag na ang isa ay namatay noong 5 hanggang 6 buwan ng pagbubuntis at ang isa ay noong 9 na buwan ng pagbubuntis.[9]
Itinala ni Horemheb na hinirang siya ni Tutankhamun na "panginoon ng lupain" bilang magmamanang prinsipe upang panatilihin ang batas. Kanya ring isinaad ang kanyang kakayahan na pakalmahin ang paraong Tutankhamun sa tuwing nagagalit.[10]
Sa kanyang ikatlong taon ng paghahari, binaliktad ni Tutankhamun ang ilang mga pagbabago na isinagawa sa paghahari ng kanyang ama. Kanyang winakasan ang pagsamba sa diyos na si Aten at ibinalik ang diyos na si Amun sa supremasya. Ang pagbabawal sa kulto ni Amun ay itinaas at ang mga tradisyonal na pribilehiyo ay ibinalik sa kaparian. Ang kabisera ng Ehipto ay ibinalik sa Thebes at ang siyudad na Akhetaten ay inabandona.[11] Sa panahon ding ito nang kanyang palitan ang kanyang pangalan sa Tutankhamun. Bilang bahagi ng pagpapanumbalik, sinimulan niyang magtayo ng mga proyekto sa partikular sa Thebes at Karnak kung siya nag-alay ng templo kay Amun. Maraming mga monumento ay itinayo at ang mga inkripsiyon sa pinto ng kanyang libingan ay naghahayag na kanyang ginugol ang kanyang panahon sa pag-aanyo ng mga larawan ng mga diyos. Ang mga tradisyonal na pista ay muling pinagdiwang kabilang nauugnay sa Torong Apis, Horemakhet at Opet. Ang kanyang stela ng pagpapanumbalik ay nagsasaad na:
Ang mga templo ng mga diyos at diyosa...ay nagiba. Ang mga dambana nila ay inabandona at nilaguan ng mga damo. Ang kanilang mga sanktuwaryo ay hindi umiiral at ang kanilang mga korte ay ginagamit na mga daanan...ang mga diyos ay tumalikod sa lupaing ito...Kung ang sinuman ay gumawa ng isang panalangin sa isang diyos para sa payo, siya ay hindi tutugon.[12]
Ang Ehipto ay mahina sa ekonomiya at nasa kaguluhan kasunod ng paghahari ni Akhenaten. Ang mga relasyong diplomatiko sa ibang mga kaharian ay pinabayaan at naghangad si Tutankhamun na ibalik ang mga ito partikular na sa Mitanni. Ang ebidensiya ng kanyang tagumpay ay iminungkahi ng mga regalo mula sa iba't ibang mga bansa na natagpuan sa kanyang libingan. Sa kabila ng kanyang mga pagsisikap na pabutihin ang mga relasyon, ang mga labanan sa mga Nubian at Asyatiko ay itinala sa kanyang templong mortuaryo sa Thebes. Ang libingan ay naglalaman ng baluti at mga natitiklop na silya na angkop para sa mga kampanyang militar. Gayunpaman, ang mga historyan ay nagpapalagay na hindi siya personal na lumahok sa mga labanang ito.[8][13]
Kalusugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagsasaliksik ay nagpapakit na si Tutankhamun ay may katamtamang bingot[14] at posibleng katamtamang scoliosis. Ayon sa DNA analysis, si Tutankhamun ay resulta ng isang insesto ng kanyang amang si Akhenaten at biolohikal na kapatid nitong babae. Dahil dito, pinaniniwalaang si Tutannkhamun ay dumanas ng mga depektong henetiko na nag-ambag sa kanyang maagang kamatayan sa edad na 19.[15] Ang ilang mga teoriya ay iminungkahi sa kanyang maagang kamatayan. Ang isa ay ang kamatayan sanhi ng suntok sa ulo samantalang ang iba ay nagmungkahi na sanhi ng nabaling hita. Ang ilang mga sakit na iminungkahi ay kinabibilangan ng Marfan syndrome, Wilson-Turner X-linked mental retardation syndrome, Fröhlich syndrome (adiposogenital dystrophy), Klinefelter syndrome, androgen insensitivity syndrome, aromatase excess syndrome kasabay ng sagittal craniosynostosis syndrome, Antley–Bixler syndrome o isa sa mga anyo nito[16] at temporal lobe epilepsy.[17]
Noong 2010, ang mga siyentipikong Aleman ay nagsaad na may ebidensiyang siya ay namatay sa sickle cell disease.[18] Natagpuan ng mga CT scan kay Tutankhamun noong 2005 na hindi siya namatay sa pamamagitan ng isang suntok sa ulo.[15] Ang mga bagong larawan ng CT scan ay nakatuklas ng mga diperensiya sa kapanganakan na karaniwan sa mga anak na produkto ng insesto. Ang mga magkapatid ay mas malamang na magpasa ng kambal na kopya ng mga nakapipinsalang gene na dahilan kung bakit ang mga anak ng insesto ay mas karaniwang nagpapamalas ng mga sakit na henetiko.[19]
Ang STR analysis batay sa DNA fingerprinting analysis na sinamahan ng ibang mga pamamaraan ay tumakwil sa hipotesis ng sakit na gynecomastia(paglaki ng suso sa lalake) at craniosynostoses (e.g., Antley-Bixler syndrome) o Marfan syndrome ngunit ang pagtitipon ng mga malpormasyon sa pamilya ni Tutankhamun ay ebidente. Ang ilang mga patolohiya kabilang ang Köhler disease II ay nadiagnose kay Tutankhamun. Walang isa ang nagsanhi ng kanyang kamatayan. Ang pagsubok ng gene para sa STEVOR, AMA1, o MSP1 gene na spesipiko para sa Plasmodium falciparum ay naghayag ng mga indikasyon ng malaria tropica sa mga apat na mummy kabilang ang kay Tutankhamun.[20] Gayunpaman, ang eksaktong pag-aambag ng mga ito sa pagsasanhi ng kanyang kamatayan ay pinagtatalunan pa rin. Natuklasan ang DNA mula sa ilang mga strain ng parasito na nagpapatunay na siya ay nahawaan ng pinakamalalang strain ng malaria ng ilang beses sa kanyang maikling buhay. Ang isang CT scan noong 2005 ay nagpapakita na siya ay may isang malalang nabaling hita bago ang kanyang kamatayan at ang hitang ito ay naimpeksiyon. Ang DNA analysis na isinagawa noong 2010 ay nagpapakita ng presensiya ng malaria sa kanyang sistema. Pinaniniwalaang ang pinagsamang dalawang mga kondisyong malaria at leiomyoma ang nagsanhi ng kanyang kamatayan.[21] Noong 14 Setyembre 2012, ang isang artikulo ay nagsaad ng isang teoriya mula sa siruhanong si Dr. Hutan Ashrafian na naniniwalang ang temporal lobe epilepsy ang nagsanhi ng nakamamatay ng pagkahulog ni Tutankhamun na bumali ng kanyang leeg.[17]
Sinasabing sumpa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa maraming mga taon, may mga tsismis ng isang "Sumpa ng mga Paraon" na nagbibigay diin sa maagang kamatayan ng mga naunang pumasok sa libingan ng mga ito. Gayunpaman, ang mga kamakailang pag-aaral sa mga hornal at rekord ng kamatayan ay nagpapakita ng walang pagkakaibang estadistikal sa pagitan ng edad ng kamatayan ng mga pumasok sa libingan ng mga ito at sa mga nasa ekspedisyon na hindi pumasok.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Clayton, Peter A. (2006). Chronicle of the Pharaohs: The Reign-by-Reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt. Thames & Hudson. p. 128. ISBN 0-500-28628-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Frail boy-king Tut died from malaria, broken leg by Paul Schemm, Associated Press. 16 February 2010.
- ↑ Zauzich, Karl-Theodor (1992). Hieroglyphs Without Mystery. Austin: University of Texas Press. pp. 30–31.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Manetho's King List".
- ↑ Schemm, Paul (2010-02-16). "A Frail King Tut Died From Malaria, Broken Leg". USA Today.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hawass, Zahi; atbp. (17 Pebrero 2010). "Ancestry and Pathology in King Tutankhamun's Family". The Journal of the American Medical Association. 303 (7): 640–641. Nakuha noong 2012-11-06.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jacobus van Dijk. "The Death of Meketaten" (PDF). p. 7. Nakuha noong 2008-10-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 Hawass, Zahi; atbp. (17 Pebrero 2010). "Ancestry and Pathology in King Tutankhamun's Family". The Journal of the American Medical Association. 303 (7): 638–647. Nakuha noong 2012-11-06.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hawass, Zahi and Saleem, Sahar N. Mummified daughters of King Tutankhamun: Archaeological and CT studies. The American Journal of Roentgenology 2011. Vol 197, No. 5 pp. W829-836
- ↑ Booth pp. 86–87
- ↑ Erik Hornung, Akhenaten and the Religion of Light, Translated by David Lorton, Ithaca, New York: Cornell University Press, 2001, ISBN 0-8014-8725-0
- ↑ Hart, George (1990). Egyptian Myths. University of Texas Press. p. 47. ISBN 0-292-72076-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Booth pp. 129–130
- ↑ Handwerk, Brian (8 Marso 2005). "King Tut Not Murdered Violently, CT Scans Show". National Geographic News. p. 2. Nakuha noong 2006-08-05.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 15.0 15.1 "King Tut's Family Secrets – National Geographic Magazine". Ngm.nationalgeographic.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-03-21. Nakuha noong 2010-10-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Markel, H. (17 Pebrero 2010). "King Tutankhamun, modern medical science, and the expanding boundaries of historical inquiry". JAMA. 303 (7): 667–668. Nakuha noong 2012-09-16.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)(kailangan ang suskripsyon) - ↑ 17.0 17.1
Rosenbaum, Matthew (14 Setyembre 2012). "Mystery of King Tut's death solved?". ABC News. Nakuha noong 2012-09-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Pays, JF (Disyembre 2010). "Tutankhamun and sickle-cell anaemia". Bull Soc Pathol Exot. 103 (5): 346–347. Nakuha noong 2012-09-16.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)(Abstract) - ↑ Bates, Claire (20 Pebrero 2010). "Unmasked: The real faces of the crippled King Tutankhamun (who walked with a cane) and his incestuous parents". Daily Mail. London.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ JAMA. 2010 Feb 17;303(7):638-47. Ancestry and pathology in King Tutankhamun's family. Hawass Z, Gad YZ, Ismail S, Khairat R, Fathalla D, Hasan N, Ahmed A, Elleithy H, Ball M, Gaballah F, Wasef S, Fateen M, Amer H, Gostner P, Selim A, Zink A, Pusch CM. Source Supreme Council of Antiquities, Cairo, Egypt. http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/20159872.1
- ↑ Roberts, Michelle (2010-02-16). "'Malaria' killed King Tutankhamun". BBC News. Nakuha noong 2010-03-12.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Grim secrets of Pharaoh's city BBC News
- Tutankhamun and the Age of the Golden Pharaohs website
- The mummy's curse: historical cohort study Mark Nelson, British Medical Journal 2002;325:1482
- End Paper: A New Take on Tut's Parents Naka-arkibo 2007-11-14 sa Wayback Machine. by Dennis Forbes (KMT 8:3 . FALL 1997, KMT Communications)
- Original photographs and descriptions of objects found in the tomb by Carter and his team Naka-arkibo 2008-06-10 sa Wayback Machine. at the Griffith Institute, Oxford University
- The Independent, October 20, 2007: "A 3,000-year-old mystery is finally solved: Tutankhamun died in a hunting accident" Naka-arkibo September 7, 2008, sa Wayback Machine.. See also video at The-Maker.net Naka-arkibo 2009-09-09 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Ehipto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.