Pumunta sa nilalaman

Krisis sa Marawi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Labanan sa Marawi (2017))
Labanan sa Marawi
Bahagi ng Gulo sa mga Moro, Digmaan laban sa droga sa Pilipinas[7] at Digmaan laban sa terorismo

Larawan ng isang nasusunog na gusali kung saan binomba ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.
Petsaika-23 ng Mayo – 23 Oktubre 2017
(5 buwan)
Lookasyon8°00′38″N 124°17′52″E / 8.0106°N 124.2977°E / 8.0106; 124.2977
Katayuan

Wagi ang pamahalaan ng Pilipinas[8]

  • Batas militar, inihayag sa buong Mindanao hanggang ika-31 ng Disyembre, 2017.[9][10] Muling ipinalawig hanggang ika-31 ng Disyembre, 2018.[11] Ipinalawig pang muli hanggang ika-31 ng Disyembre, 2019.
  • Si Isnilon Hapilon, ang pinuno ng Abu Sayyaf at ang emir ng Islamikong Estado sa Timog-silangang Asya, ay napatay ng militar.
  • Pagkabigo ng mga militante na makapagtatag ng panlalawigang teritoryo ng Islamikong Estado (wilayat).
  • Kinumpirmang patay na ang lahat ng pitong magkakapatid na Maute.[12]
Pagbabago sa
teritoryo
Nabawi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang lungsod ng Marawi sa 23 Oktubre 2017.
Mga nakipagdigma

 Pilipinas


Sinusuportahan ng:

Islamikong Estado ng Irak at ang Levant (lalawigan sa Silangang Asya)[6]
Mga kumander at pinuno
Rodrigo Duterte
(Pangulo ng Pilipinas)
Delfin Lorenzana
Eduardo Año
Ronald dela Rosa
Isnilon Hapilon
(pinuno ng Abu Sayyaf)
Omar Maute
Abdullah Maute[13][14]
Mahmud Ahmad (Representanteng kumander; itinuring na patay)[15][16]
Amin Bacu (Nakatataas na kumander; itinuring na patay)[17][18]
Mga sangkot na yunit

Sandatahang Lakas ng Pilipinas

Pambansang Pulisya ng Pilipinas


Estados Unidos Mga natatanging hukbong pang-operasyon ng Estados Unidos (tulong teknikal)[19]
Pangkat ng Maute
Abu Sayyaf
Mga Lumalaban para sa Kalayaan ng Islamikong Bangsamoro[20]
Lakas
higit 3,000 sundalo (Hunyo)[21]
6,500 sundalo (Setyembre)[22]
higit 1,000 bandido (pagtataya)[23][24][25][26][27]
Mga nasawi at pinsala
168 ang namatay,[28] 1,400 ang sugatan[29] 978 ang napatay,[30][31]
12 ang nahuli[32][33]
87 sibilyan ang namatay (kabilang ang 40 namatay dahil sa sakit)[34][35][36][37][38][39][40]
Halos 1.1 milyong sibilyan ang kinailangang lumikas[41]
Krisis sa Marawi is located in Pilipinas
Krisis sa Marawi
Ang kinaroroonan ng Marawi sa Pilipinas
Ang Marawi, kung saan pinangyarihan ang krisis.

Ang Krisis sa Marawi,[42] tinatawag ding Labanan sa Marawi,[43] o Pagkubkob sa Marawi,[44] ay ang limang buwang itinagal na bakbakan sa Marawi sa pagitan ng puwersa ng Pamahalaan ng Pilipinas at ang mga kaakibat na militante ng Islamikong Estado ng Irak at ang Levant, kabilang ang mga pangkat ng Maute at Abu Sayyaf na nagsimula noong 23 Mayo 2017.[45] Ang labanang ito ay naging pinakamahabang digmaan sa pook na urbano sa makabagong kasaysayan ng Pilipinas.[46]

Inihayag ng pamahalaan ng Pilipinas na nagsimula ang mga pag-atake nang inilunsad nila ang opensiba sa lungsod upang hulihin si Isnilon Hapilon ng grupong Abu Sayyaf, pagkatapos makatanggap ng mga ulat na si Hapilon ay nasa lungsod, maaaring upang makipagkita sa mga militante ng pangkat ng Maute.[47][48]

Isang madugong bakbakan ang nagsimula nang ang puwersa ni Hapilon ay nagpaputok sa pinagsamang hukbo ng militar at pulis at nagpatawag ng dagdag na hukbo mula sa Maute, isang armadong pangkat na nanumpa ng pakikipag-alyansa sa Islamikong Estado at ang mga pinaniniwalaang responsable sa pagsabog sa lungsod ng Dabaw noong 2016, ayon sa mga tagapagsalita ng militar.[49]

Nilusob ng mga bandidong Maute ang Kampo Ranao at inokupa ang ilang mga gusali sa lungsod, kasama ang Bulwagang Panlungsod ng Marawi, Pamantasang Estado ng Mindanao, isang ospital at bilibid.[49] Inokupa rin ng pangkat ang pangunahing kalsada at sinunog ang Simbahan ni Santa Maria, Paaralang Ninoy Aquino, at Kolehiyo ng Dansalan na pinangangasiwaan ng United Church of Christ in the Philippines (Nagkakaisang Simbahan ni Kristo sa Pilipinas) o UCCP.[50] Sinalakay rin ng pangkat ang Katedral ng Marawi at binihag ang isang pari, pati ang ilang mga nagsimba.[51]

Noong 26 Mayo 2017, kinumpirma ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ang mga dayuhang terorista ay lumalaban kasama ang Maute sa Marawi at ang kanilang pangunahing layunin ay magtaas ng watawat ng Islamikong Estado sa Kapitolyong Panlalawigan ng Lanao del Sur at magpahayag ng wilayat o panlalawigang teritoryo ng Islamikong Estado sa Lanao del Sur.[52][53]

Noong 17 Oktubre 2017, isang araw matapos ang pagkamatay ng mga pinuno ng mga militante na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon, inihayag ni Pangulong Duterte na malaya na ang Marawi. Gayunpaman, ang Brigadyer-Heneral na si Restituto Padilla, tagapagsalita ng militar, inihayag naman na ilan sa mga militante ay nananatili at ang mga operasyon ay magpapatuloy hanggang sa sila'y mapuksa.[54] Limang araw ang nakalipas, ika-23 ng Oktubre, inanunsyo ng Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Delfin Lorenzana na ang limang buwang bakbakan laban sa mga terorista sa Marawi ay nagtapos na.[55]

Sa likod ng pangyayari

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Isnilon Hapilon, siya ang namuno sa mga teroristang pangkat sa labanan sa Marawi. Siya ang kinilalang emir ng mga pwersa ng Islamikong Estado sa Timog-silangang Asya.

Pangkalahatan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakapagtatag ang pangkat ng Maute ng matibay na tanggulan sa Lanao del Sur mula Pebrero 2016 at ang sinisi sa pambobomba sa lungsod ng Dabaw at sa dalawang pagsalakay sa Butig, Lanao del Sur, isang bayang matatagpuan sa timog ng Marawi, noong 2016.[56] Mula noong itinatag ang pangkat noong 2013, minaliit ng pamahalaan ng Pilipinas ang banta ng Islamikong Estado sa Pilipinas.[57] Kasunod ng bakbakan sa Butig noong Pebrero 2016 laban sa mga Maute, itinanggi ni noo'y Pangulong Benigno Aquino III na maaaring may presensya ang Islamikong Estado sa bansa. Sinabi niyang ang mga nasa likod ng pagsalakay ay mga mersenaryong nais lamang makilala ng teroristang pangkat na nakabatay sa Gitnang Silangan.[58]

Ang pangkat ng Abu Sayyaf, na sinisi sa mga nakamamatay na pambobomba at pandurukot sa nakaraan, ay iniulat rin na nanumpa ng pakikipagalyansa sa kilusan ng Islamikong Estado mula pa noong 2014.[59] Isa sa mga pinuno nito na si Isnilon Hapilon, ay kabilang sa mga "most wanted" na terorista ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos na may pabuyang aabot sa $5 milyon para sa kanyang pagkahuli.[45] Kasunod ng pagdukot at pagpugot ng ulo sa negosyanteng taga-Canada na si John Ridsdel noong Abril 2016, isiniwalat ni Aquino na nakatanggap siya ng mga banta sa buhay mula sa pangkat, at binalak rin ng Abu Sayyaf na dukutin ang kanyang kapatid na si Kris Aquino at si pambansang kamao Manny Pacquiao.[60][61] Kinilala rin ni Aquino si Hapilon na ang sa likod ng mga pagtatangkang palitan ng relihiyon at isanib sa kanila ang mga bilanggo sa New Bilibid Prison at simulan ang planong pambobomba sa Kalakhang Maynila na sinabi niyang "bahagi ng kanilang pagsusumikap na makakuha ng pabor sa Islamikong Estado."[62]

Noong Nobyembre 2016, kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ugnayan ng Maute sa Islamikong Estado kahit na inihayag pa rin ng militar na ang Islamikong Estado ay hindi nakapagtatag ng mga ugnayan sa Pilipinas.[56] Sa gitna ng mabagsik na bakbakan sa Butig noong 30 Nobyembre 2016, si Duterte ay nagiwan ng babala sa pangkat ng Maute: "Ayaw ko makipag-away sa inyo. Ayaw ko makipag-patayan, ngunit pakiusap, huwag niyo akong pilitin. Hindi ako maaaring maglakbay rito buwan-buwan para lang makipag-usap, at pagtalikod ko patayan nanaman. Ayaw ko nang magbanggit pa nang kung anuman, ngunit pakiusap, huwag niyo akong pilitin."[63][64]

Noong ika-2 ng Disyembre 2016, pagkatapos mabawi ng militar ang Butig, ang mga umuurong na Maute ay iniulat na nagiwan ng sulat na nagbabantang pupugutan ng ulo sina Duterte at ang militar.[65] Noong ika-12 ng Disyembre 2016, sa isang talumpati bago mag-hapunan sa Wallace Business Forum, nangahas si Duterte sa mga Maute na lusubin ang Marawi, sinabing: "Dahil nagbanta sila (Maute) na bumaba mula sa bundok upang sakupin ang Marawi? Gawin niyo. Hihintayin namin kayo roon. Walang problema."[66][67]

Mula Abril hanggang Mayo 2017, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga puwersa ng pamahalaan ng Pilipinas at Abu Sayyaf sa Inabanga, Bohol dahil sa mga natanggap na ulat na balak mandukot ng banyaga ang pangkat na nagdulot ng pagkamatay ng tatlong sundalo.[68]

Pasimula sa labanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inihayag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ang labanan sa Marawi ay dahil sa isinagawang operasyon ng militar sa koordinasyon ng Pambansang Pulisya, taliwas sa mga naunang ulat na ang labanan ay sinimulan ng mga militante. Nakatanggap ng mga ulat ang mga puwersa ng pamahalaan na ang isang pangkat ng mga mandirigmang Abu Sayyaf na pinamumunuan ni Isnilon Hapilon ay nasa Marawi upang maaaring makipagkita sa pangkat ng Maute.[48]

Ayon kay Rolando Bautista, pinuno ng Dibisyong Tabak ng Hukbong Katihan, nakatanggap sila ng mga ulat na sasakupin ng mga lokal na teroristang pangkat ang Marawi dalawa hanggang tatlong linggo bago ang pagsisimula ng mga sagupaan.[69] Habang ang pinagsamang militar at pulis ay nagsagawa ng pagsosona sa Marawi upang patunayan ang impormasyon na ang mga kahina-hinalang tao, kasama sina Omar at Abdullah Maute, ay nagsasama-sama sa pook, sila ang nakita sa halip na si Isnilon Hapilon, ang pinuno ng Abu Sayyaf na unang naiulat na nakapagtatag ng direktang ugnayan sa Islamikong Estado at kamakailang inilipat ang kanyang base sa mga lalawigan ng Lanao.[69] Iminungkahi rin ng intelihensya ng militar na ang pangkat ni Hapilon sa Abu Sayyaf ay may ugnayan na sa Maute at iba pang mga lokal na teroristang pangkat na nanumpa ng pakikipagalyansa sa Islamikong Estado. Ayon sa Sandatahang Lakas, itong "pagkakaisa" ng mga hukbo ay ang ikatlo sa apat na hakbang na kinakailangang makumpleto ng mga pangkat na nais makasali sa Islamikong Estado. Ang ikaapat na hakbang ay ang pagtatatag ng wilayat o teritoryo nang si Hapilon ay naunang iniulat na itinalaga bilang emir ng mga puwersa ng Islamikong Estado sa Pilipinas.[69][70]

Ang Kagawaran ng Katarungan ng Estados Unidos ay inilista si Hapilon bilang isa sa mga "most wanted" na terorista sa daigdig na may pabuya nang aabot sa $5 milyon para sa kanyang pagkahuli.[45]

Iniulat ng mga residente ng Marawi ang pagdating ng isang armadong pangkat sa kanilang lugar at pagkatapos na beripikahin ng Sandatahang Lakas ang impormasyon, naglunsad ng militar ng isang oplang surhikal upang mahuli si Hapilon.[48]

Pagtugon ng pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagtatalumpati ni Pangulong Duterte sa Iligan kaugnay sa nangyayaring krisis sa Marawi.
Nakipagkita si Duterte sa mga sundalo ng ika-4 na Sangay ng Hukbong Lakad sa himpilan nito kaugnay sa krisis.

Kasunod ng pag-atake, inihayag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar sa Mindanao, ika-10 ng gabi ng 23 Mayo 2017 (oras sa Pilipinas). Nakasaad sa Saligang Batas ng 1987, ang batas militar ay magtatagal nang 60 araw. Nagpasya na rin si Pangulong Duterte na ikliin ang kanyang diplomatikong pagbisita sa Rusya.[71]

Si Pangalawang Pangulong Leni Robredo ay nanawagan ng pagkakaisa habang ang mga puwersa ng pamahalaan ay nagpapatuloy na lumalaban sa mga teroristang pangkat sa Marawi.[72] Sinimulan rin niya ang pagsasagawa ng mga pagabuloy at pinamunuan ang pagbibigay ng tulong para sa mga biktima.[73][74][75]

Ilang mga tsekpoynt ang isinagawa noong Linggo, 28 Mayo 2017, sa buong Kamaynilaan. Isang mensaheng pangkaligtasan na inisyu ay nagsasabi sa mga mamamayan ng mga posibleng tsekpoynt sa Kalakhang Maynila.[76]

Inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon ang programang "Brigada for Marawi" (Brigada para sa Marawi) upang tulungan ang mga lumikas na guro at mag-aaral mula sa Marawi. Bilang bahagi ng programa, nanawagan ang kagawaran ng mga abuloy mula sa publiko, sinubaybayan ang mga guro at mag-aaral at naglaan ng tulong sikolohikal sa mga naapektadong mga guro.[77] Ang Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad ay nangakong maglalaan ng tulong na ₱1 libo sa bawat apektadong pamilya. Ito ay upang ipagdiriwang pa rin ng mga Muslim ang Ramadan.[78]

Labi ng mga sundalong namatay sa labanan.

Ang mga naiulat na namatay ay ang mga sumusunod:

Ang hepe ng pulisya ng Malabang na si Romeo Enriquez, ay ang kinilala ni Rodrigo Duterte na ang pulis na pinugutan ng ulo, sa kanyang talumpati bilang isa sa mga pagbabatay para sa kanyang pagpapahayag ng batas militar, ngunit makalipas ay nahanap si Enriquez na buhay pa pala.[98][102][103][104] Ang napatay na pulis ay makalipas kinilala na nang tama ng Pambansang Pulisya sa Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanao bilang si Senior Inspector Freddie Solar, isang dating hepe ng pulisya ng Malabang at kasapi ng Yunit Kontra Droga ng pulis panlalawigan ng Lanao del Sur.[105]

Bukod sa mga namatay, halos nasira ang buong Marawi sa itinuturing na bilang pinakamabigat na labanan sa Pilipinas mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[106]

Pagkamatay ng mga nagsilikas dahil sa mga sakit

Ayon sa ulat ng Kagawaran ng Kalusugan noong ika-16 ng Hunyo, 'di hihigit sa 40 lumikas, na nanatili sa labas ng mga "evacuation center", ay namatay sa pagkauhaw. Habang ang 19 na iba pa ay binawian ng buhay dahil sa kumalat na mga sakit na sanhi ng pananatili sa masisikip na mga kampo ng paglilikas.[107][108] Itong ulat ay itinama ng Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan na si Paulyn Ubial bilang 4 lamang sa mga lumikas ang namatay dahil sa pagkauhaw, sa halip na 40.[109][110][111]

Ang paalala ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) kaugnay sa paggamit ng social media na may kinalaman sa krisis sa Marawi.

Ang mga reaksyon ukol sa pagpapahayag ng batas militar ay halo sa social media.[112] Bumuhos ang dasal sa social media sa gitna ng mga ulat ng pagsakop at panununog ng Maute sa mga pampubliko at pampribadong pasilidad sa Marawi, hapon ng Martes kasama ang hashtag na #PrayForMarawi (Dasal para sa Marawi) na naging trending sa social media.[113] Sa gitna ng mga hindi kumpirmadong ulat ng pagpupugot ng ulo at pandurukot, ang tagapagsalita ng Pambansang Pulisya na si Dionardo Carlos ay nakiusap sa mga mamamayan na limitahan ang "sa kung anong nalalaman nila, nakikita nila" sa paggawa ng mga post na may kinalaman sa nangyayari ngayon sa Marawi sa social media.[114]

Ilang mga Pilipinong personalidad ang naglahad ng kanilang mga reaksyon sa nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng mga puwersa ng pamahalaan at Maute sa Mindanao. Ilang mga sikat rin ang nanawagan ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba sa alyansang pulitikal.[115]

  •  Tsina: Ang tagapagsalita ng Ministrong Pandaigdigan ng Tsina na si Lu Kang ay nagpahayag ng malaking suporta ng kanyang bansa para sa mga puwersa ng pamahalaan ng Pilipinas at sinabi na "ang terorismo ay ang karaniwang kalaban ng sangkatauhan. Nauunawaan at sinusuportahan ng Tsina ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagsugpo sa terorismo." Dagdag ni Kang, "naniniwala kami na sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte, maipapanatili ng pamahalaan ng Pilipinas ang seguridad at katatagan sa rehiyon ng Mindanao."[116]
  •  Malaysia: Agad na sinimulan ng Malaysia na higpitan ang hangganan nito sa Pilipinas pagkatapos inihayag ng pangulo ang batas militar. Ang Inspektor-Heneral ng Pulisya na si Khalid Abu Bakar sinabi na sila'y “nag-iingat, at laging alisto sa kung anong nangyayari sa kalapit na Pilipinas”.[117] Ang Punong Ministro ng Malaysia na si Najib Razak ay inanunsiyo rin na ang kanyang pamahalaan ay aalok ng suporta sa mga hukbo ng Pilipinas.[118]
  •  Rusya: Si Pangulong Vladimir Putin ay nagpaabot ng kanyang pakikiramay sa mga biktima ng pag-atake sa Marawi matapos iklian ni Pangulong Duterte ang kanyang pagbisita sa Moscow. Sa kanilang pagpupulong sa Kremlin, sinabi ni Putin kay Duterte na "ako at ang aking mga kasamahan ay lubos na nauunawaan na kailangan mong umalis upang bumalik sa iyong bayan" at inihayag na sana'y ang gulo "ay malulutas sa lalong madaling panahon at sa kaunting mga nasawi lamang."[119]
  •  Nagkakaisang Kaharian: Binalaan ng pamahalaan ng Britanya ang kanilang mga mamamayan na iwasang bumiyahe sa kanlurang Mindanao, kasama na ang Marawi kung saan nagpapatuloy pa rin ang labanan sa pagitan ng militar at Maute.[120]
  •  Estados Unidos: Ang Kalihim sa Pahayagan ng White House na si Sean Spicer ay naglabas ng pahayag na kinokondena ang "kamakailang karahasang kagagawan ng isang pangkat ng teroristang may kaugnayan sa Islamikong Estado sa katimugang Pilipinas" at sinabing, "itong mga duwag na terorista ay pumatay ng mga Pilipinong alagad ng batas at nilalagay sa kapahamakan ang buhay ng mga inosenteng mamamayan." Tiniyak ng White House sa Pilipinas ang suporta nito sa mga pagsusumikap laban sa terorismo at sinabing, "ang Estados Unidos ay ipinagmamalaking kakampi ang Pilipinas, at ipagpapatuloy ang pakikipagtulungan sa Pilipinas upang i-adres ang mga banta sa kapayapaan at kaligtasan ng ating mga bansa."[121]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://news.abs-cbn.com/news/05/31/17/duterte-milf-create-peace-corridor-in-marawi
  2. "U.S. provides 'technical assistance' to troops in Marawi - AFP". Rappler. 6 Hunyo 2017. Nakuha noong 7 Hunyo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. https://www.voanews.com/a/embassy-us-forces-help-fight-militants-in-marawi/3894841.html
  4. "Australia to send spy planes to help Philippines fight militants". Reuters. 23 Hunyo 13:41:10 UTC 2017. Nakuha noong 25 Hunyo 2017. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)
  5. "Duterte thanks China for firearms, ammo vs Mautes". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-11-20. Nakuha noong 2017-07-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Banaloi, Rommel C. (15 Hunyo 2017). "The Maute Group and rise of family terrorism". Rappler.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Battle in southern Philippines is related to Duterte's drug war, says finance chief".
  8. Mangosing, Divina Suson and Allan Nawal, Frances G. "BREAKING: Lorenzana says Marawi City siege is over". Newsinfo.inquirer.net. Nakuha noong 25 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  9. News, ABS-CBN. "READ: Proclamation of martial law in Mindanao". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Hulyo 2017. {{cite news}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Congress extends martial law to December 31". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-07-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Martial Law extended until December 31, 2018". GMA News. Disyembre 13, 2017. Nakuha noong Disyembre 13, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "7 Maute brothers confirmed dead". The Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-12-21. Nakuha noong 2017-12-20.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "'Terrorists will crumble': Military kills Isnilon Hapilon, Omar Maute". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-17. Nakuha noong 2017-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Philippine troops kill two militant leaders allied to IS group
  15. http://www.straitstimes.com/asia/se-asia/philippines-says-big-possibility-key-malaysian-militant-mahmud-ahmad-killed-in-marawi
  16. Amy Chew (17 Oktubre 2017). "Dead or alive? Hunt is on in Marawi for Malaysia's most wanted terrorist". Channel NewsAsia. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Oktubre 2017. Nakuha noong 17 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. http://www.gmanetwork.com/news/news/regions/630535/malaysian-bandit-leader-amin-bacu-believed-killed-in-final-clashes-in-marawi/story/
  18. "Malaysian now leading Maute-ISIS bandits still in Marawi, source says". GMA News. 21 Oktubre 2017. Nakuha noong 21 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Philippine military confirms US forces providing support against militants allied to Islamic State". CNBC. Reuters. 10 Hunyo 2017. Nakuha noong 10 Hunyo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Caleb Weiss (5 Hunyo 2017). "Islamic State video shows destruction of church in Marawi". Long War Journal. Nakuha noong 7 Hunyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. https://www.thestar.com/news/world/2017/06/01/philippine-airstrike-accidentally-kills-11-soldiers-in-besieged-city-marawi.html
  22. Marawi siege will be over in 3 days, Lorenzana tells House panel
  23. More slain Maute, Abu men recovered from battle zone
  24. "10 Militant Reinforcements Slain in Marawi as Troops Advance". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-20. Nakuha noong 2017-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Camille Diola (1 Hunyo 2017). "Revising estimates, DND says 500 militants involved in Marawi". The Phiippine Star. Nakuha noong 1 Hunyo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Marawi debacle a failure of intelligence — DND". 25 Hulyo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Hulyo 2017. Nakuha noong 27 Hulyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Jon Emont and Felipe Villamor (20 Hulyo 2017). "ISIS' Core Helps Fund Militants in Philippines, Report Says". The New York Times. Nakuha noong 20 Hulyo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Filipino troops battling final 30 IS-linked gunmen in Marawi". Associated Press. 22 Oktubre 2017. Nakuha noong 22 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "AFP report on Marawi death toll: 603 terrorists, 130 soldiers, 45 civilians". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-30. Nakuha noong 2017-08-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Islamic freedom fighters, Abu Sayyaf next after Maute 'wipeout' — defense chief". The Manila Times. 24 Oktubre 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Oktubre 2017. Nakuha noong 22 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Philippine defense secretary declares end of combat operations in Marawi". Xinhua News Agency. 23 Oktubre 2017. Nakuha noong 23 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. 2 Maute terrorists arrested after fleeing Marawi
  33. "Philippines says Islamist fighters on back foot in besieged city". 8 Hunyo 2017. Nakuha noong 10 Hunyo 2017 – sa pamamagitan ni/ng Reuters.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Another civilian dies from stray bullet in Marawi". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-16. Nakuha noong 2017-09-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Duterte: "That war in Marawi will continue until the last terrorist is taken out"". Minda News. 2 Hulyo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Hulyo 2017. Nakuha noong 2 Hulyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. 36.0 36.1 36.2 "Counting the dead in Marawi: of 384, at least 50 civilian deaths confirmed". Minda News. 21 Hunyo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Hunyo 2017. Nakuha noong 21 Hunyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. 37.0 37.1 Marawi crisis death toll breaches 200
  38. http://www.theaustralian.com.au/news/latest-news/16-bodies-found-after-marawi-fighting/news-story/883d253a3bbbf05c4ff30ffc73b7b3ec
  39. "19 Civilians Killed, 85,000 Displaced as Philippines Continues to Battle Islamist Militants in Mindanao". IntelligencerPost. 29 Mayo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-05-29. Nakuha noong 2017-05-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "2,000 trapped in Marawi fighting". BorneoPost Online - Borneo , Malaysia, Sarawak Daily News. 28 Mayo 2017. Nakuha noong 28 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Tarrazona, Noel (29 Mayo 2017). "Mindanao crisis: Filipino senator asks Duterte's ministers not to disregard Constitution". International Business Times Singapore.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Marawi crisis | The latest from Inquirer News". newsinfo.inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Hulyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "Marawi Clash: Special coverage". Rappler. 25 Mayo 2017. Nakuha noong 26 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Placido, Dharel (2 Hunyo 2017). "Marawi City siege death toll reaches 175". ABS-CBN News. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hunyo 2017. Nakuha noong 7 Hunyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. 45.0 45.1 45.2 "Marawi crisis: What we know so far". The Philippine Star. 25 Mayo 2017. Nakuha noong 25 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "Marawi: City destroyed in Philippines' longest urban war". Inquirer News. 19 Oktubre 2017. Nakuha noong 19 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "TIMELINE: Maute attack in Marawi City". ABS-CBN News. 23 Mayo 2017. Nakuha noong 24 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. 48.0 48.1 48.2 Morallo, Audrey (23 Mayo 2017). "AFP: Marawi clashes part of security operation, not terrorist attack". The Philippine Star. Nakuha noong 23 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. 49.0 49.1 Nery, J. (24 Mayo 2017). "Key facts about a tumultuous Tuesday in Marawi City". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 24 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "UCCP Statement on the Burning of Dansalan College". Nakuha noong 25 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "Mindanao: Churchgoers 'taken hostage' amid Marawi siege". Al Jazeera. 24 Mayo 2017. Nakuha noong 28 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Lim, A. (26 Mayo 2017). "AFP: Foreign terrorists are fighting alongside Maute group in Marawi". The Standard (Philippines). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Enero 2018. Nakuha noong 26 Mayo 2017. {{cite web}}: Text "The Standard" ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "Maute plans to raise ISIS flags at Lanao capitol, Marawi city hall to declare 'wilayat'". GMA Network. 27 Mayo 2017. Nakuha noong 28 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. Duterte: Marawi 'liberated' from ISIL-linked fighters
  55. http://www.abc.net.au/news/2017-10-23/philippines-troops-find-dozens-dead-as-warawi-siege-ends/9077096
  56. 56.0 56.1 Francisco, K. (24 Mayo 2017). "FAST FACTS: What you should know about the Maute Group". Rappler. Nakuha noong 26 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. Esguerra, C.V. (21 Setyembre 2014). "Aquino downplays ISIS threat in PH". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 27 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "No ISIS in Mindanao – Aquino". The Manila Times. 9 Marso 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Marso 2016. Nakuha noong 27 Marso 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. Ressa, M.A. (4 Agosto 2014). "Senior Abu Sayyaf leader swears oath to ISIS". Rappler. Nakuha noong 30 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. Santos, E.P. (28 Abril 2016). "Aquino says he was a target of the Abu Sayyaf, but Malacañang refuses to give details". CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Abril 2020. Nakuha noong 30 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. "Aquino: Abu Sayyaf also plotted to kidnap Pacquiao, Kris". Philippine Daily Inquirer. 27 Abril 2016. Nakuha noong 30 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. Alvarez, K.C. (27 Abril 2016). "PNoy: Abu Sayyaf plotted to kidnap Kris, Pacquiao". GMA News. Nakuha noong 30 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. "TV Patrol: Duterte, may banta sa Maute group". ABS-CBN News. 30 Nobyembre 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. Macas, Trisha (30 Nobyembre 2016). "Duterte to Maute group: Do not force my hand into war". GMA News.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. Dioquino, R.J. (2 Disyembre 2016). "In parting message, Maute fighters threaten to behead military, Duterte". GMA Network. Nakuha noong 26 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  66. "Duterte dared Maute group to attack Marawi in December 2016 speech". ABS-CBN News. 25 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. "Wallace Business Forum Dinner with President Rodrigo Roa Duterte 12/12/2016". RTVMalacanang. 12 Disyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. Agence France-Presse; Zambrano, C. (11 Abril 2017). "Several killed as Abu Sayyaf, military clash in Bohol". ABS-CBN News. Nakuha noong 27 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  69. 69.0 69.1 69.2 Fonbuena, C. (29 Mayo 2017). "How a military raid triggered Marawi attacks". Rappler. Nakuha noong 30 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  70. "Islamic State details activity in the Philippines - The Long War Journal".
  71. Morales, Yvette (24 Mayo 2017). "Duterte declares martial law in Mindanao". CNN Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Hulyo 2018. Nakuha noong 24 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. "Leni calls for unity amid Marawi siege". ABS-CBN News. 24 Mayo 2017. Nakuha noong 24 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  73. Adel, Rosette (24 Mayo 2017). "Robredo calls for donation for Marawi attack victims". Philippine Star.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  74. "Groups call for donations for crisis-hit Marawi". Rappler. 24 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. "Robredo orders relief operations amid Marawi clashes". Rappler. 24 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  76. . Philippine Daily Inquirer https://newsinfo.inquirer.net/900336/us-embassy-advises-citizens-of-possible-checkpoints-in-metro-manila. Nakuha noong 29 Mayo 2017. {{cite news}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  77. Hernandez, Zen (16 Hunyo 2017). "DepEd calls for donations for displaced Marawi students". ABS-CBN News. Nakuha noong 16 Hunyo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  78. De Vera-Ruiz, Ellalyn (11 Hunyo 2017). "DSWD to give one-time cash aid to families displaced due to Marawi crisis". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hulyo 2018. Nakuha noong 16 Hunyo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  79. Terrorists killed in Philippine Marawi conflict exceed 500
  80. "Body of Singaporean fighter recovered in Marawi: Philippine joint task force". Channel NewsAsia. 5 Hulyo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hulyo 2017. Nakuha noong 5 Hulyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  81. "Philippines: Malaysian financier believed killed in siege". The Daily Astorian. 23 Hunyo 2017. Nakuha noong 23 Hunyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  82. 242 Maute group members killed in Marawi —AFP
  83. [1]
  84. http://www.pna.gov.ph/articles/994771
  85. "Philippines launches air strikes in bid to retake ISIS-occupied city". CNN. 30 Mayo 2017. Nakuha noong 30 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  86. "AFP: 61 Maute members already killed". Manila Bulletin News. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Mayo 2017. Nakuha noong 28 Mayo 2017. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  87. 87.0 87.1 Wakefield, Francis (26 Mayo 2017). "31 Maute terrorists, 6 soldiers killed in ongoing military operations in Marawi City". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Mayo 2017. Nakuha noong 26 Mayo 2017. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  88. https://www.washingtonpost.com/world/asia_pacific/philippines-forces-hit-militants-civilians-wave-white-flags/2017/05/27/791d7b5a-4295-11e7-b29f-f40ffced2ddb_story.html?utm_term=.d133cf167e1c[patay na link]
  89. Cupin, Bea (26 Mayo 2017). "6 foreigners among terrorists killed in Marawi – AFP". Rappler. Nakuha noong 26 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  90. 90.0 90.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-05-28. Nakuha noong 2017-05-28.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  91. Terrorists holding out 70 days into Philippine battle
  92. AFP death toll now at 85 in Marawi; DND chief cites many injuries
  93. 93.0 93.1 "Marawi death toll: 82 gov't troops killed, 39 civilians slain". Rappler. 1 Hulyo 2017. Nakuha noong 1 Hulyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  94. http://www.gmanetwork.com/news/news/regions/613984/13-marines-killed-40-hurt-in-16-hour-clash-with-maute-members/story/
  95. Tesiorna, Ben (25 Mayo 2017). "Authorities round up 250 persons of interest in Davao". CNN Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Hulyo 2017. Nakuha noong 25 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  96. Cerojano (25 Mayo 2017). "Filipino troops, gunships fight militants in southern city". NY Daily News. The Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Mayo 2017. Nakuha noong 27 Mayo 2017. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  97. Fernandez, Edwin (25 Mayo 2017). "Cop killed in Marawi attack had dreams of becoming a lawyer". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 25 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  98. 98.0 98.1 Alconaba, Nico (26 Mayo 2017). "Duterte Misinformed? Town police chief not beheaded. says: 'Am still alive'". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 26 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  99. Gagalac, Ron (24 Mayo 2017). "At least 2 civilians dead in Marawi attack". ABS-CBN News. Nakuha noong 26 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  100. Gagalac, Ron (26 Mayo 2017). "3 more civilians killed, more wounded as Marawi clashes continue". ABS-CBN News.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  101. Wounded troops in Marawi City tiff now at 852
  102. "Duterte: Maute terrorists beheaded local police chief". ABS-CBN News. Agence France-Presse. 25 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  103. Rauhala, Emily (26 Mayo 2017). "In declaring martial law, Duterte cited the beheading of a police chief — who is still alive". The Washington Post.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  104. "The Latest: Foreign fighters among militants in Philippines". Associated Press. 26 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  105. Andong, L.M.L.; Arevalo, R. (27 Mayo 2017). "Police chief thought to have been beheaded says it wasn't him". ABS-CBN News. Nakuha noong 28 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  106. "Winning the war with IS in the Philippines, but losing the peace". The Economist. 20 Hulyo 2017. Nakuha noong 22 Hulyo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  107. "Philippines: 59 Marawi city evacuees die of diseases". Anadolu Agency. 16 Hunyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  108. "'No failure of intelligence in Marawi'". The Philippine Star. 18 Hunyo 2017. Nakuha noong 18 Hunyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  109. News, ABS-CBN. "Ubial denies deaths of 59 Marawi evacuees". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-07-22. {{cite news}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  110. "Ubial denies reports 59 Marawi refugees have died in evacuation centers". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-07-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  111. "DOH denies citing 59 evacuees from Marawi died of various illnesses" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-06-19. Nakuha noong 2017-07-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  112. "Netizens terrified or trusting of martial law in Mindanao". Rappler.com. 2017-05-14. Nakuha noong 2017-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  113. "#PrayForMarawi trends on social media". CNN Philippines. 24 Mayo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Disyembre 2017. Nakuha noong 24 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  114. Cupin, Bea (24 Mayo 2017). "PNP: Limit Marawi posts to 'what you know, what you see'". Rappler. Nakuha noong 24 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  115. Nelz, Jay Nelz (24 Mayo 2017). "Pinoy Celebrities React To Ongoing Marawi City Clash". Philippine News. PhilNews.ph. Nakuha noong 25 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  116. Musico, J.F. (25 Mayo 2017). "PHL's crackdown on terrorism gets China's support". Philippine News Agency. Nakuha noong 26 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  117. "Malaysia to tighten borders after Duterte announces martial law: Report". Today Online. 25 Mayo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Mayo 2017. Nakuha noong 25 Mayo 2017. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  118. Mateo, Janvic (28 Mayo 2017). "Malaysia offers help in Philippines fight vs terrorists". The Philippine Star. Nakuha noong 28 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  119. Macas, T. (24 Mayo 2017). "Putin condoles with Marawi clash victims". GMA News. Nakuha noong 24 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  120. "UK warns vs travel to Marawi City, rest of western Mindanao | ABS-CBN News". News.abs-cbn.com. 2017-05-24. Nakuha noong 2017-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  121. "U.S. assures PH of support as clashes continue in Marawi". ABS-CBN News. 25 Mayo 2017. Nakuha noong 26 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]