Palarong Olimpiko sa Tag-init 1896
Cover ng opisyal na ulat para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1896 | |
| Punong-abala | Atenas, Gresya |
|---|---|
| Bansa | 14 |
| Atleta | 241 (lahat lalaki) |
| Paligsahan | 43 sa 9 na paligsahan (10 disiplina) |
| Binuksan | Kalendaryong Gregoryano: 6 Abril 1896 Kalendaryong Huliyano: 25 Marso 1896 |
| Sinara | Kalendaryong Gregoryano: 15 Abril 1896 Kalendaryong Huliyano: 3 Abril 1896 |
| Binuksan ni | |
| Estadyo | Estadyo Panatinaiko |
Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init ng 1896 (Griyego: Θερινοί Ολυμπιακοί Αγώνες 1896, romanisado: Therinoí Olympiakoí Agónes 1896), opisyal na kilala bilang ang Mga Laro ng I Olimpiyada (Griyego: Αγώνες της 1ης Ολυμπιάδας, romanisado: Agónes tis 1is Olympiádas) at karaniwang kilala bilang Athens 1896 (Griyego: Αθήνα 1896), ay ang unang internasyonal na Palarong Olimpiko na ginanap sa modernong kasaysayan. Itinatag ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko (IOC), na nilikha ng aristokratang Pranses na si Pierre de Coubertin, ginanap ang Palaro sa Atenas, Gresya, mula 6 hanggang 15 Abril 1896.
Labing-apat na bansa at 241 mga atleta (lahat lalaki) ang lumahok sa Palaro.[1] Maliban sa koponan ng Estados Unidos, lahat ng mga atleta ay Europeo o di kaya'y naninirahan sa Europa. Sa aktwal na Palaro, binigyan ang mga nanalo ng medalyang pilak, habang binigyan naman ng mga medalyang tanso ang mga pumangalawa.[2] Para umakma naman sa modernong pagtatala sa mga nanalo, pinalitan ito ng IOC ng ginto para sa mga nanalo, pilak para sa mga pumangalawa, at tanso para naman sa mga pumangatlo. Nakakuha ng medalya ang sampu sa 14 na bansang lumahok sa Palaro. Pinakamaraming nakuhang ginto ang Estados Unidos, kung saan nakahakot sila ng 11 sumatotal, habang ang punong-abalang bansa naman na Gresya ang nakakuha ng pinakamaraming medalya sa lahat-lahat, kung saan nakakuha sila ng 46 sumatotal. Ang pagkapanalo ni Spyridon Louis sa maraton ang itinuturing na pinaka-highlight ng Palaro para sa mga Griyego. Gayunpaman, ang pinakamatagumpay na atleta sa Palaro ay si Carl Schuhmann ng Alemanya, isang mambubuno at himnasta, kung saan naipanalo niya ang apat na paligsahan. Lagpas 65% sa mga atleta ay Griyego.
Walang pumalag sa pagpili sa Atenas bilang ang punong-abalang lungsod sa kauna-unahang edisyon ng modernong Palaro sa kongresong inorganisa ni Coubertin sa Paris noong ika-23 ng Hunyo 1894 dahil sa kadahilanan na ang Gresya ang lugar kung saan ginanap ang Sinaunang Palarong Olimpiko. Ang pangunahing estadyo ng Palaro ay ang Estadyo Panatinaiko, kung saan ginanap rin ang mga paligsahan sa atletika (athletics) at pagbubuno (wrestling). Ginamit rin ang mga Belodromo ng New Phaliron para sa pagsisiklista, gayundin ang Zappeion para naman sa eskrima (fencing). Pormal na binuksan ang Palaro noong ika-6 ng Abril sa Estadyo Panatinaiko. Matapos magbigay ng isang mensahe si Prinsipe Konstantino ng Gresya, na siyang pangulo rin ng komite sa pag-oorganisa sa Palaro, binuksan ng kanyang amang si Haring Jorge I. Matapos nito, itinanghal ng siyam na banda at 150 mang-aawit sa koro ang Himno Olimpiko, isang komposisyon ni Spyridon Samaras at titik ng makatang si Kostis Palamas.
Isang tagumpay ang itinuring sa Olimpiko ng 1896. Ang Mga Laro ay may pinakamalaking internasyonal na pakikilahok ng anumang kaganapang pampalakasan hanggang sa petsang iyon.[3] Estadyo Panatinaiko ay umapaw sa pinakamaraming tao na nanood ng isang sporting event. Pagkatapos ng mga Laro, si Coubertin at ang IOC ay hiniling ng ilang kilalang tao, kabilang si Haring Jorge ng Gresya at ilan sa mga Amerikanong katunggali sa Atenas, na idaos ang lahat ng mga sumusunod na Laro sa Atenas. Gayunpaman, ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 1900 ay planado na para sa Paris, at, maliban sa Palarong Interkalado 1906, hindi bumalik ang Olimpiko sa Gresya hanggang sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004, 108 taon ang nakalipas.
Pagpapanumbalik ng mga Palaro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong ika-19 na siglo, ilang maliliit na pagdiriwang ng palakasan sa buong Europa ang pinangalanan sa Sinaunang Palarong Olimpiko. Ang Olimpiko sa taong 1870 sa Estadyo Panatinaiko, na inayos para sa okasyon, ay dinaluhan ng 30,000 katao. Ipinagpatibay ni Pierre de Coubertin, isang mananalaysay at tagapagturong Pranses, ang ideya ni William Penny Brookes na magtatag ng isang pambansang maramihan at palakasang maramihan na kaganapan.[4][5] Noong 1890, sumulat si Coubertin ng isang artikulo sa La Revue Athlétique, na nagtataguyod ng kahalagahan ng Much Wenlock, isang bayan sa kanayunan sa kondadong Ingles ng Shropshire. Dito, noong Oktubre 1850, itinatag ng lokal na manggagamot na si William Penny Brookes ang Wenlock Olympian Games, isang pagdiriwang ng mga palakasan at libangan na kinabibilangan ng atletiks at mga larong pangkoponan, tulad ng kriket, futbol at quoits.[6] Kumuha rin ng inspirasyon si Coubertin mula sa mga naunang larong Griyego na inorganisa sa ilalim ng pangalan na Olimpiko ng negosyante at pilantropo na si Evangelis Zappas noong 1859, 1870 at 1875.[7] Pinondohan ng mga pamana ni Evangelis Zappas at ng kaniyang pinsan na si Konstantinos Zappas ang Palaro sa Atenas noong 1896,[8][9] at ni George Averoff, na partikular na hiniling ng pamahalaan ng Gresya, sa pamamagitan ng prinsipeng tagapagmana na si Constantine, na i-sponsor ang ikalawang pagsasaayos ng Estadyo Panatinaiko. Ginawa ito ng pamahalaan ng Gresta sa kabila ng gastos sa pag-aayos ng estadyo sa marmol na pinondohan nang buo ni Evangelis Zappas apatnapung taon na ang nakalilipas.
Noong 18 Hunyo 1894, nag-organisa si Coubertin ng isang kongreso sa Sorbonne, Paris, upang ipakita ang kaniyang mga plano sa mga kinatawan ng mga lipunan ng mga isport mula sa 11 bansa. Kasunod ng pagtanggap ng kaniyang panukala ng kongreso, kailangang pumili ng petsa para sa unang modernong Palarong Olimpiko. Iminungkahi ni Coubertin na ang Palaro ay gaganapin kasabay ng 1900 Universal Exposition ng Paris. Sa pag-aalala na maaaring mabawasan ang interes ng publiko sa anim na taong paghihintay, pinili ng mga miyembro ng kongreso na isagawa ang Palaro sa taong 1896.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Athens 1896 Summer Olympics". Olympics.com (sa Ingles). International Olympic Committee. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Mayo 2025. Nakuha noong 28 Hulyo 2025.
- ↑ "Olympic Summer Games Medals from Athens 1896 to Tokyo 2020" (PDF). olympic.org. The Olympics Study Center. 10 Setyembre 2019. Nakuha noong 28 Hulyo 2025.
- ↑ Young, David C. (1996). The Modern Olympics: A Struggle for Revival (sa Ingles). Baltimore: Johns Hopkins University Press. ISBN 0-8018-7207-3.
- ↑ Bijkerk (2004), 457
- ↑ Toohey (2007), 20
- ↑ Mullins, "Pierre de Coubertin and the Wenlock Olympian Games"
- ↑ Matthews (2005), 66; Young (1996), 81
- ↑ Memoire sure le conflit entre la Grece et la Roumanie concernant l'affaire Zappa – Athens 1893, by F. Martens
- ↑ L'affaire Zappa – Paris 1894, by G. Streit
Karagdagang pagbabasa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bijkerk, Anthony T. (2004). "Pierre de Coubertin". Mula sa John E. Findling, Kimberly D. Pelle (pat.). Encyclopedia of the Modern Olympic Movement. Greenwood Publishing Group. ISBN 0-313-32278-3. OCLC 52418065.
- Matthews, George R. (2005). "The Ghost of Plato". America's First Olympics: The St. Louis Games Of 1904. University of Missouri Press. ISBN 0-8262-1588-2. OCLC 58468164. Nakuha noong 28 Hulyo 2025.
- Mullins, Samuel P. "Pierre de Coubertin and the Wenlock Olympian Games". Proceedings of the International Olympic Academy–Selected 1980s Proceedings. University of Leeds. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2011. Nakuha noong 28 Hulyo 2025.
- Toohey, Kristine (2007). The Olympic Games: A Social Sciences Perspective. CABI. ISBN 978-1-84593-355-5.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.