Pumunta sa nilalaman

Taylandiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Phimai)
Kaharian ng Taylandiya
  • ราชอาณาจักรไทย (Thai)
  • Ratcha-anachak Thai
Watawat ng Taylandiya
Watawat
Emblema ng Taylandiya
Emblema
Awiting Pambansa: เพลงชาติไทย
Phleng chāt Thai
"Awiting Pambansa ng Taylandiya"


Awiting Makahari: สรรเสริญพระบารมี
Sansoen Phra Barami
"Luwalhatiin ang Kanyang Prestihiyo"
Kinaroroonan ng  Taylandiya  (green)

– sa Asia  (grey)
– sa ASEAN  (grey)

Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Bangkok
13°45′N 100°29′E / 13.750°N 100.483°E / 13.750; 100.483
Official language
and national language
Tailandes
KatawaganTailandes
Siames
PamahalaanUnitary parliamentary semi-democratic constitutional monarchy
• Monarch
Vajiralongkorn (Rama X)
Paetongtarn Shinawatra
LehislaturaNational Assembly
• Mataas na Kapulungan
Senate
• Mababang Kapulungan
House of Representatives
Formation
1238–1448
1351–1767
1767–1782
6 April 1782
24 June 1932
6 April 2017
Lawak
• Kabuuan
513,120 km2 (198,120 mi kuw) (50th)
• Katubigan (%)
0.4 (2,230 km2)
Populasyon
• Pagtataya sa 2024
65,975,198[1] (22nd)
• Senso ng 2010
64,785,909[2] (21st)
• Densidad
132.1/km2 (342.1/mi kuw) (88th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
Increase $1.644 trillion[3] (23rd)
• Bawat kapita
Increase $23,401[3] (74th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
Increase $548.890 billion[3] (26th)
• Bawat kapita
Increase $7,812[3] (88th)
Gini (2021)35.1[4]
katamtaman
TKP (2022)Increase 0.803[5]
napakataas · 66th
SalapiBaht (฿) ([[ISO 4217|THB]])
Sona ng orasUTC+7 (ICT)
Ayos ng petsadd/mm/yyyy (BE)
Gilid ng pagmamanehokaliwa
Kodigong pantelepono+66
Internet TLD

Ang Taylandiya,[6] opisyal na Kaharian ng Taylandiya, ay bansang matatagpuan sa Timog-Silangang Asya na nasa Tangway ng Indotsina. Napapalibutan ito ng Laos at Cambodia sa silangan, Tangway ng Thailand at Malaysia sa timog, at Dagat Andaman at Myanmar sa kanluran. Nakilala ang Thailand bilang Siam, na naging opisyal na pangalan hanggang 11 Mayo 1949. Nangangahulugang "kalayaan" ang salitang Thai (ไทย) sa wikang Thai. Pangalan din ito ng mga grupong etnikong Thai na nagdudulot sa ilang nakatira dito, partikular ang mga kalakihang minoryang Tsino, na patuloy na tawagin ang bansa bilang Siam.

Dahil sa heograpikal na lokasyon, ang kultura ng mga Thai ay labis na naimpluwensiyahan ng Tsina at ng India. Subalit, marami ring mga kakaibang kulturang umusbong sa Thailand simula noong nagsimula ang kultura ng Baan Chiang.

Ang unang estadong Thai na nabuo ay nagsimula sa isang Kahariang Budhista ng Sukhothai noong 1238, kasunod ng paghina at pagbagsak ng Emperyong Khmer noong ika-13 hanggang ika-15 siglo.

Isang siglo ang lumipas, ang kapangyarihan ng Sukothai ay natabunan ng mas malaking kaharian ng mga Ayutthaya, na nabuo noong kalagitnaan ng ika-14 na siglo, matapos masakop ang Angkor noong 1431, halos lahat ng korte at mga kaugaliang Hindu ay dinala sa Ayutthaya, at ang mga kaugalian at mga ritwal ay kinuha ng kultura ng mga Siam.

Pagkatapos ng pagbagsak ng Ayutthaya noong 1767, Ang Thonburi ay naging kabisera ng Thailand sa sandaling panahon sa ilalim ni Dakilang Haring Taksin, hanggang magkaroon ng kudeta noong 1782.

Ang kapangyarihang Europeo ay nagsimulang dumating noong ika-16 na siglo. Kahit na malakas ang mga Europeo, ang Thailand ay nag-iisang bansa na hindi nasakop sa Timog Silangang Asya. Ang dalawang pangunahing dahilan nito ay dahil ang Thailand ay may matagal na pagpapasa ng mga mahuhusay na pinuno noong 1800 na nakayang gamitin ang tensiyon sa pagitan ng Pranses at mga Briton.

Noong 1932, isang mapayapang himagsikan ang nagresulta sa isang bagong monarkiyang konstitusyunal. Noong digmaan, ang Thailand ay kakampi ng Hapon. Ngunit pagkatapos ng digmaan, naging kakampi naman ito ng Estados Unidos. Ang Thailand ay nagkaroon ng walang katiyakang pamahalaan, kaya't dumaan ito sa mga sunod sunod na kudeta, ngunit natuloy din ito sa demokrasya noong 1980.

Noong 1997, ang Thailand ay tinamaan ng krisis pinansiyal ng Asya kaya ang baht ay nagkahalaga ng 56 baht bawat isang dolyar EU kumpara sa 25 na baht noong bago pa tumama sa bansa ang krisis.

Ang pinuno ng pamahalaan ay ang Punong ministro, na pinipili ng hari mula sa mga kasapi ng mababang kapulay kaunting direktang kapangyarihan ayon sa konstitusyon; subalit, bilang haungan ng parliyamento, na kadalasang pinuno ng partido ng mayorya, politika, at pamahalaan.

Ang Hari ay simbolo ng pambansang pagkakakilanlan at ang napiling nakapagtanggol. Kadalasang tinatalaga ng Punong Ministro ang gabinete.

Ang parliyamento ay tinatawag na Pambasang Kapulungan (รัฐสภา, rathasapha) at ang kanyang kamara: na binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan (สภาผู้แทนราษฎร, sapha phuthaen ratsadon) na may 500 pwesto at ang Senado (วุฒิสภา, wuthisapha) na may 200 pwesto. Ang mga kasapi ng parehong Kapulungan ay inihahalal sa pamamagitan ng pouplar na botohan. Ang sistema ng hudikatura (ศาล, saan) ay may tatlong antas, ang pinakamataas ay ang Kataastaasang Hukuman (ศาลฎีกา, sandika).

Aktibong kasapi ang Thailand ng ASEAN.

Pagkakahating Administratibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Thailand ay nahahati sa 75 mga lalawigan (จังหวัด, changwat) na pinagsama-sama sa limang pangkat ayon sa lokasyon. Mayroong 2 espesyal na pinamamahalaang distrito: ang kabiserang lungsod na Bangkok (Krung Thep Maha Nakhon sa Thai) at Pattaya. Ang Bangkok ay nasa panglalawigang antas, samantalang ang Pattaya ay bahagi ng lalawigan ng Chon Buri. Ang ibang mamamayang Thai ay binibilang pa rin ang Bangkok bilang lalawigan, kaya naging 76 lalawigan ang bansa ng Thailand.

Nahahati ang bawat lalawigan sa maliliit na mga distrito. Noong 2000, mayroong 796 na distrito (อำเภอ, amphoe), 81 mas maliliit na distrito (กิ่งอำเภอ, king amphoe), at 50 distrito ng Bangkok (เขต, khet). Ang ibang bahagi ng lalawigan na naghahanggan sa Bangkok ay tinatawag din na Kalakhang Bangkok (ปริมณฑล, pari monthon). Ang mga lalawigan na ito ay ang Nonthaburi, Pathum Thani, Samut Prakan, Naon Pathom, Samut Sakhon. Ang pangalan ng bawat kabiserang lungsod (เมือง, mueang) ay katulad din ng sa lalawigan nito. halimbawa, ang kabisera ng lalawigan ng Chiang Mai (changwat Chiang Mai) ay Mueang Chiang Mai. Ang 76 na lalawigan ay ang sumusunod:

Mga lalawigan ng Thailand
  1. Ang Thong
  2. Phra Nakhon Si Ayutthaya
  3. Bangkok (Krung Thep Maha Nakhon), Espesyal na pinamamahalang Distrito [1]
  4. Chai Nat
  5. Kanchanaburi [2]
  6. Lop Buri
  7. Nakhon Nayok
  8. Nakhon Pathom [1]
  9. Nonthaburi [1]
  10. Pathum Thani [1]
  11. Phetchaburi [2]
  12. Prachuap Khiri Khan [2]
  13. Ratchaburi [2]
  14. Samut Prakan [1]
  15. Samut Sakhon [1]
  16. Samut Songkhram [2]
  17. Saraburi
  18. Sing Buri
  19. Suphan Buri
  1. Chachoengsao
  2. Chanthaburi
  3. Chonburi
  4. Prachinburi
  5. Rayong
  6. Sa Kaeo
  7. Trat
  1. Chiang Mai
  2. Chiang Rai
  3. Kamphaeng Phet
  4. Lampang
  5. Lamphun
  6. Mae Hong Son
  7. Nakhon Sawan
  8. Nan
  9. Phayao
  10. Phetchabun
  11. Phichit
  12. Phitsanulok
  13. Phrae
  14. Sukothai
  15. Tak
  16. Uthai Thani
  17. Uttaradit
  1. Allan Charoen
  2. Bueng kan
  3. Buri Ram
  4. Kalasin
  5. Khon Kaen
  6. Loei
  7. Maha Sarakham
  8. Mukdahan
  9. Nakhon Phanom
  10. Nakhon Ratchasima
  11. Nong Bua Lamphu
  12. Nong Khai
  13. Roi Et
  14. Sakon Nakhon
  15. Si Sa Ket
  16. Surin
  17. Ubon Ratchathani
  18. Udon Thani
  19. Yasothon
  1. Chumpon
  2. Kirabai
  3. Naykhon Si Thammarate
  4. Nazathiwat
  5. Pattangi
  6. Phanga Nganga
  7. Phaty thalung
  8. Phunket
  9. Ranenong
  10. Satunii
  11. Song ko hlua
  12. Suret Tanai
  13. Tiranag
  14. Yolo

Ika-50 pinakamalaking bansa sa buong mundo ang Thailand na may kabuuang sukat na 513,000 km² (198,000 mi²). Maaaring ihambing ito sa laki ng Espanya, at may kalakihan lang ng unti sa estado ng California ng Estados Unidos. Bahagyang mas-maliit din ito sa sukat ng Yemen.

Ang Thailand ay kinapapalooban ng mga katangi-tanging rehiyong heograpikal, na tumutukoy sa mga pangkat panglalawigan. Ang mga lupain sa hilaga ay mabundok, na may pinakamataas na tuktok sa Doi Inthanon na may taas na 2,576 metro (8,451 talampakan). Ang hilagang silangan ay binubuo ng Talampas ng Khorat, na naghahanggan sa silangan ng Ilog Mekong. Ang gitnang bahagi ng bansa ay binubuo halos ng kapatagang lupa. Ang timog ay binubuo ng makitid na Kra Isthmus na lumalaki habang patungong tangway ng Malay.

Karamihan sa populasyon ng Thailand ay mula sa iba't ibang pangkat ng mga taong Tai. Ang ilan sa kanila ay ang, taga-Gitnang Thai, Ang taga-Hilagang silangang hai o Isan o Lao, Ang taga-Hilagang Thai, at ang mga taga-Katimugang Thai. Ang mga taga-Gitnang Thai ay matagal nang dominado sa politika, ekonomiya, at kultura ng bansa, kahit na binubuo lamang sila ng isang katlo ng ng populasyon ng Thailand at bahagya lamang ang mga taga Hilagang silangang Thai. Dahil sa sistemang pangedukasyon at sa pagpapatibay ng pambansang pagkakakilanlan, karamihan sa mga tao ay nakakapagsalita ng salita ng Gitnang Thai pati na rin ang kanilang mga sariling lokal na diyalekto.

Ang Wikang Thai ay ang pambansang wika ng Thailand, na isinusulat sa sarili nitong sistema, subalit maraming mga etniko at mga rehiyonal na diyalekto ang ginagamit din sa mga pook na ang nakararami ay mga nagsasalita ng Isan o Mon-Khmer. Kahit na itinuturo ang Ingles sa lahat ng paaralan, mababa pa rin ang kagalingan ng mga ito.

Mga mag-aaral ng Mababang Paaralan sa Thailand

Mataas ang antas ng kamuwangan sa Thailand, at ang edukasyon ay naibibigay ng isang maayos na sistemang pam-paaralan ng kindergarten, mababang paaaralan, mababa at mataas na sekondarya, maraming dalubhasaang bokasyunal, at mga pamantasan. Ang pribadong sektor ng edukasyon ay mahusay ang pagkakabuo at malaki ang naitutulong sa pangkalahatang pamamahala ng edukasyon kung saan hindi kayang maibigay ng pamahalaan sa mga mga pampubliko nitong paaralan. Ang edukasyon ay sapilitan hanggang ika-9 na baitang, at ang pamahalaan ay nagbibigay ng libreng edukasyon hanggang ika-12 Baitang.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Thailand". The World Factbook (sa wikang Ingles) (ika-2024 (na) edisyon). Central Intelligence Agency. Nakuha noong 24 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (Nakaarkibong 2022 edisyon)
  2. (sa Thai) National Statistics Office, "100th anniversary of population censuses in Thailand: Population and housing census 2010: 11th census of Thailand" Naka-arkibo 12 July 2012 sa Wayback Machine.. popcensus.nso.go.th.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "World Economic Outlook Database, April 2023". International Monetary Fund. Abril 2023. Nakuha noong Abril 22, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Gini Index". World Bank. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Hulyo 2018. Nakuha noong 12 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 8 Setyembre 2022. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2022. Nakuha noong 8 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Agoncillo, Teodoro A. (1980). Ang Pilipinas at ang mga Pilipino: noon at ngayon. R.P. Garcia Publishing Company. pp. 476, 481.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]