Lalawigan ng Lampang

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Lalawigan ng Lampang

ลำปาง
Watawat ng Lalawigan ng Lampang
Watawat
Opisyal na sagisag ng Lalawigan ng Lampang
Sagisag
Lokasyon sa Thailand
Lokasyon sa Thailand
Bansa Thailand
KabiseraLampang
Pamahalaan
 • GobernadorAmonthat Niratsayakun
Lawak
 • Kabuuan125,340 km2 (48,390 milya kuwadrado)
Hanay sa pagkalawakIka-10
Santauhan
(2000)
 • Kabuuan782,152
 • HanayIka-29
 • Kakapalan6.2/km2 (16/milya kuwadrado)
Pook ng orasUTC+7 (ICT)
Kodigong pantawag(+66) 54
Palahudyatang pang-ISO 3166TH-52
Websaytlampang.go.th

Ang Lalawigan ng Lampang (ลำปาง) ay isang lalawigan (changwat) sa Thailand. Ang dating pangalan ng Lampang ay Khelan Nakhon.

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Bantog ang Lampang sa mga produktong gawa sa ceramics at mga gawaing pagmimina. May mahigit sa 200 pagawaan ng seramiko sa loob at labas ng Distrito ng Lampang. Karamihan as mga pagawaang ito ay maliit at katamtamang laking mga pagawaan na pangunahing gumagawa ng mga paso, mga gamit sa kusina, ang mga materyales sa konstruksiyon (mga tiles, railings). atbp.

Ang pinakamalaking planta ng kuryente sa Thailand ay matatagpuan sa Mae Mo malapit sa minahan ng lignite.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Simula noong ika-7 dantaon ang Lampang ay dating bahagi ng Kaharian ng Haripunchai noong panahong Dvarati ng lahing mga Mon. Noong ika-11 dantaon ang Emperyo ng Khmer ay sinakop ang lupain ng Lampang, subalit sinama ni Haring Mengrai ng Lannthai ang kabuuan ng Kaharian ng Haripunchai sa kanyang Kaharian noong 1292. Pagkatapos bumagsak ng Lannathai ito ay pinamahalaan ng Burma, at pagkatapos ay naging bahagi na ng Thailand noong 1774.

Sagisag[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang panlalawigan sagisag ay nagpapakita ng puting tandang sa loob ng bukana ng templo ng Pra That Lampang Luang. Ayon sa mga katutubong alamat, dinalaw ni Buddha ang lalawigan. Ang diyos na si Indra ay nag-alala na baka ang mga tao ay hindi tumayo ng kusa bilang pagpapakita ng paggalang sa Buddha, kaya't siya ay nag-anyong puting tandang upang gisingin niya ang mga ito.

Pagkakahating Administratibo[baguhin | baguhin ang batayan]

Mapa ng Amphoe

Ang lalawigan ay nahahati sa 13 mga distrito (Amphoe). Ito ay hinati pa sa mga 100 communes (tambon) at 855 mga barangay (muban).

  1. Mueang Lampang
  2. Mae Mo
  3. Ko Kha
  4. Soem Ngam
  5. Ngao
  6. Chae Hom
  7. Wang Nuea
  1. Thoen
  2. Mae Phrik
  3. Mae Tha
  4. Sop Prap
  5. Hang Chat
  6. Mueang Pan

Mga Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]