Lalawigan ng Chanthaburi
Chanthaburi จันทบุรี | |||
---|---|---|---|
| |||
Palayaw: Mueang Chan | |||
Bansag: "น้ำตกลือเลื่อง เมืองผลไม้ พริกไทยพันธุ์ดี อัญมณีมากเหลือ เสื่อจันทบูร สมบูรณ์ธรรมชาติ สมเด็จพระเจ้าตากสินมหาราช รวมญาติกู้ชาติที่จันทบุรี" ("Kilala sa talon, bayan ng Prutas, Mabuting paminta, masaganang hiyas, Banig Chanthaboon, mayaman sa kalikasan, muling pinagsama-sama ni Haring Taksin ng Dakila ang mga mamamayan at binawi ang ating kalayaan sa Chanthaburi") | |||
Map of Thailand highlighting Chanthaburi province | |||
Country | Thailand | ||
Capital | Chanthaburi | ||
Pamahalaan | |||
• Governor | Suthee Thongyam (simula 2020) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 6,338 km2 (2,447 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | Ika-33 | ||
Populasyon (2018)[2] | |||
• Kabuuan | 536,496 | ||
• Ranggo | Ika-49 | ||
• Kapal | 84.6/km2 (219/milya kuwadrado) | ||
• Ranggo sa densidad | Ika-57 | ||
Human Achievement Index | |||
• HAI (2017) | 0.5862 "average" Ranked 38th | ||
Sona ng oras | UTC+7 (ICT) | ||
Postal code | 22xxx | ||
Calling code | 039 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | TH-22 |
Ang Chanthaburi (Thai: จันทบุรี, binibigkas [tɕān.tʰá(ʔ).bū.rīː]; Chong: จันกะบูย chankabui,[4] lit. na 'Ginang Chan, Na may kawali sa kaniyang ulo''[5]) ay isa sa pitong probinsya (changwat) sa silangang Taylandiya, sa hangganan ng Battambang at Pailin ng Camboya, sa baybayin ng Golpo ng Taylandiya. Ang mga karatig na lalawigan ay ang Trat sa silangan at ang Rayong, Chonburi, Chachoengsao, at Sa Kaeo sa kanluran at hilaga.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga katutubo sa rehiyon ng Chantaburi ay ang Por. Ang mga Chong ay nanirahan sa lugar mula pa noong Kahariang Ayutthaya, at inaakalang mga unang naninirahan sa Camboya, posibleng nauna pa sa Khmer. Sa lalawigan ng Chantaburi, ang mga Chong ay higit na naninirahan sa mga distrito ng Khao Khitchakut, Pong Nam Ron, at Makham.[6]
Pagkatapos ng krisis sa Paknam noong 1893, sinakop ng kolonyal na tropang Pranses ang Chanthaburi, ibinalik ito noong 1905 nang isuko ng Taylandiya ang pagmamay-ari sa kanlurang bahagi ng Camboya. Ang isang makabuluhang minorya ng mga mamamayan ng Chanthaburi ay etnikong Biyetnames, na dumating doon sa tatlong alon: una noong ika-19 na siglo sa panahon ng mga anti Katoliko na pag-uusig sa Cochin China; isang pangalawang alon noong dekada '20 hanggang dekada '40 na tumakas sa Indotsinang Pranses; at ikatlong alon pagkatapos ng tagumpay ng komunista sa Vietnam noong 1975.[kailangan ng sanggunian] Ang bayan ng Chanthaburi ay naging luklukan ng isang Obispo ng Chanthaburi mula noong 1944.
Ang Chanthaburi ay dating mahalagang pinagmumulan ng mga hiyas, lalo na ang mga rubi at sapiro. Habang ang Katubigang Pamayanan ng Chanthaboon ay binuo mahigit tatlong siglo na ang nakalipas sa panahon ng paghahari ni Haring Narai sa pampang ng Ilog Mae Nam Chantaburi. Ito ay isang mahalagang lulan ng transportasyon at kalakalan. Sa paglipas ng mga taon, nawala ang ningning ng Katubigang Pamayanan ng Chanthaboon. Gayunpaman, sa nakalipas na dekada, ang mga lokal sa tulong ng mga opisyal na Taylandes ay nag-ambag sa muling pagkabuhay nito bilang isang pangunahing destinasyong kultural at panturismo.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Habang ang katimugang bahagi ng lalawigan ay nasa baybayin ng Golpo ng Taylandiya at sa gayon ay halos baybayin na alubyan na kapatagan, ang loob ng lalawigan ay bulubundukin. Ang Kabundukang Chanthaburi sa hilaga ay may pinakamataas na elebasyon sa lalawigan, ang 1,675 m mataas na bundok Khao Soi Dao Tai. Ang pangunahing ilog ng lalawigan ay ang Ilog Chanthaburi. Ang kabuuang lugar ng kagubatan ay 2,076 square kilometre (802 mi kuw) o 32.4 porsyento ng lugar panlalawigan.[7]
Kasama ang kalapit na lalawigan, ang Trat, ang Chanthaburi ay isang sentro ng pagmimina ng batong-hiyas, lalo na ang mga rubi at sapiro.[8] Ang mga tropikal na prutas ay kabilang din sa mga pangunahing produkto ng lalawigan. Noong 2000, naglinas ito ng halos 380,000 tonelada ng durian, na 45.57 porsiyento ng produksiyon ng durian ng Taylandiya, humigit-kumulang 27 porsiyento ng produksiyon ng buong mundo.[9][10]
Nasa loob ng mga hangganan ng lalawigan ang tatlong pambansang lalawigan: Pambansang Liwasan ng Namtok Phlio,[11] Pambansang Liwasan ng Khao Khitchakut,[12] at Pambansang Liwasan ng Khao Sip Ha Chan.[13] Ang lalawigan ay tahanan din ng Santuwaryong Ilahas ng Khao Soi Dao.
Mga pagkakahating pampangasiwaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamahalaang panlalawigan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lalawigan ay nahahati sa 10 distrito (mga amphoe). Ang mga ito ay hinati pa sa 76 na mga subdistrito (mga tambon) at 690 na mga nayon (muban).
- Mueang Chanthaburi
- Khlung
- Tha Mai
- Pong Nam Ron
- Makham
- Laem Sing
- Soi Dao
- Kaeng Hang Maeo
- Na Yai Am
- Khao Khitchakut
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Advancing Human Development through the ASEAN Community, Thailand Human Development Report 2014, table 0:Basic Data (PDF) (Ulat). United Nations Development Programme (UNDP) Thailand. pp. 134–135. ISBN 978-974-680-368-7. Nakuha noong 17 Enero 2016, Data has been supplied by Land Development Department, Ministry of Agriculture and Cooperatives, at Wayback Machine.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)[patay na link] - ↑ "ร่ยงานสถิติจำนวนประชากรและบ้านประจำปี พ.ศ.2561" [Statistics, population and house statistics for the year 2018]. Registration Office Department of the Interior, Ministry of the Interior. stat.bora.dopa.go.th (sa wikang Thai). 31 Disyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2019. Nakuha noong 20 Hunyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Human achievement index 2017 by National Economic and Social Development Board (NESDB), pages 1-40, maps 1-9, retrieved 14 September 2019, ISBN 978-974-9769-33-1
- ↑ องค์ บรรจุน. สยามหลากเผ่าหลายพันธุ์. กรุงเทพฯ: มติชน, 2553, หน้า 128 (sa Thai)
- ↑ ชอง จันทะบูย ฤาลมหายใจเฮือกสุดท้าย. OK Nation (sa wikang Thai). 19 Oktubre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Agosto 2016. Nakuha noong 20 Mayo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pholdhampalit, Khetsirin (22 Hunyo 2019). "Chantaburi on the table". The Nation. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Hunyo 2019. Nakuha noong 22 Hunyo 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ตารางที่ 2 พี้นที่ป่าไม้ แยกรายจังหวัด พ.ศ.2562" [Table 2 Forest area Separate province year 2019] (sa wikang Thai). 2019. Nakuha noong 6 Abril 2021, information, Forest statistics Year 2019
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link) - ↑ Chao Khong Ran. "ตำนานพลอยเมืองจันท์" [Legend of Chan rubies]. luckyjewelista (sa wikang Thai).
- ↑ "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-16. Nakuha noong 2008-08-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-16. Nakuha noong 2008-08-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Namtok Phlio National Park". Department of National Parks (Thailand). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Mayo 2013. Nakuha noong 25 Setyembre 2015.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Khao Khitchakut National Park". Department of National Parks (Thailand). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Mayo 2013. Nakuha noong 25 Setyembre 2015.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Khao Sip Ha Chan National Park". Department of National Parks (Thailand). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Setyembre 2015. Nakuha noong 25 Setyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gabay panlakbay sa Lalawigan ng Chanthaburi mula sa Wikivoyage
12°36′37″N 102°06′10″E / 12.61028°N 102.10278°E12°36′37″N 102°06′10″E / 12.61028°N 102.10278°E
- CS1 maint: postscript
- Mga artikulong may patay na panlabas na link (January 2020)
- Mga artikulo na may wikang Thai na pinagmulan (th)
- CS1 na gumagamit ng sulat ng wikang Thai (th)
- Mga artikulong naglalaman ng Chong
- Mga artikulong may pangungusap na walang sanggunian (November 2018)
- Short description matches Wikidata
- Mga lalawigan ng Thailand