Juan Bautista
Juan Bautista | |
---|---|
Prophet, Martyr, Saint | |
Ipinanganak | c. ika-1 siglo BCE Herodian Judea |
Namatay | c. 28- 36 CE Machaerus, Perea, Iudæa |
Benerasyon sa | Roman Catholic Church, Eastern Orthodox Church, Eastern Catholic Churches, Oriental Orthodox Churches, Anglicanism, Lutheranism, Islam, Mandeanism |
Pangunahing dambana | Simbahan ni San Juan Bautista, sa Jerusalem |
Kapistahan | Hunyo 24 (Nativity), Agosto 29 (Beheading), Enero 7 (Synaxis, Eastern Orthodox), Thout 2 ( Coptic Orthodox Church) |
Katangian | Camel-skin robe, krus, kordero, scroll with words "Ecce Agnus Dei", platter with own head, pouring water from hands or scallop shell |
Patron | Pintakasi ng Jordan, Puerto Rico, Knights Hospitaller ng Jerusalem, French Canada, Newfoundland, Cesena, Florence, Genoa, Monza, Porto, San Juan, Simbahan ng Quiapo ng Itim na Nazareno, Turin, Xewkija, at marami pang lugar. |
Si Juan Bautista, Juan na Tagapagbautismo[1] (Juan ang Tagapagbinyag, Juan na Mambibinyag), o Juan na Tagapagbawtismo[2] (ika-1 siglo BCE-28 hanggang 37 CE) ayon sa Bagong Tipan ay isang pagala-galang mangangaral na nagbabautismo at naghahayag sa mga tao na humingi ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan at nagbabala sa papalapit na paghuhukom (Lucas 3:7; Mateo 3:2) at upang magbigay daan at bautismuhan si Hesus.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ebanghelyo ni Marcos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Ebanghelyo ni Marcos, si Juan Bautista ay katuparan ng hula sa Aklat ni Isaias 40:3 batay sa saling Septuagint na iba sa Tekstong Masoretiko. Siya ay iay inalarawang nagsusuot ng mga damit mula sa balahibo ng mga kamelyo at kumakain ng mga balang at pulot. Inihayag ni Juan Bautista ang bawtismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng kasalanan . Si Hesus ay lumapit kay Juan Bautista upang bautismuhan sa Ilog Hordan at ang Espirito Santo sa anyo ng isang kalapati ay bumaba sa kay Hesus at isang tinig mula sa langit ay nagsabing, "Ikaw ang aking anak na lalake ang minamahal, ako ay lubos na nalulugod sa iyo". Ang isang Griyegong manuskrito na Codex Bezae ay nagsasabing "Ikaw ang aking anak na lalake, Ngayon ay ipinanganak kita. Ayon kay Bart D. Ehrman, ang pangungusap na "Ngayon ay ipinanganak kita" sa bautismo ni Hesus ay ang tamang pagbasa at ang mga pagbasaang "ako ay lubos na nalulugod sa iyo" ay isang pagbabago ng mga sumasalungat sa paniniwala ng ilang mga Kristiyano sa paniniwalang adopsiyonismo. Ayon sa kristiyanong si Justin Martyr sa kanyang Dialogo kay Trypho, "ngunit ang Banal na Multo gaya ng aking isinaad ay nagliwanag sa kanya sa anyo ng isang kalapati at ang isang tinig mula sa mga kalangitan na binanggit rin ni David na tumutulad kay Kristo kung ano ang sinabi sa kanya ng Ama, Ikaw ang aking anak na lalake, ngayon ay ipinanganak kita. Ang pagbasang ito ang sinasang-ayunan rin ni Clemente sa kanyang sulat sa mga taga-Corinto Kapitulo XXXVI. Sa Mga Gawa ng mga Apostol 13:33, si Hesus ay ipinanganak ng Diyos nang siya ay muling nabuhay.
Ebanghelyo ni Lucas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Ebanghelyo ni Lucas na mas kalaunang isinulat sa Ebanghelyo ni Marcos ay nagdagdag ng salaysay tungkol sa milagrosong kapanganakan ni Juan Bautista. Siya ay isang anak ng saserdoteng si Zecarias at Elizabeth na isang menopause at wala nang kakayanang magkaanak.[3][4][5] Ayon kay sa may akda ng Lucas, ang kapanganakan ni Juan Bautista ay hinuluan ng anghel Gabriel kay Zecarias habang naglilingkod bilang saserdote sa Templo sa Herusalem. Si Juan Bautista mula sa lahing saserdote dahil ang kanyang ama ay isang saserdote mula kay Abijah at si Elizabeth ay isang anak ni Aaron.[6] this would make John a descendant of Aaron on both his father's and mother's side.[7] Si Elizabeth ay sinasabing kamag-anak ni Maria na ina ni Hesus ayon sa Lucas 1:36 ngunit hindi binabanggit sa ibang ebanghelyo, ito ay tinuturing na ng paring Katoliko na si Raymond E. Brown na "may kadududang historisidad". [8] Tinawag ito ni Géza Vermes na "artipisyal at walang dudang nilikha ng Lucas".[9] Ang pagkakatulad sa pagitan ng Lucas tungkol sa kapanganakan ni Juan Bautista at kapanganakan ni Samuel sa Lumang Tipan ay nagmumungkahing ang Lucas ay minodelo mula sa kapanganakan ni Samuel.[10]
Siya si Elias ayon kay Hesus ngunit ayon kay Juan Bautista ay hindi siya si Elias
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Mateo 17:10-13,"At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit nga sinasabi ng mga iskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at isasauli ang lahat ng mga bagay: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at hindi nila siya nakilala, kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila. Nang magkagayo'y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila'y sinasabi niya."
Ayon naman kay Juan Bautista sa Ebanghelyo ni Juan 1:21,"At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi."
Pagbababuatismo kay Hesus pagkatapos ipakulong ni Herodes si Juan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Mateo 3:1-16 at Juan 1:19-36, binautismuhan ni Juan si Hesus sa simula pa ng pangangaral ni Juan Bautista ngunit ayon sa Lucas 3:18-21,si Hesus ay binautismuhan pagkatapos na ipakulong ni Herodes si Juan Bautista.
Paghahayag ni Juan Bautista na si Hesus ang Kordero ng Diyos ngunit hindi alam ni Juan kung sino si Hesus
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Juan 1:29-36:
- Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Hesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Kordero ng Diyos, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan! Ito yaong aking sinasabi, Sa hulihan ko'y dumarating ang isang lalake na magiging una sa akin: sapagka't siya'y una sa akin. At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't upang siya'y mahayag sa Israel, dahil dito'y naparito ako na bumabautismo sa tubig. At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya.At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.At aking nakita, at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Diyos.Nang kinabukasan ay muling nakatayo si Juan, at ang dalawa sa kaniyang mga alagad;At kaniyang tiningnan si Jesus samantalang siya'y naglalakad, at sinabi, Narito, ang Kordero ng Diyos!
Ayon naman sa Lucas 7:18-20:
- At ibinalita kay Juan ng kaniyang mga alagad ang lahat ng mga bagay na ito.At sa pagpapalapit ni Juan Bautista sa kaniya ng dalawa sa kaniyang mga alagad, ay sinugo sila kay Hesus na nagpapasabi, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba? At pagdating sa kaniya ng mga tao, ay kanilang sinabi, Pinaparito kami sa iyo ni Juan Bautista, na ipinasasabi, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa salaysay ni Josephus, si Juan Bautista ay lumitaw pagkatapos ng kanyang pagbanggit kay Hesus(Antiquities of the Jews (XVIII.5.2 CXVI at XVIII.3.3 63) na nagpahiwatig na si Juan ay lumitaw pagkatapos ni Hesus at si Juan ayon kay Josephus ay namatay noong 36 o 37 CE na ilang mga taon pagkatapos ng ipinapahiwatig na petsa ng kamatayan sa [Bagong Tipan]]. (Ang mga talatang ito gayundin tungkol kay Hesus at tungkol sa isang Santiago na kapatid ni Hesus na tinawag na Kristo(Pinahiran) na maaaring ang kapatid ng Dakilang Saserdoteng si Hesus na anak ni Damneus ay pinananiwalaan ilang mga iskolar na maaaring interpolasyon o dagdag ni Eusebio ng Caesarea). Ang kamatayan ni Juan Bautista noong 36 CE ay batay sa pakikidigma ni Herodes kay Aretas at ang kapatid ni Herodes na si Felipe ay namatay noong 34 CE (Ant. XVIII.4.6 106). Sa panahong ito, ang kapatid ni Herodes na si Agrippa ay tumungo sa Roma isang taon bago ang kamatayan ni Tiberio (XVIII.5.3 126) na naglalagay sa paglisan ni Agrippa noong 36 CE. Pagkatapos ng digmaan, ang komandanteng si Vitelio ay inutusan ni Tiberio na salakayin si Aretas at si Vitelio ay pumunta kasama ng isang hukbo sa Judea. Sa kanyang ikaapat na araw sa Herusalem, nalaman niyang namatay na si Tiberio noong 37 CE na naglalagay sa digmaan noong 36 o 37 CE. Ayon sa Bagong Tipan, ipinakulong ni Herodes si Juan Bautista dahil tumutol ito sa pakikipagdiborsiyo ni Herodes kay Phasalis na anak ng Haring Aretas at inasawa si Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe. Sa kaarawan ni Herodes, ang anak ni Herodias na si Salome ay sumayaw sa harap ng hari at mga panauhin nito. Ito ay nagustuhan ni Herodes at sa kalasingan ni Herodes ay nangako itong ibibigay ang anumang hilingin nito hanggang sa kalahati ng kaharian. Nang tanungin ni Salome ang kanyang kung ano ang dapat hilingin, hiningi nito ang ulo ni Juan Bautista sa isang plato. Bagama't nagulat si Herodes, siya ay pumapayag at pinapugot ang ulo ni Juan Bautista noong mga 28-29 CE.
May ilang mga kahirapan sa Ebanghelyo ni Marcos.[11] Ang dating asawa ni Herodias ay nagngangalang Felipe ngunit kilala bilang Herodes.[12] Bagaman maliwanag na pinapahiwatig na ang anak na ito ay anak ni Herodias, maraming mga sanggunian ay naglalarawan sa kanya bilang "anak ni Herodes na si Herodias". Dahil ang mga tekstong ito ay mas maaga at mahalaga at ang pagbasa ay isang 'Lectio difficilior potior' (mahirap), maraming mga iskolar ay naniniwalang ito ang orihinal na bersiyon at binago sa mga kalaunang bersisyon at sa Mateo at Lucas.[12][13][14] Josephus says that Herodias had a daughter by the name of Salome.[15]
Posibleng kasapi ng mga Essene
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagkakatuklas ng Dead Sea Scrolls, ang ilang mga pagkakatulad ni Juan Bautista sa pamayanan ng mga Essene(na umiral noong ika-2 siglo BCE hanggang ika-1 siglo CE) ay napansin ng mga iskolar sa paglalarawan dito sa Bagong Tipan. Ang ilang iskolar ay naniniwalang isang kasapi si Juan Bautista ng pamayananang ito dahil ang mga Essene tulad ni Juan Bautista ay mula sa lahing Saserdote, namuhay ng asetiko a, naniniwala sa nalalapit na pagwawakas ng mundo at paghihintay sa isang mesiyas na magliligtas sa kanila. Ang mga Essene ay nagsasanay ng Kautusan ni Moises, sabbath, ritwal ng kadalisayan, imortalidad, at kaparusahan sa kasalanan. Gaya ni Juan Bautista, ang mga Essene ay nagsasanay ng pagbabautismo sa isang inisiasyon upang makasali sa kanilang pamayanan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Juan na Tagapagbautismo, Lucas 1:1-80, angbiblia.net
- ↑ Juan na Tagapagbawtismo, Mateo 3 (Ang Salita ng Diyos), biblegateway.com
- ↑ Libby Ahluwalia, Understanding Philosophy of Religion (Folens, 2008), p. 180.
- ↑ Just, Arthur A.; Oden, Thomas C. (2003), Ancient Christian Commentary on Scripture – Luke: New Testament III, InterVarsity Press; p. 10. ISBN 978-0830814886
- ↑ Luke 1:7
- ↑ Luke 1:5
- ↑ 'Aaron', In: Mills, Watson E. (ed.) (1998) Mercer Dictionary of the Bible, Vol. 5, Macon GA: Mercer University Press, ISBN 0-86554-299-6; p. 1
- ↑ Brown, Raymond Edward (1973), The Virginal Conception and Bodily Resurrection of Jesus, Paulist Press, p. 54
- ↑ Vermes, Geza. The Nativity, p. 143.
- ↑ Freed, Edwin D. (2001), The Stories of Jesus' Birth: a Critical Introduction Continuum International, pp. 87–90.
- ↑ John R. Donahue, Daniel J. Harrington, The Gospel of Mark (Liturgical Press, 2005) p. 195.
- ↑ 12.0 12.1 Florence Morgan Gillman (2003). Herodias: At Home in that Fox's Den. Liturgical Press. pp. 54–55. ISBN 978-0-8146-5108-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Geoff R. Webb, Mark at the Threshold: Applying Bakhtinian Categories to Markan Characterisation, (BRILL, 2008) pp 110–11.
- ↑ John R. Donahue, Daniel J. Harrington, The Gospel of Mark (Liturgical Press, 2005) p. 198.
- ↑ Flavius Josephus (1999). The New Complete Works of Josephus. Kregel Academic. pp. 7–. ISBN 978-0-8254-2924-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)