Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2013
Itsura
(Idinirekta mula sa Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 9)
Mula Enero 2013 hanggang Hunyo 2013
[baguhin ang wikitext](Paunawa: Walang naitalang Alam ba ninyo? mula Hulyo 2013 hanggang Disyembre 2013)
Alam ba ninyo...
Hunyo 2013
[baguhin ang wikitext]- ... na si Leda ay isang tauhan sa mitolohiyang Griyego na nangitlog dahil sa isang gansa?
Mayo 2013
[baguhin ang wikitext]- ... na si Francesco Borromini ay isa sa mga nangungunang tao na nagpalitaw ng arkitekturang Barok sa Roma?
- ... na si Charles Taze Russell ay ang tagapagtatag ng nakikilala ngayon bilang Kilusan ng mga Estudyante ng Bibliya na pinaglitawan ng mga Saksi ni Jehovah?
- ... na ang Ahmaddiya ay isang repormistang kilusang Islamiko na itinatag ni Mirza Ghulam Ahmad sa India noong ika-19 na daantaon?
- ... na ang kanibalismo ay ang gawain ng pagkain ng mga tao ng laman o lamang loob ng iba pang kakapwa na mga tao?
- ... na ang Adbentismo ay isang kilusang Kristiyano na nagsimula noong ika-19 na siglo sa Estados Unidos?
- ... na ang Barlaam at Josaphat ay isang maalamat na pagsasalaysay ng kwento ni Gautama Buddha sa Islam?
- ... na si Cesare Orsenigo ay ang Apostolikong Nunsiyo para sa Alemanya mula 1930 hanggang 1945?
- ... na ang mekanismong Antikythera ay isang sinaunang analogong kompyuter na idinisenyo upang kuwentahin ang mga posisyong astronomikal?
- ... na naimbento na ni Joseph Swan ang inkandesenteng bumbilya ng ilaw bago pa man ito maimbento ni Thomas Edison?
- ... na dahil sa pamumuno ni John Smith noong dekada ng 1600, ang Kolonya ng Virginia ng Bagong Mundo ay hindi nabigo?
- ... na ang salitang ballet ay nagmula sa mga wikang Pranses, Italyano, Latin, at Griyego?
- ... na si John Bardeen ay ang nag-iisang tao sa mundo na nakapagwagi ng Gantimpalang Nobel sa larangan ng Pisika nang dalawang ulit?
- ... na, sa pangkasalukuyan, ang translatewiki.net ang pang-13 sa pinakamalalaking mga wiki sa mundo ayon sa bilang ng mga pahina?
- ... na ang Kapistahan ng Pagoda sa Wawa ay isang pagdiriwang na idinaraos sa Bocaue, Bulacan, Pilipinas tuwing unang Linggo ng Hulyo?
- ... na ang alpinismo ay kaiba mula sa pamumundok na ang layunin ay mangaso o para sa pilgrimaheng panrelihiyon?
Abril 2013
[baguhin ang wikitext]- ... na si William T. G. Morton ay ang unang taong nakapagpamalas sa madla ng paggamit ng nilalanghap na ether bilang isang anestetiko?
Marso 2013
[baguhin ang wikitext]- ... na si Serge Diaghilev ay isang Rusong tagapatatag ng isang kompanya ng ballet na itinuturing bilang isa sa pinakamahusay sa lahat ng kapanahunan?
- ... na ang Konsilyo ng Trento ng Simbahang Katoliko Romano ay nagsagawa ng mga pagpupulong bilang pagtugon sa Repormang Protestante?
- ... na ang Digmaang Crimeano ay paminsan-minsang tinatawag bilang ang unang digmaang moderno?
- ... na si Geronimo ay isang Amerikanong Katutubo na lumaban sa pagpapalawak ng nasasakupang lupain ng Mga Nagkakaisang Estado?
- ... na ang mga organismong henetikong binago ay mga organismo na ang materyal na henetiko ay binago sa pamamagitan ng inhinyeriyang henetiko?
- ... na ang Silindro ni Ciro ay isang sinaunang silindrong putik na sinulatan ng isang deklarasyon na nasa wikang Akkadiano?
- ... na ang bulutong-baka ay ang orihinal na bakunang ginamit na panlaban para sa bulutung-tubig?
- ... na ang Larsa ay isang mahalagang siyudad sa sinaunang Sumerya na sentro ng kulto ng diyos ng araw?
Pebrero 2013
[baguhin ang wikitext]- ... na ang Galaksiyang Andromeda ay ang pinakamalapit na galaksiyang paikot sa galaksiyang kinaroroonan ng Daigdig ng tao?
- ... na si Ashoka ay isang emperador ng Dinastiyang Maurya na namuno sa halos lahat ng subkontinente ng India mula 269 BCE hanggang 232 BCE?
- ... na si Miguel ay isang arkanghel sa mga pagtuturo ng Hudaismo, Kristiyanismo, at Islam?
- ... na ang bakunang MMRV ay isang uri ng bakuna na panlaban sa tigdas, beke, tigdas na Aleman, at bulutong-tubig?
- ... na sa mitolohiyang Griyego, ang Tartarus ay isang piitan na nasa ilalim ng Mundong Ilalim?
- ... na ang mga Kelta ay isang pangkat ng mga Caucasiano sa Europa na lumitaw noong kaagahan ng Panahon ng Bakal?
- ... na unang natuklasan ng sinaunang mga tao ang katangiang-ari ng magnetismo dahil sa batumbakal?
Enero 2013
[baguhin ang wikitext]- ... na may mga sulirang kinakaharap ang isang kartograpo sa paggawa ng mapa ng mundo?
- ... na ang lungsod ng Troya ang sentro ng Digmaang Trohano sa Iliad at Odyssey ni Homer?
- ... na ang Labanan sa Trafalgar ay isang labanang pandagat noong 1805 na kinasasangkutan ng Gran Britanya, Pransiya at Espanya?
- ... na ang bakyum ay nagmula sa wikang Latin na nangangahulugang walang kalaman-laman?
- ... na si William Tell ay isang mamamana na nakatulong sa pagiging isang bansa ng Suwisa?
- ... na si San Bruno ng Cologne ay isang malapit na tagapagpayo at dating guro ni Papa Urbano II?
- ... na ang yin at yang ay mga lakas na nagtutulungan sa halip na nagsasalungatan?
- ... na Ang Pananagumpay ng Kagalingang Pambayan ay naging isang makontrobersiyang rebulto sa Lungsod ng New York, Estados Unidos?