Singapore

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Singgapur)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Republika ng Singapore
Republic of Singapore
新加坡共和国 (Tsino)
Republik Singapura (Malay)
சிங்கப்பூர் குடியரசு (Tamil)
Pambansang Kasabihan: "Majulah Singapura"  (Malay)
"Onward, Singapore"
Pambansang Awit: Majulah Singapura
Kabisera Lungsod ng Singgapur (Downtown Core)[1]
Opisyal na wika Ingles
Malay
Mandarin
Tamil
Pangalang-
turing
Singaporean
Pamahalaan Parliamentary republic
 -  Pangulo Tony Tan Keng Yam
 -  Punong Ministro Lee Hsien Loong
 -  Speaker of Parliament Michael Palmer
 -  Chief Justice Chan Sek Keong
Kalayaan
 -  lungsod 24 Hulyo 1951 
 -  Sariling pamamahala sa ilalim ng United Kingdom 3 Hunyo 1959[2] 
 -  Pagpapahayag ng kalayaan 31 Agosto 1963 
 -  Pagsasanib sa Malaysia 16 Setyembre 1963 
 -  Paghihiwalay sa Malaysia 9 Agosto 1965 
Lawak
 -  Kabuuan 707.1 km2 (190th)
270 sq mi 
 -  Katubigan (%) 1.444
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2008 4,839,400[3] (ika-114)
 -  Senso ng 2000 4,117,700 
 -  Kakapalan 6,489/km2 (ika-3)
16,392/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2007
 -  Kabuuan $228.303 bilyon[4] 
 -  Bawat kapita $49,754[4] 
KGK (nominal) Pagtataya ng 2007
 -  Kabuuan $161.349 bilyon[4] 
 -  Bawat kapita $35,162[4] 
TKT (2007) Straight Line Steady.svg 0.922 (Very High) (ika-25)
Pananalapi Singapore dollar (SGD)
Pook ng oras SST (UTC+8)
Internet TLD .sg
Kodigong pantawag 65

Ang Singapore[5] /sing·ga·por/, opisyal na tinutukoy na Republika ng Singapore (Tsino 新加坡共和国, Xīnjīapō Gònghégúo, Malay Republik Singapura, Tamil சிங்கப்பூர், Cingkappūrā Kudiyaracu), ay isang pulo, estadong-lungsod, na matatagpuan sa Timog-silangang Asya, sa timog ng estado ng Johor sa Tangwaying Malaysia at hilaga ng kapuluang Riau ng Indonesia.

Kasaysayan[baguhin]

Pangunahing artikulo: Kasaysayan ng Singapore

Ang pulo ay dating tinatawag na Temasek at bininyagan ni Prinsipe Parameswara sa pangalang Singapura, nangangahulugang “lungsod (pura) ng leon (singa)” noong ika-16 siglo.

Noong 1819, napunta sa kontrol ni Thomas Stamford Raffles ang lungsod para hadlangan ang dominasyong pangkalakalan (commercial) ng mga Olandes sa rehiyon. Noong 1826, ang mga kolonya ng istretso ay binubuo ng Singapore, Malaka at Penang.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig naman, mula 15 Pebrero 1942, napasailalim ang pulo sa Imperyong Hapon,

Pagkatapos ng digmaan, napiling primer ministro si Lee Kuan Yew. Ang kanyang partido na People's Action Party ay nagmungkahi para sa integrasyon nito sa pederasyon ng Malaysia, at napabilang ito sa Malaysia hanggang Setyembre ng taong 1963. Taong 1964, pinahayag ang kagustuhan nitong humiwalay dahil sa mga pagkakaiba at noong 9 Agosto 1965 pinroklama ang kasarinlan ng Republika ng Singapur.

Politika[baguhin]

Pangunahing artikulo: Politika sa Singapore

Ang parlamentarismong ingles ang nagbigay-diwa sa konstitusyon ng Singapore. Ang People's Action Party (Partido ng Aksiyong Popular) ang nagdo-domina sa politika ng bansa pagkatapos ng pagpapahayag ng kasarinlan. Ang sistema ng gobyerno ay mas hawig sa autoritarianismo kaysa sa isang demokrasya multipartidista Subalit, sa kabaligtaran, masasabing isang modelo ng transparency ang market economy ng Singapore at halos walang katiwalian o korupsiyong nangyayari sa gobyerno. Ang Singapore ay isang myembro ng ASEAN.

Mga Primero ministro: Lee Kuan Yew, 1965-1990, Goh Chok Tong, 1990-2004, Lee Hsien Loong, (anak ni Lee Kuan Yew), mula 12 Agosto 2004.

Ekonomiya[baguhin]

Ang kadalasang atraksiyon panturista, ang Merlion

Pangunahing artikulo: Ekonomiya ng Singapore

Ang Singapore ay nagtataglay ng isang ekonomiyang pamilihan na malaya at masagana at may open environment malaya sa katiwalian. Matatag ang kanyang pananalapi at ang GDP nito ay ang pinakamataas sa mundo. Nakadepende ang ekonomiya sa pag-export, partikular ang sa sektor ng elektroniko at industriya.

Noong 2001, ang recession sa buong mundo pati ang pagbagsak ng sektor ng teklonohiya ay nakaapekto sa ekonomiya ng bansa (ang GDP nito ay bumaba ng 2%). Ang epidemya ng SARS na nagsimula noong 2003 ay nakapagpabigat din dito.Maliit lang ang bansang ito at limitado ang yamang likas.Subalit ang mga lider ay napakahusay na nag tuon ng kanilang pansin sa kalakalan at masiglang nakikipag ugnayan sa mga bansang mauunlad,Bumuo ng patakarang kapakipakinabangat isinaalang-alang ang kapakinabangan ng bansa na pinag tuonan ng pansin ng pamahalaan.

Mga sanggunian[baguhin]

Gabay sa Pagkain sa Singapore

  1. Isang lungsod-estado ang Singgapur.
  2. "Singapore: History". Asian Studies Network Information Center. http://inic.utexas.edu/asnic/countries/singapore/Singapore-History.html. Hinango noong 2007-11-02. 
  3. "Population - latest data". Singapore Department of Statistics Singapore. 2008-10-17. http://www.singstat.gov.sg/stats/latestdata.html. Hinango noong 2008-10-17. 
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 "Singapore". International Monetary Fund. http://www.imf.org/external/pubs/ft/weo/2008/02/weodata/weorept.aspx?pr.x=66&pr.y=20&sy=2004&ey=2008&scsm=1&ssd=1&sort=country&ds=.&br=1&c=576&s=NGDPD%2CNGDPDPC%2CPPPGDP%2CPPPPC%2CLP&grp=0&a=. Hinango noong 2008-10-09. 
  5. Singapore: Singapore (De Dios, Panganiban)