1990
Ang 1990 (MCMXC) ay isang karaniwang taon na nagsisimula sa Lunes sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-1990 taon ng mga pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-990 taon ng ikalawang milenyo, ang ika-90 taon ng ika-20 dantaon, ang unang taon ng dekada 1990.
Kabilang sa mga mahahalagang kaganapan ang muling pagsasama ng Alemanya at pagkakaisa ng Yemen,[1] ang pormal na simula ng Proyektong Henoma ng Tao (natapos noong 2003), ang paglunsad ng Teleskopyong Pangkalawakang Hubble, ang paghiwalay ng Namibia mula sa Timog Aprika, at ang pagdedeklera ng mga estadong Baltiko ng kalayaan mula sa Unyong Sobyet sa gitna ng Perestroika. Gumuho ang rehimeng komunista ng Yugoslavia sa gitna ng tumataas na mga panloob na tensyon at maramihang partidong eleksyon na ginawa sa mga nasasakupang republika na nagresulta sa mga pamahalaang hiwalay na mahalal sa karamihan ng mga republika na sinimulan ang pagkalas ng Yugoslavia. Nagsimula din sa taon na ito ang krisis ng nagdulot sa Digmaang Gulpo noong 1991 kasunod ng pagsakop ng Iraq at malawakang internasyunal na hindi pagkilala sa pag-okupa ng Kuwait. Nagresulta ang pag-okupa na ito ng isang krisis sa Gulpong Persa na kinasangkutan ng isyu ng soberanya ng Kuwait at ang mga takot ng Saudi Arabia sa agresyon ng Iraq laban sa kanilang imbakan ng langis malapit sa Kuwait. Nagdulot ito sa pagsasagawa ng Operation Desert Shield na may internasyunal na koalisyon ng mga puwersang militar na magtipon sa hangganan ng Kuwait at Saudi kasama ang mga hiling sa Iraq na mapayapang umalis sa Kuwait. Sa taon din na ito, napalaya si Nelson Mandela sa pagkakabilanggo, at nagbitiw si Margaret Thatcher bilang Punong Ministro ng Reino Unido pagkatapos ng higit sa 11 taon.
Mahalagang taon ang 1990 sa maagang kasaysayan ng Internet. Noong taglagas ng 1990, nilikha ni Tim Berners-Lee ang unang web server at ang pundasyon para sa World Wide Web. Nagsimula ang mga operasyon sa pagsubok noong mga Disyembre 20 at inilabas sa labas ng CERN noong sumunod na taon.[2] Sa 1990 din nangyari ang pagdedekomisyon ng ARPANET, isang tagapagpauna ng sistema ng Internet at ang introduksyon ng unang nilalamang web search engine, ang Archie, noong Setyembre 10.[3]
Noong Setyembre 14, 1990, naganap ang unang kaso ng matagumpay na somatikong terapewtika hene sa isang pasyente.[4]
Dahil sa maagang resesyon noong dekada 1990 na nagsimula ng taon na ito at walang katiyakan dahil sa pagguho ng mga sosyalistang pamahalaan sa Silangang Europa, natigil o matarik na bumaba ang antas ng pagsilang sa maraming bansa noong 1990. Sa karamihan sa kanluraning bansa, naabot ang rurok ng Echo Boom noong 1990; humina ang antas ng pertilidad pagkatapos nito.[5]
Nakapagbenta ang Encyclopædia Britannica, na hindi na nagiimprenta noong in 2012, sa taon na ito ng pinakamataas sa lahat ng panahon noong 1990; 120,000 bolyum ang nabenta ng taon na iyon.[6]
Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 31 – Globalisasyon – Nagbukas ang unang McDonald's sa Moscow, Rusong SFSR 8 buwan pagkatapos ng magsimula ang konstruksyon noong Mayo 3, 1989. Pagkalias ng 8 buwan, nagbukas ang unang McDonald's sa Kalupaang Tsina sa Shenzhen.[7]
- Pebrero 10 – Ipinabatid ng Pangulo ng Timog Aprika na si F. W. de Klerk na pakakawalan si Nelson Mandela sa sumunod na araw.
- Pebrero 11 – Pinakawalan si Nelson Mandela mula sa Piitan ng Victor Verster, malapit sa Cape Town, Timog Aprika, pagkatapos ng 27 taon ng pagkakakulong.
- Pebrero 15 – Pinanumbalik ng Reino Unido at Arhentina ang diplomatikong ugnayan pagkatapos ng 8 taon. Pinutol ng Reino Unido ang ugnayan bilang tugon sa pagsakop ng Arhentina sa Kapuluang Falkland, isang Britanikong Dumidependeng Teritoryo, noong 1982.[8]
- Marso 20 – Nilitis ang biyuda ni Ferdinand Marcos, su Imelda Marcos, para sa panunuhol, paglustay, at panraraket.[9]
- Marso 21 – Pagkatapos ng 75 taon ng pamamahala ng Timog Aprika simula noong Unang Digmaang Pandaigdig, naging malaya ang Namibia.
- Abril 24
- Digmaang Malamig: Sumang-ayon ang Kanlurang Alemanya at Silangang Alemanya na pagsamahin ang pananalapi at ekonomiya sa Hulyo 1.
- STS-31: Nailunsad ang Teleskopyong Pangkalawakang Hubble sakay ng Sasakyang Pangkalawakan na Discovery.[10]
- Mayo 13 – Sa Pilipinas, pinatay ng mga armadong indibiduwal ang dalawang piloto ng Hukbong Panghimpapawid ng Estados Unidos malapit sa Baseng Pamhimpapawid ng Clark sa bisperas ng pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos tungkol sa hinaharap ng base militar ng mga Amerikano sa Pilipinas.[11]
- Mayo 17 – Tinanggal ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan ang homoseksuwalidad mula sa talaan ng mga sakit nito.[12]
- Mayo 30 – Nagsimula sina George H. W. Bush at Mikhail Gorbachev ng apat na araw na pagpupulong sa Washington, D.C.[13]
- Hunyo – Nakuha ni Joanne Rowling ang ideya para sa Harry Potter habang nasa tren mula Manchester tungo sa estasyong daambakal ng Euston sa London. Sinimulan niya ang pagsusulat ng Harry Potter and the Philosopher's Stone na makukumpleto noong 1995 at mailalathala noong 1997.[14]
- Hunyo 8 – Nagsimula ang Pandaigdigang Kopa ng FIFA ng 1990 sa Italya. Ito ang unang pagsasahimpapawid ng dihital na HDTV sa kasaysayan; Hindi magsisimula ang Europa na magsahimpapawid ng HDTV ng malawakan hanggang noong 2004.[15]
- Hunyo 13 – Digmaang Malamig – Opisyal na nagsimula ang pagwasak ng Pader ng Berlin ng Silangang Alemanya, 7 buwan pagkatapos binuksan ito noong nakaraang Nobyembre.[16]
- Hunyo 14 – Lindol sa Panay ng 1990: Tumama ang isang lindol na sumusukat sa Ms 7.1 sa Pulo ng Panay sa Pilipinas na pinatay ang 8 at sinugatan ang 41.[17]
- Hulyo 1 – Muling pagsasanib ng Alemanya: Nagsanib ang Silangang Alemanya at Kanlurang Alemanya ng kanilang mga ekonomiya, ang Kanlurang Aleman na Deutsche Mark ay naging opisyal na pananalapi din ng Silangan. Natapos din ang paggana ng Panloob na Hangganang Aleman (itinayo noong 1945).
- Hulyo 16 – Lindol sa Luzon ng 1990: Isang lindol na may sukat na Mw 7.7 ang pinatay ang higit sa 2,400 sa Pilipinas.[18]
- Agosto 2 – Digmaan sa Gulpo: Sinakop ng Iraq ang Kuwait, na nagdulot kalaunan sa Digmaan sa Gulpo.
- Setyembre 1–10 – Dumalaw si Papa Juan Pablo II sa Tanzania, Burundi, Rwanda at Côte d'Ivoire.
- Setyembre 10 – Nagbukas ang unang Pizza Hut sa Unyong Sobyet.[19]
- Oktubre – Nagsimula si Tim Berners-Lee ng kanyang pagsasagawa ng World Wide Web, 19 na buwan pagkatapos ng kanyang matagumpay na balangkas noong 1989 na magiging konsepto ng Web.[20]
- Oktubre 4 – Hidwaang Moro: Sinakop ng mga puwersang Rebelde ang dalawang kampo ng militar sa pulo ng Mindanao bago sumuko noong Oktubre 6.[21][22]
- Oktubre 15 – Digmaang Malamig: Ginawaran ang Pangulo ng Sobyet na si Mikhail Gorbachev ng Gantimpalang Nobel na Pangkapayapaan para sa kanyang pagsisikap na mabawasan ang mga tensyon ng Digmaang Malamig at mareporma ang bansa.[23]
- Nobyembre 9 – Isang bagong konstitusyon ang nagkabisa sa Kaharian ng Nepal, na itinatatag ang maramihang partidong demokrasya at monarkiyang pangkonstitusyon; ito ang kasukdulan ng Kilusan ng mga Tao noong 1990.
- Nobyembre 12
- Iniluklok sa trono si Akihito bilang ika-125 emperador ng Hapon kasunod ng pagkamatay ng kanyang ama noong Enero 7, 1989.
- Nilathala ni Tim Berners-Lee ang isang mas pormal na panukala para sa World Wide Web.[24]
- Nobyembre 13 – Naisulat ang kauna-unahang pahinang web.[25]
- Disyembre 3 – Nagsimula si Mary Robinson sa kanyang termino bilang Pangulo ng Irlanda, ang unang babae na humawak ng puwesto na ito.
Populasyon ng mundo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Populasyon ng mundo | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
1990 | 1985 | 1995 | |||||
Mundo | 5,263,593,000 | 4,830,979,000 | 432,614,000 | +8.95 % | 5,674,380,000 | 410,787,000 | +7.80 % |
Aprika | 622,443,000 | 541,718,000 | 80,629,000 | +14.88 % | 707,462,000 | 85,019,000 | +13.66 % |
Asya | 3,167,807,000 | 2,887,552,000 | 280,255,000 | +9.71 % | 3,430,052,000 | 262,245,000 | +8.28 % |
Europa | 721,582,000 | 706,009,000 | 15,573,000 | +2.21 % | 727,405,000 | 5,823,000 | +0.81 % |
Latino Amerika | 441,525,000 | 401,469,000 | 40,056,000 | +9.98 % | 481,099,000 | 39,574,000 | +8.96 % |
Hilagang Amerika | 283,549,000 | 269,456,000 | 14,093,000 | +5.23 % | 299,438,000 | 15,889,000 | +5.60 % |
Oseaniya | 26,687,000 | 24,678,000 | 2,009,000 | +8.14 % | 28,924,000 | 2,237,000 | +8.38 % |
Kapanganakan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 9
- Melissa Ricks, artistang Pilipino-Amerikano
- Son Ji-hyun, artista at mang-aawit mula sa Timog Korea
- Enero 10 – Aishwarya Rajesh, artistang Indiyano
- Enero 13 – Liam Hemsworth, artistang Australiyano
- Enero 14
- Grant Gustin, Amerikanong aktor at mang-aawit (gumanap bilang The Flash)
- Mikee Lee, modelo at artistang Pilipino
- Pebrero 1 – Laura Marling, Britanikong mang-aawit at manunulat ng awitin
- Pebrero 3 – Sean Kingston, Amerikanong mang-aawit
- Pebrero 4 – Haruka Tomatsu, tagapagboses mula sa Hapon
- Pebrero 5 – Klay Thompson, Amerikanong manlalaro ng basketbol[26]
- Pebrero 10 – Sooyoung, Koreanong mang-aawit
- Pebrero 18 – Park Shin-hye, artista mula sa Timog Korea
- Pebrero 27 – Megan Young, artistang Pilipino-Amerikano at may hawak ng titulo sa patimpalak ng kagandahan
- Marso 2 – Tiger Shroff, artistang Indiyano
- Marso 4 – Draymond Green, Amerikanong manlalaro ng basketbol
- Marso 24 – Aljur Abrenica, Filipino actor, dancer, model and singer
- Marso 26 – Xiumin, mang-aawit at artista mula sa Timog Korea
- Abril 8
- Kim Jong-hyun, mang-aawit mula sa Timog Korea (namatay 2017)
- Bai Yu, artistang Tsino
- Abril 11 – Martin Escudero, artistang Pilipino
- Abril 15 – Emma Watson, Ingles na artista, modelo at aktibista
- Abril 19 – Kim Chiu, artistang Pilipino
- Abril 24 – Kim Tae-ri, artista mula sa Timog Korea
- Mayo 2 – Paul George, Amerikanong manlalaro ng basktebol
- Mayo 4 – Andrea Torres, artistang Pilipino
- Mayo 10 – Maxine Medina, modelo at artistang Pilipino
- Mayo 27 – Chris Colfer, artistang Amerikano
- Mayo 30 – Yoona, Koreanong mang-aawit
- Hunyo 6
- Karma, arkerong taga-Bhutan
- Raisa Andriana, mang-aawit mula sa Indonesia
- Hunyo 25 – Andi Eigenmann, artistang Pilipina
- Hunyo 27 – Angelia Ong, modelong Pilipino–Tsino
- Hunyo 30 – Bryan Nickson Lomas, mananasid na taga-Malaysia
- Hulyo 2 – Margot Robbie, artistang Australiyano
- Hulyo 5 – Arron Villaflor, mananayaw at artistang Pilipino
- Hulyo 19 – Steven Anthony Lawrence, artisang Amerikano
- Hulyo 20 – Dominic Roque, artista at modelong Pilipino
- Agosto 12 – Enzo Pineda, artistang Pilipino
- Agosto 13 – DeMarcus Cousins, Amerikanong manlalaro ng basketbol
- Agosto 15 – Jennifer Lawrence, artistang Amerikano
- Agosto 18 – Stacy, mang-aawit na taga-Malaysia
- Agosto 24 – Aloysius Pang, artista mula sa Singapore (namatay 2019)
- Setyembre 20 – Erich Gonzales, mananayaw at artistang Pilipina
- Setyembre 21 – Ivan Dorschner, artistang Pilipino
- Oktubre 3 – Rhian Ramos, Filipino actress
- Nobyembre 6 – Kris, nagrarap na Tsino at dating kasapi ng EXO
- Disyembre 2 – Abra, nagrarap at paminsan-minsang artistang Pilipino
- Disyembre 12 – Seungri, mang-aawit mula sa Timog Korea
- Disyembre 23 – Anna Maria Perez de Tagle, mang-aawit at artistang Amerikano
- Disyembre 28 – David Archuleta, mang-aawit at piyanistang Amerikano
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Abril 2 – Aldo Fabrizi, artistang Italyano (ipinanganak 1905)
- Mayo 16 – Jim Henson, lumikha ng Muppets, maryonetista, at tagagawa ng pelikula mula sa Estados Unidos (ipinanganak 1936)
- Agosto 17 – Pearl Bailey, mang-aawit at artistang Amerikano (ipinanganak 1918)
- Oktubre 13 – Lê Đức Thọ, taga-Vietnam na heneral at politiko, tumanggap ng Gantimpalang Nobel para sa Kapayapaan (ipinanganak 1911)
- Nobyembre 23
- Roald Dahl, Britanikong nobelista, manunulat ng maikling kuwento, manunula, manunulat ng eksena, at pilotong lumalaban noong panahon ng giyera (ipinanganak 1916)
- Nguyễn Văn Tâm, politikong taga-Timog Vietnam, ika-4 na Punong Ministro ng Vietnam (Timog Vietnam) (ipinanganak 1893)
- Disyembre 2 – Aaron Copland, Amerikanong kompositor (ipinanganak 1900)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Yemen". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles).
- ↑ "WWW Project History". w3.org (sa wikang Ingles).
- ↑ "The first search engine, Archive". illinois.edu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gene Therapy – A Brief History". CitizenLink (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 2, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NCHS Data Brief ■ No. 136 ■ December 2013" (PDF).
- ↑ "Encyclopaedia Britannica ceases publication after 244 years". Nooga.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-18. Nakuha noong 2021-05-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Weston, Shaun (2010-08-19). "McDonald's announces bond to support growth in China". FoodBev (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2013-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Great Britain. Diplomatic Service Administration Office (2005). The Diplomatic Service List (sa wikang Ingles). H.M. Stationery Office. p. 130. ISBN 978-0-11-591781-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kurtz, Howard (1990-07-03). "U.S. JURY CLEARS MARCOS IN FRAUD CASE". Washington Post (sa wikang Ingles). ISSN 0190-8286. Nakuha noong 2021-11-17.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "STS-31". Mission Archives (sa wikang Ingles). NASA. 2006-10-14. Nakuha noong 2013-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Drogin, Bob (1990-05-14). "2 U.S. Airmen Killed at Base in Philippines : Military: The shootings, believed to be the work of Communist rebels, come on the eve of talks on the future of American bases". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "May 17th is the Intl Day Against Homophobia". ILGA (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 4, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Editors, History com. "Soviet leader Mikhail Gorbachev arrives in Washington for a summit". HISTORY (sa wikang Ingles).
{{cite web}}
:|last=
has generic name (tulong) - ↑ "The Harry Potter Timeline". The-Leaky-Cauldron (sa wikang Ingles). 2007-12-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Italia '90 Il primo passo della HDTV digitale I Parte" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hunyo 19, 2012. Nakuha noong Abril 27, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ãrla Ryan. "In Photos: 25 years ago today the Berlin Wall fell". TheJournal.ie (sa wikang Ingles).
- ↑ "1990 June 14 Panay Earthquake". phivolcs.dost.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Remembering the 1990 Luzon Earthquake". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-17. Nakuha noong 2021-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive for PBP – www.palmbeachpost.com". newsbank.com (sa wikang Ingles).
- ↑ "Tim Berners-Lee bio". w3.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 7, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Yabes, Criselda (1990-10-04). "PHILIPPINE TROOPS LAUNCH REBELLION ON MINDANAO ISLAND". Washington Post (sa wikang Ingles). ISSN 0190-8286. Nakuha noong 2021-11-18.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippine Rebellion Ends in Surrender : Mindanao: A renegade colonel gives himself up, and government forces recover two military camps on southern island". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). 1990-10-06. Nakuha noong 2021-11-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Mellgren, Doug (1990-10-16). "Gorbachev Wins 1990 Nobel Peace Prize". AP News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Berners-Lee, T.; Cailliau, R. (Nobyembre 12, 1990). "WorldWideWeb: Proposal for a HyperText Project" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 19, 2012. Nakuha noong 2013-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Links and Anchors" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2013-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Klay Thompsons's WSUCougars.com Profile". Washington State Cougars. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 7, 2014. Nakuha noong Marso 7, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)