Pumunta sa nilalaman

2000 sa Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang 2000 sa Pilipinas ay dinidetalye ang mga pangyayari na may kahalagaan na nangyari sa Pilipinas noong taong 2000.

Panunungkulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Enero 1 – Ipinagdiriwang ng Pilipinas ang bagong 2000 milenyo sa buong bansa.
  • Marso 15 – Ipinahayag ni Pangulong Estrada ang "all-out-war" laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
  • Abril 19 – Bumagsak ang Air Philippines Flight 541 Boeing 737-2H4 sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte, ikinasawi ng 131, ang pinakamalalang aksidente sa himpapawid sa kasaysayan ng Pilipinas.
  • Mayo 3 – Binihag ng mga teroristang Abu Sayyaf ang 21 katao, kabilang ang 10 mga turista at 11 mga manggagawa sa resort, sa isla ng Sipadan, Malaysia. Ang krisis sa pagbihag ay tumagal ng apat na buwan.
  • Mayo 4 – Agham at teknolohiya. Matapos magmula sa Pilipinas, ang ILOVEYOU computer virus, ay mabilis na kumalat sa buong mundo.
  • Mayo 25 – Armadong alitan at pag-atake. Kinumander ni Reginald Chua ang Philippine Airlines Flight 812, isang Airbus A330-301 na may lulang 290 iba pang mga tao, bago lumapag sa Pandaigdigang Paliparan ng Ninoy Aquino malapit sa Maynila, Pilipinas. Siya ay nag-utos sa mga pasahero na ilagay ang kanilang mga mahahalagang gamit sa isang bag, at pagkatapos ay nagtangkang tumalon mula sa eroplano sa pamamagitan ng likurang pintuan gamit ang isang gawang-sariling parasyut, ngunit nasindak at sa halip ay kumapit sa mga pinto; pagkatapos ay isang lalaking flight attendant ang tumulak sa kanya mula sa pintuan at siya ay nahulog mula sa eroplano. sa Antipolo, Rizal. Ang kanyang katawan ay natagpuan makalipas ang tatlong araw malapit sa Llabac, Real, Quezon.
  • Hulyo 2 – Sakuna at aksidente. Isang Philippine Air Force GAF Nomad ay nakaranas ng posibleng problema sa makina matapos umalis mula Paliparang Cagayancillo sa Cagayancillo malapit sa Palawan sa Pilipinas. Ang piloto nito ay nagtangkang bumalik sa paliparan, ngunit ang eoplano ay lumampas sa runway at bumagsak sa Dagat Sulu, ikinamatay ng 11 sa 12-kataong sakay. Sina Gobernador Salvatore Socrates at Mayor-Heneral ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas Santiago Madrid ay kabilang sa mga patay.
  • Hulyo 10 – Pagguho ng mga basura sa Payatas.
  • Agosto 10 – Idineklarang ika-86 na lungsod ang Maasin, Katimugang Leyte, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8796, pinagtibay Hulyo 11.
  • Setyembre 8 – Idineklarang ika-87 lungsod ang Digos, Davao del Sur, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8798, pinagtibay Hunyo 15.
  • Setyembre 10 – Idineklarang ika-88 lungsod ang San Jose del Monte, Bulacan, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8797, pinagtibay Hulyo 15.
  • Setyembre 18 – Idineklarang ika-89 at ika-90 na mga lungsod ang Bislig, Surigao del Sur, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8804, at Tacurong, Sultan Kudarat, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8805, kapwa pinagtibay Agosto 16.
  • Setyembre 30 – Idineklarang ika-91 lungsod ang Masbate, Masbate, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8807, pinagtibay Agosto 16.
  • Oktubre 8 – Idineklarang ika-92 lungsod ang Koronadal, Timog Cotabato, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8803, pinagtibay Agosto 16.
  • Nobyembre 13 – Ipinalitis si Pangulong Estrada ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Si Joseph Estrada ay ang unang pangulo na nilitis ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
  • Disyembre 7 – Impeachment trial kay Pangulo Estrada: Pormal na sinimulan ng Senado ang pagsasakdal sa kasong impeachment laban kay Pangulong Estrada. Pinangunahan ni Punong Mahistrado Hilario Davide, Jr. ang paglilitis.
  • Disyembre 9 – Idineklarang ika-93 lungsod ang Muñoz, Nueva Ecija, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8977, pinagtibay Nobyembre 7.
  • Disyembre 16 – Idineklarang ika-94 na lungsod ang Sorsogon, Sorsogon, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8806, pinagtibay Agosto 16.
  • Disyembre 23 – Idineklarang ika-95 lungsod ang Bayawan, Negros Oriental, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8983, pinagtibay Disyembre 5.
  • Disyembre 30
    • Armadong alitan at pag-atake. Mga pambobomba sa Araw ni Rizal: Isang serye ng mga bomba ang sumabog sa iba't-ibang lugar sa Kalakhang Maynila, Pilipinas, sa loob ng ilang oras na ikinamatay ng 22 at ikinasugat ng nasa isandaan.
    • Idineklarang ika-96, ika-97 at ika-98 na mga lungsod ang Talisay, Cebu, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8979, pinagtibay Nobyembre 22; Balanga, Bataan, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8984, at Valencia, Bukidnon, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8985, kapwa pinagtibay Disyembre 5.

Hindi Tiyak ang Petsa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Itinatag ang Green Papaya Art Projects sa Maynila.[1]
  • Populasyon (2000 sensus): 76,504,077[2]
  • Pebrero 26 – Alexa Ilacad, aktres
  • Marso 1 – Nikki Samonte, modelo at mang-aawit
  • Marso 2 – Bianca Umali, aktres
  • Hulyo 15 – Edward Barber, aktor
  • Agosto 3
    • Kira Balinger, aktres
    • Vivoree Esclito, aktres
  • Agosto 21 – Kate Valdez, aktres

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Philippines" Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine.. Art Spaces Directory. New York: New Museum. Hinango 05-20-2017.
  2. "Philippines". Europa World Year Book 2004. Taylor & Francis. ISBN 1857432533.