2010 sa Pilipinas
Itsura
Mga pangyayaring naganap sa taong 2010 sa Pilipinas.
Panunungkulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pangulo: Gloria Macapagal-Arroyo (NPC) (hanggang Hunyo 30); Benigno Aquino III (Liberal) (simula Hunyo 30)
- Pangalawang Pangulo: Noli de Castro (Independent) (hanggang Hunyo 30); Jejomar Binay (PDP-Laban) (simula Hunyo 30)
- Kongreso ng Pilipinas: Ika-14 na Kongreso ng Pilipinas (hanggang Hunyo 4); Ika-15 Kongreso ng Pilipinas (simula Hulyo 26)
- Pangulo ng Mataas na Kapulungan (Senado): Juan Ponce Enrile
- Ispiker ng Mababang Kapulungan (Kapulungan ng mga Kinatawan): Prospero Nograles (hanggang Hunyo 26);Feliciano Belmonte, Jr. (simula Hunyo 26)
- Punong Mahistrado: Reynato Puno (hanggang Mayo 17); Renato Corona (simula Mayo 17)
Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Enero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 3 -- Iniulat na ang mga mamamayan ay unti-unti nang bumabalik sa kanilang mga tirahan matapos ibaba ang alerto sa Bulkang Mayon.
- Enero 5 -- Naghain ng sagot ang pangunahing suspek sa pamamaslang sa Maguindanao, na si Datu Andal Ampatuan, Jr. na wala siyang kasalanan sa nasabing krimen.[1][2]
- Enero 11 -- Mahigit apatnapung katao kasama ang ilang sundalo at pulis ang nahuli sa paglabag sa pagbabawal ng baril alinsunod sa batas ng halalan sa bansa.[3][4][5]
- Enero 12 -- Muling nakatapak si dating Pangulong Joseph Estrada sa Malakanyang para sa pulong ng Pambansang Konseho ng Seguridad ng Pilipinas.[6][7][8]
- Enero 21 -- Ibinasura ng komisyon ng halalan ng Pilipinas ang kasong diskwalipikasyon sa pagtakbo sa pagka-Pangulo ni Joseph Estrada.[9][10]
- Enero 22 -- Pinaniniwalaang namatay ang militanteng Pinoy na kasapi ng Abu Sayyaf sa pag-atake ng Amerika malapit sa hangganan ng Apganistan at Pakistan.[11][12][13]
- Enero 27 -- Tumestigo si Esmael Mangudadatu, ang kalaban ng pangunahing suspek sa Pamamaslang sa Maguindanao na si Datu Andal Ampatuan, Jr., sa pagdinig ng kaso.[14][15][16]
- Enero 29 -- Muling binuksan ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front ang usapang pangkapayaan sa pamamatnubay ng tagapagmatyag sa Malaysia.[17]
Pebrero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pebrero 2 -- Ipinatupad ang pagiging lungsod ng bayan ng Biñan, Laguna, ang ika-138 na lungsod sa bansa, sa bisa ng Batas Republika Blg. 9740 na naunang nilagdaan ni Pangulong Macapagal-Arroyo noong 2009, na nagsabatas na gawing lungsod ang naturang bayan.[18][19]
- Pebrero 4 -- Dinala sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang kasong diskwalipikasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagtakbong Kinatawan sa darating na darating na halalan.[20]
- Pebrero 6 -- Inaresto ng militar at pulisya ang 43 health workers (Tinaguriang Morong 43) na pinagbintangang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (NPA).[21]
- Pebrero 9 -- Kinasuhan ng pagpaslang sina Andal Ampatuan, Jr., dating kaalyado ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at 196 iba pa, kaugnay ng Pamamaslang sa Maguindanao noong Nobyembre 2009.[22][23][24][25]
- Pebrero 15 -- Inendorso Mike Velarde ng El Shaddai ang kandidatura nina Manny Villar at Loren Legarda para sa halalan sa pagkapangulo sa 2010.[26]
- Pebrero 16 -- Nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang batas na nagtatanggal ng saklaw para sa karagdagang buwis sa mga matatanda sa Pilipinas.[27][28]
- Pebrero 17
- Pebrero 21 -- Napatay ang anim na Islamikong militanteng Abu Sayyaf kasama ang "most wanted" na pinuno na si Albader Parad, sa pakikipagsagupa sa mga sundalo sa paanan ng Bundok Tucay sa Maimbung, Sulu sa Jolo.[31][32][33]
- Pebrero 27 -- Labing-isa ang patay at mahigit sampu pa ang sugatan sa pag-atake ng Islamikong grupo na Abu Sayyaf sa lalawigan ng Basilan.[34][35][36][37]
Marso
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Marso 1 -- Nilagdaan ang Memorandum of Understanding on the Conservation of Migratory Sharks sa Maynila.
- Marso 6 -- Hindi bababa sa 11 sundalong Pilipino ang patay sa pananambang ng mga rebeldeng komunista sa Mansalay, Oriental Mindoro.[38]
- Marso 7 -- Labingdalawa ang patay sa pagbangga ng isang bus ng mga manlalakbay sa isang puno sa Pugo, La Union.[39]
- Marso 17 -- Ayon sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas, maaaring magtalaga ng Punong Mahistrado si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.[40][41]
Abril
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mayo 10 -- Halalan. Ginanap ang pangkalahatang halalan sa Pilipinas, ang pangalawang halalang computerized o automated sa kasaysayan ng bansa pagkatapos ng halalan sa Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao dalawang taon ang nakalipas noong 2008. Ginamit dito ang makinang Precinct Count Optical Scan.
- Mayo 27 -- Tatlong katao ang dinukot umano ng Abu Sayyaf, isang grupong may kaugnayan sa Al-Qaeda, sa katimugang bahagi ng Pilipinas.[42][43]
Hunyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hunyo 3 -- Tatlong pinaghihinalaang mga miyembro ng Bagong Hukbong Bayan ang napatay ng Hukbong Katihan ng Pilipinas sa isang labanan sa Taysan, Batangas.[44][45][46]
- Hunyo 4 -- Ang kapatid ng Tagapangasiwa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na si Amando M. Tetangco Jr. ay isa sa mga natagpuang patay sa isang sasakyan sa Timog Park sa Lungsod ng Angeles.[47]
- Hunyo 8 -- Nagwaging Pangulo ng Pilipinas si Benigno "Noynoy" Aquino III sa halalang pampanguluhan bilang ika-15 Pangulo ng Pilipinas, kung saan si Jejomar Binay ang nahalal na Pangalawang Pangulo. Nahalal sila noong Hunyo 9.[48][49]
- Hunyo 9 -- Mainit na tinanggap ng mga dumalo sa kanyang pananalita ukol sa pagbabago ng klima sa Pilipinas ang dating Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos na si Al Gore.[50]
- Hunyo 13 -- Sakunaː Aksidente. Hindi bababa sa 18 katao ang patay at mahigit 30 pa ang nasugatan nang mahulog ang isang bus sa bangin sa Balamban, Cebu.[51]
- Hunyo 16
- Nasabat ang cocaine na nagkakahalaga ng 2 milyong Piso sa isang pulis sa Lungsod ng Pasig.[52][53]
- Nailigtas ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang negosyanteng taga-Suwisa na nabihag sa loob ng dalawang buwan, sa timog ng bansa.[54][55][56]
- Hunyo 17 -- Binaril at napatay ang Aleman na opisyal ng Makati Shangri-La Hotel sa Makati.[57][58]
- Hunyo 21 -- Dinukot ang anak ng isang opisyal ng Komisyon sa Halalan ng Pilipinas sa Lanao del Sur sa Mindanao.[59][60]
- Hunyo 23 -- Siyam katao ang patay at isa pa ang sugatan sa pagsabog ng isang trak ng LPG sa isang kainan sa Carmona, Kabite.[61][62]
- Hunyo 25 -- Isang kawal ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas ang patay at dalawa pa ang sugatan sa pananambang ng mga miyembro ng Bagong Hukbong Bayan sa lalawigan ng Batangas.[63][64]
- Hunyo 29
- Pinangalanan ni Noynoy Aquino ang kanyang gabinete subalit siya muna ang tatayong Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.
- Hinirang si dating Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman Hilario Davide, Jr. na mamuno sa komisyon sa katotohanan na magbibigay katapusan sa maraming mga usapin.
- Hunyo 30
- Pagkapangulo ni Benigno "Noynoy" Aquino III. Naganap ang pagtatalaga sa tungkulin kay President-elect Noynoy Aquino, opisyal na nagdeklara sa kanya bilang ika-15 Pangulo ng Pilipinas. Nanumpa si Aquino, gayundin si Jejomar Binay bilang Ika-15 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Samantala, bumaba sa pwesto si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at nanumpa bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga.
- Dalawang sundalo ang patay sa pananambang ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Bagong Hukbong Bayan sa bayan ng Sampaloc, Quezon.[65][66]
Hulyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hulyo 1 -- Isinulong ni dating Pangulo at ngayo'y kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga na si Gloria Macapagal-Arroyo ang pagsusog sa Saligang-batas ng Pilipinas.[67]
- Hulyo 4 -- Mahigit 15 katao ang patay at 48 pa ang nasugatan matapos bumangga sa isang bakod ang isang bus sa Cebu.[68][69][70][71]
- Hulyo 5
- Isa ang patay at dalawa pa ang sugatan nang tambangan ang komboy ng isang Pangalawang Punong-bayan ng isang bayan sa Lanao del Sur.[72][73][74]
- Isang aktibista ang patay sa Aklan, kauna-unahan sa pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino.[75][76]
- Hulyo 6
- Hulyo 8 -- Sumuko na pagkalipas ng tatlong taon ang takas na kapitan sa Pilipinas na si Nicanor Faeldon, na inakusahan ng pakikisangkot sa Pag-aalsa sa Oakwood.[80][81]
- Hulyo 13 -- Unang bagyo sa Pilipinas para sa taong ito patungo sa direksiyon ng bansa kung saan 33 sa 81 na mga lalawigan ng bansa at ang kabisera na Kalakhang Maynila ay inilagay sa babala ng bagyo.[82]
- Hulyo 15
- Nahirang ang dekano ng Kolehiyo ng Batas ng Unibersidad ng Pilipinas na si Marvic Leonen na tagapamuno ng lupon ng kinatawan ng pamahalaan sa pakikipag-usap sa mga MILF.[83]
- Umabot na sa mahigit dalawampung katao ang bilang ng namatay sa Pilipinas dahil sa Bagyong Basyang (Pandaigdigang pangalan: Conson).
- Hulyo 21
- Iniwanan ng mana na nagkakahalaga ng mahigit 200 milyong piso ang kasambahay na Pilipina sa Singapore.[84][85][86]
- Dalawang sundalo ang patay sa pananambang ng mga pinaghihinalaang mga miyembro ng Bagong Hukbong Bayan sa lalawigan ng Batangas.[87][88]
- Niyanig ng lindol na may kalakhang 5 ang Silangang Samar.[89][90]
- Hulyo 22
- Natagpuang patay ang isang Amerikano at apat na Pilipino sa kanilang tinutuluyan sa pinaghihinalaang insidente ng pagnanakaw sa Lungsod ng Angeles, Pampanga.[91]
- Inaresto ang labingpitong Pilipino sa Abu Dhabi sa UAE dahil sa pagpapatakbo ng sindikato na nangangalakal ng mga kapwa Pilipino sa nasabing bansa.[92]
- Isinampa ang kasong impeachment laban kay noo'y Ombudsman Merceditas Gutierrez ng partidong Akbayan Citizens 'Action Party.[93]
- Hulyo 23
- Isang Pinoy ang patay nang kapusin ng hininga dahil sa usok sa nasusunog na bus na nasa pagitan ng bayan ng Varazze at Celle Ligure sa Italya.[94][95]
- Hindi bababa sa anim na katao ang sugatan sa pag-atake sa Lungsod ng Iligan sa lalawigan ng Lanao del Norte noong madaling araw.[96][97][98]
- Hulyo 26
- Pagbubukas ng Ika-15 na Kongreso ng Pilipinas. Nahalal si Juan Ponce Enrile bilang Pangulo ng Senado at si Feliciano Belmonte bilang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
- Isinagawa ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang unang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa.
- Hulyo 29
- Sinuspinde ng Tanod-bayan ang anim na opisyal ng Komisyon sa Halalan ng Pilipinas kaugnay ng anomalya sa pantaklob sa balota noong nakaraang halalan.[99]
- Umamin sa kasalanan sa Estados Unidos ang kasapi ng Abu Sayyaf na bahagi ng pagdukot sa ilang Amerikano at mga Pilipino noong taong 1995.[100][101][102]
- Hulyo 30
Agosto
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Agosto 1 -- Sinabihan ng Philippine Airlines ang 25 mga piloto na bumalik sa trabaho matapos magbitiw ang mga ito ng walang paalam na nagdulot ng pagkansela sa mga paglipad.
- Agosto 2
- Agosto 3 -- isinampa ang isa pang kasong impeachment laban kay noo'y Ombudsman Merceditas Gutierrez, ng partidong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN).[111]
- Agosto 6
- Nahuli sa Maguindanao ang isa sa mga suspek sa Pamamaslang sa Maguindanao noong taong 2009.
- Dalawa ang patay at ilan pa ang sugatan, kasama ang Gobernador ng Sulu, sa pambobomba sa paliparan sa Lungsod ng Zamboanga.[112][113]
- Agosto 17
- Nawala ang isang helikopter ng Hukbong Dagat ng Pilipinas sa dagat malapit sa Lungsod ng Zamboanga, dalawang piloto ang lulan nito.[114][115]
- Dinukot ang isang Tsinong mangangalakal ng mga armadong kalalakihan sa Lungsod ng Cotabato.[116][117]
- Agosto 18
- Agosto 22 -- Nagsagawa ang Pilipinas at Estados Unidos ng magkasamang pagsasanay ng hukbo.[123]
- Agosto 23 -- Krimen. Naganap ang pagbibihag sa Maynila, na nagresulta sa pagkamatay ng walong turista mula Hong Kong. Nambihag ang isang natiwalag na pulis na tagasiyasat, ng isang bus na pagmamay-ari ng Hong Thai Travel at lahat ng 25 kataong sakay nito na pawang mga turista mula sa Hong Kong, sa Maynila para manawagan sa kanyang pagkabalik sa trabaho. Napatay siya kalaunan. Hindi bababa sa 8 bihag ang namatay at dalawa pa ang malubhang nasugatan.[124][125]
- Agosto 24
- Bumagsak ang mga paseguro sa Pamilihang Sapi ng Pilipinas isang araw matapos ang Pagbibihag ng bus sa Maynila.
- Aliwan at Kultura. (Oras sa Pilipinas) Itinanghal na Miss Universe 2010 4th runner-up ang kinatawan ng Pilipinas na si Maria Venus Raj, sa ika-59 na edisyon ng patimpalak na ginanap sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos.
- Agosto 29 -- Walumpung libong katao naglunsad ng pagkilos sa Hong Kong matapos sa madugong pagbibihag sa Pilipinas noong nakaraang linggo.[126][127][128]
Setyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Setyembre 3 -- Inako ni Pangulong Benigno Aquino III ang responsibilidad sa pangangasiwa ng pangbibihag sa Maynilanoong Agosto.
- Setyembre 6 -- Sumabog ang dalawang improbisadong bomba sa Lungsod ng Cotabato sa Maguindanao.
- Setyembre 9 -- Inamin ng mga tagasiyasat sa Pilipinas na maaaring nabaril ng mga operatiba ng Manila Police District ang ilan sa mga binihag na turista sa pambibihag noong Agosto.
- Setyembre 12 -- Natagpuan ng mga naglilinis ng eroplano sa Pilipinas ang isang sanggol na lalaki na itinabon sa basurahan sa banyo.[129]
- Setyembre 13 -- Tatlong rebeldeng Bagong Hukbong Bayan ang patay sa pakikipag-sagupaan sa Bula, Camarines Sur.[130][131]
- Setyembre 26 -- Krimen. Niyanig ng isang pagsabog ang De La Salle University sa Maynila sa panahon ng huling araw ng 2010 Bar Exams.
Oktubre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Oktubre 11 -- Iminungkahi ni Benigno Aquino III, Pangulo ng Pilipinas, ang mga administratibo lamang at hindi kriminal na kaso laban sa mga may kaugnayan sa naganap na pambibihag sa Maynila noong Agosto.
- Oktubre 16 -- Tinamaan ng Bagyong Juan, opisyal na tinawag bilang Typhoon Megi, ang hilagang-silangan Luzon sa Sierra Madre, lumikha ng malawakang pinsala sa Luzon. (Oktubre 18). Ito ang pinakamalakas na bagyo sa taong 2010.
- Oktubre 25 -- Halalan. Opisyal na ginanap ang sabayang halalang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa Pilipinas.
Nobyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nobyembre 23 -- Opisyal na nagbitiw sa tungkulin ang Undersecretary ng Kagawran ng Turismo na si Vicente Romano III, bilang resulta ng kontrobersyal na kampanya sa pagtataguyod ng turismo na tinawag na "Pilipinas Kay Ganda."
- Nobyembre 30 -- Opisyal na nagsimula sa tungkulin at nanumpa ang mga nanalo sa halalang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK), at bumitiw sa mga nagtapos na sa termino at hindi nanalo sa nasabing halalan.
Disyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Disyembre 7 -- Ang Korte Suprema ay bumoto, 10-5, upang ideklara na ang Atas ng Pangulo 1 ni Pangulong Aquino, na lumikha sa Truth Commission, ay labag sa Konstitusyon.[132]
- Disyembre 14 -- Natapos ang Kaso ng Pamamaslang sa mga Vizconde. Nagresulta sa kalayaan ni Hubert Webb.
- Disyembre 16 -- Inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga bagong salaping papel ng bansa.
Aliwan at Kultura
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Marso 6 -- Telebisyonː Patimpalak ng Kagandahan sa Pilipinas. Ginanap ang ika-47 Binibining Pilipinas (2010) sa Araneta Coliseum, at isinahimpapawid ng GMA Network. Tinanghal na Bb. Pilipinas-Universe 2010 si Maria Venus Raj ng Bato, Camarines Sur. Huling resulta, Binibining Pilipinas 2010ː
- Bb. Pilipinas-Universe 2010ː # 10 -- Maria Venus Raj (Bato, Camarines Sur). Lumahok sa Miss Universe 2010 at nahanay bilang 4th runner-up (Agosto 23, Estados Unidos).
- Bb. Pilipinas-World 2010ː # 21 -- Czarina Catherine Gatbonton (Malolos City. Lumahok sa Miss World 2010 (Oktubre 30, Tsina)
- Bb. Pilipinas-International 2010ː # 11 -- Krista Eileen Kleiner (Manila). Lumahok sa Miss International 2010 at inihanay na Top 15 Finalist (Nobyembre 7, Tsina)
- Bb. Pilipinas Runners-upː
- Abril 24 -- Telebisyonː Patimpalak ng Kagandahan sa Pilipinas. Ginanap ang ika-10 Miss Philippines Earth (2010) sa Manila Ocean Park, Maynila, at isinahimpapawid ng ABS-CBN. Tinanghal na Miss Philippines Earth 2010 si Kris Psyche Resus ng Infanta, Quezon. Huling resulta, Miss Philippines Earth 2010ː
- Miss Philippines Earth 2010ː Kris Psyche Resus (Infanta). Lumahok sa Miss Earth 2010 (Disyembre 4, Vietnam)
- Miss Philippines Airː Emmerie Dale Cunanan (Pandan
- Miss Philippines Waterː Renee Rosario McHugh (USA East Coast)
- Miss Philippines Fireː Gwennaelle Ruais (France)
- Miss Philippines Eco Tourismː Angela Lauren Fernando (Lubao)
- Agosto 28 -- Telebisyonː Patimpalak ng Kagandahan sa Pilipinas. Ginanap ang ika-42 Mutya ng Pilipinas (2010) sa Newport City, Pasay, at isinahimpapawid ng GMA Network. Tinanghal si Carla Jenina Lizardo ng Bicol, na Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010, at si Barbara Salvador ng Pangasinan, na Mutya ng Pilipinas Internationtal 2010. Huling resulta, Mutya ng Pilipinas 2010ː
- Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010ː Carla Jenina Terina Lizardo (Bicol). Hindi nagawang lumahok sa Miss Intercontinental 2010
- Mutya ng Pilipinas International 2010ː Barbara dela Rosa Salvador (Pangasinan). Lumahok sa Miss Tourism International 2010 at nahanay bilang 3rd runner-up (Malaysia)
- Mutya ng Pilipinas Asia Pacific 2010ː Christi Lynn Landrito McGarry (Filipino Community of East Coast, USA). Pinalitan si Carla Jenina Lizardo, lumahok sa Miss Intercontinental 2010 at inihanay na Top 15 semifinalist. (Dominican Republic)
- Mutya ng Pilipinas Runners-upː
- 1st - Suzette Hernandez (Batangas)
- 2nd - Sharon Grace Angel (Lapu-Lapu City)
- Setyembre 30 -- Pelikula. Ginanap ang ika-23 Awit Awards sa SM Mall of Asia sa Pasay. Sina Noel Cabangon at Gloc-9 ay nakatanggap ng pinakamaraming mga parangal na umabot sa apat.
- Disyembre 25, 2010 - Enero 7, 2011 -- Pelikula. Inilunsad ang ika-36 Metro Manila Film Festival - Philippines (MMFF). Ginanap ang "Gabi Ng Parangal" (Awards Night) noong Disyembre 26. Ang pelikulang "Ang Tanging Ina Mo (Last na 'To!)" ay nakatanggap ng pinakamaraming mga parangal, siyam kasama ang Best Picture.
Palakasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- NCAA Season 86 (2010–2011)
- UAAP Season 73 (2010-2011). Ginanap ang opening ceremonies noong Hulyo 10.
- 2010–11 PBA Season (ika-36), Ginanap mula Oktubre 3 hanggang Agosto 21, 2011.
- 7th Season ng Shakey's V-League. Idinaos ang 1st Conference ng liga noong Abril 2010 at ang Second Conference mula Hulyo 11 hanggang huling bahagi ng Setyembre.
- Disyembre 13-19 -- Lumahok ang Pilipinas sa 2010 Asian Para Games-First Asian Para Games sa Guangzhou, Tsina. Nahanay ang bansa sa ika-21 puwesto.
Sakuna
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bagyoː Labing-isang (11) bagyo ang pumasok at tumama sa Pilipinas sa taong 2010ː (Tandaanː Mga bagyo sa Bold ay mga bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at tumama sa saanmang lupain sa bansa.)
Talaan ng mga bagyong tumama sa Philippine Area of Responsibility sa taong 2010 | |||
---|---|---|---|
Petsang itinagal | Uri | Pangalang Pandaigdig | Pangalang Lokal |
Marso 21 - 26 | Tropical Storm | Omais | Agaton |
Hulyo 11 - 18 | Typhoon | Conson | Basyang |
Hulyo 17 - 23 | Typhoon | Chanthu | Caloy |
Agosto 3 - 5 | Tropical Storm | (wala) | Domeng |
Agosto 6 - 12 | Severe Tropical Storm | Dianmu | Ester |
Agosto 26 - Setyembre 3 | Severe Tropical Storm | Lionrock | Florita |
Agosto 28 - Setyembre 2 | Typhoon | Kompasu | Glenda |
Setyembre 1 - 10 | Severe Tropical Storm | Malou | Henry |
Setyembre 14 - 21 | Typhoon | Fanapi | Inday |
Oktubre 12 - 24 | Typhoon | Megi | Juan |
Oktubre 20 - 30 | Typhoon | Chaba | Katring |
- Hulyo 23 -- Lindolː Niyanig ng apat na magkakasunod na lindol ang Mindanao.
- Mula huling bahagi ng Disyembre -- Pagbahaː Naganap ang malawakang pagbaha sa silangang bahagi ng Pilipinas. Unang naiulat ng pagbaha sa probinsya ng Albay at Sorsogon sa Kabikulan.
Mga Paggunita
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga okasyon sa italiko ay "special holidays ," mga nasa bold ay ang "regular holidays."
Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming lugar ang mga lokal na pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bayan. Ito rin ay "espesyal na araw. "
- Enero 1 – Unang Araw ng Bagong Taon
- Pebrero 22 – Rebolusyong EDSA ng 1986
- Abril 1 – Huwebes Santo
- Abril 2 – Biyernes Santo
- Abril 3 – Sabado de Gloria
- Abril 9 – Araw ng Kagitingan
- Mayo 1 – Araw ng Paggawa
- Mayo 10 – Araw ng Halalan
- Hunyo 12 – Araw ng Kalayaan
- Hunyo 30 -- Inagurasyon ni Pangulong Aquino[133]
- Agosto 29 – Araw ng mga Bayani
- Nobyembre 1 – Araw ng mga Patay
- Nobyembre 16 – Eid al-Adha (Ipinahayag sa kauna-unahang pagkakataon bilang isang pista opisyal alinsunod sa Batas Republika 9849)[134]
- Nobyembre 30 – Araw ni Bonifacio
- Disyembre 25 – Araw ng Pasko
- Disyembre 30 – Araw ni Rizal
- Disyembre 31 – Bisperas ng Bagong Taon
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 19 -- Cerge Mamites Remonde, isang Pilipinong mamamahayag at kasapi ng gabinete na naging Kalihim ng Pamamahayag. (Isinilang 21 Disyembre 1958)
- Pebrero 26 -- Oscar Obligacion, artista at komedyante. (Isinilang 21 Enero 1924)
- Marso 15 -- Emilia Boncodin, dating Kalihim ng Pagbabadyet. (Isinilang Mayo 25, 1954)
- Abril 12 -- Palito (Reynaldo Alfredo R. Hipolito), aktor at komedyante. (Isinilang Setyembre 4,1934)[135]
- Abril 22 -- Fred Panopio, mang-aawit. (Isinilang Pebrero 2, 1939)[136]
- Abril 27 -- Armando Sanchez, dating Gobernador ng lalawigan ng Batangas (2004–2007). (Isinilang Hunyo 15, 1952)
- Abril 29 -- Jojo Acuin, psychic. (Isinilang 1947)[137]
- Mayo 3 -- Florencio Campomanes, dating propesor ng agham politikal at ang kauna-unahang Filipino at Asyano na naging pinuno ng International Chess Federation (FIDE) noong 1982. (Isinilang Pebrero 22, 1927)
- Mayo 17 -- Rafael "Raffy" Puchero Nantes, dating gobernador ng lalawigan ng Quezon (2007-2010). (Isinilang Enero 4, 1957)
- Hulyo 1 -- Bishop Francisco Claver, S.J., paring Heswita. (Isinilang Enero 20, 1926)
- Hulyo 22 -- Magnolia Antonino, Senador (1969 - 1972). (Isinilang 14 Disyembre 1915)
- Hulyo 22 -- Florencio L. Vargas, dating Kinatawan ng Kongreso sa ika-2 Distrito ng lalawigan ng Cagayan (2004–2010). (Isinilang Nobyembre 7, 1931)
- Hulyo 23 -- Prospero Luna, komedyante at aktor. (Isinilang Abril 20, 1934)
- Hulyo 25 -- Redford White (Cipriano Cermeño II), komedyante. (Isinilang Disyembre 5, 1955)[138][139]
- Agosto 8 -- Charlie Davao, aktor at ama ni Ricky Davao. (Isinilang Oktubre 7, 1934)
- Agosto 21 -- Melody Gersbach, Binibining Pilipinas International 2009. (Isinilang Nobyembre 18, 1985)[140]
- Oktubre 3 -- Abraham F. Sarmiento, Sr., dating Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas. (Isinilang Oktubre 8, 1921)
- Oktubre 7 -- Demetria "Metring" David, komedyante noong dekada 1960. (Isinilang Hunyo 20, 1920)
- Nobyembre 15 -- Carmen Ronda, beteranong aktres.[141]
- Nobyembre 16 -- Wyngard Tracy, beteranong talent manager. (Isinilang Pebrero 7, 1952)
- Disyembre 26 -- Pablo Gomez, manunulat sa komiks, pelikula, at telebisyon. (Isinilang Enero 25, 1932)
Mga Panlabas na Kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "DZMM Year-end Report" (2010, 2012, 2013, 2014). YouTube (DZMM TeleRadyo). 12-29-2014.
- "Calendar year 2010 (Philippines)"
- "Philippines in 2010" Naka-arkibo 2015-09-10 sa Wayback Machine. Britannica.com.
- "Top 10 headlines of 2010"[patay na link] Wikipilipinas.
- "10 prominent Filipino personalities who died in 2010" Naka-arkibo 2016-11-21 sa Wayback Machine. Wikipilipinas
- "PiNaysaAmerika: Celebrities who died in 2010-Philippines" 12-30-2010.
- "Sports, celebrities, success and change mark searches by Filipinos in the Yahoo! Year in Review 2010"[patay na link] Adobo Magazine Online. 12-12-2010.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Philippines mayor pleads not guilty to murder" Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine. CNN. 01-05-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Philippines massacre suspect Ampatuan pleads not guilty" BBC News. 01-05-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "(UPDATE) 3 soldiers, 5 cops violate gun ban" ABS-CBN News. 01-11-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "3 govt officials among 48 arrested violators of gun ban" GMA News. 01-11-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "47 arrested after Philippine gun ban: police" My Sinchew. 01-11-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "9 years after ouster, Erap back in Malacañang" GMA News. 01-12-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Ex-Philippine leader says 'destined' for new term" Agence France-Presse. 01-12-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Erap to return to Malacañang"[patay na link] ABS-CBN News. 01-11-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Comelec defends decision allowing Estrada to run in May polls" GMA News. 01-21-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Philippines Panel Clears Election Bid by Former President" The New York Times. 01-20-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Wanted Abu Sayyaf operative reported killed in North Waziristan" The Long War Journal. 01-21-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "US drone 'kills Filipino militant Abdul Basit Usman'" BBC News. 01-22-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Filipino militant believed killed in US drone attack in Pakistan" Gulf News (Pakistan). 01-22-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Witness testifies clan chief, son planned Philippine massacre, hired militiamen for killings" The Canadian Press. 01-27-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Mangudadatu faces Andal Jr. in Ampatuan massacre trial" GMA News. 01-27-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Witness recalls wife's last words before Philippine massacre" My Sinchew. 01-27-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Gov’t, MILF resume formal talks in Malaysia" GMA News. 01-28-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Republic Act 9740" Senate of the Philippines. 10-30-2009. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Republic Act 9740" The LawPhil Project. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "SC asked to nix Arroyo Congress bid" GMA News. 02-04-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Military Continues to Deny Friends, Kin Access to ‘Morong 43’" Bulatlat. 02-07-2010. Hinango 06-13-2016.
- ↑ "DOJ OKs murder raps vs Ampatuan Sr, 196 others" ABS-CBN News. 02-09-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "197 people charged with murder over Philippine massacre" Agence France-Presse. 02-08-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "197 charged over Philippines massacre" Australian Broadcasting Corporation. 02-09-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Philippines clan head charged over Maguindanao massacre" The Guardian. 02-09-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Philippine El Shaddai church backs Manuel Villar" BBC News. 02-15-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Arroyo finally signs VAT exemption law for elderly" GMA News. 02-16-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "PGMA signs into law E-VAT exemption for senior citizens" ABS-CBN News. 02-16-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "3 die, 2000 evacuated due to fumes in Batangas" GMA News. 02-17-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Journalist deaths 'reach record level' in 2009" BBC News. 02-17-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Abu Sayyaf commander killed in raid" Al Jazeera. 02-27-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Philippines says kills Islamic militant leader" Reuters. 02-21-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Abu Sayyaf commander killed in Philippines raid" BBC News. 02-21-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Philippine rebels raid southern village, 11 dead" Reuters. 02-26-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Abu Sayyaf militants raid Philippine village" BBC News. 02-27-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "11 killed, 10 others hurt in Basilan bandit attack" GMA News. 02-27-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Abu Sayyaf bandits kill baby, 10 others in Basilan" ABS-CBN News. 02-27-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Philippine troops killed in ambush" Al Jazeera. 03-06-2010. Hnango 11-12-2016.
- ↑ "Death toll in La Union bus accident now 12" GMA News. 03-07-2010. Hnango 11-12-2016.
- ↑ "Supreme Court allows Arroyo to appoint next chief justice" GMA News. 03-17-2010. Hnango 11-12-2016.
- ↑ "SC: President Arroyo can appoint new chief justice" ABS-CBN News. 03-17-2010. Hnango 11-12-2016.
- ↑ "Abu Sayyaf bandits seize 3 men in Basilan — police" GMA News. 05-27-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Abu Sayyaf abducts 3 in Basilan" ABS-CBN News. 05-27-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Philippine military attacks rebels' base in N Philippines"[patay na link] People's Daily (China). 06-03-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "3 rebels die in Batangas encounter" ABS-CBN News. 06-03-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "3 NPA rebels killed in predawn Batangas clash" GMA News. 06-03-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "BSP head’s brod, 2 others shot dead in Pampanga" GMA News. 06-04-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Final tally: Binay leads Roxas by 700,000 votes" ABS-CBN News. 06-08-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Noynoy, Binay retain leads, sure to be proclaimed" GMA News. 06-08-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Gore draws crowds to climate change lecture" ABS-CBN News. 06-09-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Philippine bus crash kills at least 18 people" Xinhua. 06-14-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "P20-M worth of cocaine seized from airport police officer" GMA News. 06-16-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Cop nabbed for selling 4 kilos of cocaine" ABS-CBN News. 06-16-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Kidnapped Swiss national freed in Philippines: authorities" Agence France-Presse. 06-16-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Swiss kidnap victim rescued in Zamboanga City" ABS-CBN News. 06-16-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Swiss hostage in Philippines freed" Swiss Info. 06-16-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "German hotel exec gunned down in Makati — police" GMA News. 06-17-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Shangri-La's food and beverage director shot dead in Makati" ABS-CBN News. 06-17-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Son of Comelec commissioner kidnapped" ABS-CBN News. 06-21-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Poll official's son abducted by men seeking to nullify votes" GMA News. 06-21-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "9 die in LPG tank blasts in Cavite" ABS-CBN News. 06-23-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "9 killed, 1 hurt in fiery road accident in Cavite" GMA News. 06-23-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Suspected NPA rebels shoot dead Air Force man, 2 others hurt" ABS-CBN News. 06-26-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Soldier killed, two hurt in Batangas ambush" GMA News. 06-25-2010. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "2 soldiers killed, 1 wounded in NPA attack in Quezon" ABS-CBN News. 06-30-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "2 soldiers killed, 1 hurt in NPA ambush in Quezon" GMA News. 06-30-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Arroyo seeks changes to Philippine constitution" Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine. Reuters. 07-01-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Fifteen die as Philippine bus hits wall to avoid crowd" BBC News. 07-04-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "15 people killed, 48 injured in C. Philippines' road accident"[patay na link] People's Daily (China). 07-04-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Fifteen dead in Philippines bus crash" Naka-arkibo 2010-07-08 sa Wayback Machine. news.com.au. 07-04-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "15 dead in Philippine bus crash" The Times of India. 07-04-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Lanao town vice-mayor survives ambush; 1 killed" ABS-CBN News. 07-05-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Gunmen ambush town vice mayor convoy in S Philippines"[patay na link] People's Daily (China). 07-05-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Report: 1 killed, 2 hurt in Lanao Sur ambush" GMA News. 07-05-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Activist leader killed in Aklan; 1st under Aquino admin" ABS-CBN News. 07-05-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Bayan Muna coordinator in Aklan shot dead" GMA News. 07-05-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Oil spill hurting fishing village in Batangas" ABS-CBN News. 07-06-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Coast Guard sends team to check oil spill in Batangas" GMA News. 07-06-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Kidnapped Chinese trader rescued in Sulu" ABS-CBN News. 07-06-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Rebel Philippine captain surrenders" Al Jazeera. 07-08-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Philippine coup plotter surrenders to new government" BBC News. 07-08-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Philippines braces for typhoon" The Sydney Morning Herald. 07-13-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "UP Law dean heads GRP panel in talks with MILF" GMA News. 07-15-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Filipina maid inherits millions from employer" Agence France-Presse. 07-22-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Pinay helper in Singapore inherits millions from employer" GMA News. 07-21-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "The £3million maid: Filipina servant left a fortune AND a luxury Singapore apartment by grateful employer" Daily Mail (UK). 07-21-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Suspected rebels kill 2 soldiers in Batangas ambush" GMA News. 07-21-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Rebels kill 2 Army men in Batangas" ABS-CBN News. 07-21-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Quakes jolt Eastern Samar, Ilocos provinces" ABS-CBN News. 07-21-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Predawn quake jolts Eastern Visayas anew" GMA News. 07-21-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "American national, 4 Filipinos killed in N Philippine"[patay na link] People's Daily (China). 07-22-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "17 Filipinos arrested in UAE for human trafficking" GMA News. 07-22-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Ex-Rep. Hontiveros leads 2nd impeachment vs Gutierrez" GMA News. 07-22-2010. Hinango 05-24-2016.
- ↑ "DFA: Pinoy dies, another airlifted in Italy bus accident" GMA News. 07-23-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "1 dead as tourist bus with Filipinos catches fire in Italy" ABS-CBN News. 07-23-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Grenade explodes in S. Philippines, 7 injured"[patay na link] People's Daily (China). 07-23-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "7 hurt in grenade blast in Iligan City — police" GMA News. 07-23-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Predawn grenade blast hurts 6 in Iligan" ABS-CBN News. 07-23-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Comelec execs in secrecy folder deal suspended" ABS-CBN News. 07-29-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Sayyaf member in 1995 hostage-taking pleads guilty in US" GMA News. 07-29-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Abu Sayyaf co-founder pleads guilty in US" Agence France-Presse. 07-28-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Philippine abductions leader admits guilt" United Press International. 07-28-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Magnitude-4.6 quake rocks Mindoro" GMA News. 07-30-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Earthquake jolts parts of Mindoro, Batangas" ABS-CBN News. 07-30-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "3 suspected NPA rebels killed in Pampanga clash" GMA News. 07-30-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "3 suspected rebels killed in Pampanga" ABS-CBN News. 07-30-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ Awardees from 2010. Naka-arkibo 2017-08-22 sa Wayback Machine. The Ramon Magsaysay Award Foundation. Naka-arkibo 2017-03-07 sa Wayback Machine. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "2 Pinoy science teachers among 2010 Magsaysay awardees" ABS-CBN News. 08-02-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Car theft gang leader Ivan Padilla killed in Makati" ABS-CBN News. 08-02-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Police: Carjack ring leader arrested in Makati" GMA News. 08-02-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Another impeachment complaint filed vs Ombudsman Gutierrez" GMA News. 08-03-2010. Hinango 05-24-2016.
- ↑ "Suspected bomber dead in Philippines airport blast" Naka-arkibo 2020-09-26 sa Wayback Machine. CNN. 08-05-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Philippines airport bomb kills two, wounds governor" BBC News. 08-06-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Navy helicopter crashes in S. Philippines, two pilots missing" Xinhua. 08-17-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Navy chopper crashes near Zamboanga" ABS-CBN News. 08-17-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Armed men abduct trader in Cotabato City" GMA News. 08-17-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Chinese businessman abducted in Cotabato" ABS-CBN News. 08-16-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Authorities seize 14 kg of shabu from Malaysian at NAIA" GMA News. 08-18-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "BOC seizes shabu haul at NAIA-2" ABS-CBN News. 08-18-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Bus crash in Philippines kills 35, but 8 survive" The Associated Press. 08-18-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Bus crash in Philippines kills 39"[patay na link] CNN. 08-18-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "At least 35 killed as bus plunges into ravine in Philippines" Xinhua. 08-18-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Philippine-U.S. forces hold joint exercise" Xinhua. 08-22-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Hostages die in Manila bus siege" Al Jazeera. 08-24-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Gunman in the Philippines ends standoff by killing 8, wounding 7" Naka-arkibo 2016-03-18 sa Wayback Machine. CNN. 08-24-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Hong Kong rallies for bus victims" Al Jazeera. 08-30-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Hong Kong protest over Manila hostage deaths" BBC News. 08-29-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Hong Kong in bitter mourning for Manila bus killer's victims" The Independent (UK). 08-30-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Baby found in plane bin in Philippines" The Sydney Morning Herald. 09-13-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "3 NPA rebs killed in clash with soldiers in CamSur" GMA News. 09-13-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "NPA rebel killed in clash with military in Camarines Sur" ABS-CBN News. 09-13-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "TIMELINE: The short-lived 2010 Truth Commission" Rappler. 07-30-2016. Hinango 10-01-2016.
- ↑ "Palace declares June 30 a special non-working holiday." ABS-CBN News. 06-17-2010. Hinango 06-30-2016.
- ↑ "Republic Act No. 9849" Naka-arkibo 2016-09-17 sa Wayback Machine. Official Gazette of the Republic of the Philippines. 12-11-2009. Hinango 09-26-2016.
- ↑ "Famous Deaths in 2010" OnThisDay.com. Hinango 10-18-2016.
- ↑ "Singer-actor Fred Panopio passes away" ABS-CBN News. 04-23-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "'Nostradamus of Asia': Psychic Jojo Acuin dies at 63" GMA News. 04-30-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Comedian Redford White passes away" ABS-CBN News. 07-26-2010. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "Death of Philippine Showbiz Icons: Actors and Musicians Who Have Gone Too Soon" WOWBatangas.com. 09-20-2011. Hinango 10-18-2016.
- ↑ "11 Pinoy celebs who died in road accidents" Coconuts Manila. 01-26-2014. Hinango 10-15-2016.
- ↑ "Former sexy star Carmen Ronda dies" ABS-CBN News. 11-17-2010. Hinango 10-18-2016.