2001 sa Pilipinas
Itsura
Ang 2001 sa Pilipinas ay ang mga detalye ng mga pangyayari na naganap sa Pilipinas noong taong 2001.
Panunungkulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pangulo: Joseph Estrada (LAMMP) (Hanggang Enero 20), Gloria Macapagal Arroyo (Lakas) (Mula Enero 20)
- Pangalawang Pangulo: Gloria Macapagal-Arroyo (Lakas) (Hanggang Enero 20), Teofisto Guingona (Lakas) (Mula Enero 20)
- Pangulo ng Senado: Aquilino Pimentel (Hanggang Hunyo 30); Franklin Drilon (Mula Hunyo 30)
- Ispiker ng Kapulungan: Arnulfo Fuentebella (Hanggang Enero 20), Feliciano Belmonte, Jr. (Enero 20-Hunyo 30), Jose C. de Venecia, Jr. (Mula Hunyo 30)
- Punong Mahistrado: Hilario Davide, Jr.
- Kongreso ng Pilipinas: Ika-11 Kongreso ng Pilipinas (Hanggang Hunyo 8), ika-12 Kongreso ng Pilipinas (Hanggang Hulyo 23)
Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahing Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kaganapan: [tingnan ang Kronolohiya]
- Kamatayan: [tingnan ang Kamatayan]
- Mga armadong alitan: Himagsikang Komunista, Himagsikang Moro
- Halalan: [tingnan ang Kronolohiya]
- Paglilitis: [tingnan ang Kronolohiya]
Kronolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 16 - Matapos bumoto ang 11 senador na huwag buksan ang pangalawang sobre, na naglalaman ng mga dokumento laban kay Pangulo Estrada, lumakad paalis ang mga taga-usig.
- Enero 17-20 – Ikalawang Rebolusyon sa EDSA ay tumagal ng 4 na araw. Ang pagsasakdal laban kay Pangulo Estrada, na inakusahan ng paglalaro ng jueteng, ay natapos at nagbunsod sa Ikalawang Rebolusyong Lakas ng Bayan sa EDSA o Lakas ng Bayan II. Ang kanyang Pangalawang-Pangulo Macapagal-Arroyo ay sumunod sa kanya bilang ika-14 Pangulo ng Republika.
- Enero 17 - Ang makasaysayang Rebolusyon sa EDSA II ay nagsimula sa People Power Shrine.
- Enero 19 - Sina Kalihim ng Tanggulan Orly Mercado, Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas Heneral Angelo Reyes at Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas Direktor Heneral Panfilo Lacson ay tumiwalag sa administrasyong Estrada.
- Enero 20 - Pagpapatalsik kay Pangulo Estrada sa Malacañang: Napatalsik sa Rebolusyon sa EDSA II si Estrada; si Pangalawang-Pangulo Macapagal-Arroyo ay nagng Pangulo.
- Enero 22 – Idineklarang ika-99 na lungsod ang Vigan sa Ilocos Sur, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8988, pinagtibay Disyembe 27, 2000.
- Pebrero 3 – Idineklarang ika-100 lungsod ang San Fernando, Pampanga, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8990, pinagtibay Enero 26.
- Pebrero 22 – Itinatag bilang ika-79 na lalawigan ang Zamboanga Sibugay, sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 8973 na nilagdaan bilang batas ni Pangulo Macapagal-Arroyo.
- Marso 10 – Idineklarang ika-101 lungsod ang Tanauan, Batangas, alinsunod sa Batas Republika Blg. 9005, pinagtibay Pebrero 2.
- Marso 24 – Idineklarang ika-102 at ika-103 na mga lungsod (mula sa lalawigan ng Albay) ang Ligao, alinsunod sa Batas Republika Blg. 9008, pinagtibay Pebrero 21; at Tabaco, alinsunod sa Batas Republika Blg. 9020, pinagtibay Marso 5.
- Marso 28 – Idineklarang ika-104, ika-105 at ika-106 na mga lungsod ang Cauayan, Isabela, alinsunod sa Batas Republika Blg. 9017, pinagtibay Pebrero 28; Candon, Ilocos Sur, alinsunod sa Batas Republika Blg. 9018, at Alaminos, Pangasinan, sa isang plebisito, alinsunod sa Batas Republika Blg. 9025,[1] kapwa pinagtibay Marso 5.
- Marso 31 – Idineklarang mga lungsod ang mga sumusunod:
- Escalante, Negros Occidental, ika-107, Batas Republika Blg. 9014, pinagtibay Pebrero 28.
- Panabo, Davao del Norte, ika-108, Batas Republika Blg. 9015, pinagtibay Pebrero 28.
- Tanjay, Negros Oriental, ika-109, Batas Republika Blg. 9026, pinagtibay Marso 5.
- Sipalay, Negros Occidental, ika-110, Batas Republika Blg. 9027, pinagtibay Marso 5.
- Himamaylan, Negros Occidental, ika-111, Batas Republika Blg. 9028, pinagtibay Marso 5.
- Abril 21 – Idineklarang ika-112 at ika-113 na mga lungsod ang Malabon, bilang Mataas na Urbanisadong Lungsod alinsunod sa Batas Republika Blg. 9019, at Calamba, Laguna, alinsunod sa Batas Republika Blg. 9024, kapwa pinagtibay Marso 5.
- Abril 25 – Idineklarang ika-114 na lungsod ang Isabela, Basilan, alinsunod sa Batas Republika Blg. 9023, pinagtibay Marso 5.
- Abril 30 - Mayo - Protesta sa EDSA III.[2]
- Mayo 14 - Pangkalahatang halalang pambansa, 2001.
- Mayo 27 - Mga pagdukot ng Abu Sayyaf sa Dos Palmas: Naganap sa Palawan, krisis ay tumagal ng 12 buwan.
- Agosto 18 - Isang sunog ang kumalat sa Manor Hotel sa Lungsod Quezon at pumatay ng hindi bababa sa 68-katao.
- Agosto 25 – Idineklarang ika-115 lungsod ang Gapan, Nueva Ecija, alinsunod sa Batas Republika Blg. 9022, pinagtibay Marso 5.
- Setyembre 11 – Mga Pag-atake (9/11) sa Amerika: Naganap sa Estados Unidos, kabilang ang 16 na Pilipino sa higit 3000-kataong namatay.
Kapanganakan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pebrero 5 – Juan Karlos Labajo, mang-aawit at tagapalabas
- Mayo 24 – Darren Espanto, mang-aawit at tagapalabas
- Agosto 23 – Zaijian Jaranilla, aktor
- Oktubre 31 – Amy Nobleza, mang-aawit at aktres
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nobyembre 7 – Nida Blanca, aktres (ipinanganak 1936)
- Nobyembre 23 – Maria Teresa Carlson, aktres (ipinanganak 1963)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Local History; Timeline". City of Alaminos. Hinango 06-06-2017.
- ↑ Marco Garrido (2008). "Civil and Uncivil Society Symbolic Boundaries and Civic Exclusion in Metro Manila". Philippine Studies. 56. JSTOR 42633976.