2022 sa Pilipinas
Itsura
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Ang 2022 sa Pilipinas ay mga pangyayaring nakatakdang maganap sa Pilipinas sa taong 2022. Ang 2022 sa Pilipinas ay ang taon sa loob ng 2000 dekada, sa 21st siglo at 3rd milenyum. Matapos ang 2021 sa Pilipinas at bago mag 2023 sa Pilipinas.
Panunungkulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pangulo:
- Rodrigo R. Duterte (PDP–Laban) (hanggang Hunyo 30)
- Ferdinand R. Marcos Jr. (PFP) (simula Hunyo 30)
- Pangalawang Pangulo:
- Leni G. Robredo (Liberal) (hanggang Hunyo 30)
- Sara Z. Duterte-Carpio (Lakas–CMD) (simula Hunyo 30)
- Kongreso:
- Pangulo ng Senado:
- (ika-18): Vicente Sotto III (NPC) (hanggang Hulyo 1)
- (ika-19): Migz Zubiri (Independent) (simula Hulyo 25)
- Ispiker ng Kapulungan:
- (ika-18): Lord Allan Velasco (PDP–Laban) (hanggang Hulyo 1)
- (ika-19): Martin Romualdez (Lakas–CMD) (simula Hulyo 25)
- Pangulo ng Senado:
- Punong Mahistrado: Alexander Gesmundo
Nagpapatuloy na mga kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Paglilitis: Nagpatuloy: Leila de Lima
- Mga alitan:
- Alitang Moro[1]
- Rebelyong komunista[2][3]
- Kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas
- Agawan ng teritoryo sa Dagat Timog Tsina[4]
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas
Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pambansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Enero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 6 – Nilagdaan ni Pangulo Rodrigo Duterte bilang batas ang panukalang magbabawal sa pagkasal sa menor-de-edad, na ang lalabag ay maaaring makulong ng hanggang 12 buwan. Ilang bahagi ng batas ay magiging epektibo lang matapos ang isang taon upang makapaghanda ang mga komunidad na Muslim at katutubo.
Marso
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Marso 6 – Inaprubahan ni Pangulo Duterte ang panukalang magtataas sa age of consent sa bansa mula 12 tungong 16.
- Marso 26 – Pagputok ng Bulkang Taal ng 2020–2022: Itinaas ng Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya (PHIVOLCS) ang estado alerto ng Bulkang Taal sa lebel 3 nang magkaroon ng maikling phreatomagmatic eruption ang naturang bulkan.
Abril
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Abril – Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2022: Nagdulot ang Bagyong Agaton (Tropical Storm Megi) ng mga baha at mga pagguho ng lupa.
Mayo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mayo 9 – Idinaos ang pangkalahatang halalan sa bansa.[5] Nahalal sina dating Senador Bongbong Marcos at alkalde ng Lungsod Davao Sara Duterte bilang pangulo at pangalawang pangulo; sa mga posisyon sa lehislatura ay ang labindalawang mga senador sa pangunguna ni Robin Padilla, at 55 mga party-list kung saan ang ACT-CIS Partylist ay nakakuha ng pinakamaraming puwesto.[6][7][8]
- Mayo 23 – Isang high-speed craft na may lulang 134-katao ang nasunog sa dagat na sakop ng Real, Quezon, pito ang nasawi at 23 pa ang nasaktan.
Hunyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hunyo 5 – Itinaas ng PHIVOLCS ang estado alerto ng Bulkang Bulusan sa lebel 1 nang makaranas ng phreatic eruption ang naturang bulkan.
- Hunyo 29 – Pinagtibay ng Komisyon sa mga Panagot at Palitan ang naunang apelang ipawalang-bisa ang lisensya sa operasyon ng online news website na Rappler dahil sa paglabag sa konstitusyonal na mga foreign equity restrictions sa pagmamay-ari ng mass media, samakatuwid, nag-uutos sa pagpapasara sa websayt. Sinabi ng Rappler co-founder at ginawaran ng 2021 Nobel Peace Prize na si Maria Ressa na ia-apela nila ang naturang desisyon sa hukuman.
- Hunyo 30 – Nanumpa si Bongbong Marcos bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
Hulyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hulyo 24 – Tatlo, kabilang ang dating alkalde ng Lamitan, Basilan, ang napatay sa pamamaril sa Pamantasang Ateneo de Manila sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila. Naaresto ang salarin.
- Hulyo 26 – Ugnayang Pilipinas–Rusya: Inanunsyo ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagwawakas sa US$227-milyon na kasunduan sa pagbili ng 16 Mil Mi-17 military helicopters mula sa Rusya, dahilan sa panganib na potensyal na pagpataw ng parusa ng Estados Unidos sa ilalim ng Countering America's Adversaries Through Sanctions Act.
- Hulyo 27 – Niyanig ng magnitude 7 na lindol ang Luzon. Natukoy ang sentro nito sa hilagang-kanluran ng Tayum, Abra.[9]
- Hunyo 29 – Pagsiklab ng monkeypox sa Pilipinas ng 2022: Iniulat ng bansa ang kauna-unahan nitong kaso ng monkeypox.[10]
Agosto
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Agosto 22 – Muling nagbukás ang mga paaralan sa bansa para sa mga klaseng personal pagkatapos ng dalawang taóng pagkakasara dahil sa pandemya.
Setyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Setyembre 12 – Nag-isyu si Pangulo Marcos ng Atas Tagapagpaganap Blg. 3 na layong gawing opsyonal ang paggamit ng mga face mask sa mga panlabas na pook sa buong bansa.[11]
- Setyembre 21 – Ibinasura ng Panrehiyong Hukuman sa Paglilitis (RTC) sa Maynila ang petisyon ng pamahalaan ng Pilipinas na nagpapadeklara sa Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan na mga samaháng panterorismo, aniya'y hindi ito ang kanilang layunin.[12]
- Setyembre 26 – Tumama sa kalupaan ng isla ng Luzon ang Bagyong Karding (Typhoon Noru).
Oktubre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Oktubre 1 – Sa pambihirang pagkakataon, napanalunan ng 433 mga mananaya ang premyo sa 6/55 Grand Lotto, na may halagang higit ₱200-milyon, sa palaro ng Tanggapan sa Charity Sweepstakes ng Pilipinas.[13]
- Oktubre 25 – Niyanig ng isang magnitude 6.4 na lindol ang Rehiyong Administratibo ng Cordillera at mga karatig-rehiyon.
- Oktubre – Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2022: Nagdulot ang Bagyong Paeng (Tropical Storm Nalgae) ng mga baha at pagguho ng lupa sa Mindanao. Naitala ang pinsala sa ₱7.38-bilyon (hanggang Nobyembre 6).[14] Sa mga nasawi, karamihan ay mula sa Bangsamoro.
Nobyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nobyembre 2 – Ipinatupad ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang obligadong pagbabalik sa panlahatang klaseng personal.[15]
- Nobyembre 3 – Sinentensiyahan ng isang hukumang panrehiyon ng 129-taong pagkabilanggo ang Australyanong sex offender na si Peter Scully at tatlo sa kanyang mga kasabwat dahil sa 60 mga pagkakasalang may kinaláman sa pang-aabusong sekswal sa mga kabataan.
- Nobyembre 10 – Alitang Moro: Napatay ang tatlong mga sundalo at apat na mga militante ng Harapan ng Paglayang Islamiko ng Moro sa isang armadong labanan sa Basilan.
- Nobyembre 24 – Sinentensiyahan ng isang Panrehiyong Hukuman sa Paglilitis sa Caloocan ang isang opisyales ng kapulisan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagpapahirap at paglikha ng maling ebidensya sa mga biktima ng digmaan kontra-droga na sina Carl Arnaiz at Reynaldo de Guzman taóng 2017.
Disyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Disyembre 25 – Nagsimula ang mga baha dulot ng balaklaot sa mga rehiyon sa Visayas at Mindanao, partikular sa Hilagang Mindanao na pinagmulan ng karamihan sa mga nasawi.
Kalakalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Disyembre 6 – Naiulat na naabot ng inplasyon pambansa ang 14-taóng naitalang pinakamataas sa 8% dahil sa pagtaas ng mga presyo ng mga pagkain.
Palakasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pebrero 16 – Inanunsyo ng Alaska Aces, ikalawang pinakamatagumpay na koponan sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association, ang kanilang paghinto, sa pagwawakas ng 2021 PBA Governors' Cup.
Aliwan at kultura
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hunyo 25 – Kinoronahang Miss International Queen si Fuschia Anne Ravena ng bansa sa taunang patimpalak ng kagandahan, na itinuturing na pinakamalaking patimpalak para sa mga trans woman, na idinaos sa Thailand.
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 6 – F. Sionil Jose (ipinanganak 1924), Pambansang Alagad ng Sinning sa Panatikan[16][17]
- Pebrero 18 - Ambalang Ausalin (ipinanganak 1943), manghahabi sa Lamitan, Basilan[18]
- Mayo 20 – Susan Roces, (ipinanganak 1941), aktres[19]
- Hulyo 31 – Fidel V. Ramos (ipinanganak 1928), ika-12 Pangulo ng Pilipinas[20]
- Agosto 5 – Cherie Gil (ipinanganak 1963), aktres[21]
- Oktubre 31 – Danny Javier (ipinanganak 1947), mang-aawit, kompositor at miyembro ng APO Hiking Society[22]
- Disyembre 1 – Sylvia La Torre (ipinanganak 1933), mang-aawit at aktres[23]
- Disyembre 9 – Jovit Baldivino (ipinanganak 1993), mang-aawit[24]
- Disyembre 16 – Jose Maria Sison (ipinanganak 1939), tagapagtatag at pinuno ng Partido Komunista ng Pilipinas[25]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "New leaders, disasters: Major and most-read news in 2022". ABS-CBN News. 2022-12-15. Nakuha noong 2023-01-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Suspected rebels kill town police chief in Philippines". Associated Press. 2022-08-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rebel land mine wounds 7 soldiers in central Philippines". Associated Press. 2022-07-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2 soldiers dead, 3 wounded in clash in central Philippines". Xinhua. 2022-10-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines establishes coast guard outposts in disputed sea". Associated Press. 2022-05-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Why the 2022 Philippines election is so significant". Al Jazeera. 2022-05-08. Nakuha noong 2023-01-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Congress proclaims Marcos, Duterte in record time". Rappler. 2022-05-25. Nakuha noong 2023-01-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Comelec proclaims 12 new senators". Philippine News Agency. 2022-05-18. Nakuha noong 2023-01-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Comelec proclaims 55 party-list groups to form part of the 19th Congress". Philstar.com. 2022-05-26. Nakuha noong 2023-01-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Magnitude 7 quake jolts Abra, felt in Metro Manila". ABS-CBN News. 2022-07-27. Nakuha noong 2023-01-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines detects first monkeypox case". ABS-CBN News. 2022-07-29. Nakuha noong 2023-01-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Marcos allows voluntary face mask use outdoors". ABS-CBN News. 2022-09-12. Nakuha noong 2023-01-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rebellion is not terrorism: Court junks PH govt's plea to tag CPP-NPA as terrorists". ABS-CBN News. 2022-09-22. Nakuha noong 2023-01-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "433 winners to split P236M 6/55 Grand Lotto jackpot". ABS-CBN News. 2022-10-01. Nakuha noong 2023-01-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Paeng death toll climbs to 156, infra damage at P4.3 billion: NDRRMC". ABS-CBN News. 2022-11-06. Nakuha noong 2023-01-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "94 percent of NCR public schools return to full face-to-face learning: DepEd". ABS-CBN News. 2022-11-02. Nakuha noong 2023-01-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sarao, Zacharian (Enero 7, 2022). "National Artist for Literature F. Sionil Jose dies at 97". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Enero 8, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Artist for Literature F. Sionil Jose dies at 97". ABS CBN News. Enero 6, 2022. Nakuha noong Enero 7, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ambalang Ausalin Filipino master weaver die at age of 78". ABS-CBN News. Pebrero 19, 2022. Nakuha noong Pebrero 19, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Requintina, Robert (Mayo 20, 2022). "Movie queen Susan Roces passes away". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 20, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cueto, Francis Earl (2022-07-31). "Former president Fidel V. Ramos succumbs to Covid-19". The Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Requintina, Robert (Agosto 5, 2022). "Cherie Gil passes away". Manila Bulletin. Nakuha noong Agosto 5, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Viernes, Franchesca (Oktubre 31, 2022). "Danny Javier of APO Hiking Society passes away". GMA News. Nakuha noong Oktubre 31, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Queen of Kundiman Sylvia La Torre passes away". ABS-CBN News. Disyembre 2, 2022. Nakuha noong Disyembre 2, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bernardino, Stephanie (Disyembre 9, 2022). "Jovit Baldivino passes away, 29". Manila Bulletin. Nakuha noong Disyembre 9, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Self-Exiled Philippine Communist Leader Sison Dies at 83". Voice of America. Reuters. Disyembre 17, 2022. Nakuha noong Enero 8, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)