2021 sa Pilipinas
Itsura
Ang 2021 sa Pilipinas ay mga pangyayaring nakatakdang naganap sa Pilipinas, taong 2021. Ang 2021 sa Pilipinas ay ang taon sa loob ng 2000 dekada, sa 21st siglo at 3rd milenyum. Matapos ang 2020 sa Pilipinas at bago-mag 2022 sa Pilipinas.
Panunungkulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pangulo: Rodrigo R. Duterte (PDP–Laban)
- Pangalawang Pangulo: Leni G. Robredo (Liberal)
- Kongreso (ika-18):
- Punong Mahistrado:
- Diosdado Peralta (hanggang Marso 27)
- Estela Perlas-Bernabe (pansamantala, Marso 27–Abril 5)
- Alexander Gesmundo (simula Abril 5)
Nagpapatuloy na mga kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga paglilitis:
- Nagwakas ngayong taon:
- Protestang elektoral, Marcos vs. Robredo (Pebrero)
- Nagpatuloy:
- Nagwakas ngayong taon:
- Mga alitan:
- Alitang Moro[1]
- Rebelyong komunista
- Kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas[2]
- Agawan ng teritoryo sa Dagat Timog Tsina[3]
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas
- Paggunitang kuwinsentenaryo sa Pilipinas ng 2021: Ipinagdiwang ang ika-500 anibersaryo ng kauna-unahang Misa sa bansa, na noo'y idinaos sa Linggo ng Pagkabúhay, at ng Labanan sa Mactan.[4][5]
Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pambansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Enero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 1 – Kontrobersyal na pagkamatay ni Christine Dacera, flight attendant sa Philippine Airlines, matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon sa isang hotel sa Lungsod Makati.[6]
- Enero 17 – Bumagsak ang Bell UH-1 Iroquois helicopter ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sa Bulubundukin Pantaron sa Bukidnon, ikinasawi ng lahat ng pitong tauhang lulan nito.
- Enero 19 – Mga protesta laban kay Rodrigo Duterte: Winakasan ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ang 32-taóng kasunduan nito sa Unibersidad ng Pilipinas, ang pamantasang pambansa, na naglilimita sa panghihimasok ng mga tauhan ng pulisya at militar sa mga kampus ng pamantasan. May mga tumutol sa kilos na tinawag na "paglabag sa kalayaan pang-akademiko" at sinasabing makatulong ito sa pagtatangka ng pamahalaan na mang-red-tag ng mga tao.
Pebrero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pebrero 7 – Tumama ang lindol na magnitude 6.1 sa Davao del Sur.
- Pebrero 16 – Halalang pampanguluhan sa Pilipinas, 2016: Ibinasura ng buong Electoral Tribunal ang protesta panghalalan ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Pangalawang Pangulo Leni Robredo.
- Pebrero 24 – Kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas: Isang hindi-nahawakang sting operation sa pagitan ng pulisya at ahensiya sa pagpapatupad ng batas kontra-bawal na gamot sa Lungsod Quezon ang nagresulta sa kamatayan ng dalawang mga opisyales ng pulisya kasunod ng barilan sa pagitan ng dalawang grupo. [7]
Marso
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Marso 1 – Sinimulan ng bansa ang kampanya sa pagbanakuna laban sa COVID-19 gamit ang bakunang Sinovac CoronaVac na bigay ng Tsina, na ang mga unang dosis ay itinurok sa mga manggagawa pangkalusugan sa Kalakhang Maynila.
- Marso 3 – Natagpuan sa isang sementeryo sa Libya ang mga labí ng anim na mga manggagawa ng langis, kabilang ang apat na mga Pilipino, na dinukot at pinaslang ng mga teroristang Estado Islamiko taóng 2015 sa panahon ng Ikalawang Digmaang Sibil sa bansa.
- Marso 7 – Napatay sa mga pagsalakay ng pulisya ang siyam na mga aktibista, dalawang araw matapos i-utos ni Pangulo Rodrigo Duterte sa mga puwersa ng pamahalaan na patayin ang mga komunista sa bansa.
Abril
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Abril – Binigyan ang opisyal ng Tanod Baybayin ng Pilipinas na si Ensign Ralph Barajan ng pinakamataas na pagkilala mula sa International Maritime Organization dahil sa pagsagip sa 62-kataong lulan ng lumubog na barko sa karagatan ng Cebu taóng 2019.[8]
- Abril 12 – Ugnayang Pilipinas–Estados Unidos: Ipinagpatuloy ng mga tropa ng ng bansa at ng Estados Unidos ang kanilang taunang ehersisyong militar na Balikatan kasunod ng kanselasyon nito taóng 2020 dahil sa pandemya.
Mayo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mayo 8 – Alitang Moro: Nilusob ng higit 200 mga militanteng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang bayan ng Datu Paglas, kayá napilitang lumikas ang mga residente. Inokupa nila ang pamilihang bayan bago ito nabawi ng hukbong katihan.
- Mayo 11 – Nilagdaan ni Pangulo Duterte ang Proklamasyon Blg. 1143 na nagdedeklara ng isang-taóng estado ng kalamidad dahil sa African swine fever, dalawang taon matapos maiulat ang naturang sakit sa bansa.
- Mayo 18
- Agawan ng teritoryo sa Dagat Timog Tsina: Nag-isyu si Pangulo Duterte ng isang utos na magbabawal sa kanyang gabinete na pag-usapan sa publiko ang agawan sa Dagat Timog Tsina, matapos punahin ng ilang mga kalihim niya ang gobyerno ng Tsina kaugnay sa presensya ng mga barko ng Tsina sa eksklusibong sonang ekonomiko ng Pilipinas.
- Spillover ng alitang Moro: Limang mga Pilipinong militanteng Abu Sayyaf ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya sa Malaysia.
- Mayo 27 – Politika ng Pilipinas: Nilagdaan ni Pangulo Duterte ang batas na maghahati sa Maguindanao sa dalawang bagong mga lalawigan: Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur. Dapat itong sang-ayunan ng mayorya ng mga residente sa lugar sa isang plebisitong idaraos sa loob ng 90 araw.
- Mayo 29 – Ugnayang Pilipinas–Tsina; tensyon sa Kapuluang Spratly: Naghain ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng isang reklamong diplomatiko laban sa Tsina dahil sa patuloy na presensya ng mga barko nito malapit sa Pulo Thitu, ang ika-84 na inihain buhat noong simula ng administrasyon ni Pangulo Duterte taóng 2016.
Hunyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hunyo 11 – Pagkalat ng polyobirus sa Pilipinas ng 2019–20: Idineklara ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan at UNICEF ang wakas ng epidemya ng polio sa bansa.
- Hunyo 14 – Ugnayang Pilipinas–Estados Unidos: Sinuspindi ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas Teodoro Locsin Jr. ang pagwawakas ng Kasunduan sa Pagbisita ng mga Puwersa kasama ang Estados Unidos, na nakatakda sanang magwakas sa buwang Agosto, ng anim pang buwan.
Hulyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hulyo 1 – Pagputok ng Bulkang Taal ng 2020–2022: Itinaas ng Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya ang alerto estado ng Bulkang Taal sa Batangas sa lebel 3 nang magbuga nang phreatomagmatic ang bulkan (may kilometrong taas na kolum ng abo),[9] na nagpilit sa mga awtoridad sa Batangas at Cavite na maglikas ng libu-libong mga tao.
- Hulyo 4 – Sa Sulu, bumagsak sa Patikul ang isang C-130 na eroplanong panlipat ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas, may lulang 96 ng mga pasahero, nang lumagpas sa patakbúhan (sa tangkang paglapag sa paliparan) sa Jolo; ikinasawi ng 50 mga tauhan ng militar at tatlong mga sibilyan sa kalupaan.[9] Nasaktan ang 49 pa mula sa eroplano at apat na mga sibilyan sa kalupaan.
- Hulyo 30 – Ugnayang Pilipinas–Estados Unidos: Sinuspindi ni Pangulo Duterte ang mga proseso sa pagwawakas sa Kasunduan sa Pagbisita ng mga Puwersa, isang kasunduang militar sa pagitan ng dalawang bansa.
Agosto
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Agosto–Setyembre – Nagkaroon ng sigalot ang dalawang paksyon ng partido ng administrasyon na PDP–Laban.
Setyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Setyembre 7–8 – Tumama ang Bagyong Jolina (Typhoon Conson) sa mga kalupaan ng Silangang Visayas at gitna at katimugang Luzon at nagdulot ito ng pinsalang nagkakahalaga ng ₱1.53-bilyon.[10][11]
- Setyembre 15 – Kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas: Inawtorisa ng Pre-Trial Chamber ng International Criminal Court (ICC) ang Taga-usig na magsagawa ng imbestigasyon sa pamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ni Pangulo Duterte para sa posibleng krimen kontra-humanidad na ginawa sa giyera kontra-droga. Kinabukasan, iginiit ng pangulo na hindi niya pahihintulutan ang ICC na makapasok ng bansa para rito. Lumisan ang bansa sa ICC taóng 2018.
- Setyembre 23 – Ugnayang panlabas ng Pilipinas: Sa pagbisita ni Kalihim ng Ugnayang Panlabas Teodoro Locsin Jr. kay pangulo Surangel Whipps Jr. ng Palau, iginiit ng una na may pangako ang bansa upang iresolba ang tensyong pandagat ng dalawang bansa kaugnay sa 200 milya nautical eksklusibong sonang ekonomiko na parehong pinag-aagawan sa kasalukuyan.
- Setyembre 26 – Niyanig ng lindol na magnitude 5.7 ang Occidental Mindoro.
- Setyembre 29 – Tagong-yaman ng pamilyang Marcos: Iniutos ng Sandiganbayan, ang hukuman kontra-katiwalian sa bansa, ang Royal Traders Holding Co. Inc., bangkong dating kontrolado ni yumaong Pangulo Ferdinand Marcos, na bayáran ang pamahalaan ng Pilipinas ng tinatayang ₱1-bilyon ($32.446-milyon) sa sertipiko pambangko na nakumpiska ng United States Customs Service nang mapaalis ang pangulo taóng 1986.
Oktubre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Oktubre 8 – Wagi si Maria Ressa sa Gantimpalang Nobel na Pangkapayapaan ng 2021, kauna-unahan para sa bansa sa kasaysayan ng naturang gantimpala.[9] Ginawaran si Ressa at ang kapwa-mamamahayag na si Dmitry Muratov ng Rusya "sa kanilang pagsisikap na bantayan ang kalayaan sa pananalita".
- Oktubre 12 – Nagdulot ang Bagyong Maring (Severe tropical storm Kompasu) ng mga pagbaha sa hilagang Luzon;[9] pinsala nito ay nagkakahalaga ng ₱7.39-bilyon.[10]
- Oktubre 29 – Nilagdaan ni Pangulo Duterte bilang batas ang panukalang magpapaliban sa halalan sa Parlamento ng Bangsamoro mula 2022 tungong 2025. Hiniling ito ng pansamantalang pamahalaan ng Bangsamoro sa pangunguna ng Harapan ng Paglayang Islamiko ng Moro dahil sa epekto ng pandemyang COVID-19 at kawalang-kakayahan ng pamahalaan na bumuo ng isang kodigo panghalalan para sa rehiyong awtonomo.
Nobyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nobyembre 16 – Iniutos ni Pangulo Duterte ang pag-alis sa mandato ng paggamit ng mga panangga sa mukha sa mga lugar na nasa Alerto lebel 3 pababá. Gayunman, manananatili pa rin ang paggamit sa mga lugar na nasa Alerto lebel 5 at nasa ilalim ng granular lockdown.
- Nobyembre 20 – Tuluyang ipinatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa buong bansa ang Alert Level System na pormal na nagpapalit sa dáting sistemang kuwarentenang pampamayanan na simimulan noong Marso 2020.
Disyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Disyembre 9 – Karapatang pantao sa Pilipinas: Pinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang ilang mga probisyon ng Anti-Terrorism Act of 2020, batas na tinututulan, habang idinedeklarang labag sa konstitusyon ang pagtatalaga sa mga terorista sa kahilingan ng hurisdiksyon ng ibang bansa gayundin bilang tagakwalipika sa mapanganib na pagtutol.
- Disyembre 12 – Naglabas ng pahayag ang Bangko Sentral ng Pilipinas na kasalukyan nilang binabantayan ang pagdami ng mga hinaing sa hatirang pangmadla ukol sa pagkawala ng salapi ng mga kliyente ng Banco de Oro at pagpások ng iba ng kanilang mga akawnt.
- Disyembre 16–17 – Tumama ang Bagyong Odette (Typhoon Rai), ang pinakamalakas na bagyo ng taon, sa gitnang-silangang bahagi ng bansa.[12] Apektado nito ang MIMAROPA, Visayas, at bahagi ng Mindanao; nagdulot ng 405-kataong patay at pinsalang nagkakahalaga ng ₱47.1-bilyon.[10][13][14]
Kalakalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 28 – Naiulat na bumába ang kabuuang domestikong produkto ng bansa nang 9.5% noong 2020, ang unang taunang pagbába buhat 1998 kasunod ng krisis pinansyal sa Asya ng 1997 at ang pinakamalalang kaganapang pang-ekonomiya sa bansa buhat nang magsimula ang talá noong 1947.
Palakasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hunyo 6 – Nagwagi si Yuka Saso ng bansa sa 2021 U.S. Women's Open sa California nang talunin niya si Nasa Hataoka ng Hapon. Si Saso ang kauna-unahang Pilipinong manlalarong nagwagi ng isang malaking kampeonato ng golf, at kapantay ni Inbee Park ng Timog Korea bilang pinakabatang kampeon sa naturang kampeonato.
- Hulyo 26 – Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020: Nagwagi si weightlifter Hidilyn Diaz sa kategoryang 55-kilogramo pangkababaihan, tumanggap ng kauna-unahang Olimpikong medalyang ginto ng bansa.[9]
- Agosto 21 – Bigong magwagi si Manny Pacquiao nang magwagi sa pasyang panlahat si Yordenis Ugas sa kanilang laban para sa titulong world welterweight na ginanap sa Las Vegas, Nevada.[9]
- Setyembre 18 – Sa siyam-na-bolang bilyar, tinalo ni Carlos Biado ng bansa si Aloysius Yapp ng Singapore, 13–8, sa wakas ng 2021 U.S. Open Pool Championship upang manalo sa kampeonato na idinaos sa New Jersey.
Mga Sakuna at aksidente
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bukod sa tatlong mga bagyong may masamang idinulot sa bansa,[10] may mga naitala rin bagama't hindi kasintindi ng mga naunang binanggit (Tingnan din: Bagyong Auring, Pebrero 2021):
- Hunyo 2 – Tumama ang Bagyong Dante (Tropical Storm Choi-wan) sa kalupaan ng gitna at katimugan ng bansa.
- Hulyo 24 – Dalawa-katao ang nasawi dahil sa ulang balaklaot at Bagyong Fabian (Typhoon In-fa) na nagdulot ng matinding pagbaha sa Kalakhang Maynila.
Sa kalusugan:
- Disyembre 15 - Nakapasok ang Omicron variant na B.1.1.259 na mula sa Botswana dalawa rito ang nag-positibo sa strain ng COVID-19.[15]
Batas at Krimen
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Disyembre 10 - Naganap ang isang krimen sa isang tahanan sa M'lang, Cotabato ay natagpuan ng walang buhay ang dalawang magkapatid na sina Crizzlle Gwynn at Crizville Louis Maguad.
Mga paggunita
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming lugar ang mga lokal na pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bayan. Ito rin ay espesyal na araw.
- Enero 1 – Unang Araw ng Bagong Taon
- Enero 23 - Unang Republika ng Pilipinas
- Pebrero 12 – Bagong Taong Tsino, unang araw ng unang buwang lunar sa Kalendaryong Tsino.
- Pebrero 25 – Rebolusyong EDSA ng 1986
- Abril 1 - Huwebes Santo
- Abril 2 - Biyernes Santo
- Abril 3 - Sabado de Gloria
- Abril 9 – Araw ng Kagitingan
- Abril 27 – Araw ni Lapu-Lapu
- Mayo 1 – Araw ng Paggawa
- Mayo 13 – Eid al-Fitr, Pista ng Pagtatapos ng Ramadan
- Hunyo 12 – Araw ng Kalayaan
- Agosto 21 – Araw ni Ninoy Aquino
- Agosto 26 – Araw ng mga Bayani
- Oktubre 31 – Special non-working holiday
- Nobyembre 1 – Araw ng mga Patay
- Nobyembre 30 – Araw ni Bonifacio
- Disyembre 8 - Imakulada Konsepsiyon
- Disyembre 25 – Araw ng Pasko
- Disyembre 30 – Araw ni Rizal
- Disyembre 31 – Huling araw ng taon (Sa pagdiriwang ng Bagong Taon)
- TBD – Eid'l Adha, Pista ng Pag-aalay
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Marso 21 - Alberto I. Vasquez, dentista (ipinanganak 1962)
- Marso 30 – Claire dela Fuente, mang-aawit[16]
- Mayo 4 – Ricky Lo (ipinanganak 1946), beteranong personalidad sa telebisyon at editor pang-aliwan[16]
- Hunyo 23 – Shalala, komedyante at personalidad sa radyo[16]
- Hunyo 24 – Noynoy Aquino (ipinanganak 1960), Pangulo ng Pilipinas (2010–2016)[9][16][17]
- Hulyo 31 – Arlene Sinsuat–de Castro (ipinanganak 1955), ehekutibo sa ABS-CBN[18]
- Agosto 31 – Mahal (edad 46), komedyante[16]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pangkalahatang ideya ng bansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pilipinas
- Kasaysayan ng Pilipinas
- Kasaysayan ng modernong Pilipinas
- Balangkas ng Pilipinas
- Pamahalaan ng Pilipinas
- Politika ng Pilipinas
- Mga Taon sa Pilipinas
- Timeline ng kasaysayan ng Pilipinas
Kaugnay na mga timeline para sa kasalukuyang panahon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 2021
- 2021 sa politika at gobyerno
- Dekada 2020
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "Four funerals and a wedding". ABS-CBN News. 2021-12-29. Nakuha noong 2023-01-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Ambush by IS followers on convoy of relief workers kills hitch hiker in Maguindanao". Inquirer.net. 2021-01-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ICC prosecutor seeks full probe into Duterte's drug war killings". Al Jazeera. 2021-06-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines says Chinese 'militia' swarm has spread in disputed waters". Reuters. 2021-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pope Francis sends Easter message to Philippines to mark 500th anniversary of first Mass". Catholic News Agency. 2021-04-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Battle of Mactan 500th anniversary: Historian shares 10 facts". Philstar.com. 2021-04-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Tragic Death Of Christine Dacera". The Asean Post. 2021-12-20. Nakuha noong 2023-01-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gunfight erupts near Quezon City mall". ABS-CBN News. 2021-02-24. Nakuha noong 2023-01-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Filipino coast guard officer who saved 62 lives at sea receives international award". ABS-CBN News. 2021-04-15. Nakuha noong 2023-01-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 9.5 9.6 "Year in Review 2021: Top 10 newsmakers in the Philippines". Yahoo! Philippines. 2021-12-15. Nakuha noong 2022-01-17.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 10.2 10.3 "PAGASA redefines 'super typhoon', revises wind signals". ABS-CBN News. 2022-03-23. Nakuha noong 2023-01-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PAGASA likely to retire 'Jolina' from list of tropical cyclone names". Manila Bulletin. 2021-09-22. Nakuha noong 2023-01-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Super Typhoon Odette (Rai)". Center for Disaster Philanthropy. 2022. Nakuha noong 2023-01-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NDRRMC adjusts 'Odette' death toll to 403". Manila Bulletin. 2022-01-08. Nakuha noong 2023-01-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Odette damage to agriculture, infra hits P47 billion". Inquirer.net. 2022-02-08. Nakuha noong 2023-01-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ negrosnews.online/doh-confirms-omicron-cases-in-ph
- ↑ 16.0 16.1 16.2 16.3 16.4 "In loving memory: Famous personalities who died in the past 5 years". Star Cinema. ABS-CBN. 2021-11-15. Nakuha noong 2022-01-17.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Former President Noynoy Aquino dies". ABS-CBN News. 2021-06-24. Nakuha noong 2023-01-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Noli de Castro's wife and ex-ABS-CBN executive Arlene passes away". ABS-CBN News. 2021-07-31. Nakuha noong 2023-01-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)