Lungsod ng Dabaw
Lungsod ng Dabaw Dakbayan sa Davao | ||
---|---|---|
Ang Lungsod ng Davao noong Nobyembre 2021 | ||
| ||
Mapa ng Davao del Sur na ipinapakita ang lokasyon ng Dabaw. | ||
Mga koordinado: 7°04′N 125°36′E / 7.07°N 125.6°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Kadabawan | |
Distrito | Una hanggang pangatlong Distrito ng Lungsod ng Davao | |
Mga barangay | 182 (alamin) | |
Pagkatatag | 29 Hunyo 1848 | |
Ganap na Lungsod | 16 Oktubre 1936 | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Inday Sara Duterte-Carpio | |
• Manghalalal | 992,538 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 2,443.61 km2 (943.48 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 1,776,949 | |
• Kapal | 730/km2 (1,900/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 476,278 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | |
• Antas ng kahirapan | 5.10% (2021)[2] | |
• Kita | ₱11,117,585,998.13 (2020) | |
• Aset | ₱23,664,385,255.915,648,707,613.96 (2020) | |
• Pananagutan | ₱7,447,155,160.04 (2020) | |
• Paggasta | ₱9,872,438,762.73 (2020) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
Kodigong Pangsulat | 8000 | |
PSGC | 112402000 | |
Kodigong pantawag | 82 | |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima | |
Mga wika | Wikang Dabawenyo Sebwano Wikang Chavacano Wikang Bagobo Wikang Kalagan Wikang Obo wikang Tagalog | |
Websayt | davaocity.gov.ph |
Ang Lungsod ng Dabaw (o Davao) ay isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa Pilipinas at ang sentro ng pakikipagkalakalan at pananalapi sa Mindanao. Ito rin ang pinakamalaking lungsod sa Pilipinas ayon sa sakop ng lupain, na may higit sa 2444 kilometro kwadrado. Ang lungsod rin ang nagsisilbing sentro ng Kalakhang Dabaw, ang pinakamataong sentrong urbano sa Mindanao. Ito ay isa sa mga lungsod ng Pilipinas na nagmamahalang nagsasarili, bagaman pinapangkat ito sa lalawigan ng Davao del Sur para sa ibang layuning estadistiko. Ang lungsod ay sentrong pangrehiyon din ng Rehiyon ng Davao (Rehiyon XI). Taong 2017 sa pagbabago ng Pederalismo sa Pilipinas, Ang lungsod ng Davao ay hinirang pa rin bilang kapitolyo sa Southern Mindanao. Ito ay ang pinakamalaking lungsod sa probinsya ng Davao del Sur pero hindi siya kabilang sa pamahalaang panlalawigan nito.
Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 1,776,949 sa may 476,278 na kabahayan.[3]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]May mga lokal na mga mananalaysay na sinasabing ang salitang "Dabaw" ay nanggaling sa palabigkasang paghahalo ng salita ng mga tatlong grupo ng mga katutubong Bagobo na tumutukoy sa ilog na tinatawag ring Ilog Dabaw sa kasalukuyan. Para sa mga katutubong Obo, "Davoh" ang tawag sa ilog na umaagos patungong ngayon ay tinatawag na Golpo ng Dabaw, habang "Dahwaw" o "Davau" naman ang tawag ng mga Clatta o mga katutubong Guianga sa ilog. "Dabu" naman ang tawag sa ilog para sa mga katutubong Tagabawa; gayunpaman, "dabu" rin ang tawag sa mga pook na matatagpuan sa mga matataas na bahagi ng baybaying-ilog. Kung sinuman ang nagtatanong sa mga katutubo na saan sila patungo, ang kadalasang sagot ay "davoh" habang tinutukoy ang direksiyon patungo sa bayan. Ang salitang "Dahwaw" ay tumutukoy rin sa isang pook kung saan nakipagkalakalan ang mga katutubo sa kanilang produkto galing sa mga kagubatan kapalit ng asin o iba pang mga produkto.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamumuno ng mga Kastila (1848–1900)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago pa man dumating ang mga Espanyol, o mga Kastila, ang lugar na ngayon ay Davao City ay pinamumunuan ng mga katutubong Bagobo. Ang impluwensiya ng mga Espanyol ay hindi pa medyo naaabot sa nasabing lugar hanggang 1848, nang sinakop ni Don Jose Uyanguren ng Guipuzcoa, España, kasama ang mahigit 70 tauhan, ang lugar na pinamumunuan ni Datu Bago ng Davao. Noong nasakop ni Don Uyanguran ang pook na kinatitirikan ng kaharian ni Datu Bago, nagpagawa siya ng bayan na ang tawag ay Nueva Vergara (Davao) noong taong yaon, galing sa kanyang bayang sa España.
Nabalitaan rin na sa pamumuno ni Don Uyanguren bilang gobernador ng lalawigan ng Nueva Guipuzcoa, kung saan kabisera ang bayan ng Nueva Vergara (ang tawag ng mga Kastila sa bayan ng Dabaw simula sa pagtatag ng bayan hanggang 1867), nagkaroon ng malawakang kapayapaan sa rehiyon ng Golpo ng Dabaw, bagaman walang sumusuporta sa kanya ni isa man sa kanyang mga ka-osyoso sa Maynila sa kanyang pagsakop sa Dabaw. Sinubukan rin ng gobernador na gumawa ng mga reporma para lumago ang lugar subalit walang nangyari sa kanyang mga reporma.
Pamumuno ng mga Amerikano (1900–1946)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pamumuno ng mga Amerikano ay nagsimula noong mga 1898. Isang Hapones na negosyanteng si Kichisaburo Ohta ay binigyan ng pahintulot ng Amerikanong Pamahalaan ng Pilipinas na suriin ang lugar noong 1903. Ginawan niya itong mga plantasyon ng mga abaka at niyog. Sa mga panahong ito ay ang pagsisimula ng paglobo ng populasyon at paglago ng ekonomiya sa lugar na ito.
Noong 16 Oktubre 1936, ang Davao ay ginawang ganap na lungsod sa pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon.
Noong 8 Disyembre 1941, binomba ng mga Hapones ang lungsod. Ang kanilang pamumuno ay nagsimula noong 1942 hanggang 1945, nang sinakop ng nagsasama-samang Amerikano at Pilipinong mga hukbo ang lungsod.
Pamumuno ng mga Pilipino (1946-kasulukuyan)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1967, ang lalawigan ng Davao ay pinaghati-hati ng mga tatlong lalawigan: ang Davao del Sur Davao del Norte, at Davao Oriental. Ang lungsod ng Davao ay dating kabisera ng dating lalawigan. Ginawa itong bahagi ng Davao del Sur. Ang dating lalawigan ng Davao ay ang Rehiyon ng Davao o Rehiyon XI sa kasalukuyan, at ang lungsod naman ang kabiserang pangrehiyon.
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Galing sa 30,000 noong mga 1900, lumubo ang populayon ng lungsod sa 611,000 noong 1982 hanggang sa umabot ito sa 1,449,296 noong taong 2010. Dahil ito sa paglipat ng mga tao mula sa iba't ibang sulok ng Pilipinas sanhi ng paglaki at paglakas ng ekonomiya ng lungsod noong mga 1980's hanggang sa kasalukuyan.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Dabaw sa 7°30' Hilaga, 126°0' Silangan (7.5, 126.0)[4] at may higit na 2,443.61 kilometro kwadrado. Pampolitika ring pinaghati-hati ang lungsod sa 3 kongresyonal na distrikto, 11 admistratibong distrikto, at 182 mga barangay. Halos 50% bahagdan ng lupain ay kagubatan; 43% bahagdan ay ginagamit para sa agrikultura, karamihan sa mga ito ay mga plantasyon ng mga kape, niyog, saging, at pinya. Ito ang nagpapatunay na ang agrikultura pa rin ang pangunahing sektor ng ekonomiya sa lungsod.
Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lungsod ay may mga magagandang mga kalsada at maaring mapuntahan ng mga sasakyan, barko, at mga eroplano.
Ito ang mga bus na papunta at palabas ng lungsod: Yellow Bus Line-General Santos, Koronadal, at Tacurong; Weena Bus-Cotabato, Kabacan, at Kidapawan; Bachelor Express-Butuan at Surigao, Tagum, Mati, at mga ilang bayan sa Agusan del Sur at Surigao del Sur; Rural Trasit-Cagayan de Oro, Malaybalay, at Valencia. May mga bus rin na papunta ng Santo Tomas, Davao del Norte; New Bataan, Compostela Valley; Digos, Bansalan at Malita, lahat sa Davao del sur; Baganga, sa Davao Oriental; at Veruela at Trento, sa Agusan del Sur.
May mga van rin na papuntang Cotabato, Midsayap, Kidapawan, General Santos, Tacurong, Butuan, at Mati.
May mga eroplanong lumilipad patungong Maynila, Cebu, Zamboanga, Iloilo, at Singapore. Dadaan pa sa Davao International Airport (Pampaliparang Pandaigdigan ng Davao) sa Sasa para makasakay ng eroplano. Ang pampaliparan ay isa sa pinakaabala sa bansa, ang iba ay nasa Manila at Cebu.
Ang puwerto ng lungsod ay isa rin sa mga pinakaabala sa bansa. Mayo 2 biyahe sakay ng Sulpicio Lines galing Manila at 2 biyahe sakay ng SuperFerry patungong Manila. May nga perya rin papuntang Pulong Harding Lungsod ng Samal.
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lungsod ng Dabaw ang may pinakamalaking ekonomiya, pinakamalaking populasyon, at pinakamodernong imprastraktura sa Mindanao. Ito rin ang ikatlong pinakamalaking lungsod sa Pilipinas at ang pinakamayamang lungsod hindi lang sa Mindanao kundi na rin sa Pilipinas sa labas ng Metro Manila na may badyet na P4.13 bilyon noong taong 2010 at may pangkalahatang produktong domestiko na Php 21,914,645,328 o Php 15,696 kada kapita base sa rehiyonal na pagtatala noong taong 2009.
Noong pa mang taong 1987, binuksan na ang lungsod para sa pandaigdigang kalakalan; sa pamamagitan ng taripa, maraming mga pribadong mangangalakal ang nangangalakal at kailanma'y nagpalago sa ekonomiya ng lungsod sa mga nakalipas na dalawang dekada. Nang lumaon, mula mga milyon mula dekada '80 hanggang sa mga bilyon noong mga dekada '90, nakapagtala ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng maraming buwis mula sa mga mangangalakal sa lungsod. Mga saging, pinya, mangga, suha, niyog, papaya, mangustin, at mga bulaklak ang karaniwang ipinabebenta ng lungsod sa pandaigdigang merkado. Base na rin sa pagtatala noong 2010, ang pang-agrikulturang sektor ay bumabahagdan sa halos 48% ng ekonomiya ng lungsod, 16% naman para sa pang-industriyal na sektor, at 35% naman para sa mga pang-komersyo at pang-serbisyong sektor.
May mga ginagawa pang mga malls sa lungsod, tulad ng Gaisano Grand Mall sa Toril at SM City North Davao. Ang SM City North Davao ay kasinglaki ng dalawang SM City Davao sa Ecoland, Matina. Ang Abreeza Mall davao ay kabubukas lang noong 12 Mayo 2011.
Pamahalaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Natatanging sa mga lokal na pamahalaan ng set-up ng bayan ay ang pagtatalaga ng isang kinatawang alkalde ng mayor ng lungsod. Kahit na ang isang opisyal na itinalaga lamang, ang mga representante alkalde ang gumaganap bilang isang direktang link sa alkalde ng lungsod, lalo na para sa mga taong naninirahan sa labas ng siyudad lamang. Ang mga representante alkalde rin ang gumaganap bilang kinatawan ng alkalde ng lungsod sa mga kaganapan ng komunidad.
Ang lungsod ay pampolitika na pinaghati-hati sa 182 barangay:
|
|
|
Ang kasalukuyang alkalde ng lungsod ay si Sara Duterte-Carpio; ang dating alkalde naman na si Rodrigo Duterte ay bise-alkalde na ngayon. May tatlong distrito ng pambatasan ang lungsod na pampolitika pang pinaghati-hati sa mahigit 182 barangay. Ang Pamahalaang Panglungsod ng Dabaw ay ngayong nagmungkahi na magdagdag ng dalawa pang distritong kongresyonal upang mas mahusay na paglingkuran ang kailanman-lumalagong populasyon.
Pangkalusugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]May mahigit 31 ospital ang lungsod, na may kabuuang 1,963 kwarto para sa mga pasyente. Para naman sa mga mahihirap, napakamurang serbisyong medikal ang ginawang abot-kaya ng Southern Philippines Medical Center, na may 1200 kwarto para sa mga pasyente.
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sentro ng edukasyon sa Mindanao ang lungsod ng Dabaw. Nagbibigay ang pamahalaan ng libreng edukasyon at pagpapaaral sa mga elementarya at sekondaryang lebel. Nakakatanggap rin ang mga iskolar ng pamahalaan na galing sa iba't ibang lugar ng rehiyon ng libreng edukasyon sa kolehiyo para sa mga pamantasang pinapatakbo ng pamahalaan tulad ng Unibersidad ng Pilipinas Mindanao at Pamantasan ng Timog-silangang Pilipinas. Sa kasalukuyan may mahigit 374 paaralang elementarya, 107 mataas na paaralan, at 46 pamantasan ang lungsod.
Media
[baguhin | baguhin ang wikitext]TV
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 5 Mindanao (Channel 2)
- ABS-CBN Southern Mindanao (Channel 4)
- GMA Southern Mindanao (Channel 5)
- DXMF TeleRadyo (Channel 7)
- RPN DXKT TeleRadyo (Channel 9)
- PTV Mindanao (Channel 11)
- IBC DXML TeleRadyo (Channel 13)
- SMNI 43
- RMN DXDC TeleRadyo 45
- DXOW TeleRadyo 47
- DXUM TeleRadyo 49
Radio
[baguhin | baguhin ang wikitext]AM
[baguhin | baguhin ang wikitext]- DXMF Bombo Radyo 576
- RMN DXDC 621
- PBS Radyo Pilipinas DXRP 675
- Radyo5 DXRD 711
- DXRA Radyo ni Juan 783
- 819 DXUM
- DXGO Aksyon Radyo 855
- DXIP Sonshine Radio 900
- DXOW Radyo Pilipino 981
- DXRR Radyo Rapido 1017
- IBC DXML Radyo Budyong 1044
- RPN DXKT Radyo Ronda 1071
- DXGM Super Radyo 1125
- DXFE FEBC 1197
- Radyo Agila DXED 1224
- DZRH 1260
- ABS-CBN DXAB Radyo Patrol 1296
FM
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 88.3 Energy FM
- 89.1 Magic FM
- 89.9 Spirit FM
- 90.7 Love Radio
- 91.5 One FM
- 92.3 Wild FM
- 93.1 Q Radio
- 93.9 iFM
- 94.7 Brigada News FM
- 95.5 Retro FM
- 96.3 Star FM
- 97.1 Halo-Halo Radio
- 97.9 Chinese Radio
- 98.7 Home Radio
- 99.5 Monster BT
- 100.3 RJ FM
- MOR 101.1
- Korean Radio 101.9
- Mango Radio 102.7
- Barangay FM 103.5
- 104.3 Hope Radio
- 105.1 Easy Rock
- 105.9 FM1
- 107.5 Win Radio
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 8,560 | — |
1918 | 21,538 | +6.34% |
1939 | 95,546 | +7.35% |
1948 | 111,263 | +1.71% |
1960 | 225,712 | +6.07% |
1970 | 392,473 | +5.68% |
1975 | 484,678 | +4.32% |
1980 | 610,375 | +4.72% |
1990 | 849,947 | +3.37% |
1995 | 1,006,840 | +3.22% |
2000 | 1,147,116 | +2.84% |
2007 | 1,366,153 | +2.44% |
2010 | 1,449,296 | +2.17% |
2015 | 1,632,991 | +2.30% |
2020 | 1,776,949 | +1.68% |
Sanggunian: PSA[3][5][6][7] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
"Province: Davao del Sur". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1
Census of Population (2015). "Region XI (Davao Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Geospatial Intelligence Agency ng Estados Unidos". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-08-23. Nakuha noong 2006-06-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region XI (Davao Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region XI (Davao Region)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Davao del Sur". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)