Cavite–Laguna Expressway
Cavite–Laguna Expressway (CALAX) | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 47 km (29 mi) |
Umiiral | Oktubre 30, 2019–kasalukuyan |
Pangunahing daanan | |
Mula sa | N420 (Daang Santa Rosa–Tagaytay) sa Silang, Kabite |
Dulo sa timog | E2 (South Luzon Expressway) / AH26 Labasan ng Mamplasan sa Biñan, Laguna |
Hinaharap | |
Dulo sa hilaga | E3 (Manila–Cavite Expressway) sa Kawit, Kabite |
Pangunahing daanan |
|
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Imus, Dasmariñas, Heneral Trias, Biñan, Santa Rosa |
Mga bayan | Kawit, Silang, Carmona |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Cavite–Laguna Expressway (kilala rin bilang CALAX[1][2][3] at CALAX) ay isang itinatayong mabilisang daanan na matatagpuan sa mga lalawigan ng Kabite at Laguna sa Calabarzon. Ang pagtatayo ng pang-apatang mabilisang daanan, na may habang 47 kilometro (29 na milya), ay mag-uugnay ng Manila–Cavite Expressway (CAVITEx) sa Kawit sa Palitan ng Mamplasan ng South Luzon Expressway (SLEx) at nagkakahalaga ng tinatayang ₱35.42 bilyon o US$787 milyon.[4] Kapag natapos, inaasahang mapapagaan nito ang daloy ng trapiko sa rehiyon ng Kabite at Laguna, lalo na sa kahabaan ng Lansangang Aguinaldo, Daang Santa Rosa–Tagaytay, at Daang Juanito R. Remulla Sr..[5]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagtatayo at groundbreaking
[baguhin | baguhin ang wikitext]May apat na mga pre-qualified bidders na nakikipaligsahan sa proyektong CALAx: Alloy MTD Philippines Inc.; Team Orion, isang grupo ng AC Infrastructure Holdings Inc., AboitizLand, Inc., at Macquarie Infrastructure Holdings Philippines; MPCALA Holdings Inc.; at Optimal Infrastructure Development Inc. ng San Miguel Corporation.[6]
Noong Hunyo 12, 2014, nanalo sa bid ang Team Orion, ang sanibang sikap[note 1] ng Ayala Corporation at Aboitiz Equity Ventures na naglagay ng kabayarang konsesyon na ₱11.659 bilyon para sa proyektong public-private partnership (PPP) na ito. Hindi naging kuwalipikado ang Optimal Infrastructure sa kadahilanang nabigo ang bid security nito sa kinakailangang 180 araw alinsunod sa pamahalaan. Nakasaad sa sobreng halaga nito ang halagang pampinansiya na ₱20.105 bilyon.[7]
Kasunod ng dagliang pamamahinga ng proyekto, ipinasiya ng pamahalaan na muling i-bid ito upang matiyak na makakakuha ng pinakamagandang kasunduan ang pamahalaan. Nanalo ang konsorsiyum na MPCALA Holdings, na pinamunuan ng Metro Pacific Investments Corporation, nang pinadala nila ang kabayarang konsesyon na ₱27.3 bilyon na babayaran sa pamahalaan. Mas-mataas ito sa halagang ₱22.2 bilyon ng San Miguel.[8]
Ginanap ang groundbreaking ng proyekto noong Hunyo 19, 2017, at nagpatuloy ang pagkuha ng karapatan sa daan magmula noong Oktubre 2017.[9] Ayon sa isang pahayag ni Presidente Luigi Bautista ng MPCALA Holdings, inaasahang magsisimula ang pagtatayo ng bahaging Kabite ng mabilisang daanan sa Abril 2018.[10] Idinaos ang seremonyang groundbreaking para sa bahaging Kabite noong Marso 2019.[11][12][13] Samantala, inaasahan ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH) na magbubukas ang bahaging Laguna pagsapit ng Oktubre 2019.[14] Sa kasalukuyan, bahagyang nakabukas ang bahaging Laguna at itinatayo pa rin ang bahaging Kabite. Kapuwang mga bahagi ay inaasahang matatapos at magbubukas nang lubusan pagsapit ng 2022, ayon sa isang pahayag ni Kalihim Mark Villar ng DPWH.[15]
Bahagyang pagbubukas (bahaging Mamplasan–Bulebar Laguna)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Madaraanan ang unang 7.4 na kilometrong kahabaan ng mabilisang daanan noong Oktubre 30, 2019 upang matugma sa Araw ng mga Santo. Binuksan ang mga pasukan at labasan ng Palitan ng Mamplasan sa Biñan at ng Daang Santa Rosa–Tagaytay upang maglingkod sa tinatayang 10,000 mga kotse. Ayon kay Kalihim Villar, mababawas ang oras ng paglalakbay sa 10 minuto mula sa dating 45 minuto.[16][17] Ngunit dapat na nabuksan na ang bahaging ito noong Disyembre 2018 o Pebrero 2019.[18]
Mga labasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Mabibilang ang mga labasan ayon sa mga palatandaang kilometro, nasa Liwasang Rizal sa Maynila ang kilometro sero.
Lalawigan | Lungsod/Bayan | km | mi | Labasan | Pangalan | Mga paroroonan | Mga nota |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Cavite | Kawit | Kawit | N62 (Lansangang Tirona) / N64 (Lansangang Antero Soriano) – Bacoor, Kawit | Hilagang dulo. Tutuloy pahilaga bilang E3 (CAVITEx). | |||
Imus | Open Canal | Daang Open Canal – Imus, General Trias | |||||
General Trias | Governor's Drive | N65 (Daang Governor) – General Trias, Trece Martires | |||||
Silang | Silang West (Aguinaldo) | N410 (Lansangang Aguinaldo) – Silang, Dasmariñas | Palitang trumpeta. Kasulukuyang dulo. | ||||
Silang East | Daang Tibig–Kaong, Cavite–Tagaytay–Batangas Expressway – Tagaytay, Nasugbu, Silang, GMA | Palitang diyamante | |||||
Santa Rosa | N420 (Daang Santa Rosa–Tagaytay) – Santa Rosa, Tagaytay | Palitang trumpeta. | |||||
Laguna | Santa Rosa | Laguna Boulevard | Bulebar Nuvali / Bulebar Laguna – Laguna Technopark, Westgrove | Palitang diyamante | |||
Biñan | Laguna Technopark | Bulebar Laguna – Laguna Technopark, Carmona | Palitang diyamante. | ||||
Tarangkahang Pambayad ng Mamplasan (RFID at kabayarang pansalapi.) | |||||||
Greenfield Parkway | Greenfield Parkway – Greenfield City | Labasang pasilangan lamang | |||||
Mamplasan | E2 / AH26 (SLEX) / Greenfield Parkway / Abenida LIIP – Maynila, Biñan, Calamba, LIIP | Rotonda. Silangang dulo. | |||||
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
|
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sanibang sikap - Tagalog ng joint venture ayon sa glosbe.com/en/tl/joint%20venture
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Construction of Cavite-Laguna Expressway on schedule". philstar.com. Philstar. Nakuha noong Setyembre 16, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Work on Calax seen on track". BusinessMirror (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 16, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Calax project ahead of schedule". Manila Standard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-10. Nakuha noong Nobyembre 16, 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cavite-Laguna Expressway (CALAEX)". PPP Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2019-07-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "CALA Expressway - Laguna side section". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 4, 2012. Nakuha noong Abril 17, 2012.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "DPWH Meets Four Prequalified Bidders for ₱35.42-Billion CALAX Project". PPP Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2020-04-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ayala-Aboitiz joint venture submits highest bid for CALAEX project". GMA News Online. Nakuha noong 19 Mayo 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-12-01. Nakuha noong 2020-04-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cavite-Laguna (CALA) Expressway Project". DPWH PPP Center. Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-09-23. Nakuha noong Nobyembre 4, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cavite toll road construction to start". The Manila Standard. Abril 9, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 12, 2018. Nakuha noong Abril 12, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marasigan, Lorenz S. "Calaex breaks ground for P12-billion Cavite segment". BusinessMirror (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 29, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Share; Twitter. "Construction of CALAEX begins". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 29, 2019.
{{cite web}}
:|last2=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rey, Aika. "Construction of CALAEX Cavite segment starts". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 29, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "DPWH says Laguna side of Calax finished by December". Manila Standard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 16, 2018. Nakuha noong Hulyo 16, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "CALAEX breaks ground for P12-B Cavite segment". Manila Bulletin Business (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 28, 2019. Nakuha noong Marso 29, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tuquero, Loreben (Oktubre 22, 2019). "Cavite-Laguna Expressway passable by October 30 – DPWH". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 23, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Balinbin, Arjay L. (Oktubre 22, 2019). "Laguna section of CALAX due to open at end of October". BusinessWorld (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 23, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Paz, Chrisee Dela (Pebrero 8, 2018). "First phase of Cavite-Laguna Expressway to open in December". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 23, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)