Dagat Timog Tsina
Dagat Timog Tsina | |
---|---|
Mga koordinado | 12°N 113°E / 12°N 113°E |
Type | Dagat |
River sources | |
Basin countries | |
Pang-ibabaw na sukat | 3,500,000 square kilometre (1,400,000 mi kuw) |
Mga isla | Talaan ng mga pulo sa Dagat Timog Tsina |
Trenches | |
Settlements | Major cities
|
Ang Dagat Timog Tsina (Ingles: South China Sea) ay isang marhinal na dagat na bahagi ng Karagatang Pasipiko. May lawak ito na mahigit-kumulang 3.5 milyong kilometrong kuwadrado (1.35 milyong milyang kuwadrado), na umaabot mula sa mga Kipot ng Karimata at Malaka sa Kipot ng Taiwan. Nagdadala ito ng napakalaking kahalagahang estratehiko; sangkatlo ng lahat ng mga barko ng mundo ay dumaraan sa dagat na ito at nagdadala ng mahigit na $3 trilyon sa kalakalan kada taon.[1] Nagtataglay ito kapaki-pakinabang na mga pangisdaan na napakahalaga para sa seguridad sa pagkain ng milyun-milyong mga mamamayan ng Timog-silangang Asya. Pinaniniwalaang may malalaking mga reserba ng langis at likas na gas sa ilalim ng pinakasahig ng dagat.[2]
Ayon sa ikatlong edisyon ng Limits of Oceans and Seas (1953) ng Internasyunal na Samahang Hidrograpiko (IHO) and Seas, ito ay matatagpuan sa[3]
- timog ng Tsina;
- silangan ng Vietnam;
- kanluran ng Pilipinas;
- silangan ng Tangway ng Malay at Sumatra, hanggang sa Kipot ng Singapore sa kanluranin, at
- hilaga ng Kapuluang Bangka Belitung at Borneo
Ngunit sa hindi pa aprubadong borador nito ng ikaapat na edisyon (1986),[4] ipinanukala ng IHO ang Dagat Natuna, kaya lumipat ang katimugang hangganan ng Dagat Timog Tsina pahilaga, mula sa hilaga ng Kapuluang Bangka Belitung papunta sa
- hilaga at hilagang-silangan ng Kapuluang Natuna.[5]
May libu-libong maliliit na mga kapuluan sa Dagat Timog Tsina, kabilang ang Kapuluang Spratly, Kapuluang Paracel, at Kapuluang Pratas. Ang dagat at ang karamiha'y mga hindi tinirhang pulo ay paksa ng mga pinagtatalunang pag-aangkin ng soberanya ng ilang mga bansa. Ang mga pag-aangkin na ito ay masasalamin sa samu't-saring mga pangalan na ginagamit para sa mga pulo at sa dagat. Isa na rito ang "West Philippine Sea" na opisyal na katawagan para sa bahagi ng dagat na sakop ng inaangking eksklusibong sonang ekonomiko (EEZ) ng Pilipinas.
Mga pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa wikang Ingles, ang nangingibabaw na katawagan sa dagat ay ang South China Sea (Dagat Timog Tsina), at ang pangalan sa maraming mga wikang Europeo ay katumbas dito. Ito ay bunga ng unang interes ng mga Europeo sa dagat bilang isang ruta mula Europa at Timog Asya sa mga pagkakataong pakikipagkalakal sa Tsina. Noong ika-16 na dantaon, nilakbayan ito ng mga Portuges at tinawag itong Mare da China (literal na "Dagat Tsina"). Paglaon ay tinawag nila itong Dagat Timog Tsina upang itangi ito sa kalapit na mga anyong tubig.[6]
Ayon sa talang Yizhoushu, noong panahon ng dinastiya ng Kanluraning Zhou (1046–771 B.K.) ang pangalan na naibigay ay Nanfang Hai (Tsino: 南方海; pinyin: Nánfāng Hǎi; lit.: "Southern Sea"), na ayon sa nakasaad sa tala ay bunga ng pagbigay ng mga barbaro ng mga pawikang hawksbill sa mga pinunong Zhou bilang tributo.[7] Tinukoy rin ng mga klasiko ng Classics of Poetry, Zuo Zhuan, at Guoyu ng panahong Tagsibol at Taglagas (771–476 B.K.) ang dagat, ngunit sa pangalang Nan Hai (Tsino: 南海; pinyin: Nán Hǎi; lit.: "South Sea") bilang pagbanggit sa mga ekspedisyon ng Estado ng Chu sa dagat.[7] Ang binansagang "Dagat Timog" o Nan Hai ay isa sa Mga Apat na Dagat sa panitikang Tsino. Noong dinastiya ng Silangang Han (23–220 B.K.), tinawag itong Zhang Hai ng mga pinunong Tsino (Tsino: 漲海; pinyin: Zhǎng Hǎi; lit.: "pinalaking dagat").[7] Ang kasalukuyang pangalang Tsino na Nan Hai (Dagat Timog) ay naging malawakan noong Dinastiyang Qing.[8]
Sa Timog-silangang Asya, ito ay dating tinawag na Dagat Champa o Dagat ng Cham (Ingles: Champa Sea/Sea of Cham), mula sa kahariang pandagat ng Champa na sumibol doon bago ang ika-16 na dantaon.[9] Karamihan ng dagat ay napunta sa kamay ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig kasunod ng pananakop ng mga nakapaligid na maraming mga teritoryo sa Timog-silangang Asya noong 1941. Tinawag nila ang dagat na Minami Shina Kai (Dagat Timog Tsina). Ito ay sinulat na 南支那海 hanggang 2004, nang binago ng Japanese Foreign Ministry at ng maraming mga kagawaran ang pagbaybay sa 南シナ海, na naging pamantayang paggamit sa Hapon.
Ang tawag ng Vietnam sa dagat ay Biển Đông ("Dagat Silangan" o "East Sea'').[10][11][12] Sa Malaysia, ang tawag nila dito ay Laut Cina Selatan (Dagat Timog Tsina). Sa Pilipinas, matagal na ito'y tinawag na South China Sea (Dagat Timog Tsina), kalakip ang bahagi sa loob ng mga teritoryal na katubigan na malimit na tawaging Dagat Luzón (Luzon Sea).[13]
Ngunit noong Hunyo 10, 2011, kalakip ng lumalalang sigalot sa Kapuluang Spratly, inihayag ng pamahalaan ng Pilipinas na ipinangalan ang Dagat Luzon bilang West Philippine Sea upang maipalakas ang pag-angkin nito sa nabanggit na likas na tampok sa dagat.[14] Umaayon umano ito ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas at ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Winika ng isang tagapagsalita ng Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko (PAGASA) na mananatiling Philippine Sea ang katawagan sa dagat sa silangan ng Pilipinas.[15]
Noong Setyembre 2012, nilagdaan ni noo'y Pangulong Benigno Aquino III ang Kautusang Pampangasiwaan Blg. 29 (Administrative Order No. 29) na iniuutos sa lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang pangalang West Philippine Sea upang tumukoy sa mga bahagi ng Dagat Timog Tsina sa loob ng eksklusibong sonang ekonomiko ng Pilipinas, at iniatas sa Pambansang Pangasiwaan sa Pagmamapa at Dulugang Kaalaman (NAMRIA) na gamitin ang pangalan sa mga opisyal na mapa.[16][17]
Noong Hulyo 2017, upang igiit ang soberanya nito, binago ng Indonesya ang hilagang mga abot ng EEZ nito sa Dagat Timog Tsina bilang Dagat Hilagang Natuna (North Natuna Sea), na matatagpuan sa hilaga ng Kapuluang Natuna at hinahangganan ang katimugang bahagi ng EEZ ng Vietnam, katumbas sa katimugang dulo ng Dagat Timog Tsina.[18] Ang "Dagat Natuna" ay nasa timog ng Pulo ng Natuna sa loob ng mga teritoryal na katubigan ng Indonesya.[19] Dahil diyan, nagbigay ang Indonesya ng pangalan ng dalawang mga dagat na mga bahagi ng Dagat Timog Tsina; ang Dagat Natuna na matatagpuan sa pagitan ng Kapuluang Natuna at ang mga Kapuluang Lingga at Tambelan, at ang Dagat Hilagang Natuna ay nasa pagitan ng Kapuluang Natuna at Tangos ng Cà Mau sa katimugang dulo ng Delta ng Mekong sa Vietnam.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga estado at teritoryong may mga hangganan sa dagat ang (paikot sa kanan mula sa hilaga): Republikang Bayan ng Tsina, Republika ng Tsina, Pilipinas, Malaysia, Brunei, Indonesya, Singapore, at Vietnam.
Ilan sa mga pangunahing ilog na dumadaloy papalabas sa Dagat Timog Tsina ang mga Ilog Pearl, Min, Jiulong, Red, Mekong, Rajang, Pahang, Agno, Pampanga, at Pasig.
Mga pulo at seamount
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Dagat Timog Tsina ay naglalaman ng higit sa 250 maliliit na mga pulo, karang (atolls), cay (maliliit na pulo), bahura (reefs), kulumpon (shoal), at pilapil ng buhangin (sandbar), karamihan ay hindi nagtataglay ng katutubong populasyon. Karamihan sa mga ito ay likas na nakalubog kapag taib (high tide), at ilan ay palagiang nakalubog. Nakapangkat ang mga tampok sa tatlong mga kapuluan (nakatala ayon sa sukat ng lawak), Macclesfield Bank at Kulumpol ng Scarborough:
- Kapuluang Spratly
- Kapuluang Paracel
- Kapuluang Pratas
- Macclesfield Bank
- Kulumpol ng Panatag (o Bajo de Masinloc, pandaigdigang Kulumpol ng Scarborough)
Umaabot ang Kapuluang Spratly sa higit na 810 sa 900 kilometrong lawak na sumasaklaw ng ilang 175 natukoy na mga pulong tampok, ang pinakamalaki ay ang Pulo ng Ligao (pandaigdigang Pulo ng Taiping) na may habang hihigit lamang sa 1.3 kilometro (0.81 milya) at pinakamataas na elebasyon nito na 3.8 metro (12 talampakan).
Ang pinakamalaking nag-iisang tampok sa lugar ng Kapuluang Spratly ay ang Recto Bank (Reed Bank) na may lapad na 100 kilometro (62 milya). Ito ay nasa hilagang-silangan ng pangkat at nakahiwalay sa pulo ng Palawan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Palawan Trench. Dati itong pulo na lumubog may 7,000 taon na ang nakararaan dahil sa tumataas na lebel ng dagat kasunod ng huling kapanahunan ng yelo (ice age), at kasalukuyan itong nakalubog sa lalim na 20 metro (66 talampakan). Dahil sa lawak nitong 8,866 kilometro kuwadrado (3,423 milyang kuwadrado), ito ay isa sa pinakamalaking mga estrukturang karang sa mundo.
Ang Bilang ng Halaga ng Dagat Timog Tsina
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa pagtataya, kayang mareserbahan ng Dagat Timog Tsina ang higit na 7,700,000,000 barel ng langis at 266 cu. ft. ng natural gas.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ [1] ChinaPower, August 4, 2017.
- ↑ A look at the top issues at Asian security meeting Associated Press, Robin McDowell, July 21, 2011.
- ↑ "Limits of Oceans and Seas, 3rd edition" (PDF). International Hydrographic Organization. 1953. § 49. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 8 Oktubre 2011. Nakuha noong 7 Pebrero 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "IHO PUBLICATION S-23, Limits of Oceans and Seas, Draft 4th Edition, 1986". IHO. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-04-12. Nakuha noong 2019-07-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Limits of Ocean and Seas" (PDF). International Hydrographic Organization. pp. 108–109. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2018-04-30. Nakuha noong 2019-09-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tønnesson, Stein (2005). "Locating the South China Sea". Sa Kratoska, Paul H.; Raben, Remco; Nordholt, Henk Schulte (mga pat.). Locating Southeast Asia: Geographies of Knowledge and Politics of Space. Singapore University Press. p. 204. ISBN 9971-69-288-0.
The European name 'South China Sea' ... is a relic of the time when European seafarers and mapmakers saw this sea mainly as an access route to China ... European ships came, in the early 16th century, from Hindustan (India) ... The Portuguese captains saw the sea as the approach to this land of China and called it Mare da China. Then, presumably, when they later needed to distinguish between several China seas, they differentiated between the 'South China Sea', ...
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 Shen, Jianming (2002). "China's Sovereignty over the South China Sea Islands: A Historical Perspective". Chinese Journal of International Law. 1 (1): 94–157.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 華林甫 (Hua Linfu), 2006. 插圖本中國地名史話 (An illustrated history of Chinese place names). 齊鲁書社 (Qilu Publishing), page 197. ISBN 7533315464
- ↑ Bray, Adam (Hunyo 18, 2014). "The Cham: Descendants of Ancient Rulers of South China Sea Watch Maritime Dispute From Sidelines - The ancestors of Vietnam's Cham people built one of the great empires of Southeast Asia". National Geographic.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "VN and China pledge to maintain peace and stability in East Sea". Socialist Republic of Vietnam Government Web Portal. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2021-07-03. Nakuha noong 2019-07-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "FM Spokesperson on FIR control over East Sea". Embassy of Vietnam in USA. Marso 11, 2001.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Map of Vietnam". Socialist Republic of Vietnam Government Web Portal. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2006-10-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ John Zumerchik; Steven Laurence Danver (2010). Seas and Waterways of the World: An Encyclopedia of History, Uses, and Issues. ABC-CLIO. p. 259. ISBN 978-1-85109-711-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.the-diplomat.com/new-leaders-forum/2011/12/15/the-west-philippine-sea/
- ↑ Quismundo, Tarra (2011-06-13). "South China Sea renamed in the Philippines". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-10-03. Nakuha noong 2011-06-14.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Administrative Order No. 29, s. 2012". Official Gazette. Government of the Philippines. Setyembre 5, 2012. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Mayo 18, 2018. Nakuha noong Hulyo 31, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ West Philippine Sea Limited To Exclusive Economic Zone, September 14, 2012, International Business Times
- ↑ Prashanth Parameswaran (17 Hulyo 2017). "Why Did Indonesia Just Rename Its Part of the South China Sea?". The Diplomat.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tom Allard; Bernadette Christina Munthe (14 Hulyo 2017). "Asserting sovereignty, Indonesia renames part of South China Sea". Reuters.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)