Pumunta sa nilalaman

Wikang Griyego

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa ISO 639:el)
Griyego
ελληνικά
ellīniká
Bigkas[eliniˈka]
Katutubo saGreece, Cyprus, Italy, Turkey, Abkhazia, Albania, Egypt, Romania, France, Ukraine and in the Greek diaspora
Mga natibong tagapagsalita
13.1 million (2009)[1]
Indo-Europeo
Pamantayang anyo
Mga diyalekto
Alpabetong Griyego
Greek Braille
Opisyal na katayuan
 Greece
 Cyprus
 European Union
Kinikilalang wika ng minorya sa
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1el
ISO 639-2gre (B)
ell (T)
ISO 639-3Marami:
grc – [[Ancient Greek]]
ell – [[Modern Greek]]
pnt – [[Pontic Greek]]
gmy – [[Mycenaean Greek]]
gkm – [[Medieval Greek]]
cpg – [[Cappadocian Greek]]
yej – [[Yevanic]]
tsd – [[Tsakonian]]
Linguasphere56-AAA-a (varieties: 56-AAA-aa to -am)
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.

Ang Griyego (Griyego: Ελληνικά, bigkas /e·li·ni·ká/, “Eleniko”) ay bumubuo ng kanyang sariling sangay sa pamilya ng mga wikang Indo-European. Nagtataglay ito ng 3500 taon ng nakatalang kasaysayan, ang pinakamahaba sa anumang wikang Indoeuropeo. Isinasalita ito ng 15 milyong tao.

Ang wikang Griego o Ellinika ng bansang Gresya ay isa sa pinakamatandang wika sa Europa na higit pa ang gulang sa Indo-Europeong pangkat ng mga wika. Ang pagkakaroon nito ng mga bagong salita mula sa iba pang bansang Europeo ay lalo pang nagpayaman sa wikang ito at sa kasalukuyan ang wikang ito ay may ilang sangay ng wika katulad ng Ruso, Galida o Aleman at mga wika na nakapalibot sa bansang Rusya malapit sa Asya.Ang wikang Griego ay may dalawang pangkat at ito ay ang KATHAREVUSA o dinalisay na Griego at ang ikalawa ay ang KOINE o tinaguriang pangkalahatang gamit na Griego. Sa kasalukuyan, ang KOINE na Griego ang siyang kinilalang pambansang Wika nang nasabing bansa at nilahukan na lang ng ilang mahalagang salita mula sa KATHAREVUSA dahil umano na di lubus ang pakahulugan ng salitang Griego kapag pinaghiwalay ang dalawang anyo ng Wikang ito. Ang wikang Griego o Ellinika ay gamit sa pakikipagtalastasan sa buong Grecia, sa kapuluan ng Creta at gayon din sa pulo ng Kypros.

Mga aspektong historiko, sosyal at pangkultural

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga wika o diyalektong Griyego ay nasa isang kub-angkanhay (subfamily) na nasa pamilyang Indo-Europeo. Kasama ng mga nakasulat na rehistro sa loob ng 3,400 taon. Ang wikang Griyego ay isa sa mga lenggwaheng ang makasaysayang pag-unlad ay maaaring masundan sa matagal na panahon, na nalalampasan lamang ng mga nasusulat ng wika sa wikang Tsino, Ehipto, at Hitito.[6] Ang kasaysayan ng wikang Griyego ay maaring mahati sa mga sumusunod na mga panahon.

  • Pinagmulan: Ang prehistorya ng wikang Griyego ay sumulong dahil sa mga binuong Indo-europeong huna (teoriya) simula sa gitna ng ika-XIX na siglo. Ang wikang Griyego, tulad ng mga wika sa grupong Indoaryano o Armenyo, ay nanggaling sa mga diyalektong ginamit ng mga bayang maaring lumipat sa kalagitnaan ng ika-apat na milenyo bago ang ating higtion (era) mula sa mga estepa (steppes) ng hilagang Dagat Itim sa lambak sa baba ng Ilog Danubyo. Mula sa rehiyong ito, ang mga tagapagsalita ng wikang Proto-Griyego ay lumipat patimog, papunta sa Balkanikong Tangway.
  • Karaang Griyego: Tinatantiya na dumating ang unang alon (first wave) ng mga tagapagsalita ng mga Griyegong diyalekto sa Peloponeso (Pelloponnese) at sa ilang mga pulo sa Dagat Egeo sa ikalawang milenyo. Kinilala sila bilang ang mga ἀχάιοι (akháioi, "akeyos") ni Homer at ang mga Ahhiyawa na nanggaling sa Hitito. Ang sinasalita ng mga Akeyos ay tila isang base ng mga naunáng Honico-Atikong (Ionic-Attic) diyalekto. Ang mga pelasgo o mga nakaraang tagapagsalita ng Helenikong Tangway ay nahalinhinan ng mga tagapagsalita ng Griyego.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Greek language". SIL International. 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-09. Nakuha noong 2013-03-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Greek". Office of the High Commissioner for Human Rights. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Nobyembre 2008. Nakuha noong 8 Disyembre 2008. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Eastern Europe at the end of the 20th century, Ian Jeffries, p. 69
  4. Hellenic Republic: Ministry of Foreign Affairs: Italy: The Greek Community
  5. 5.0 5.1 5.2 "List of Declarations Made with Respect to Treaty No. 148". Council of Europe. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Disyembre 2018. Nakuha noong 8 Disyembre 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. García Gual, Carlos; Lucas de Dios, José María; Morales Otal, Concepción (2004). "Kasaysayan ng Wikang Griyego: Ang Lingguwistikong Pamilyang Indoeuropeo». Griyego 1 (1ª edición). Santillana. p. 10. ISBN 8429482563.
Wikipedia
Wikipedia