Pumunta sa nilalaman

Bhutan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kaharian ng Bhutan
འབྲུག་རྒྱལ་ཁབ་ (Dzongkha)
Druk Gyal Khap
Eskudo ng Bhutan
Eskudo
Salawikain: Isang Bansa, Isang Sambayanan
Awiting Pambansa: Druk tsendhen
Location of Bhutan
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Thimphu
Wikang opisyalDzongkha
PamahalaanMonarkiyang Konstitusyonal
• Hari
Jigme Khesar Namgyel Wangchuck
Pagkabuo
• Dinastiyang Wangchuk
12 Disyembre 1907
Lawak
• Kabuuan
47,500 km2 (18,300 mi kuw) (ika-130)
• Katubigan (%)
negligible
Populasyon
• Pagtataya sa 2005
2,232,291 (pinagtatalunan)[1] (ika-139)
• Senso ng 2005
672,425
• Densidad
45/km2 (116.5/mi kuw) (ika-123)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2005
• Kabuuan
$2.913 bilyon (ika-162)
• Bawat kapita
$3,330 (ika-124)
TKP (2003)0.536
mababa · ika-134
SalapiNgultrum (BTN)
Sona ng orasUTC+6:00 (BTT)
Kodigong pantelepono975
Kodigo sa ISO 3166BT
Internet TLD.bt

Ang Kaharian ng Bhutan ay isang bansang walang pampang na nasa mga bundok ng Himalaya, sa pagitan ng India at Tsina sa Timog Asia. Druk Yul ang lokal na pangalan ng bansa. Tinatawag din na Druk Tsendhen (lupain ng dragong kulog), dahil sinasabing katunog ng ungal ng mga dragon ang mga kulog doon. Sa kasaysayan, kilala ang Bhutan sa maraming pangalan, katulad ng Lho Mon (katimogang lupain ng kadiliman), Lho Tsendenjong (katimogang lupain ng cypress), at Lhomen Khazhi (katimogang lupain ng apat na mga paglapit). Hindi malinaw ang pinagmulan ng pangalang Bhutan; inimungkahi ng mga dalubhasa sa kasaysayan na maaaring nagmula sa baryasyon ng mga salitang Sanskrit na Bhota-ant (ang dulo ng Bhot – ang ibang salita para sa Tibet), o Bhu-uttan (mataas na mga lupain). Tinatayang ginagamit ang salitang Bhutan bilang pangalang noong huling bahagi ng ika-9 na siglo BC.

Isa ang Bhutan bilang sa pinakabukod at pinakahuli sa mga sumusulong na mga bansa sa mundo. Labis na nililimitahan ng pamahalaan ang turismo at impluwensiyang banyaga upang mapanatili ang tradisyunal na kultura. Binubuo ang tanawin ng mga subtropikal na mga kapatagan hanggan sa mga kataasan ng Himalaya, na hihigit sa pitong libong metro. Mahayana Budismo ang relihiyon ng estado at kinabibilangan ng kalahati ng populasyon ng bansang ito. Thimphu ang kapital at pinakamalaking bayan.

Mga teritoryong pampangasiwaan

    Kawil

    Tala

    1. Ang populasyon ng Bhutan ayon sa senso ng Pamahalaan ng Bhutan ay 734,320 (2003) [1]. Ang taya ng populasyon sa CIA Factbook ay 2,232,291 kahit na itinatakda rin nito na may pagtatayang kasimbaba ng 810,000. [2]. Ang pagtataya ng United Nations ay 2,163,000 (2005). Hindi naka-dokumento ang pamamaraang ginamit sa pagtataya ng populasyon ng CIA o ng United Nations, sa kabilang panig, nagbigay ng detalyadong bilang ng populasyon ang pamahalaan ng Bhutan hanggang sa antas ng gewog. Noong Hunyo 2005, isang senso ang ginawa at ang pinakahuling bilang ng populasyon na binanggit ng pamahalaan batay sa senso ay 672,425. Ang detalyadong pagkakahati ng impormasyon ay makikita sa sumusunod na websayt http://www.bhutancensus.gov.bt. Ang mga ranggo ay nakabatay sa CIA Factbook.


    Bhutan Ang lathalaing ito na tungkol sa Bhutan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.