Pumunta sa nilalaman

Super Bagyong Egay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bagyong Egay (Doksuri)
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 5 (Saffir–Simpson)
Ang Super Bagyong Egay sa Pilipinas
NabuoHulyo 19, 2023
NalusawHulyo 28, 2023
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 185 km/h (115 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 270 km/h (165 mph)
Pinakamababang presyur917 hPa (mbar); 27.08 inHg
Namatay137 (25 for validation)
Napinsala$15.73 bilyon (2023 USD)
ApektadoChina, Pilipinas, Taiwan
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2023

Ang Bagyong Egay, (Pagtatalagang pandaigdig: Super Bagyong Doksuri) ay ang isang napakalakas na bagyo na nanalasa sa Pilipinas at Tsina, ay ang ikalimang bagyo sa Pilipinas sa taong 2023, Ay nanalasa sa parteng Hilagang Luzon noong ika 25, Hulyo 2023 ng umaga. Naglandfall ang bagyo sa isla ng Camiguin sa Aparri, Cagayan dakong 10pm ng gabi at ika 26 Hulyo, 8am ng umaga sa isla ng Babuyan Claro sa lalawigan pa rin ng Cagayan. Huling namataan ang bagyo sa layong 260 kilometro hilagang kanluran ng Laoag , Ilocos Norte pa tungo sa lungsod ng Xiamen sa Tsina.

Ika Hulyo 19 sa layong higit 300 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur sa Mindanao ay mayroong namataang sama ng panahon bilang si Invest 98 W na pinangalanan ng JTWC ng America at JMA ng Japan ayon sa ECWF ng European kompyuter models ay magulo ang track ng bagyo dahil sa umiiral high pressure area sa itaas bahagi nito sa bandang isla sa Okinawa sa Japan. Ika Hulyo 22 ng maging isang ganap na Tropikal bagyo na pinangalanan sa internasyonal bilang Doksuri at sa PAGASA na pinangalanan bilang Egay sa Pilipinas.

Ang galaw ng Bagyong Egay (Doksuri).

Nakahanda ang lokal ng bawat ahensya partikular sa rehiyong Lambak ng Cagayan na sentrong tatamaan ng bagyo, Bago pa dumating ang bagyo ay inilikas ang mahigit na sa 26,697 ang pamilya at manatili sa mga evacuation centers, Itinaas sa Signals #1 at 2 ang Aurora, Isabela at Cagayan. Ika Hulyo 25 ng nakapasok na sa landmass ng Hilagang Luzon ang sentrong mata ng bagyong Egay na may layong 250 kilometro silangan ng Tuguegarao. Mahigit 433 pamilya ang inilikas sa bayan ng Santa Ana, Cagayan na nakaranas ng hagupit ng bagyo na itinaas sa Signal#4.

Nakahanda ang lungsod ng Kaoshiung sa Taiwan ay itinaas sa Cylome Warning 10 dahil sa banta ng Bagyo, nasa layong 375 kilometro sa timog kanluran ng lungsod ang sentro ng bagyo.

Nakaranas ang Hilagang Luzon ng matinding pag ulan sa mga Rehiyon ng Ilocos, Cordillera at Lambak ng Cagayan, lubog sa baha ang bayan ng Bangued, Abra at sa bahaging kalsada sa Baguio at sa bayan sa Kapangan, Benguet ang pagguho ng lupa sa kasagsagan ng malakas na ulan bunsod ng hanging Habagat. Ayon sa NDRRMC mahigit 328, 356 na pamilyang kabuuan ang apektado ng bagyo. Sa Ilog Marikina ay nagdulot ng pagbaha sa paligid ng mga barangay nito ay itinaas ang ikatlong alarma na umabot sa 17 metrong tubig baha.

Pagtaob ng MB Aya Express

[baguhin | baguhin ang wikitext]
2023 MB Aya Express tragedy
Oras1:00 p.m. PST (UTC+8:00)
Petsa27 Hulyo 2023 (2023-07-27)
LugarBinangonan, Rizal, Calabarzon
Mga namatay32

Ika 27 Hulyo dakong 1pm ng hapon ay tumaob ang bangkang MB Aya Express lulan ng 70 katao, sa baryo Kalinawan, Binangonan, Rizal patungong Isla ng Talim sa Lawa ng Laguna. Higit 30 ang naitalang nasawi at 40 ang mga nakaligtas.

Mga pagbaha sa Tsina ng 2023

Ika 27 ng Hulyo ng maglandfall ang sentro ng super bagyong egay sa lungsod ng Xiamen sa Kategoryang 2 habang binabaybay ang rehiyong Silangang Tsina, na nagdulot ng malawakang pagbaha at pagkasira ng mga daanan at tulay. Matinding na puruhan ang mga lungsod ng Fuzhou, Swatow, Nanchang, Zhenjiang, Wuhan at Hefei ay higit sa 2.1 bilyong dolyar $ ang ang imprastraktura ang napinsala sa bansa.

Lubog sa baha ang bunsod ng walang tigil na buhos ng ulan dala ng hanging Habagat at dulot ng bagyo, ay rumagasa ang isang flashflood sa iilang distrito nito, nag sailalim ang lungsod ng "State of Calamity".

Super Bagyo-Warning Signal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
PSWS LUZON BISAYAS
PSWS #5 Babuyan Islands, Camiguin Islands WALA
PSWS #4 Apayao, Batanes, Cagayan, Ilocos Norte WALA
PSWS #3 Abra, Ifugao, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, Mountain Province WALA
PSWS #2 Aurora, Baguio, Benguet, Quirino, La Union, Nueva Vizcaya, Pampanga, Pangasinan, Tarlac WALA
PSWS #1 Albay, Bataan, Batangas, Bulacan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Laguna, Kalakhang Maynila, Masbate, Marinduque, Nueva Ecija, Quezon, Zambales Biliran, Leyte Hilagang Samar, Silangang Samar
Sinundan:
Dodong
Kapalitan
Emil (unused)
Susunod:
Falcon