Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang kabiserang lungsod ng Pilipinas na isa sa 17 lungsod at munisipalidad na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng pambansang punong rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon, isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirahan ng humigit sa 19 na milyong katao. Ang Maynila, na sumasakop ng 38.55 na kuwadrado ng kilometro, ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Pero ang kalapit na lungsod, ang Lungsod Quezon, ang dating kabisera ng bansa, ay mas matao. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya. Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hongkong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singgapur at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Ang Ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa depositong alubyal ng Ilog Pasig at Look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.
Nagdeklara ang Pangulo ng Timog Korea na si Yoon Suk Yeol ng batas militar upang supilin ang diumanong "mga pagbabanta ng mga puwersang komunista sa Hilagang Korea at upang alisin ang mga elementong kontra-estado." Binawi din niya din niya ang deklarasyon ilang oras pagakatapos ng boto ng pagtutol ng Kapulungang Pambansa.
Ipinabatid ng mga Palestinong opisyal na malapit na ang Fatah at Hamas na umabot sa kasunduan sa paghirang ng kumiteng teknokratiko na mamamahala sa Piraso ng Gaza kasunod ng katapusan ng digmaang Israel–Hamas.
Pinandigan ng isang korte sa Lungsod ng Ho Chi Minh, Biyetnam ang parusang kamatayan para sa makapangyarihang negosyante ng ari-ariang lupain at bahay na si Trương Mỹ Lan pagkatapos napagpasyahang nagkasala ng pagdispalko ng $12.5 bilyon sa pamamagitan ng Sai Gon Joint Stock Commercial Bank.
Naghain ng reklamong pagsasakdal (o impeachment) laban kay Pangalawang PanguloSara Duterte (nakalarawan) ng Pilipinas ang koalisyon ng mga pribadong indibiduwal na sinasaad sa pagsasakdal ang 24 na artikulo ng pagsasakdal, kabilang maling paggamit ng bilyong pisong pondong konpidensyal sa kanyang panunungkulan bilang alkalde ng Lungsod ng Dabaw at Pangalawang Pangulo, at direktang pagsangkot sa mga patayang labas sa batas (o extrajudicial killings at pagbabanta laban sa mga matataas na opisyal partikular kina PangulongBongbong Marcos, Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at IspikerMartin Romualdez.
Napiling larawan
Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.
... na unang inilagak ang labi ni Jose Rizal sa Liwasang Paco bago ito nailipat sa bahay ng kapatid niyang si Narcisa at kalaunan, sa Liwasang Rizal?
... na maaring makuha ang langis ng niyog sa dalawang uri ng proseso: basa o tuyo?
... na nakakahawa ang pagtawa, (nakalarawan ang batang tumatawa) at maaaring magdulot ang pagtawa ng isang tao ng pagtawa mula sa iba bilang positibong tugon?
Ito ang Wikipedia sa wikang Tagalog. Nagsimula ito noong Disyembre 2003, naglalaman ngayon ito ng 48,064 mga artikulo. Nakasulat din ang mga Wikipedia sa iba't ibang salitain: